How to be your Boyfriend vol...

Bởi JulieAnneHermogino

3.7K 45 37

Kung si Batman may Joker at Bane, Si Mara may Clara, Si Popeye may Brutos, Ang Ateneo blue eagles, may De La... Xem Thêm

Chapter 1 In the Line
Chapter 2 Tired of being Alone
Chapter 3 The Heartbreak Kid
Chapter 4 The Big Brawl
Chapter 5 The Initiation
Chapter 6 Queen of Omelet
Chapter 7 Our First Date... Almost but not quite
Chapter 8 The Detention
Chapter 9 Electric Shock
Chapter 10 How to Survive a Worst Date
Chapter 11 Jaymee's Alarming Story
Chapter 12 Forgive and Forget
Chapter 13 Box of Chocolates
Chapter 14 Meet the Parents
Chapter 15 Rainy Days and Mondays
Chapter 16 Bang! Bang!
Chapter 17 In Ten Seconds
Chapter 18 The Gossip
Chapter 19 Movie Marathon
Chapter 20 Sweet Escape
Chapter 21 Sembreak
Chapter 22 The Beach
Chapter 24 The Alcoholic
Chapter 25 The Harassment
Chapter 26 Getting to Know You
Chapter 27 Stars
Chapter 28 The Winner
Chapter 29: Something to Reveal
Chapter 30 The Truth
Chapter 31 The Consequences
Chapter 32 Reality Bites
Chapter 33 The Voodoos and the Laundry
Chapter 34 Impending Doom
Chapter 35 Silence of the Lambs
Chapter 36 Archaelogical Facts
Chapter 37 The F word on V Day
Chapter 38 The Deposition
Chapter 39 Teamwork
Chapter 40 The Graduate
The Girlfriend
Author's Note
How to be your Boyfriend vol. 2
Chapter 1 Empire State of Mind
Chapter 2 Gangs of New York
Chapter 3 The Notebook
Chapter 4 The Spot
Chapter 5 The Second Time Around
Author's Note

Chapter 23 Training Day

47 1 0
Bởi JulieAnneHermogino

Soundtrack for this Chapter: Supersonic by Oasis

Matapos ang bakasyon, back to reality na naman ang drama naming lahat. Kailangang mag-focus sa school dahil ito na ang moment ng buhay ko na dapat sumeryoso sa pag-aaral. Although konting oras na lang ang matitira para kay Portia, okey naman sa kanya yun, buti na lang hindi siya clingy. May time para sa sarili, may time para sa career at may time para sa isa’t isa. Ganito umikot ang mundo ko.

Wala na nga si Dominic at tuluyan ng nakipagdivorce sa akin. I’m left with nothing but the dumb bells na ipinamana niya sakin. Nakakamiss din yung baklang yun.

Ngayon ang start ng OJT ko. Every Monday to Friday ang pasok ko sa engineering firm, Saturday naman ang pasok ko sa school kaya ang Sunday ay para kay Portia.

Maaga akong nagising dahil 9am kailangang nandun na ako sa office.

Goodluck Mr. Tomas!

Ang text mula kay Portia na walang ‘i-love-you’, basta good luck lang at Mr. Tomas pa talaga ang tawag sa akin. Hindi man lang baby, honey o sweetheart.

Medyo malalayo layo ang kompanyang papasukan ko. 2 hours ang exact time na gugulin ko sa pagco-commute.

Lima kaming students na papasok sa Sera Engineering Company. According to my reaserach, condominiums ang tinatayo ng kompanya. Excited na ako sa training day dahil gusto kong makita yung site, yung plano, yung project at gusto kong magsuot ng helmet, bagay kaya sa akin?

On time ang dating namin sa office at nakakamangha ang architectural building dahil sa pagiging modern at very sophisticated.

Pag pasok namin sa loob, nakakmangha sa interior na very versatile sa modern white na pader. Ang elevator nila gawa rin sa glass. Hindi naman siya halatang office, para siyang hotel sa ganda ng interior.

Mula sa ground floor, dumeretso kami sa 15th floor kung saan nandun ang main office na kakausapin kami tungkol sa gagawin namin at may brief interview.

