MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

De La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... Mai multe

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY

158 11 0
De La_Diyosa

ATHENA'S POV

Makalipas ang 10 minutes, nakarating na kami sa gymnasium. JUICECOLORED! Nangangatog ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. Kaya ko ba to? Bakit ba kasi pumayag pa ako na sumali sa pageant na to. NAKAKALOKA!

Habang nakatayo sa labas ng gymnasium parang ayoko ko na maglakad papasok sa sobrang kaba na nararamdaman ko.  At sa gitna ng pagmumuni muni  ng bigla akong kinausap ni Kendrix.

"Kinakabahan ka ba Athena?" tanong ni Kendrix.
"Oo ehh. Kinakabahan ako." Sagot ko.

Maya maya pa, dumating na yung Floor director ng pageant at kinausap ako.

"Ahhm excuse me for interrupting your sweet moments noh? Pero mag sisimula na kasi yung pageant in 10 minutes. Kailangan mo na mag palit at mag ayos." -Floor Director.

ANO DAW? SWEET MOMENTS? HINDI BA PWEDENG NAG UUSAP LANG?  SWEET MOMENT KAAGAD? NAKAKALOKA NAMAN TO!

"Ahh sige. Susunod ako." sagot ko.

Tinignan ko si Kendrix at nag paalam muna.

"Sige Kendrix. Mauna na muna ako ah? Kita nalang tayo mamaya."

Papaalis na sana ako nang biglang hinawakan ni Kendrix ang kamay ko sabay yakap ng mahigpit saakin. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa biglaang pag yakap saakin ni Kendrix.

"Wag ka ng kakabahan. Nandito lang ako para suportahan ka." bulong ni Kendrix.

JUICECOLORED! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil sa sinabi ni Kendrix. Mukhang lalo ata akong kinabaha eh ng dahil sa mokong na to. Pero in fairness, medyo gumaan ang pakiramdam ko nung niyakap ako niya ako. Maya maya pa, lumapit ulit saamin yung floor director ng Miss S.H pageant.

"Ahm excuse me? Nandito pa ako oh?" Sabi ng floor director.

Bigla akong kumalas sa pag kakayakap ni Kendrix saakin. NAKAKALOKA! NA CARRIED AWAY LANG SIGURO AKO NG BONGGANG BONGGA! Pero parang gusto ko naman. CHAROT!  LANDE EH NOH! HAHAHA!

"Sige ahh, punta na ako doon. Salamat sa pag suporta. Makakabawi din ako sayo." sabi ko.
"Nako wag mo yung isipin. Ang isipin mo ngayon yung pageant. Kaya mo yan Athena. Kaya mo yan!" Nakangiting sabi ni Kendrix.

Ngumiti nalang ako at pumunta na sa dressing room para magpalit at mag ayos na. Habang papunta doon ng makita ko si Angel doon.

"Ohh hello Athena. Anong ginagawa mo dito? Nandito kaba para suportahan ako?" Tanong ni Angel.
"Ahh hindi eh. Ako kasi yung pinalit nila doon sa nag backout na kandidata." sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Angel simula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay.

"Oh? So ikaw pala ang sinasabi nila na papalit sa looser na yun. Alam mo ba kung bakit siya nag backout?" Tanong ni Angel.
"Bakit nga ba?" Tanong ko.
"Kasi alam niya na wala siyang laban saakin. And for your information Athena, sigurado ako na ako ang mananalo sa pageant na to. Dahil ako lang ang nag iisang reyna ng S.H University. Kaya nga walang ibang nag tatangka na kalabanin ako eh. Maliwanag ba?" Sabi ni Angel.

NAKAKALOKA! Bumalik na ba ulit yung Angel na BRUHA? Hala? Akala ko nag bago na siya? HINDI NAMAN PALA. Tama si Zoey, ONCE A BRUHA, ALWAYS A BRUHAJUICECOLORED! NAKAKASHOKOT! T__T

"Ano? Bakit di ka makasagot? Umurong na ba yang dila mo sa takot ha?" Tanong ulit ni Angel habang nakataas ang kilay.
"Ha? Hindi ah." sagot ko.
"So bakit hindi ka makasagot sa tanong ko?"

Maya maya pa, biglang dumating yung floor director ng pageant.

"Girls. You only have 5 minutes to prepare for the pageant." -Floor director.

