MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 32: I LOVE YOU

154 13 0
By La_Diyosa

KENDRIX'S POV

MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO...

Habang nag lalakad lakad sa loob ng university ng biglang sumagi sa utak ko na umamin na kay Athena. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung mag tatapat na ba ako o itatago ko nalang ang nararamdaman ko para sakanya? Natatakot kasi na iwasan ako niya ako kapag nalaman niya ang nararamdaman ko para sakanya. Hay parang sinabi ko na din na duwag ako non. Pero tama yung sinabi ni Kaycee, kailangan ko nang aminin sakanya ang nararamdaman ko bago mahuli ang lahat. Bahala na kung ano ang maging desisyon ni Athena, basta kailangan niyang malaman ang totoo.

Dali dali kong hinanap si Athena para sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Habang nag lalakad, napadaan ako sa school garden at nakita ko doon si Athena habang nakaupo at inaamoy ang mga bulaklak. Grabe, kahit malayo siya saakin, tanaw na tanaw  ko ang ganda niya. Ang ganda ganda talaga niya lalo na kung nakangiti siya. Pakiramdam ko kompleto na ang araw ko sa tuwing makikita ko siya. Hay! Wag kang kakabahan Kendrix. Kaya mo yan!

Lumapit na ako kay Athena at tinawag ang pangalan nya.

"ATHENA!" sabi ko.
"AY KABAYO! Ano ba Kendrix! Wag mo naman akong gugulatin ng ganon. Aatakihin naman ako sa puso ng dahil sa gulat. Kaloka ka!" sabi ni Athena sabay tingin ng masama saakin.
"Ay sorry Athena. Hindi ko naman sinasadya eh. Pasensiya kana ahh." sabi ko sabay yuko.

Lumapit saakin si Athena at hinawakan ang balikat ko.

"Nako wag kang mag alala, okay lang ako Kendrix. Nga pala, anong kailangan mo?" Nakangiting sabi ni Athena.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko na nakangiti si Athena saakin. Sobrang ganda talaga niya lalo kapag nakangiti. Mahal na nga kita Athena, mahal na mahal. Eto na to. Aamin na ako sakanya. Hindi ko na papalampasin yung oras na to. This is now or never.

*INHALE... EXHALE... INHALE... EXHALE..*

"ATHENA SALVADOR MAHAL KITA!" sabi ko.

Nanlaki ang mata ni Athena at tinitigan niya lang ako.

"Ta...tama ba ang narinig ko Kendrix? Ma...mahal mo ako?" Nauutal na tanong ni Athena.
"Oo tama ang narinig mo. Matagal na kitang gusto Athena. Since the first day I saw you. I fell inlove with you. You are most perfect girl na nakilala ko. Hindi ko alam kung anong meron ka, basta ang alam ko lang mahal na mahal  kita." seryosong sabi ko.

She look at me with a poker face.

"PERO KENDRIX......"

Natahimik ulit si Kendrix at tinitigan niya lang ako.

"Naiintindihan ko naman kung ayaw mo saakin Athena, kasi hindi naman ako ang ideal guy mo diba? Alam ko naman kasi na si Calyx ang gusto mo at hindi ako. Atleast ngayon alam mo na ang totoong nararamdaman ko. Sige, alis na ako ahh. I LOVE YOU!" sabi ko.

Tumalikod na ako at nag umpisa ng maglakad papalayo. Bigla akong napahinto sa paglalakad kasi hinihintay ko na tawagin ako ni Athena pabalik pero wala eh. Hindi niya ako pinansin. Habang nag lalakad ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Great! Buti nalang umulan, para di nila makita na umiiyak ako. Ano pa bang aasahan ko? Eh hindi naman ako ang ideal guy niya eh. Sikat nga ako. Maraming babae ang gusto ako. Pero para sa babaeng mahal ko, IM JUST A NOBODY! And thats the sad reality of life. Dapat tanggapin ko na yung realidad na hindi ako gusto ng taong mahal ko. NANG BIGLANG...

