Dark Obsession / Dark Plans...

By noowege

926K 20.8K 2.3K

Saonna Rojas believed she was just an ordinary college girl with her best friend slash brother living with he... More

𝐷𝑎𝑟𝑘 𝑂𝑏𝑠𝑒𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Epilogue
A/N
Dark Plans
Prologue - Dark Plans
Chapter 1 - Dark Plans
Chapter 2 - Dark Plans
Chapter 3 - Dark Plans
Chapter 4 - Dark Plans
Chapter 5 - Dark Plans
Chapter 6 - Dark Plans
Chapter 7 - Dark Plans
Chapter 8 - Dark Plans
Chapter 9 - Dark Plans
Chapter 10 - Dark Plans
Chapter 11 - Dark Plans
Chapter 12 - Dark Plans
Chapter 13 - Dark Plans
Chapter 14 - Dark Plans
Chapter 15 - Dark Plans
Chapter 16 - Dark Plans
Chapter 17 - Dark Plans
Chapter 18 - Dark Side
Chapter 19 - Dark Plans
Chapter 20 - Dark Plans
Chapter 21 - Dark Plans

Kabanata 30

15.5K 359 37
By noowege

Agad akong napabalikwas ng bangon. Pawisan at takot. That dream, nakakabahala ang panaginip na 'yon pero imposible naman yata iyong mangyari. In my dream, Fionna hates me, sinigaw-sigawan niya raw ako at umiiyak siya then  kanina sa ospital, hinahanap ko si Fionna dahil sabi nandito pa raw siya sa Pinas. I thought pagising ko ay nandiyan siya at bigla akong kukumostahin dahil nag-aalala siya, pero hindi. Wala siya doon, kung hindi dahil sa napanaginipan ko ay hindi ko mapapansin na wala siya.

“Okay ka na ba? Kumosta, wala bang masakit sa'yo?”kanina pa sunod-sunod ang tanong ni Dad. Kahit pa alam kong may tampuhan sila ni Mom ay sumulpot pa rin siya para malaman ang kalagayan ko.

Kanina lang ay nandito si mommy pero dahil yata sa hindi makayang tensyon ay umalis muna. Nagpaalam siyang bababa upang hingin ang reseta ng doktor kahit halata naman na iniiwasan niya ang ama ko.

I understand mom, alam kong hindi madaling makalimut. But soon I know, maghihilom din ang sugat hindi man nila iyon makalimutan, sana balang araw.

“Sampahan mo ng kaso ang dalawa, malaki ang  naging damage nila sa shop mo, malaki ang naging trauma na dala nila sa‘yo.”

Hindi na ako umimik sa naging suhestiyon ni Dad. Wala na rin kasi akong plano na ungkatin pa ang nangyari. Mas lalo lang lalaki kung bubuksan ko na naman ang topic tungkol doon.

“I think I need a new interior designer, what do you think, Dad? Mas gawin kong light ang painting at iyong malapit sa porch papalitan ko na ng kulay.” Pag-iiba ko ng topic.

Naningkit ang mata ni Dad at saglit akong tinitigan na tila na-gets ang pag-iiba ko sa usapan.

“Siguro mas kailangan ko unahin iyon. Malakas pa naman ang holiday sayang. Kaya dapat mapabilis ang renovation.”

“I know someone. I will give you her contact.” May pagdududa pa rin sa mata niya nang sabihin ito.

Doon yata sa topic na iyon sila ni Mom nagkasundo. Nanumbalik na naman ang galit niya sa magkapatid na Harvoc dahil doon. Just like Dad, gusto niya rin sampahan ng kaso ang dalawa pero pinigilan ko.

“He’s still Damian's father, Mom. Tapos na, huwag na tayo bumalik doon,” I said at pilit pinaintindi sa kanya ang sitwasyon ko.