WHAT? 5 MINUTES? EH HINDI PA NGA AKO NAKAKAPAG BIHIS AT MAKE UP EH. NAKAKALOKA! T__T

Nag madali akong nag bihis at isinuot  ang dress at sapatos na pinahiram ni Kendrix. Buti nalang kasya saakin yung sapatos at damit. Grabe ang ganda ganda naman ng damit at sapatos na to. Lakas maka sosyal. HAHAHA! Pero paano to? Meron nalang akong dalawang minuto bago mag start ang pageant. Makakapag make up pa kaya ako? Hay! BAHALA NA NGA!

Naglagay nalang ako ng liptint at sinuklay nalang yung buhok ko. NAKAKALOKA! Wala na kasing oras para mag ayos eh. Bahala na kung ano yung itchura ko. Makalipas ang dalawang minuto, nag simula na ang pageant. Lumabas na kami isa isa at pumunta na sa stage. Nang ako na ang lalabas, JUSMIYO MARIMAR! Nangangatog ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. Yung parang ayaw ko nang maglakad palabas pero no choice ako eh. Bakit ba kasi pumayag pa ako! Kung hindi lang talaga ako naawa dun sa floor director, hindi naman ako papayag eh. NAKAKAINIS!!  Umiiyak na ang kili kili ko sa sobrang kaba. JUICECOLORED! Kaya mo yan Athena. Kaya mo yan! Wag kang kakabahan. Okay?

*INHALE.. EXHALE.. INHALE.. EXHALE..*

Nang lumabas na ako, biglang naghiyawan ang mga tao. Lalo akong kinabahan. Nanginginig ang kamay ko. Nang biglang sumigaw si Kendrix.

"GO ATHENA!! WAG KANG KAKABAHAN!! KAYA MO YAN!!" sigaw ni Kendrix habang may hawak na bond paper na may nakasulat na,

'GO ATHENA!'

Biglang lumakas ang loob ko ng dahil sa pag suporta ni Kendrix saakin. Teka! Nandito kaya si Calyx? Sana naman nandito siya. Para mas lalong lumakas ang loob ko. Lumingon lingon ako at hinanap si Calyx sa audience pero hindi ko siya nakita. Siguro nga iniiwasan pa niya ako. Hay! Wala naman akong magagawa eh. Pero okay lang yun nandito naman si Kendrix para suportahan ako.

Makalipas ang 30 minutes, talent portion na. JUSMIYO! Wala akong alam na talent. Bakit ba kasi may ganito pang portion? Wala ngang long gown pero may talent portion naman. NAKAKALOKA! Kailangan pa ba ito? LUPA KAININ MO NA AKO PLEASE? T__T

Maya maya pa, tinawag na ako para mag perform. Lumabas na ako at tumayo sa stage. Biglang naghiyawan ang mga audience ng paglabas ko. NAKAKALOKA. Nag e-expect ata sila na maganda ang gagawin ko. Ehhh hindi ko nga alam kung anong gagawin ko ehh. Hay nako naman! T__T

"Ano na? Di ka pa ba magsisimula?"
"Ano pang hinihintay mo? Pasko?"
"Kung hindi ka mag ta-talent bumaba kana diyan!"

Sigaw ng mga audience. JUICECOLORED! HINDI KO NGA ALAM ANG GAGAWIN KO EHH. Papaalis na sana ako nang biglang naghiyawan ang mga tao. Napalingon ako at nakita ko si Calyx nag nag lalakad papalapit saakin habang may hawak na violin. Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Wag kang kakabahan. Ako bahala sayo." bulong ni Calyx.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at lumakas ang loob ko ng makita ko si Calyx.

"Ready kana ba?" Tanong ni Calyx.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa tanong ni Calyx.

"Ha? Ready saan?" Tanong ko.

Hindi na sumagot si Calyx sa tanong ko. Bigla siyang naupo at tumugtog ng violin. Tinugtog niya ang YOU ARE THE REASON by CALUM SCOTT. Tinignan ako ni Calyx at ngumiti siya saakin. Kumanta ako habang si Calyx naman tumutogtog ng violin.

"I climb every mountain... And swim every ocean."

"Just to be with you... And fix what I broken."

"Oh...Oh cause I need you to see."

"That you are the reason."