"KENDRIX LEE, MAHAL DIN KITA!" sigaw ni Athena.

Bigla akong lumingon at  napatigil sa pag lalakad.

"Totoo ba yun? Mahal mo din ako Athena?" tanong ko.
"Oo, mahal kita Kendrix. Mahal na mahal." sabi ni Athena.

Agad akong tumakbo papalapit kay Athena at tinitigan siya ng sobrang lagkit. Dahan dahan nagkalapit ang mga mukha namin. TAPOS ANG SUMUNOD NALANG...

*KRING! KRING! KRING! KRING!*

Tawag sa cellphone ko ang gumising saakin.

"Ano ba yan! Akala ko totoo na. Nananaginip lang pala ako!" bulong ko sa sarili ko.

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Kaycee.

["Hello kuya? Nasaan kana ba?"]

"Ha? Nasa bahay bakit?" Tanong ko.

["What? Nasa bahay pa? Ehh anong oras na nandiyan ka pa? Malapit na mag start ang party tapos nandiyan kapa? I need you here kuya. Kaya bilisan mo na."]

"What do you mean Kaycee? Anong oras na ba?" tanong ko.

["Its 6:30 PM na kaya."]

"WHAT? 6:30 IN THE EVENING?" sabi ko.

["Dont tell me kakagising mo lang?"]

"Okay hintayin mo ako dyan. Im on my way." sabi ko.

["I'll wait for you here sa room 1013 okay?"]

"Okay baby sis, See you later bye!" sabi ko.

Binaba ang phone ko. Dali dali akong nag prepare na at umalis na sa bahay. 7: 30 PM na ako nakarating sa hotel. Habang nag lalakad ako  papunta sa elevator ng may nakita akong babae na nakatayo sa harap ng pinto ng elevator.

"Si Athena ba yun? Pero imposible naman na si Athena yun. Eh busy siya ngayon eh. Tsaka ano naman gagawin niya dito diba?" Bulong ko sa sarili ko.

Dali dali akong tumakbo papalapit sa dun sa babae para tignan kung si Athena talaga yung nakita ko pero hindi ko sya na abutan.

"Sayang hindi ko siya naabutan. Siguro nag mamadali siya. Tsaka baka namamalik mata lang ako sa sobrang pagka miss ko sakanya." bulong ko ulit.

Habang nasa harap ng pinto ng elevator ng biglang tumawag saakin si Dwayne.

"Yes bro? Napatawag ka?" tanong ko.

["Ah bro, can I have a favor?"]

"Oh sure bro. Ano yun?"

["May malapit na Starbucks dito, bilhan mo naman kami ng coffee at makakain ohh. Gutom na din kasi kami tapos dalhin mo nalang dito sa room 1018 ha?"]

"Wait! Ano to? Kailan pa ba ako naging alipin niyo ha?" Galit na sabi ko.

["Wag nang magtanong bro. Basta bilhan mo nalang kami okay?"]

"Okay fine. Sige na!" sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Dwayne. Binaba ko na ang phone at pumunta na sa Starbucks para bumili ng kape at makakain.

"Hay kakainis! Napag utusan pa ako. Kailan ba ako naging katulong ng mokong na yun? Lagot talaga siya  saakin mamaya." bulong ko.

Makalipas ang 20 minutes, naka balik na ako sa hotel at dali daling pumunta sa room ni Dwayne.

"Eto na po mga senyorito yung kape at makakain niyo." sabi ko.
"Oh bro you're here na. Tamang tama gutom na kami ehh." sabi ni Dwayne.
"Thanks bro! This is so nice. Grabe ang sarap." sabi ni Yuan.

Hindi ko alam na nandito pala sina Ashton, Xian at Lance, mga pinsan ko galing abroad.

"Anyways, nasaan si Calyx?" tanong ko.
"Ahh he's not here eh. Busy ata sa pag pa-facilitate for Kaycee's birthday party. Bakit mo siya hinahanap? Miss mo na? Hahaha!" tanong ni Ashton.