“I am expecting that may pagbabago na after giving him a chance hindi mo 'ko masisisi kung mag-fe-freak out ako after nang nalaman ko. It’s up to you now and you’re right. I know you can decide better, ikaw na ang bahala.”aniya.

Ang issue niya na lang ngayon ay ang tungkol sa kanila ni Dad. I know na binibigyan niya na ako ngayon ng authority for my family, siguro na-realize niya na marami na akong napagdaanan na ako lang ang mamakakaresulba.

Bumuntong-hininga ako matapos makapag-dial ng apat na beses. Still, Fionna didn’t pick-up the phone. Busy na ba siya? Or okay lang ba siya? Ngayon lang siya nagkakaganito, even though marami siyang problema ay hindi naman siya ganito, tepong hindi na magpapakita sa 'kin, kahit magparamdam man lang.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabantay sa babaeng na-contact ko para sa renovations. Marami siyang binigay sa 'kin na sample, even the tables kailangan na rin ayosin. Kaninang umaga pa siya nandito, at ngayon lang ako nakarating.

May i-che-check din ako sa mall mamaya after this. Titingin ako ng mga furnitures na babagay sa bagong design ng shop.

Biglang tumunog ang phone ko. Then I saw Fionna's name on it. Agad ko itong sinagot.

“Hello?”

No'ng una hindi agad siya nagsalita pero kalaunan ay narinig ko rin ang boses niya. Malalim ang paghinga niya.

“H-Hello.”

“Are you okay? Nasaan ka ngayon?”

“I-I’m fine.”

Pero base sa panginginig ng boses at ng malalim niyang paghinga ay nahihimigan kong hindi siya okay.

“Can you accompany me? May pupuntahan ako.”she said.

May pagtataka pero gagawin ko ang ano mang gustohin niya. Baka doon malaman ko ang problema niya. Baka makatulong ako.

“S-Sure, saan kita pupuntahan?”

“No, ako ang pupunta diyan.”

“Nasa shop ako.”

“Okay.”then she hang-up the phone.

Nag-retouch muna ako, pwede ko naman muna ipagpabukas ang pagpunta sa Mall para sa mga kakailanganin sa shop. She needs me now, siya muna ang priority ko ngayon.

Nang makarining sa pagdating ng kotse ay agad akong tumayo mula sa ratan chair. I saw her black sedan outside. Bumusina siya pero palabas na ako ng shop dahil wala na naman akong ibang dadalhin, kanina ko pa iyon ni-handa.

Hindi siya bumaba ng kotse niya na ipinagtaka ko. Kaya alanganin na pumasok ako, I thought that she would hug me.

Pagkapasok ko pa lang ay nagulat na ako sa itsura niya. Kahit hindi na namumula ang gilid ng mata niya ay halata naman na kagagaling niya lang sa pag-iyak.

“Fionna, are you okay?”

Pinagmasdan ko itsura niya mula sa hindi maayos na buhok at sa suot na over size shirt. Hindi siya ganito manamit kaya nakakapanibago.

Bumaling siya sa 'kin, ngumiti siya ng tipid. “Yeah, I'm always fine.”

“Kumain ka na ba? Daan muna tayo sa isang restaurant? May alam akong--”

“No I’m fine. We have to go.”at ni-start na ulit.

Umayos na lang ako ng upo nang apakan niya na ang accelerator at pinaharurot na ang sasakyan sa daan. Medyo mahaba-haba ang byahe, inabot kami ng dalawang oras, and this time napapansin kong mangilan-ngilan na lang ang kabahayan na nadadaanan namin. I think nakalabas na kami ng syudad.

Nasa may tall gate na kami papuntang Laguna nang mapansin ko ang unti-unting pagbilis ng takbo ng sinasakyan namin.

“F-Fionna, I think hindi mo kailangan bilisan ang pagpapatakbo. Nagmamadali ba tayo?”medyo nakakaramdam na ako ng kaba.