Buti nalang dumating si Calyx at iniligtas ulit ako. Kasi kung hindi siya dumating, hindi ko na siguro alam ang gagawin ko dito. Habang kumakanta ng bigla akong napatingin kay Kendrix. Ngumiti siya saakin na parang sinasabi niya na "Kaya mo yan. Ang galing mo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na nga talaga alam kung ano ang nararamdaman ko. Hindi kaya gusto ko na si Kendrix? Pero bakit naguguluhan ako? Sabi ng utak ko, si Calyx ang gusto ko pero sabi naman ng puso ko, si Kendrix naman ang gusto ko. Hay ewan! Ang gulo gulo na talaga ng mundo. T__T

Nang matapos na kami ni Calyx mag perform, bumaba na kami ng stage. Bumalik na ako sa backstage para mag prepare para sa Question and Answer portion. JUICECOLOREDAkala ko katapusan ko na kanina. Buti nalang dumating si Calyx para iligtas ulit ako. Habang nag lalakad pabalik ng dressing room ng makasalubong ko si Angel.

"Congratuations Athena. Ang galing mo!" sabi ni Angel sabay yakap saakin.

Bigla akong nagulat ng dahil sa ginawa ni Angel. Kanina halos magliyab na yung ilong niya sa galit tapos ngayon mabait ulit siya? NAKAKALOKA! NABABALIW NA BA SIYA? HALA! KASHOKOT! T__T

"Salamat. Ikaw din Angel. Ang galing mo din." sabi ko.
"I know right! Anyway, ano ang feeling ng pinag aagawan ng dalawang lalake?" tanong ni Angel.
"Ha? What do you mean Angel?" tanong ko.
"Ahhh wala. Never mind. Sige. Be ready sa pag katalo Athena." sabi ni Angel sabay lakad palaalis.

Maya maya pa, nag simula na ang Q and A portion. Unang tinanong si Angel.

"Hello Ms. Martinez! How do you feel now?" -Host.
"I feel confident na mananalo ako." Sagot ni Angel.
"Thats the spirit Ms. Martinez. Are you ready?" -Host.

Lumingon si Angel at tinignan ako sabay irap. NAKAKALOKA! BIPOLAR NAMAN THIS GIRL! -___-

"I was born ready." sagot ni Angel.

Biglang naghiyawan lahat ng fangirls at fanboys ni Angel.

"Okay. So this is the final question. Bakit sa tingin mo ikaw ang karapatdapat na manalo bilang bagong Miss S.H University Queen 2020?" -Host.

Biglang natahimik ang lahat.

"Thank you for that wonderful question. Ladies and gentlemen, I believe na ako ang karapatdapat manalo at maging bagong reyna ng university na to, kasi naniniwala ako sa aking angking talino, yaman at higit sa lahat kagandahan. That's why I deserve to win this pageant and to be crown as the new Ms. S.H University Queen 2020. And I thank you." sagot ni Angel.

Biglang nag kagulo at nag hiyawan ang lahat ng fangirls at fanboys ni Angel ng dahil sa sagot niya. For sure mananalo siya ng dahil sa ganda ng sagot niya.

"Thank you for that wonderful answer Ms. Martinez." -Host.

Maya maya pa, ako naman ang sunod na tinawag para sumagot. JUICECOLORED! Kinakabahan ako. Parang umiikot ang sikmura ko sa sobrang kaba NANG BIGLANG...

"GO ATHENA! KAYA MO YAN!" sigaw ni Kendrix at ni Calyx.

Napangiti ako ng makita ko silang dalawa na nag kakasundo habang sinusuportahan ako. Lumapit na ako doon sa host at tinanong ng parehong tanong kay Angel.

"Hello there Ms. Salvador. How do you feel now?" -Host.
"Kinakabahan po ako. First time ko kasi po na sumali sa pageant eh." Sagot ko.
"Really? But it seems na ikaw ang crowd favorite. So are you ready for your question?" -Host.
"Ye...yes." Nauutal na sagot ko.
"So this is the final question. Bakit sa tingin mo ikaw ang karapatdapat na manalo bilang bagong Miss S.H University Queen 2020?" -Host.

Biglang natahimik ang lahat. Inaabangan nila ang sagot ko. NAKAKALOKA! Kailangan ko lang  sagutin ang tanong na gamit ang puso ko. Kasi alam ko na dun lang mangagaling ang tunay at totoong sagot.