Tinignan ko ng masama si Ashton.

"Miss? Hell no! Bakit ko naman siya mamimiss? Nababaliw na ba ako? What I meant to say is, buti nalang wala siya dito." sabi ko.
"Ha? Bakit naman Kendrix?" Tanong ni Yuan.
"Ahh wala. Never mind. Kumain nalang nga kayo!" sabi ko.

Biglang natahimik ang lahat nang dahil sa sinabi ko. Nang biglang nagbiro si Xian.

"Bagay naman pala sayo maging utusan bro." sabi ni Xian.
"Aba'y loko to ahh." sabi ko.

Tumayo ako at lumapit kay Xian.

"SI ATHENA OHH!" Biglang sigaw ni Dwayne.

Biglang akong napahinto at lumingon.  Tinignan kung nandiyan talaga si Athena pero wala naman pala.

"Wala naman ehh. Akala ko talaga nandito si Athena." sabi ko.
"Wait? Who is that Athena? Girlfriend mo?" Tanong ni Xian.
"Girlfriend? Hindi noh. Athena is Kendrix's one great love." sabi ni Dwayne.
"One great love? Akala ko ba si Scarlet yung one great love mo bro?" Sabat ni Ashton.

Bigla kong tinignan ng masama si Ashton.

"What? May mali ba sa sinabi ko?" -Ashton.
"Alam mo naman na matagal na kaming wala ni Scarlet diba? And I already moved on. So please? Wag niyo nang mabanggit ang pangalan ng babaeng yun. Naiinis ako eh!" sagot ko.

Biglang nag tinginan sina Dwayne, Ashton at Xian ng dahil sa sinabi ko.

"Bakit parang affected ka parin everytime na maririnig mo ang pangalan ni Scarlet?" sabi ni Ashton.

Tumayo ako lumapit sakanila habang nakatingin ng masama. Nang biglang sumigaw si Dwayne.

"SI ATHENA OH!" sigaw ulit ni Dwayne.

Bigla ulit akong napatigil at hinanap si Athena pero sa pangalawang pagkakataon, hindi ko ulit nakita si Athena.

"Sus! Si Athena lang pala ang kahinaan mo ehh." sagot ni Ashton.
"Syempre si Athena na yun ehh. Alam niyo naman na mahal ko si Athena diba?" sabi ko.
"Oo naman. Sobrang alam kaya namin." sabi nila.
"Pero paano kung sabihin ko na gusto ko din si Athena, anong gagawin mo?" Biro ni Xian.
"Gago ka! Akin lang si Athena. At walang pwedeng umagaw sakanya. Maliwanag?" sabi ko.
"Ohh? Tama na nga yan. Para naman kayong mga bata diyan ehhh. Oo alam namin na mahal mo si Athena at walang sino man ang magtatangka na agawin siya sayo. Okay na?" awat ni Lance.
"Mabuti naman kung ganon. Alamin niyo kung saan kayo lulugar okay?" sagot ko.
"So kailan ka ba aamin kay Athena?" Tanong ni Dwayne.
"Hindi ko pa nga alam eh. Humahanap pa ako ng tamang oras  para umamin sakanya." sabi ko.
"Bakit? Naduduwag ka ba bro?" Tanong ni Ashton.
"Technically yes. Eh natatakot lang ako na baka layuan niya ako pagnalaman niya gusto ko siya. Ayoko naman na mangyari yun." sagot ko.

Biglang tumawa si Yuan ng malakas.

"WALA EHH. TORPEDO KA PALA PARE!" sabi ni Yuan.
"Torpe na kung torpe bro, basta alam ko na gusto ko si Athena at mahal na mahal ko siya. Yun lang yun." sagot ko.
"If I were you, aamin na ako. Sige ka baka maunahan kapa ng iba." sabi ni Lance.

Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Lance at naupo nalang sa kama. Siguro tama sila. Kailangan ko nang umamin bago pa mahuli ang lahat. Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob para umamin kay Athena. Hay bahala na nga. Since malapit naman ang room ni Kaycee dito, naisipan ko na pumunta sa room niya para i-check kung anong ginagawa niya.