Pero hindi naman siya nakinig ni balingan ako ay hindi niya ginawa.

“Saan ba tayo pupunta?”hilaw ang ngiti ko dahil sa kaba.

Nanatili pa rin ang bilis ng sasakyan at habang dumadaan ang segundo ay pabilis ito nang pabilis. Napapahawak na ako sa seatbelt ko habang kabado na nakatingin sa daan at kay Fionna.

Mukhang hindi naman siya nakikinig.

I saw how she over take, at nang-aagaw na rin siya ng linya. We are against the line now, kahit pa mangilan-ngilan lang buma-byahe ngayon ay siguradong may dadaanan sa linya na tinahak namin ngayon, at pag nagkataon na may makakasalubong kami ngayon ay hindi ako sure kung maiiwasan niya agad lalo na sa klase ng pagpapatakbo niya. I doubt if the break hold tight kung ganito kabilis ang takbo.

Kaya wala akong ibang magawa kundi ang pumikit ng mariin at magdasal. Nagugulohan ako, ano itong ginagawa ni Fionna? Parang hindi ko na siya kilala. She didn’t want me in harm, nag-aalala siya tuwing may nangyayari sa 'kin, I saw how she almost passed out when she saw me bleed in accident. Pero ngayon, parang sinusubo niya pa ako sa kamatayan.

But still, I believe her. Siya pa rin ito. Hindi niya gagawin iyon, hindi niya ako sasaktan.

“Fionna.”my tears fall.

Her tears fall. Pero tahimik lang siyang hinahayaan ang luha na 'yon.

“Anong nangyayari? Bakit mo ito ginagawa?”almost screaming.

Ilang kotse na ang inunahan niya. Maging ang ibang sasakyan ay napabusina sa pag-over take niya.

Until a big wing van came out. Mabilis din ang takbo niyon, nanlalaki ang mata ko nang makipagtitigan doon. She’s still crying at mukhang wala sa sarili.

So wala akong ibang choice kundi ang agawin ang manibela sa kanya upang ako na mismo ang umikot doon. Muntik ko pang masagi ang ibang sasakyan sa pag balik ko sa kabilang linya. Kunting-kunti na lang masasagi na kami ng wing van na iyon. Naghanap lang ako ng tamang pwesto upang makahinto kami.

I heard her hard cries now.

Nang maihinto ko na ang kotse sa tabi ay kinalma ko muna ang sarili. Habol-habol din ang paghinga ko, at nanginginig pa ang mga daliri.

“I’m sorry, I'm sorry!”paulit-ulit niyang usal.

Natulala na ako. I don’t know what to say. Muntik na kaming mapahamak kanina. Ang anak ko agad ang pumasok sa utak ko, si Mommy, si Dad.. si Ervien.

Wala sa sarili na lumabas ako ng kotse niya. Agad naman siyang sumunod sa 'kin, she’s still saying ‘sorry' to me.

“Hindi ko sinasadya--”

Hindi ko alam kung bakit pero kusa na lang lumipad ang palad ko sa pisngi niya. Gulat kami pareho lalo na ako dahil ngayon ko lang ito nagawa buong buhay ko.

“I have to fight to live, ginagawa ko ang lahat para makasama ang lahat ng mahal ko sa buhay. Lalo na ang anak ko na nangangailangan sa 'kin.”

“I’m sorry..”nanginginig na napaluhod siya sa damo at nanatiling umiiyak.

“Muntik mo nang alisan ng ina ang anak ko!”sigaw ko.

Hindi ko na mapigilan ang inis ko. Parang hindi ko na mahagilap ang kalma sa sarili ko.

Namumutla na siya habang umiiyak. I’m worried pero naiinis pa rin ako kaya hindi ko masiyadong napagtutuunan ng pansin ang itsura niya. Hanggang sa bigla siyang napahiga sa damo. Nahimatay siya.

_

“She’s three months pregnant.”