"Siguro alam naman ng nakararami dito na bago ako nakilala ng lahat, naging isang dakilang nobody muna ako. Halos walang pumapansin at gustong makipag kaibigan saakin ng dahil sa itchura ko.  Hanggang sa nahanap ko ang tunay na ako. Kung ano at sino talaga si Athena. Kasi naniniwala ako na ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nakikita sa panlabas na itchura kundi sa ganda ng iyong kalooban. Dahil ang tunay na maganda ay may angkin na kagandahan inside and out. Dahil ang tunay na karapatdapat na maging bagong Miss S.H University Queen ay hindi lang nakafocus sa magagandang bagay, kasi ang tunay na reyna ay handang makinig at ipaglaban ang tama kahit sino at kung ano ka man. And I thank you." sagot ko.

Biglang natahimik ang lahat. Mukhang hindi nila nagustuhan ang sagot ko. Hay nako naman! Sabi ko na nga ba eh. Bakit ba kasi sumali pa ako dito? Gusto ko na umiyak eh. Nang biglang nag tayuan at naghiyawan ang lahat.

"Tama! Ang galing mo Athena!"
"Manalo o matalo ikaw parin ang reyna ko."

Sabi ng mga audience. Buong akala ko hindi nila nagustuhan ang sagot. Pero nag kamali pala ako. Maya maya pa, tinawag na ang top 2 ng pageant. JUICECOLORED! Kinakabahan ako. Out of 20 candidates, dalawa nalang ang pipiliin. Sino kaya ang top 2 saaming lahat? Nakaka kaba naman to.

"Our first one to be on the top 2 is.... Sino gusto niyo?" -Host.

KALOKA NAMAN TONG HOST NA ITO. PASUSPENSE PA NG SOBRA. SIYA KAYA TUMAYO DITO. NAKAKALOKA! -___-

"ANGEL! ANGEL! ANGEL!"
"ATHENA! ATHENA! ATHENA!"

Sigaw ng mga audience. JUSMIYO MARIMAR! Bukas pa siguro i-aannounce kung sino ang kasali sa top 2. Sigurado ako si Angel yan at yung isang magaling na kaibigan niya.

"Our first one to be on the top 2 is Ms. Angel Heaven Martinez." -Host.

Sabi ko na nga ba ehh. Tama ako! At sigurado ako na si Angel din ang mananalo dito. Ganda kaya ng sagot niya.

"The next one to join Ms. Martinez is...." -Host.
"Hindi ako! Hindi ako! Hindi ako!" Bulong ko.

NAKAKALOKA! ANG LAKAS NG TIBOK NG PUSO KO.

"The next one to join Ms. Martinez is Ms. Athena Gabrielle Salvador.

OOHHH MAAAY GHHHHAD! JUICECOLORED! TAMA BA ANG NARINIG KO? AKO YUNG TINAWAG? NAKAKALOKA! HINDI KO INEXPECT TO!!

Pumunta na ako sa unahan at tinabihan si Angel.

"Ohhh akalain mo nga naman, umabot ka hanggang dito. Wag ka nang mag expect na ikaw ang mananalo dito kasi masasaktan ka lang." Bulong ni Angel.

Lumingon ako at tinignan si Angel.

"Oo alam ko yun. Hindi nga ako umaasa na manalo eh. Ang gusto ko lang, mailabas ang saloobin ko. Hindi naman ako naghahangad ng fame or ano pa man. Ang gusto ko lang,  ang pagtanggap at pag respeto ng lahat. Yun lang ang gusto ko." sagot ko.

Maya maya pa, nag salita na ang host at nag announce na ng nanalo. Lumapit ako kay Angel at naghawak kami ng kamay. For sure, diring diri ang babaeng to. NAKAKALOKA! -___-

"Excited na ba kayo malaman kung sino ang ating bagong Miss S.H University Queen 2020?" -Host.

Biglang nag hiyawan ang lahat. JUSMIYO MARIMAR! Umiiyak na ang kili kili ko sa sobrang kaba. Bakit ba kasi sumali pa ako dito? Eh kung alam ko naman na matatalo lang ako. Hay! NAKAKALOKA NAMAN!

"Okay. Ang unang pangalan na tatawagin ko ay ang ating bagong Reyna. Ang ating bagong Miss S.H University Queen 2020 is....." -Host.

JUICE COLORED! Grabe naman yung pasuspense ng host na to. Masasakal ko na talaga tong host na to. Kanina pa umiiyak ang kili kili ko eh. NAKAKALOKA!

"Are you ready na  matalo Athena?" tanong ni Angel.
"Oo alam ko naman na ikaw ang mananalo. Dahil ikaw naman talaga yung reyna ng school na to eh." sabi ko.
"Buti naman alam mo." sagot ni Angel.