"Where are you going bro?" tanong ni Dwayne.
"I'll go to check Kaycee on her room. I'll be back in a bit." Sagot ko.
"Okay!" sabi ni Dwayne.

Lumabas na ako at pumunta na sa room ni Kaycee. Makalipas ang 5 minutes, nakarating na ako sa room ni Zoey.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Sino yan?" Sigaw ni Kaycee.
"Kaycee its me your kuya. Can I come in?" sabi ko.
"No! Bawal ka pumasok dito. Nag aayos pa ako ehh." Sagot ni Kaycee.
"Okay if you say so. Hindi na ako mangugulit." sagot ko.

Hindi na sumagot si Kaycee sa sinabi ko at bumalik nalang ako sa room namin. Grabe! Ang tagal tagal naman mag ayos ng mga babae. Hay mga babae nga naman. Pag dating ko doon nakita ko na si Calyx na nakaupo sa kama habang ka kwentuhan sina Dwayne, Ashton, Lance at Xian. Hay, nandito na ang asungot. Panira ng araw eh! Kainis! Makalipas ang 30 minutes, bumaba na kami at pumunta na sa convention room ng hotel. Halos lahat nandito na maliban kay dad. Hindi naman na ako aasa na pupunta pa siya dito noh. We dont need him here. We grow up without him kaya sanay na kami na wala siya palagi. Ano pabang bago? Exact 8:30 PM nag start ang party ni Kaycee.

"Grabe ang ganda ganda talaga ng kapatid ko." Sabi ko.
"Yes she is. Sobrang ganda talaga ni Kaycee. No wonder na magkapatid kayo. She looks like your mom bro." sabi ni Dwayne.

Bigla akong napalingon kay Dwayne.

"Please dont talk about her. Ayoko makarinig ng mga bagay na tungkol sa sakanya." sabi ko.
"But why bro? Until now ba galit ka parin sa mom mo? Its been years. You have to moved on." sabi ni Yuan.
"Yes. Yuan is right. Kailangan mo na mag move on. Masaya naman kayo ni Kaycee kahit wala yung mom at dad niyo diba?" sabi ni Ashton.
"Gustohin ko man na mag move on sa pang iiwan ni mom pero hindi ko magawa eh. Hindi ko talaga matanggap at lalong lalo na hindi ko maintindihan kung bakit niya kami iniwan. Tapos hindi na siya nagpakita o nag paramdam man lang. I love her so much. Siya lang ang nag iisang tao na karamay ko sa lahat ng oras. Akala ko kakayanin ko lahat but I was wrong. Hindi ko kaya na wala si mom. Kaycee and mom is my everything. I really cant imagine my life without my mom." sabi ko.
"We feel you bro." sagot ni Xian.
"Time heals all wound. Basta always remember that we are always here for you. Nandito lang kami para sayo bro. Sainyo ni Kaycee." sabi ni Lance.
"Tama si Lance. Were always here for you bro." Sabi ni Dwayne.

Lumapit ako sakanila at niyakap ko sila isa isa. Ang swerte swerte ko talaga na may mga kaibigan ako na kagaya nila. Hindi ko na alam gagawin ko kung wala sila.

"KUYA!" sigaw ni Kaycee.

Lumingon ako at nakita ko na papalapit si Kaycee saamin.

"Oh hi baby girl. You are so beautiful." sabi ko.
"Thank you kuya." sagot ni Kaycee.
"Are you enjoying your party ba?" Tanong ko.
"Yes kuya. Thanks to kuya Calyx for helping me to organized this party."
"Basta ikaw Kaycee. You're always welcome." sabi ni Calyx.

Hay epal talaga! -___-

"Anyways, why are you here? May kailangan ka ba baby sis?" tanong ko.
"Ahh wala naman kuya. Remeber yung girl na papakilala ko sayo?" sabi ni Kaycee.
"Oo naman. Bakit? Nandito ba siya?" Tanong ko.
"Oo kuya. She's waiting for you doon. Hali ka. Papakilala kita dali." sabi ni Kaycee.