Sa main office, iba naman ang ambiance. Very chic at very innovative ang buong floor. Kulay black and white lang ang pintura ng kisame at wall. Ang mga table, gawa sa glass, at sa may waiting area kung saan kami pinaupo para maghintay, may iba’t ibang kalseng upuan na designer chair. May monobloc at gawa sa wicker na sa pagkakaalam ko, nagkakahalaga ang isang upuan ng P26,000 nung nakita ko siya sa isang magazine.

Walang masayadong palamuti sa kwarto, walang painting, walang halaman. Halos yung mga designer chairs lang ang nagiging palamuti dito.

Karamihan sa trabahador ay babae. Siguro dahil kasi sa paper works ng kompanya. At lahat sila walang ibang kulay ng damit kundi white at saka black. Hindi ko alam kung mahilig sa piano ang may ari nitong kompanya o yung interior designer nila dahil sa white and black lang ang alam nilang kulay.

Pero kahit medyo boring, nadala naman sa architectural design dahil sa over the top na kagandahan ng exterior at sa pagiging sophisticated ng interior.

“Hi!” bati ng isang babae na na naka blazer na black, at white dress na dalaga na sobrang tinis ng boses. Nakakabasag ng eardrum. “You’re the intern?”

Ako lang ang tinanong niya at hindi niya kinausap ang apat kong kasama. Marahil dahil sa ako ang pinaka pogi sa kanila.

“Kasama ko silang apat.” Sabi ko pero hindi niya pinansin.

“Maghintay muna kayo ng ilang minuto, wala pa kasi si Ma’am Crisostomo. Gusto mo ba ng maiinom?

At ako lang talaga ang inalok niya.

“Ah, no… Gusto niyo ba?” tanong ko sa mga kasama ko.

“Sige, tubig na lang sa amin.”

“Ayaw mo? Okey!” tumalikod siya at hindi inintindi ang sinabi ng mga kasama ko.

She’s so rude! Hindi porket mukhang mga pulubi at hindi pala ligo ang mga kasama ko, kailangan niya ng isnabin ng ganun ganun lang!

After the brief interview sa amin ni Ma’am Crisostomo,who reminds me of Ms. Zaragosa na mukhang masungit at masungit naman talaga ay binigyan na kami ng tasks. Yung apat kong kasama, dun sila sa ibang floor naka-assign at ako ang naiwan dito.

Itinour ako ni Ma’am sa buong office, at lahat nga sila kababaihan dito na parang mga oldmaid at lahat mukhang stressed dahil lahat nakasimangot. Si Chloe, ang receptionist, ang rude girl kanina, siya lang ang mukhang bata at mukhang engergitic sa kanilang lahat.

“This will be your desk.” Sabi ni Ma’am Crisostomo.

Itinuro niya ako sa isang desk na gawa sa glass at isang ordinaryong table na may upuan dahil walang kalaman laman na computer o lapis man lang. Isang empty space na malapit sa CR.

Ang sabi ni Ma’am sa akin, wala daw akong kailangang gawin kundi mag-xerox, magtimpla ng kape para sa mga employers, at mag Xerox ulit. At ito ang gagawin ko, 5 days a week, 8 hours a day.

Akala ko naman, magpupunta ako sa site, magsusuot ng helmet, tuturuan kung paano ang maging isang engineer. I’ll die in boredom. Kung gaano ako ka-excited kanina, napawi na yun ng lungkot dahil sa mga nega kong kasama na puro matandang dalaga at isang receptionist na nakakaasar ang boses.

“HOY! INTERN! ANONG GINAGAWA MO DIYAN? BIGYAN MO KAMI NG KAPE DITO!” nagulat ako sa sigaw ng isang matronang babae na akala mo may kaaway dahil sa laki at taas ng boses niya.

Nagmadali ako sa loob ng dining area ng office para kumuha ng kape para sa kanilang lahat. Sa pagkakaalam ko nandito ako para i-train maging engineer hindi para maging barista sa starbucks.

Isa-isa kong dinalhan ng kape ang mga matronang babae. Ni hindi sila marunong mag- thank you o kahit mag-smile man lang. Meron naman isang employee na sobrang sweet sa akin na kailangang pang humalik sa akin. Thank you lang po ang kailangan ko.

“Intern!” tawag ng isang babae nang matapos akong mamigay ng kape. “Punasan mo nga toh!” utos niya sa akin.

Kumuha ako ng pamunas para punasan ang na-spill niya na kape.

