MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 25: VICTORY PARTY

158 10 0
By La_Diyosa

ATHENA'S POV

Habang kumakain kami ng bigla kong naalala ko yung victory party mamaya. Nako kinakabahan ako. NAKAKALOKA! Sana hindi nila ako payagan. Ayoko kasi pumunta doon eh. Baka mag away lang si Kendrix at si Calyx ng dahil saakin. Hay bakit ba kasi kailangan nila akong pag awayan? Hay ang gulo gulo. PROMISE! T__T

Tinignan ko sina Tito Kenndedy at Tita Alex ng may blakong expression sa mukha.

"Teka nga lang! Bakit ba kanina mo pa ako tinitignan anak. May sasabihin kaba?" tanong ni tito Kennedy.

Bigla akong nabulunan ng dahil sa tanong ni Tito Kennedy.

"Okay ka lang nak? Eto tubig oh." sabi ni tita Alex sabay abot ng tubig saakin.

NAKAKALOKA! Nabulunan ako ng dahil sa sinabi ni Tito Kennedy. JUICECOLORED! Umiiyak na ang kili kili ko sa sobrang kaba. Paano ako mag papaalam sakanila? Hay ano ba yan! -___-

"Kung magpapa alam ka ate tungkol sa victory party niyo mamaya ng mga ka grupo mo sa play, WAG NA. Alam na yan ni mama at ni papa." sabat ni Maxine habang patuloy parin sa pag kain.

Biglang nanlaki ang mata ng dahil sa sinabi ni Maxine.

"Ha? Paano niyo nalaman? Wala pa naman ako sinasabi sainyo ah." tanong ko.

Tinignan ako ni Tito Kennedy at ni Tita Alex at ni Maxine na may blankong reaksyon sa mukha.

"Ah kasi pumunta dito si Calyx at hinahanap ka kanina." Seryosong sabi ni Tita Alex.
"Si Calyx po? Ano po ang sinabi mo Tita Alex?" Tanong ko.
"Sabi ko tulog ka tapos nag kwento siya tungkol sa manyayaring victory party mamaya at pinagpaalam ka niya saamin. At alam mo ba kung ano ang desisyon namin ng Tito Kennedy mo?" seryosong sabi ni Tita Alex.

Bigla akong napatigil sa pag kain habang nakatingin kay Tita Alex na parang ewan. JUICECOLORED! ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO. KINAKABAHAN AKO NG BONGGANG BONGGA. T__T

"Hindi po kayo pumapayag diba? Nako okay lang po kung hindi po kayo papayag. Maiintindihan ko naman po eh. Okay lang talaga po." nakangiting sabi ko.

Kinuha ko ang baso at uminom ng juice.

"Ha? Anong sinasabi mo nak? Pumapayag kami ng Tita Alex mo na pumunta ka doon. Basta ihahatid ka ni Kendrix at ni Calyx dito ng ligtas." sabi ni Tito Kennedy.

Bigla kong naibuga ang iniinom kong juice ng dahil sa sinabi ni Tito Kennedy.

"ANO PO? BAKIT?" Pasigaw na tanong ko.
"Kokontra ka ba ate?" tanong ni Maxine.
"Nako! Hindi noh. Sabi ko nga ang saya ko kasi pinayagan nila ako eh." sabi ko sabay kamot sa ulo.

AKO? MASAYA?SYEMPRE HINDI NOH! NAKAKALOKA! AYOKO NGA PUMUNTA DOON TAPOS PUMAYAG SILA? JUICECOLORED! ANG PINAKA NAKAKALOKA PA DOON, IHAHATID AKO NI CALYX AT KENDRIX PAUWI. HAY! ANO BA? UMIIWAS NGA AKO DIBA? PERO MUKHANG MALABO NA MANGYARI YUN EH. NAKAKAINIS NAMAN! T__T

Makalipas ang 30 minutes, umakayat agad ako para makapag ayos na. Labag man sa loob ko pero wala akong magagawa eh. Hindi naman ako pwedeng komontra. Baka mapagalitan lang ako. Hay ganon talaga pag meron kang napakasupportive na mga magulang. NAKAKALOKA! -___-

Habang nag aayos ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"AY BULATE!" gulat na sigaw ko.