Hindi na ako sumagot kay Kaycee at sumama nalang ako sakanya. Wala akong idea kung sino ang papakilala ni Kaycee saakin basta kung saan masaya si Kaycee, dun ako. Habang nag lalakad kami papunta doon ng may nakita akong isang babae na nakasuot ng pink cocktail dress at sparkly white heels pero hindi ko makita ang mukha niya kasi nakatalikod siya ehh. Ewan ko kung anong meron siya pero kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, nakuha niya agad ang attention ko. Lalo tuloy akong na curious kung sino siya. Pero kahit anong mangyari, si Athena parin ang paulit ulit kong pipiliin. Siya lang yung nag iisa sa puso ko ehh at wala nang iba. Nang malapit na kami doon, ng biglang tinawag ni Kaycee yung babae.

"Ate Athena!" sabi Kaycee.

Ano? Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ang pangalan ni Athena? Pero imposible naman.  humarap na yung babae. Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko na si Athena pala yung kaibigan na gustong ipakilala ni Kaycee saakin. Pakiramdam ko biglang nag i-slow motion ang lahat ng makita ko si Athena. Ang ganda ganda ni Athena. Sobrang ganda niya.

"KENDRIX?" Sabi ni Athena.

Nagkatitigan kami ni Athena na parang walang ibang tao sa paligid namin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nakatingin sa isang anghel na bumaba sa lupa sa sobrang ganda niya ehh.

"Mag kakilala kayo?" tanong ni Kaycee.
"Ahh oo. Magka klase kami sa ibang subjects ehh." sagot ni Athena.
"Tsaka magkaibigan kami baby sis." sabi ko.
"Really? OMG! I can't believe this. You know what kuya, Bagay na bagay kayong dalawa. You look so good together." Sabi ni Kaycee.

Alam ko naman yun ehh. Bagay na bagay talaga kami kaso wala pa akong lakas ng loob na umamin eh. Ewan ko ba. Sa tuwing nasa harap ko si Athena, pakiramdam ko umuurong ang dila ko. Siguro nga torpe talaga ako pero mas okay na yun kaysa naman layuan niya ako diba? Advance lang talaga ako mag isip eh.

"Hala? Ano kaba Kaycee. Magkaibigan lang kami ng kuya mo. Diba Kendrix?"

I look at her and I smile.

"Tama! Magkaibigan lang kami ni Athena. Hanggang dun lang yun." sabi ko.

Pero hindi naman talaga hanggang dun lang yun ehh. I want Athena to my future wife and last woman I will love. I never see myself, with other girls. Si Athena na ang gusto kong makasama forever. Si Athena lang.

"Ahh ganon ba kuya? Sige, maiwan ko muna kayo para makapag usap kayo. Enjoy!" sabi ni Athena.

Umalis na nga si Kaycee at kami nalang ni Athena ang naiwan. Nakakainis! Dahil sa sinabi ni Kaycee kanina, medyo awkward tuloy ang feels. Hindi ko na magawang tignan si Athena sa mata.

11:30 PM ng matapos ang party ni Kaycee. Pero lumipas ang ilang oras ng wala kaming kibuan ni Athena. Ewan ko ba. Basta awkward kami ni Athena sa isat isa. Si kaycee kasi eh! Hay! Kailangan ko gumawa ng paraan para mawala na yung awkwardness ni Athena saakin.

"Ahm may pupuntahan kapa ba after the party?" Tanong ko.
"Ahh wala naman na Kendrix. Bakit?" sagot ni Athena.
"Hatid na kita sainyo." sabi ko.

Biglang natahimik si Athena at tinitigan niya lang ako.

"Ahh nako wag na Kendrix. Kaya ko naman sarili ko ehh. Salamat nalang."

I look at her seriously.

