His Beautiful Distraction (Be...

By OhCheeseball

41.5K 2.3K 451

Nakilala ni Kitkat si Milo nang isang gabing hinimatay siya. Ito ang tumulong sa kanya. From that day on, he... More

X
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
His Beautiful Distraction

Kabanata 22

917 72 30
By OhCheeseball

Kabanata 22

BUMALOT ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila Kitkat at Milo pagkatapos niyang ibahagi sa huli ang tungkol sa sakit niya. Hindi kumibo si Milo. Tiningnan niya ang lalaki. His face was void of any emotions.

"You're going to take the operation, right?" basag ni Milo sa katahimikan.

"Yes."

Napahinga ito nang maluwang. "That's good to hear. So good."

Namuo ang luha sa kanyang mga mata nang makita ang relief sa mukha ni Milo. Sa loob ng ilang taong paggala-gala niya sa mundo, pakiramdam niya sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagawa siyang magandang desisyon.

Noong pumasok si Milo sa silid niya kanina, ang mabigat niyang pakiramdam ay gumaan bigla. Tila ba nanumbalik ang lakas niya na hinihigop ng kanyang sakit. He became her strength without him knowing. Wala itong kamalay-malay na ito ang nagsisilbing buhay niya ngayon.

Ang maramdamang pinapahalagahan siya nito ay sapat na para gumaan ang pakiramdam niya. Subalit hindi niya mapigilang maghangad nang mas malalim pa. Hindi ba puwedeng mahalin din siya nito kagaya ng pagmamahal niya dito? Pero alam niyang sobra-sobra na iyon. Imposible sigurong mahalin siya nito. Sino ba siya? Si Kitkat lamang siya. Maraming mas magagandang babae ang nagkakagusto dito, iyong mga babaeng walang excess baggage sa dibdib.

Ramdam niya ang pamumuo ng luha sa mata.

Napahinga siya nang malalim upang pigilan ang pagpatakan ng luha sa magkabila niyang pisngi. Kung iiyak man siya, hindi sa harapan ni Milo. "May pasok ka pa, 'di ba? You can now go."

"Ah, may sasabihin pa ako, Kitkat."

"Okay."

Huminga ito nang malalim. Ramdam niya ang paghaplos nito sa kamay niyang hawak-hawak nito. Nanayo ang balahibo niya sa batok dahil sa simpleng aksyong iyon.

"I love you."

Hati ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon nang marinig ang winika nito. God, she wanted to believe what he had said—that he loved her, too. But the doubts inside her heart were killing her. Hindi niya maiwasang isipin na baka naaawa lamang ito sa kanya. Maybe, he also read the last wish that she had written on her notepad. No, hindi siya nito mahal. He just wanted to fulfill all the wishes she wrote on her notepad.

Akmang uupo siya subalit hindi siya hinayaan ni Milo. Nanatili siyang nakahiga. Iniangat niya ang libreng kamay at ibinaling ang mukha ni Milo sa kanya. Ngumiti siya subalit alam niyang may halong kapaitan ang ngiti niya.

"It wasn't love, Milo. It's pity. Superhero complex lang 'yan na akala mo love na. Don't pity me just because I'm alone and I'm weak. I don't need it. You love Gail."

May dumaan na galit at hindi pagkapaniwala sa mata nito. "Listen here, Kitkat de Leon. Mukhang hindi mo ako naiintindihan. I know what I'm feeling and it's far from pity damn it! Superhero complex? I don't want to be a fucking superhero, thank you very much."

"Imposible! Nilapitan mo lang naman ako dahil sa listahan ko sa notepad, right? Nakipaglapit ka lang sa akin para makalimutan si Gail! At siguro kaya mo lang sinasabi na mahal ako ay dahil nakalagay 'yon sa notepad ko, na naghahanap ako ng lalaking magmamahal sa akin!"

"No, no, yes, and no! Posibleng mahalin kita. Nilapitan kita dahil may kung anong humahatak sa akin na lapitan ka. At oo, nakipaglapit ako sa 'yo para kalimutan si Gail. At nagawa ko 'yon dahil din sa 'yo. Noong minahal ko si Gail, akala ko hindi na darating ang araw na mabubura ang pagmamahal na 'yon sa puso ko."

Parang gusto na niyang sumigaw ng "time-out" dahil sa huling winika ni Milo. Pero masokista siya, eh. Pinakinggan niya ang susunod nitong sasabihin kahit na ba maghahatid lamang iyon ng karagdagang sakit sa puso niya.

"Akala ko hindi na ako makaka-move on. Sabagay, ilang taon na ba ang lumipas na nanatiling si Gail ang nasa puso ko. Then I saw the picture of this girl. Hindi ko alam kung anong panghatak ang mayroon siya at nakikita ko na lamang ang sarili na nagnanais na makilala siya at makita sa personal." Huminga ito nang malalim at tinignan siya nang diretso sa mata. "It was you, Kitkat."

"What?"

