Mafia Boss 2: Owned By Him

بواسطة ateEmp

1.7M 48.1K 2.8K

|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWN... المزيد

Owned By Him
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
THANK YOU!
Epilogue

Chapter 46

29.9K 793 21
بواسطة ateEmp

"H-huh? I mean it's good, for the twins," I said.

Naghagikhikan naman ang kambal. Na parang nararamdaman din nila ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Hay nako.

Lumapit na rin sila Mama at Papa.

"Anak, mauna na kami? Bukas babalik nalang kami dito para sunduin kayo." Nang dahil sa sinabi ni Mama ay hindi ako nakapagsalita agad.

"T-teka, Ma!" Huwag niyo naman po akong iwan dito kasama si Zy baka kainin ako nito ng buhay dahil may galit siya sa akin!

"Zyrone said he'll take care of you three," kumindat pa siya tapos lumakad na sila ni papa at wala na akong nagawa.

"What's with the face Mama?" Kyara asked.

"Ah, nothing baby." I said and smiled.

So kaming apat nalang ang matitira dito sa kwartong ito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Mama kiss?" Kyara asked. Lalo akong napangiti when she said that. Oh yeah I guess that's what I need right now. Their little kisses.

At tulad nga ng inaasahan ko pinugpog nila ako pareho ng halik.

Habang si Zyrone naman ay pumunta doon sa table at may kinukuha na hindi ko alam. Tapos pagbalik ay may inabot siya sa akin na tatlong pirasong gamot at isang basong tubig.

"Time for your meds," agad ko namang inabot ito at ininom.

Sweet.

"Thanks." I said. 

Tapos may kumatok sa pinto at bumukas iyon at pumasok si Dr. Sam.

"Doc. Sam!" Kyara waved her hand.

"Hi."

Kahit ako ay napangiti na rin dahil sa magaganda niyang ngiti. Tinignan niya kaming apat at mas lalo siyang napangiti.

"Perfect family!" She said. Teka alam niya na? Tapos teka hindi ba girlfriend siya ni Zy or asawa? Oh no. Pero kasi Kho pa rin ang apelido niya.

"Napakaganda niyong tignan. I haven't even imagine na mangyayari ito. Aish, kinikilig ako," she said again. Pero naguhuluhan ako, kinikilig siya para sa amin? Walang halong ka-plastikan ang inaasal niya so ibig sabihin walang namamagitan sa kanila ni Zyrone?

"He's a big brother to me, don't worry." And then doon na nasagot lahat ng katanungan ko na ikinahinga ko ng maluwag. Salamat naman.

"Kyara, last meds!" Sabi niya. Kinuha naman siya sa akin ni Zyrone. Tapos heto na naman ang mabilis na tibok ng puso ko when our face were just inches apart. I even felt his warm breath on the side of my neck. Tapos ang napakabango niyang katawan ay tila ba nakapagpagising ng ilang milyong paru-paro sa aking tiyan. Damn.

"Mamimiss kita Doc. Sam," my daughter said.

"You can go here baby if your Daddy will let you, right Zy?"

"Ah yes, of course." Sagot naman ni Zyrone.

Pagkatapos niyang i-check ulit si Kyara ay hinila siya ni Zyrone palabas. I don't know why. Baka may pag-uusapan sila?

"I'm sleepy," sambit ni Akira.

"I am too," sabi naman ni Kyara.

Kahit ako ay inantok, hindi ko alam kung epekto ba ito ng gamot.

"Okay, let's go to sleep." Sabi ko at lumipat kami sa kama. I let them sleep there habang ako ay nasa sofa. Malaki naman itong sofa kaya dito nalang ako.

"Don't move too much, you're not well yet," said by the man na hindi ko man lang napansin na nakapasok na siya ulit dito.

"I'm fine," huminga ako ng malalim. "I'm just...sleepy. Inayos ko lang 'to, dito nalang ako matutulog the twins were sleeping there," nginuso ko yung kama.

Umupo naman siya sa sofa. I pouted. Paano kaya ako makakatulog?

"What are you waiting?" Napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Sleep now Kyana. You don't have pillows that's why I'm offering my thighs."

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi rin ako gumagalaw sa pwesto ko kaya hinila niya ako ng marahan para makahiga.

"Get rest and we'll talk later," his husky voice filled my ear.

"O-okay," I answered. Hindi ko na talaga mapigilan ang pagpikit ng mata ko kaya nakatulog akong kinikilig at masaya.

Nagising ako at nakita ko agad ang mukha ni Zy. He's also sleeping at nakasandal ang ulo niya sa likod ng sofa.

Napakabait niya talaga tignan kapag tulog. Napakagwapo rin.

I really missed how I used to wake up at nasa tabi ko siya, malayang pinagmamasdan ang perfect facial features niya.

Mula sa napakakinis na balat, sa makakapal na kilay at pilik mata, perfect na ilong dahil sa sobrang tangos, at mapupulang labi. Kailanman hinding hindi ako mapapagod na titigan ang mga iyon.

I was about to reach for his face to caress it gently pero nagsimulang gumalaw ang bibig niya.

"Done checking me?" He asked. Napaupo naman ako agad. Gising siya?!

"H-hindi ah." Tumaas ang gilid ng labi niya na tila ba gustong ngumiti pero pinigilan niya.

Hays kailan kaya niya ako titiisin na magalit sa akin?

