Alkia Kingdom Reborn

By Missmaple

397K 16.8K 1.6K

When Denise Raven receives a mysterious email from someone claiming to be her from a parallel universe, her w... More

IMPORTANT NOTE
Dedication
Alkia Kingdom Classes
Alkia Kingdom Map
Prologue
Alkia 1: Virtual Gates
Alkia 2: Game Crest
Alkia 3: Alkia Kingdom
Alkia 4: Cathedral Restoration
Alkia 5: Shoot-to-Kill Tower
Alkia 6: Dark Fortress
Alkia 8: Master Crafter
Alkia 9: Gamble City
Alkia 10: Duel Arena
Alkia 11: Kiss of Death
Alkia 12: East Gatekeeper
Alkia 13: North Gatekeeper
Alkia 14: Silver
Alkia 15: West Gatekeeper
Alkia 16: South Gatekeeper
Alkia 17: Lost City
Alkia 18: Pet Training City
Alkia 19: Couple
Alkia 20: Dragon Island
Alkia 21: Green Dragon
Alkia 22: Blue Dragon
Alkia 23: Red Dragon
Alkia 24: Black Dragon
Alkia 25: White Dragon
Alkia 26: Jailed
Alkia 27: Hope
Alkia 28: Controlled
Alkia 29: Last Stage
Alkia 30: Final Boss
Alkia 31: Summon
Epilogue

Alkia 7: Party Quest

8.7K 443 53
By Missmaple


Kasama ko sina Fire at Ice na kagigising lang. I tracked my party members through my dashboard. Lahat sila ay online na at nasa loob ng bayan. Nagpadala ako ng mensahe na magkita-kita kami sa riverbank. May party quest kaming kailangang tapusin. We needed to beat a dungeon boss and save the NPCs captured by this boss. Its dungeon was located inside the forest.

Kumpleto na kami sa tabing-ilog.

"Let's discuss the plan. According to the quest, we will face a Level 170 killer bear. Bago tayo makarating sa dungeon, tiyak na marami pa tayong makakaharap na killer bears. For offense, Phoenix, Ice, Scythe, and I will take charge. For support and defense, I will leave everything to Angel and Fire. Any objections? Angel? Fire? You can attack too, but if your co-members are in bad shape, you know what to do," seryosong sabi ko sa kanila.

Fire and Angel accepted.

"Bumili na kayo ng mana at health replenisher. You can also buy special items to boost skills and attributes. Basta makinig kayo sa sasabihin ko kapag nasa loob na tayo ng dungeon. Use your power wisely. If I tell you to switch positions with someone, follow me. Ice and Scythe will tank. Main tank will be Ice. They'll control the aggro. As much as possible, I want everyone to survive. Don't be stubborn and reckless. I know we are all after the points and ranks, but we shouldn't be greedy because this is still a party quest. Walang mangyayari kung magkakanya-kanya tayo," sabi ko. "Let's meet in front of the main gates, eleven o'clock sharp."

Naiwan kami nina Fire nang umalis sila upang maghanda. Naglakad kami patungo sa stall na bilihan ng potions.

"A Level 170 monster is tough for our levels. But I'll stick to your plans. I trust you," saad ni Fire.

"Wala tayong magagawa. We'll retreat if something bad happens. I'll take charge of that. And thank you for trusting me," sagot ko. Tama siya. Mahirap kalabanin ang Level 170 monster lalo na kung hindi kami mag-iingat. Nasa Level 167 to 169 pa lang kami.

"Are you sure about Phoenix? I have a bad feeling about him," sabi ni Ice. Madalas tama ang kutob ni Ice. Phoenix was a good player, but he was stubborn and would often make mistakes.

"It's fine. I'll take care of him. I hope he'll listen," sagot ko. Bumili na kami ng mga kakailanganin namin.

Pumasok na kami sa loob ng kagubatan. I could feel the tension in the air. Tila maraming nakamasid sa 'min pero wala kaming nakikitang kahit ano sa paligid.