Nag-echo sa utak ko ang sinabi ng doktor. Papunta pa lang ako sa private room. Wala akong makontak kahapon kaya kami pa lang ang nakakaalam ng pangyayari. Ayoko rin ipaalam kay mommy ang nangyari, ayokong madagdagan pa ang stress niya.

Nagugulohan ako habang pinagmasdan ang door knob. Ilang saglit akong tulala doon bago napagpasyahan na buksan ang kwarto.

“Please 'wag, please!”naabutan ko siyang nananaginip. “Maawa ka please.”

Agad ko siyang nilapitan upang gisingin. Natataranta na rin ako dahil mukhang takot na takot pa siya habang pabiling-biling sa higaan at tila nahihirapan na sa paghinga.

Agad siyang lumayo sa 'kin nang magising at niyakap ang sarili saka halos magsumiksik sa headboard ng kama.

“Wag kang lumapit maawa ka.”naiyak pa ito sa takot.

Gulat at nalilito ako sa naging reaksyon niya. Dinaluhan ko siya at niyakap na halos ayawan niya pa. Ilang beses niya akong tinulak pero nagpumilit akong yakapin siya. Nagugulohan na ako.

“Si Saonna, 'to. Ako 'to, wag ka matakot.”

Ilang saglit ay kumalma siya at hinayaan na akong yakapin siya. Hanggang sa nakatulog ulit siya.

Inihanda ko ang kakainin niya oras na magising siya. Ang inis na naramdaman ko sa kanya kahapon ay naglaho na at napalitan ng awa. I saw how she panic na hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.

Nandoon ang phone niya sa side table. Gusto kong tawagan ang pamilya niya pero ayoko naman siyang pangunahan, siguro hihintayin ko na lang na siya na mismo ang magsabi sa mga iyon.

Iti-text ko na lang muna si mommy mamaya na sa shop na ako natulog kagabi para hindi na mag-alala.

Bumalik ang tingin ko sa phone niya nang biglang tumunog iyon. May tumatawag doon. Nag-aalangan pa ako pero kalaunan ay sinagot na rin.

“What the hell?! Ano itong text mo, I said na kailangan mo nang i-abort ang bata, pag nalaman iyan ni Dad malilintikan ka sa 'kin babae ka!”

Gulat na napahawak ako sa table. “Hindi niya aakuin iyang anak mo pag pinagpatuloy mo pa 'yan. Ipa-ako mo 'yan sa iba dahil wala kang mapapala sa kahibangan mo.”

Tapos pinatay niya ang tawag. Hindi ako nakapagsalita. Gulat na nilingon ko si Fionna na payapang natutulog.

Nagpunta ako sa text message niya. Then I saw her message. Wala akong ibang nakitang kakaibang text doon kundi ang text message niya sa kapatid niya.

From Fionna:
I made a decision, I won’t abort my child.

From Jake:
Are you out of your mind?

Ito ang bagong convo nila kaya nag scroll pa ako pataas para mabasa pa ang ibang convo nila. At may isang napaka habang text si Fionna na kumuha ng atensyon ko.

From Fionna:
Please help me, kinukulong niya ako sa cabinet pag may kasalanan ako, he always lock me on our room, he always hurt me, and he rape me..
Kuya please, hindi ko na kaya. Maybe matutulongan na 'tin si Daddy in the other way, please kuya hindi ko na talaga kaya!

From Jake:
Paano na iyong investment niya sa company na 'tin? Baon na baon na tayo, iyang pag-iinarte mo pa rin ba iyang iisipin mo?

Napatakip ako sa bibig at nag-unahan sa pagtulo ang luha ko. Nilingon ko ang namumutla pa rin na si Fionna, tulog pa rin ito.

Bakit hindi niya ito sinabi sa 'kin?

D.O.

Continue Reading

You'll Also Like

68K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
248K 14K 35
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
292K 9.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.