“Intern, ito rin!” utos ng isa pang babae na sinadyang ihulog ang kape.

Sige magkalat lang kayo! Sige, itapon niyo yung kape! Sige, gawin niyo lahat ng gusto niyo! Okey naman sa akin eh, at least may ginagawa ako at hindi lang sitting pretty sa glass table ko.

Wala silang ibang ginawa kundi mag-utos ng kung ano ano sa akin. Dakilang utusan ang OJT ko.

Nang mag-lunch break, puno na ang lahat ng table sa dining area ng office at wala na akong maupuan. Sabi ni Ma’am Crisostomo, hindi daw pwedeng bumaba ng building kaya kumain ako ng nakatayo. Habang masama ang tingin ng mga matrona sa akin.

Ganito ba talaga kapag oldmaid? Laging nega?

At dahil walang CR ng panlalaki dito sa office, CR ng babae ang ginagamit ko at kailangan ko pang i-clear silang lahat para lang makapag CR ako.

Linock ko ang pinto at tumawag kay Portia.

“Hey!” sagot niya.

“Ayoko na!”

“Bakit? Anong nangyare?”

“Kung anu-anong pinag-uutos nila sa akin! Lahat sila matandang dalaga na puro terror! Sinisigawan nila ako! Ginagawa nila akong utusan! Ginagawa nila akong alipin!”

“Wait! We can talk about this later. May klase pa ako! I’ll talk to you soon.”

“Portia!” She hung up the phone.

Nandito yata ako sa pelikulang Mean Girls, the matatandang dalaga Version.

“Chloe!” tawag ni Ma’am Crisostomo sa receprionist habang ipinapatong ko ang sankaterbang Xerox sa reception desk. “Kunin mo yung isang box ng papel sa 3rd floor.”

“Okey, ma’am!.... Intern! Narinig mo yung sinabi ni Ma’am di ba, oh siya, kunin mo!” utos niya sa akin.

Nakakaasar na nga yung utusan ka ng ganito, pero mas nakakaasar yung boses niyang matinis. Pwedeng itext na lang yung sasabihin niya sa akin o kaya isulat niya na lang sa note.

Alas 5 na ng hapon at ito na ang pinakahihintay kong oras para sa buong araw, ang uwian.

“Hep! Intern!” tawag ni Ma’am Crisostomo. “Punasan mo yung lahat ng desk at i-mop mo yung sahig tapos ayusin mo yung mga upuan.”

Janitor na janitor ang role ko dito.

Halos si Ma’am Crisostomo na lang ang tao dito pati ang nakakainis na si Chloe na feeling ko magkakaroon na ng ingrown dahil sa kakalinis niya ng kuko niya.

“Bye! Intern!” paalam sa akin ni Ms. Engracia at halik ng halik sa akin.

Nang makaalis ang mga matrona, saka ko naman sinimulan ang paglilinis.

“Hey! Gusto mong magdinner after this?” tanong ni Chloe.

“Ah, no.. may kailangan akong daanan after this.”

“You’re really cute! Wala akong boyfriend, I think we can hit it off!”

“Ah… I have a girlfriend.”

“That’s okey! Nandito ba siya? Wala naman di ba?”

“Ah… she’s not…”

Lumapit siya sa akin at may niligay na papel sa loob ng bulsa ng polo ko.

“That’s my number! Call me okey?” she flirted.

Makulit din yung bruhang yun eh! Sabi ko meron akong girlfriend tapos mage-expect din siyang tatawagan ko siya. I’m really glad that I have Portia.

“Mr. Tomas!” tawag ni Ma’am Crisostomo habang pababa na ako pagkatapos kong gawin ang trabaho. “Wear black tomorrow!” sabi niya ng mahinahon.

“Okey po ma’am.”

Lumapit di siya sa akin at hinawakan ang labi ko na ikinagulantang ko.

“May dumi ka sa bibig!” sabi niya.

“E-he…. Sige po ma’am!”

Pinindot ko ng pinindot ang elevator para bumilis ang pagdating nito at para makawala na ako sa sumpang yun!

Napabuntong hininga ako ng makapasok ako sa elevator. Ano bang meron dito? Bakit ganito ang mga kababaihan dito?

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang pinagarap maging pangit! Sana pangit na lang ako!

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...