The killer bears were watching us. Ice jumped from tree to tree. She's our eyes and guide.

"I saw them in the middle of their territory. Sampu. Mahihirapan tayong makalampas kung nagbabantay sila. May ilang killer bears din sa malayo," sabi ni Ice. "I think those ten already spotted us. Or maybe they smelled us," she added.

"I noticed, too. Maghiwa-hiwalay muna tayo. We can avoid their attacks and run straight to the dungeon. I'll give you instructions later," sabi ko.

We moved at our own pace. Naghiwa-hiwalay kami. Tumayo ako sa isang sanga ng puno. I struck two of the killer bears with my arrows, blazing with blue lights when they started to attack my teammates. Ang ibang ka-party ko ay nagkanya-kanya rin sa pagsugod sa mga killer bears. Malakas na ungol ang lumabas mula sa dalawang osong inatake ko. Agad silang tumakbo sa punong kinaroroonan ko.

Ang isa sa kanila ay galit na pinaghahampas ang puno kung nasaan ako. I continuously attacked it. Bago ako lumipat sa isang puno, napatumba ko na ang isang killer bear. Hinabol naman ako ng isa pa. Palipat-lipat ako sa mga sanga ng iba't ibang puno habang pinapaulanan ko ito ng mga nagliliwanag na pana. Natalo rin ito sa wakas.

I looked around. Napansin kong nahihirapan na ang mga killer bears. Hindi pa ganoon kataas ang mga levels nila. I studied their every move.

May isang killer bear na handa nang umatake mula sa likod ni Ice. I hit it with my arrow. Malakas na ang impact nito dahil nadagdagan ang level ko. Kailangan ko na talagang magpagawa ng sarili kong bow para mas lumakas ang tira ko.

Tumalon si Ice palayo. Nadagdagan na rin ang level niya. "Thanks," she said. Natalo na niya ang killer bear na inatake niya.

I watched everyone. Scythe, a slayer, looked like an Amazon. Bumabaon ang espada niya sa oso sa bawat pag-atake niya. Mabuti na lang, naiwasan niya ang mga matatalim na kuko nito.

Angel, a bard, used her music to deceive the bears. May ilang segundong na-mesmerize ang bear na kaharap niya. Ginamit niya ang pagkakataong 'yon upang atakihin ang killer bear. Samantala, Fire attacked them with fire. He also shielded himself with fire walls.

Kumunot naman ang noo ko nang makita si Phoenix. Walang kahirap-hirap na tinalo niya ang mga killer bear. He used an enormous power again. Natitiyak kong mas malakas pa iyon sa kapangyarihang nailalabas ng level ko. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha 'yon. He struck the bears with powerful bolts of lightning. I wondered how he could do that. Buffs? It's impossible to cheat inside the game, right?

They're almost done. Natanaw ko na rin ang isang kuweba. Bumaba na ako nang matapos nila ang laban. Ang problema, natunugan din kami ng iba pang bears na nagsimula nang lumapit sa 'min.

"Don't fight. Run straight to the dungeon now," sabi ko.

We ran as fast as we could. Iniwasan namin ang killer bears. Nang makapasok kami sa kuweba, hindi na sila sumunod. Umungol lang sila nang napakalakas. Maybe they were calling the attention of the boss.

Mainit at madilim sa loob ng yungib kaya halos hindi namin makita ang daan. Nagsilbing liwanag ang mga gemstones sa mga sandata namin. May natanaw kaming isang lagusan. Mula roon ay may makikitang kulay lilang liwanag. Siguro sa dulo noon makikita ang dungeon boss.

"Maghanda kayo," sabi ko. Isa-isa kaming pumasok sa loob. Nang makapasok kaming lahat, isang malaking bato ang gumulong at tumakip sa lagusan.