"But I insist Athena. Its getting late na din eh. Baka kung ano pang mangyari sayo sa daan. Pumayag kana please?" Pamimilit ko.
"Pero Kendrix..."
"Please? Please? Please? Please?" sabi ko habang nagpapacute sakanya.

Bigla siyang ngumiti ng dahil sa ginagawa ko. Finally nakita ko na ang magandang ngiti ng mahal ko. I mean ni Athena pala. Hehehe.

"Oo na! Sige na! Pumapayag na ako. Kulit mo ehh pero sa isang kondisyon Kendrix."

Bigla akong kinabahan ng dahil sa sinabi ni Athena.

"Okay ano yun Athena?" sabi ko.
"Magco-commute tayo. Okay lang ba sayo?" Sabi ni Athena.

Yun lang pala eh. Grabe kinabahan ako dun ah?

"Oo naman, gusto mo kargahin pa kita pauwi ehh." Bulong ko.
"Anong sabi mo?" Tanong ni Athena.
"Ahhh wala. Sabi ko. Tara na." Palusot ko.
"Ahh sige. Tara."

Lumabas na kami ng hotel at nag umpisa na mag lakad papunta sa bus stop. Sa gitna ng katahimikan ng biglang nagsalita si Athena.

"Grabe noh, hindi ako makapaniwala na ikaw pala yung sinasabi ni Kaycee na kuya niya." sabi ni Athena habang tumatawa.
"Ako nga rin ehh. Hindi ako makapaniwala na ikaw pala yung sinasabi niya na special guest. What a coincidence noh?" sabi ko.
"Oo nga ehh." nakangiting sabi ni Athena.

Makalipas ang 10 minutes n a pag lalakad papunta sa bus stop ng makita ko si Athena na nahihirapan maglakad.

"Okay ka lang ba Athena?" tanong ko.
"Ahhh oo naman Kendrix. Medyo masakit na kasi yung paa ko dahil dito sa heels na suot ko." sagot ni Athena.
"Ah... Gusto mo ba na kargahin nalang kita hanggang sa bus stop?" sabi ko.

Biglang nanglaki ang mata ni Athena ng dahil sa sinabi ko.

"Ahhh nako wag na Kendrix. Kaya ko naman ehh. Mag pa-paa nalang ako kaso......"
"Kaso ano? Nahihiya ka ba?" sabi ko.
"Parang ganon na nga. Baka pagtawan ako ng mga tao pag nag paa ako dito. Kaya titiisin ko nalang yung sakit ng paa ko." sabi  ni Athena.

Kahit hindi sabihin ni Athena, kitang kita ko sa mukha niya yung hirap. Ngayon I realized na ganon pala kahirap maging babae.

"Ehh alam ko naman na hindi mo na kaya ehh. Alam ko na ang gagawin ko para di kana mahiya." sabi ko.
"Ha? What do you mean kendrix?" Tanong ni Athena.

Tinanggal ko ang mga sapatos ko at nag lakad ng naka paa.

"Hoy ano ang ginagawa mo Kendrix? Bakit naka paa ka?" Tanong ni Athena.
"Diba sabi mo nahihiya ka mag paa? Para di ka mahiya, sasamahan nalang kita mag paa para kung mapapahiya ka, mapapahiya rin ako." Nakangiting sabi ko.

Biglang akong napahinto sa paglalakad at sumayaw sayaw sa daan habang naka paa. Wala akong pake sa isiipin ng iba. Basta ang gusto ko lang mapangiti ko si Athena, masaya na ako non. Bigla namang tumawa ng malakas si Athena ng dahil sa ginagawa ko.

"ANO NA ATHENA? HABULIN MO AKO!!" sigaw ko habang tumatakbo papalayo.
"Ahh ganon ahh. Hintayin mo'ko diyan." Sagot ni Athena habang hinuhubad ang suot na heels.