MAYA MAYA PA...

"Ang ating bagong Miss S.H University Queen 2020 is miss... ANGEL HEAVEN MARTINEZ. - Host.

Lumapit na si Angel at sinuotan na siya ng korona at sash.

"Ohhh My Gosh! I-expect this talaga. Thank you so much." sabi ni Angel habang kumakaway.

Nang inannounce ang pangalan ni Angel, napatingin ako kila Kendrix at Calyx. Pero ngumiti lang sila saakin. Hindi naman ako nag eexpect na manalo eh. Pero bakit ba nasasaktan ako? Hay!  Sabi ko na nga ba ehh. Hindi ako mananalo dito. Pero okay lang, at least nasabi ko yung saloobin ko diba?

Pababa na sana kami ng stage ng biglang bumalik yung Host at may inannounce ulit.

"Okay, ladies and gentlemen. I'm so sorry. Nag kamali po ako. Ang nanalo po na Miss S.H University Queen 2020 ay si Miss Athena Gabrielle Salvador at si Angel Heaven Martinez naman ang ating first runner up." -Host.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa narinig ko. Kinuha nila ang korona at sash kay Angel at isiunot saakin. Bigla akong tinignan ni Angel ng masama. NAKAKALOKA! Totoo ba to? Tama ba ang narinig ko? Nanalo ba talaga ako? JUICECOLORED! Hindi ako makapaniwala na nanalo ako. Tumingin ako kay Calyx at Kendrix ng nakangiti tapos ngumiti din sila saakin. Parang sa dami ng tao dito, si Kendrix at si Calyx lang ang nakikita ko. Pinapapagaan nila ang pakiramdam ko. Pero ang gulo gulo talaga ng lahat. Hay sino ba talaga ang pipiliin ko sakanilang dalawa? Hay ang gulo naman! T__T

Gabi na ng matapos ang pageant. Lumapit saakin si Angel at kinausap ako.

"Well... Well... Well... Congratulations Athena. Im so happy for you." sabi ni Angel sabay beso beso.

"Salamat Angel." sagot ko.
"Well kamusta naman pakiramdam na maging reyna?" tanong ni Angel.
"Ewan ko. Hindi ko alam eh." sagot ko.

Tinignan ako ni Angel ng masama.

"Bakit hindi mo alam? Diba diyan ka naman magaling? Ang mang agaw ng hindi sayo." sabi ni Angel.
"Ha? Anong ibig sabihin mo Angel?" tanong ko.
"Ah wala. Nevermind. Alam ko naman na hindi mo maiintindihan eh. I have to go girl. Congratulations again." sabi ni Angel sabay irap.

Nang makaalis na si Angel. Dumating naman si Kendrix at si Calyx na may dalang bulaklak.

"Ang galing galing mo Athena. Nga pala flowers for you. Kami ni Kendrix ang bumili niyan para sayo." sabi ni Calyx sabay abot ng bulaklak.
"Oo nga Athena. Sabi ko sayo eh kaya mo yan. Sobrang galing mo. LODI NA KITA ATHENA." sabi naman ni Kendrix.

Tinignan ko si Kendrix ng masama.

"Ay sus! HAHAHA! Baliw ka talaga kahit kailan. Pero salamat sainyo ahh. Kasi kung hindi naman dahil sainyo hindi naman ako mananalo dito. Salamat ahhh." sabi ko.

Lumapit ako sakanila at niyakap ko sila ng mahigpit.

"Ay sorry. Na carried away lang ako." sabi ko.

Umatras ako ng umatras nang bigla akong natapilok at natumba ako.

"ARAY! YUNG PAA KO. GRABE ANG SAKIT!" sigaw ko.

Nagmadaling lumapit saakin si Kendrix at Calyx.

"Athena! Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Kendrix.

Bigla akong binuhat ni Kendrix at agad na dinala ako sa clinic. Ginamot nila ako doon at sabi ng doctor na namamaga daw ang kaliwang paa ko ng dahil sa pag kakatapilok ko.  Makalipas ang 10 minutes, pinauwi na ako. Pumasok si Kendrix at Calyx sa loob ng clinic para sunduin ako.

"Tara na Athena. Hatid kana namin sa bahay niyo." sabi ni Calyx.
"Nako wag na. Kaya ko naman mag lakad eh." sabi ko.
"Sigurado ka ba? Ehh mukhang hindi mo pa kaya eh." sabi ni Calyx.
"Tignan niyo ahh. Kaya kong mag lakad mag isa." Sabi ko.