Hindi kami makaaalis doon hangga't hindi namin natatalo ang dungeon boss. Wala na kaming kawala. May apat na ilawang apoy sa bawat sulok ng kinaroroonan namin. Kulay lila ang mga apoy pero madilim sa mga gilid. Hindi pa namin makita ang dungeon boss.

"Ilag!" sigaw ko nang makita ang isang kumikislap na bagay na lumipad patungo sa amin. Tumalon kami palayo upang umiwas. Nahati kami sa dalawang grupo. Malalaking kukong tila patalim ang lumipad patungo sa 'min. Bumaon ang mga ito sa pader.

May nakadugtong na mga kadena sa mga kukong ito patungo sa madilim na bahagi. Mula roon ay lumabas ang dungeon boss. Nababalutan ng makapal na bronze armor ang katawan at ulo nito. Hinila nito pabalik ang kanyang mga kuko. Mahahaba rin ang mga pangil nito at nanlilisik ang mga mata. Naglakad ito patungo sa pinakagitnang bahagi. Itinago ko ang kabang naramdaman.

"We have to destroy his armor first. Avoid his attacks and switch positions when I tell you. Ice, ikaw muna ang sumugod sa kanya. Sa iba, palibutan ang boss at sabaysabay na atakehin kapag nakontrol na ni Ice ang aggro. Move!" utos ko sa kanila.

Pinalibutan agad namin ang boss. Hindi nito alam kung saan lilingon. Sabay-sabay namin itong inatake. Hindi namin inasahang kaya pala nitong tumalon nang mataas. Naiwasan nito ang mga tira namin. Pinalipad nito ang magkabilang patalim na kuko kina Ice at Angel habang nasa ere pa.

Hindi na ako nag-alala kay Ice dahil mabilis siyang kumilos. Agad kong pinakawalan ang pana ko at pinatama sa kukong aatake kay Angel. Tumalsik ito sa malayo. Agad lumayo si Angel sa boss. Ice started to control the boss's aggro and attack kaya't hinabol siya nito.

"Phoenix, hit him," utos ko sa kanya.

He scowled but still followed me. He struck the boss using his lightning pero hindi ito masyadong nagalusan. Nagalit lang ang killer bear boss. Nang makababa ito at makabawi sa atake ay tumakbo siya patungo kay Phoenix. I jumped in the air right away and hit its back. Natigilan ito. Sinubukan nitong kalmutin ako pero nakatalon ako sa gilid nito.

"Scythe, switch!" sigaw ko.

We changed positions, and Scythe immediately struck the dungeon boss. Napasigaw ito nang malakas at untiunting nabawasan ang effectivity ng armor nito.

"Ice, switch with Scythe," I said.

Galit na hinarap ng dungeon boss si Scythe. Phoenix and I grabbed the chance to hit the boss. Lalo itong nagwala. Nang makalayo si Scythe, nagpalit sila ng posisyon ni Ice. Dahil mas mabilis kumilos si Ice, nagawa niyang ilagan ang atake ng dungeon master.

Ice hit the boss with her flying blades. Sunud-sunod na pinaulanan ko ito ng mga pana. Maging si Phoenix ay nagpaulan na rin ng kidlat. Lalayo na sana si Ice pero mabilis na pumulupot sa katawan niya ang kadena ng dungeon master. Malakas na ihinampas ng dungeon master si Ice sa sahig.

"Scythe, do your best to break the chains. Fire, ikaw na ang bahala kay Ice. Angel, support me and Phoenix. Strengthen and boost our attacks. Alam kong you have that ability," sabi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Mas lumakas ang paghampas ng dungeon master kay Ice. Hawak naman ni Ice ang sandata niya. She tried to attack the dungeon master but it was no use. Napasigaw si Ice sa sakit. Unti-unti na ring nauubos ang HP niya. Nagpaulan ako ng blazing arrows sa master. Pinalipad nito patungo sa 'kin ang isa pa niyang kuko.