"It was fate that brought you to me, Kitkat. Noong gabing hinimatay ka at dinala kita sa bahay, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Hindi ko alam noon kung bakit. I was mending a broken heart, right? Pero bakit masaya ako na makita kita? Nalito ako. Then you offered your company. Akala ko, kaya ko 'yon tinanggap dahil gusto kong makalimot. 'Yon pala, may hidden agenda ang puso ko. Gusto ka pala niyang makilala para maging candidate na maging next muse nito. N'ong napagtanto ko 'yo, wala na akong laban. Hulog na hulog na ako, eh. Mahal na pala kita higit pa sa pagmamahal na inukol ko kay Gail. See? Sinong nagsabing imposibleng mahalin kita?"

Tila nalunod ang puso niya sa pinagtapat nito. Was it really possible for him to love her? Natupad na ba ang hiling niya na mahalin din siya nito?

Lumunok siya upang alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan. "My to-do list..."

"Remember what I told you when you saw your notepad in my room? I want to see you smile because I care. But along that care grew this feeling. Love. I wanted to see you smile because I love you so much. Ginawa ko ang lahat ng iyon dahil gusto kong makita ang ngiti mo. I've told you, 'di ba? Gusto kong makita kang masaya."

Hindi na niya napigilan pa ang pagpatakan ng luha sa magkabila niyang pisngi. She cried hard not because of sadness but because of so much happiness she was feeling. Nakakaiyak din pala kahit sobrang saya ang nararamdaman mo.

"All my life I've been waiting for someone who will make me see how beautiful life is. Akala ko hindi na darating pa ang araw na 'yon. Pero binigay ka Niya sa akin. Before I knew it, I fell in love with you." Nanlaki ang mata ni Milo at dumaan ang hindi pagkapaniwala sa mata nito. "Oo, mahal kitang choco drink ka. Noong nakilala kita, saka ko napagtanto na puro infatuation lang pala ang naramdaman ko noon sa mga lalaking dumaan sa buhay ko."

Sumimangot ito. "Ang dami namang lalaki ang dumaan sa buhay mo."

Nakangiting pinisil niya ang pisngi nito. "Syempre, sa ganda kong 'to?"

"Hindi na ako tatanggi."

"'Tas ayon nga. Ginawa ko 'yong list na 'yan kasi morbid ako. Feeling ko mamamatay ako. 'Tas nakilala kita. Napagtanto kong masarap pa lang mabuhay. Napagtanto kong gusto kong mabuhay. Gusto kong mabuhay para maturuan kang mahalin ako. Kasi mahal kita. Sobra-sobra."

"Promise?"

Ngumiti siya. "Oo, promise."

"Naghahanap ka ng dahilan para mabuhay hindi ba? Heto ako, hindi ba puwedeng ako na lang ang dahilang hinahanap mo? You are not alone anymore. Huwag mong isiping nag-iisa ka dahil naiinsulto ako. Nandito na kaya ako para sayo. Fight, Miss Kitkat. Don't give up."

"Kahit hindi mo naman sabihin, ikaw na talaga ang dahilan nang pagbangon ko araw-araw. Parang sa commercial ng Nescafe lang 'yan, eh. Bakit ako bumabangon araw-araw? Para makita ka. I planned the operation because I wanted to be with you more. So yes, I'm not giving up anymore."

"Starting today, no more talking about giving up, okay?"

"Opo."

"Girlfriend na kita," hindi ito nagtatanong kundi nagpapahayag.

"Wala man lamang ligawan?" reklamo niya.

Pinandilatan siya nito. "Nililigawan na po kita n'on. No reaction ka lang."

"Sige, sabi mo, eh. Mahal kita, mahal mo ako. Magpapakipot pa ba ako?"

Ngumiti nang pagkasuyo-suyo si Milo. Napatitig siya sa mata nito at nakita niya ang emosyon doon patungkol sa kanya. Emosyong hindi niya akalain na makikita sa mata nito. Pagmamahal.

Unti-unting bumaba ang tingin niya hanggang sa labi nito. Tila kay lambot at sarap halikan ng mga labi nito. Ano kayang pakiramdam ng mahalikan ng isang Michael Angelo Castillo?

Napansin niya ang unti-unting pagbaba ng mukha ni Milo sa mukha niya. Dahil nakahiga siya sa kama at nakadikit ito sa kanya, hindi siya nakakilos. Though wala naman talaga siyang balak na umiwas.

Nang maglapat ang labi nila ni Milo, pakiramdam niya ay nasa langit siya. His soft and warm lips against hers felt so nice. It was as if the world stopped spinning when his lips touched hers. Everything faded and nothing mattered to her except the man kissing her right now.

She realized that she was on the place where she was meant to be with in the first place. Inside Milo's arms. Kissing him. Loving him.

Continue Reading

You'll Also Like

635K 10K 53
Eligible Heiress Series Book 2 [Completed] In a relationship, with love, time will tell... it always does. But how elusive heart can be? The story i...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
347K 18.3K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5.1K 265 37
COLLEGE BOYS SERIES #1 Zero Kyle Emer Norwell, the college guy who always bully this highschool transferee girl named Elke Mariam Kiethlyn Venus (the...