Tumakbo si Athena at hinabol niya ako hanggang sa bus stop. Grabe, sobrang nakakapagod tumakbo pero sobrang saya naman lalo na kung kasama mo yung taong gusto mo. Ngayon ko lang nakita si Athena na ganito kasaya. Sana hindi na matapos ang araw na'to. Sana ganito nalang araw araw. Makalipas ang 10 minutes,  nakarating na kami sa bus stop at agad naman kaming nakasakay. kahit pinagtitinginan kami ng mga tao, okay lang. Ano bang pake nila diba? Dahil sa sobrang pagod ng kakatakbo namin Athena, nakatulog siya sa balikat ko. Hindi ko muna siya ginising at in-enjoy ko muna ang moment na kasama siya. NANG BIGLANG...

"I love you!" sabi ni Athena habang natutulog.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa narinig ko. Gusto kong tumakbo, tumalon at sumigaw sa sobrang saya. Halos sasabog na ang puso ko sa sobrang saya ng dahil sa narinig ko. Wala na. May nanalo na. Sobrang buo na ang araw ko ng dahil kay Athena. Kahit alam ko na hindi para saakin yung i love you na yun, eh ako naman ang nakarinig kaya akin nalang yun. Hahaha! Sigurado na ako. Aamin na ako sa tunay na nararamdaman ko para sakanya ngayon at wala nang makakapigil saakin.

"I love you too Athena." Bulong ko habang tinititigan ang magandang mukha ni Athena.

Makalipas ang 30 minutes, nakarating na kami sa susunod na bus stop malapit sa bahay nina Athena.

"Athen gising na. Nandito na tayo." sabi ko habang tinatapik ang balikat niya.

Nang magising na siya, bigla niyang inangat yung ulo niya at tinitigan ako.

"Ay sorry Kendrix. Nakatulog pala ako."

Ngumiti lang ako na parang ewan.

"Wag kang mag alala Athena. Sobrang okay lang yun." sabi ko.

Bumaba na kami at nag umpisa na mag lakad papasok ng subdivision habang naka paa. Makalipas ang 20 minutes, nakarating na kami sa bahay nila.

"Maraming salamat Kendrix sa pag hatid ahh?"
"Ahhh wala yun. Basta ikaw Athena." sabi ko.
"Ahh sige ahh. Pasok na ako." sabi ni Athena.

Papasok na sana si Athena ng bigla ko siyang tinawag.

"Ahm wait lang Athena, may sasabihin ako." Sabi ko.
"Ano yun Kendrix?" Naka ngiting tanong ni Athena.

Biglang bumilis ang tibok ang puso ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba to o hindi. Hay ewan. Bahala na nga.

"Ahh good night Athena." sabi ko.
"Akala ko naman kung ano yung sasabihin mo eh. Kinabahan ako ng bonggang bongga eh. Good night din Kendrix. Ingat ka sa pag uwi mo ha? Sige pasok na ako. Salamat ulit." sabi ni Athena.
"Pangako! Magiingat ako para sayo." sabi ko.

Hindi na sumagot si Athena at pumasok na siya. Grabe! Akala ko kaya ko na umamin sakanya pero hindi naman pala. HAY NAKAKAINIS! Umurong nanaman ang dila ko eh. Balang araw, magkakaroon na din ako ng lakas na umamin sakanya. NOT NOW, BUT SOON.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

129K 3.2K 26
Magkakasundo ba ang dalawang tao na hindi gusto ang isa't isa lalo na na ikakasal sila? [DONE REVISION AND EDITING.]
151K 3.6K 62
[Completed] FILWTBB Series #1 Si Gabby Samonte ay isang babaeng may kasabihang, "Hindi ako mahuhulog sa Bad Boy, ayokong magmahal ng Bad Boy. Baka s...
182K 3.5K 84
[COMPLETED] 20 long years had passed, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tahimik at masayang buhay ni Leila ay nagimbal at nagulo. Nawala an...
19.4K 594 31
Paano kung dahil Sa isang asidenteng pagkakaintindihan ay mawala ang fist kiss mo? Paano kung dahil sa isang halik ay mahanap mo Ang childhood Bestfr...