Tumayo ako  at sinubukan mag lakad pero...

"ARAY! Ang sakit!" sigaw ko.

Nakakaloka. Muntik na akong matumba buti nalang nasalo ako ni Calyx. Nag katitigan kaming dalawa na parang wala ng bukas. Kung hindi siguro ako nasalo ni Calyx, baka nabagok na ulo ko sa sahig at baka magka amnesia pa ako at makalimutan ko na mahal ko siya. CHAROT! HAHAHA!

Sa gitna ng pag tititigan namin ni Calyx nang biglang lumapit si Kendrix. Binuhat niya ako at isinakay  sa likod niya. Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa ginawa ni Kendrix.

"Ano ba Kendrix! Ibaba mo nga ako! Kaya ko naman lumakad mag isa ehh." sabi ko sabay hampas sa likod niya.

Biglang napahinto si Kendrix sa pag lalakad.

"Pwede ba Athena! Wag nang matigas ang ulo mo. Hindi mo nga kasi kaya ehh. Muntik na ngang mabagok ang ulo mo kanina tapos sasabihin mo ngayon na kaya mo? Pwede ba! Wag nang  matigas ang ulo mo kasi hindi lahat ng oras masasalo ka namin. At hindi sa lahat ng oras nandito ako para sayo. Kaya please naman Athena! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo." Seryosong sabi ni Kendrix.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Kendrix. Nakakaloka naman tong lalakeng to! Parang si papa kung mag salita. Pero infairness, ramdam na ramdam ko naman ang pag aalala niya saakin. Ewan ko ba kung anong meron ka Kendrix para magkaganito ako. Pero sa tuwing nandiyan siya pakiramdam ko safe ako. Sa tuwing nandiyan siya, napapangiti at napapasaya niya ako at sa tuwing nandiyan siya pakiramdam ko buo na ang araw ko. Mahal na nga kita Kendrix. Pero gusto ko din si Calyx. Hay ano ba yan! Ang kumlikado talaga ng mga bagay bagay. Hindi dapat malaman ni Kendrix na gusto ko siya kasi baka layuan at iwasan niya ako tsaka baka mag away lang sila ni Calyx ulit eh. Okay na ako na mahalin kita Kendrix kaysa malaman mo tapos bigla kang lalayo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwasan niya ako. Mababaliw siguro ako pag nangyari yun. Baliw na kung baliw. Basta okay na tong ganitong set up kaysa mag away lang silang dalawa ng dahil saakin.

Kawawa naman si Kendrix. Ang bigat bigat ko pero pinipilit niya parin na kargahin ako kahit nahihirapan na siya. Bakit ba ang bait bait niya saakin? Hindi kaya gusto niya rin ako? Pero di naman yun mangyayari ehh. Di naman ako ang type niya. So bakit ba ako mag aassume diba? Masasaktan lang ako. Siguro gusto niya lang talagang bumawi sa lahat ng na gawa niya saakin. Atleast na a-appreciate ko ang mga effort niya para makabawi lang saakin. Hanggang kaya ko, itatago ko ang nararamdaman ko para sayo Kendrix. Sana ganito nalang hanggang dulo. Sana hindi ka na magbago.

ANGEL'S POV

Inagaw mo na nga saakin ang trono ko pati ba naman si Kendrix agawin mo pa saakin? Ang landi mo rin Athena noh? Iniisip ng lahat anghel ka pero puro KALANDIAN lang pala ang alam mo. Kung iniisip mo na maagaw mo na ang trono ko, well gagawa ako ng paraan mapasaakin lang ulit ang trono na nararapat para sa tunay na reyna. May araw ka din saakin Athena. Tandaan mo to, nasaakin parin ang kwintas mo kaya nasaakin parin ang HULING ALAS.

Itutuloy...

Continuă lectura

O să-ți placă și

5.8K 259 12
MISSION: Find Mr. Right (Completed)
12.4K 706 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
My Mystery Girl De loveSHM

Ficțiune adolescenți

271K 4.7K 81
An optimistic guy meets a pessimistic girl. She's the quiet type while he's the outgoing one. He holds no secret about himself, but she's someone w...
22.6K 377 23
"Kahit kailan ay hinding hindi ako maiinlove sa isa sa mga Montenegro Brothers" yan lang naman ang laging tinatandaan ng ating bida.Ang ating bida na...