I did my best to avoid it. Kasabay kong sumugod si Phoenix. Ginawa naman ni Scythe ang makakaya niya upang sirain ang kadena pero inatake siya ng mga kuko ng dungeon master.

Mas humigpit ang pagpulupot ng kadena kay Ice. Nahirapan na siya. Fire did his best to support Scythe and Ice. Minsan, tumutulong din siya sa pag-atake sa kadena habang pilit pinapagaling sina Ice at Scythe. Pinalakas naman ni Angel ang bawat pag-atake namin sa dungeon master.

Nadaplisan pa ako sa pisngi. I jumped above it and targeted its head. Mababa na ang armor niya. Sa tulong ng musika ni Angel, nagawa niyang palakasin ang atake ko. I released a blue bird-shaped blazing arrow and attacked him from above. It was a direct and critical hit on the head. Its armor became zero. Malakas na umungol ang boss. Lumayo ako sa kanya. Nasira na nina Scythe at Fire ang kadena at nakawala na si Ice.

Sinundan ako ng isang kuko ng dungeon master. Agad akong tumakbo nang paikot-ikot sa kanya habang pinatatamaan siya ng mga pana. Sunud-sunod din ang pagtira ni Ice dito. Nagulat ako nang mag-iba ng direksyon ang kadena ng boss. Tumama ang kuko nito kay Angel at humampas ang likod niya sa pader. Bumaon sa tiyan niya ang kuko nito. Hinila ng dungeon boss ang kadena kaya napasigaw si Angel. Napaluhod siya sa sahig. Kulay pula na ang HP niya.

"Fire!" sigaw ko.

"Got it!" he said. Agad niyang pinagaling si Angel pero hindi ito sapat. Ininom na ni Angel ang healing potion niya pero may cool down ang pag-inom ng healing potion. She was back on her feet. Nakahinga ako nang maluwag.

Sunud-sunod ang pag-atake namin sa dungeon master. Malapit nang maubos ang HP nito.

"Angel, give the final blow," I said. I was not being considerate. She deserved it. She nodded. Pero nagulat ako dahil mula sa likod niya, isang malakas na puwersa ang pinakawalan ni Phoenix.

Napailing ako dahil napunta kay Phoenix ang last attack bonus. May mga reward bonus ding napunta sa bawat isa sa 'min. Tumaas din ang level namin. Nainis ang lahat sa ginawa ni Phoenix.

Naglaho na ang dungeon boss at bumukas na ang lagusan. Wala namang pakialam si Phoenix sa masasamang tinging ipinukol namin sa kanya.

"Let's go," iritadong sabi ko. What's up with him?

"Don't tell me, hindi mo siya pagsasabihan?" bulong ni Ice.

Nagkibit-balikat ako. "He's hard to handle," sabi ko. Isa si Phoenix sa magagaling na players pero hindi siya mahilig makipag-coordinate.

Napailing si Ice. "Hindi naman ako nakikipagtalo sa last attack bonus. Ang attitude kasi niya ang nakaiinis!"

"Hayaan mo na. Mag-assist muna tayo sa ibang guild members," sabi ko na lang.

The adventurers in town were livelier now. Hindi katulad ng dating nakatulala lang. Mukhang nasasanay na silang mabuhay sa loob ng laro. Natutunan na rin nila kung paano kikita ng pera sa tulong ng mga quest. Ang nakatatakot lang, baka 'pag nasanay sila, hindi na nila gustuhing umalis doon.

***

Continue Reading

You'll Also Like

260K 19.7K 31
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
1M 68.4K 69
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
962K 48K 50
Hoy bitch! Anong karapatan mong basahin ang story ko? Sinong nagbigay sayo ng karapatan? Yung walang kwentang author ba? *Rolled eyes* Oh well, anon...
2K 209 6
In the small town of Casus-- where I live, we have a belief. That everyone was given a second chance. . . no matter what they've done or who they ar...