Inangat niya na ang ulo niya mula sa pagkakasandal at napangiwi siya nang dahil dito. Nangalay siguro ang leeg.

"Are you okay?" He didn't answer he just stared at me.

"I'm sorry, hindi mo naman kasi kailangang i-offer pa yung thighs mo eh, ayan tuloy you didn't get a good sleep." Halata namang puyat at pagod pa rin siya dahil sa nangyari at binantayan niya pa si Akira kagabi. Parang ngayon lang ata siya nakakuha ng tulog.

And at the same time na-conscious din ako bigla sa itsura kong bagong gising dahil sa patuloy na pagtitig niya sa akin.

Don't stare at me like that Zyrone! Baka gusto mong halikan kita diyan!

I shook my head dahil sa naisip ko.

"Don't worry, babalik nalang ako sa kwarto ko mamaya and I'll take Akira with me para makahiga ka sa kama katabi si Kyara. Okay ba 'yon?" Hindi pa rin siya sumagot. Ganyan ba talaga kalaki ang galit niya sa akin?

I pouted.

"Are you really that mad at me?" Tumungo ako.

I know malaki rin naman ang nagawa kong kasalanan dahil hindi ko sinabi sa kanya agad na may anak kami. Tapos nalaman niya nalang when Akira was kidnapped at doon mas lalo siyang nagalit sa akin. And then we almost lost her dahil sa bomba. At kasalanan ko. Kasalanan ko and I'm regretting it now.

"I'm sorry. When will you forgive me? May dapat ba akong gawin para mapatawad mo ako? Say it. Gagawin ko. Just don't take the twins away from me dahil hindi ko kaya. Kahit 'yun lang tapos ikaw na bahala kung ano dapat ang gagawin ko just for you to forgive me, kasi..." I bit my lip. Hindi ko na kayang hindi mo ako pansinin kahit na magkalapit lang tayo. Hindi ko kayang magalit ka sa akin at binabalewala ako. Nasasaktan din ako eh.

"Kasi?" He asked.

"Kasi ayokong magalit ka sa akin ng mahabang panahon at..." Tumingin ulit ako sa kanya.

"At?"

"Zyrone..."

"What?"

"Ano ba dapat ang gawin ko?"

"Kyana I'm still mad at you," tumungo ulit ako.

"I know that's why I'm sorry."

"I was going insane when I learned about the twins and Akira..." Huminga siya ng malalim.

"...dammit Kyana, nagagalit pa rin ako dahil sa ginawa mo. I can't lose you and the twins at muntik na. I may look tough outside pero ang hindi niyo alam malapit na akong mabaliw dahil sa takot. I'm blaming myself, kahit sa sarili ko galit ako. He almost killed you and my daughter. The same person who killed my Mom. What do you think I would feel about that? Isang bangungot para sa akin 'yon at hindi sana mangyayari 'yon kapag sinabi mo sa akin agad ang totoo because I can protect you and the twins kapag nasa tabi ko kayo." Kuyom ang nga kamao niya.

Gusto ko sanang magfocus doon sa sinabi niyang hindi niya kayang mawala kami. So that includes me. Sinasabi ko na nga ba at may pagtingin pa rin tong si Zyrone sa akin kahit katiting pero mas nagulat ako sa sinabi niya about his Mom and Beyb.

The same person who killed his mom? Anong ibig niyang sabihin?

Si Beyb? Pinatay niya ang mommy ni Zyrone? Pero bakit?

"Oh god. H-how?" Naramdaman kong malapit nang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.

"Don't cry," matigas niyang sabi. Pinunasan ko agad ang luha ko.

"H-hindi na, but can you please enlighten me? Ano bang nangyari sa inyo ni Beyb dati? Bakit ganon? B-bakit pinatay ni Be--"

"Fuck! Don't call him that," pulang-pula ang mukha niya, naiinis ata.

"Ang alin? Si Beyb?" Binigyan niya ako ng matatalim na tingin. Kung wala lang sana kami sa seryosong sitwasyon ngayon mag-aassume ako na naiinis siya dahil nagseselos siya dahil tinatawag kong Beyb si Beyb and it sounds like babe. Psh.

"Sorry na. Pero what do you mean by all of that? Hindi ko kasi maintindihan. He was so angry at you too. Ginamit pa ako at si Akira. Pero pakiramdam ko may kung ano pa siyang pinaghuhugutan ng galit niya, hindi lang dahil nagbalik ka at inisip niyang makakasagabal ka sa plano niyang kunin ako at ang mga anak ko. Sino siya? May hindi ba ako alam tungkol sayo?" I asked.

Is this why he wants us to talk? 
-

Note:
Plug! Hi! Sa mga mahilig din na magbasa ng fantasy, may bago po akong story na fantasy genre entitled The World Of Espeliars.

Kung gusto niyo lang naman po basahin then hanapin niyo po ang story na iyon sa works ko. Thank you! Hope you support that as well! It's my first time writing a fantasy story pero I'll make sure I'm going to do my best. Muah.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.7K 184 31
Between two different World a perfect love collide. She wish for it and he granted it. Will there love and affection can lead them through eternity o...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
988K 17.2K 76
Loving your sister is the hardest yet the most wonderful feelings you've ever had but until when will you going to give all that you have for the l...
78.3K 117 1
Take it off! Take it off! Take it off! Sabi ng mga lalaki habang nagsasayaw ako dito sa gitna ng bar!Oo bar! Umiiyak nako sa gitna habang kumikimbot...