Ano ba yan! Umabot sa pisnge ko ang lipstick ng dahil sa sobrang gulat. Sino ba kasi yan kumakatok na yan? Sigurado ako si Maxine nanaman yan. Nako lagot talaga saakin yan babae na yan. Tumayo ako at hinampas ang pinto.

"PWEDE BA MAXINE SA SUSUNOD WAG KANG KAKATOK NG BIGLAAN! NAGUGULAT AKO EH!" Pagtataray ko.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Aba'y makulit ka talaga ahhh."

Dali dali kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nag simula ulit mag taray.

"MAXINE ANO BA! ANG KULIT MO NAMAN EH! C.....C...CALYX? A...a..anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

JUICECOLORED! Akala ko si Maxine si Calyx pala. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Nakakaloka! Nakakahiya yung ginawa ko. Tsaka Hindi niya pwedeng makitang ganito ang itchura ko.

"Hi Athena! Anong nangyari sa mukha mo?" Tanong ni Calyx.

Bigla akong napahawak sa pisnge ko at tinakpan ang lipstick sa mukha ko.

"Ahhh.... Ahhhhh.. Eto? Hmmm hindi mo ba alam na uso ang ganitong style ngayon? Ginagaya ko lang yung nakita ko sa mga makeup tutorial sa youtube." sabi ko sabay sara ng pinto.

JUICECOLORED! NAKAKAHIYA! PALUSOT PA MORE ATHENA! SIGE PA! ILUSOT MO PA! NAKAKALOKA! MEMA KADIN ATHENA NOH? MEMASABI LANG. LUPA KAININ MO NALANG AKO PLEASE? T__T

Nag madali akong inayos ang make up ko. Makalipas ang 10 minutes, bumaba na ako.

*AUTHOR'S NOTE: NAKASUOT SI ATHENA NG GUCCI NA T-SHIRT, FADED RIP JEANS AT PUTING SAPATOS.*

Nang makababa na ako, tinitigan ako ni Calyx na parang tutunawin niya ako sa lagkit ng tingin niya. Panget ba ang suot ko? Bakit kaya ganyan makatingin si Calyx? Nako naman. Nako-conscious tuloy ako.

"Ang ganda ganda naman ng ate ko." sabi ni Maxine.
"Che! Tigilan mo nga ako. Bolero!" sabi ko.
"Totoo naman anak. Ang ganda mo kaya!" sabi ni Tito Kennedy.
"Tama ang Tito Kennedy mo. Sobrang ganda mo anak. Manang mana ka sa mama mo." sabi ni Tita Alex.
"Nako si tita Alex talaga. Alam ko naman po yun eh. Kayo po ni mama ang pinakamagandang nanay sa buong mundo noh." sabi ko.

Napangiti si tita Alex ng dahil sa sinabi ko.

"Aba'y ano pang hinihintay niyo? Umalis na kayo at malapit na mag alas nuwebe. Mag ingat kayo doon ha?" sabi ni Tito Kennedy.
"Opo Tito Kennedy magiingat po kami." sagot ko.

Biglang tinignan ni tita Alex si Calyx.

"Ingatan mo ang anak namin ha?" sabi ni Tita Alex.
"Opo tita. Pangako ko po na iingatan ko si Athena. Sige po. Mauna na po kami." Nakangiting sagot ni Calyx.

Naks naman. Lakas makaprinsesa mga bes. Hahahahaha! Nang makalabas na kami ng pinto nang biglang akong tinawag ni Calyx.

"Athena?"

Napalingon ako at tinignan si Calyx.

"Ano yun Calyx?" tanong ko.

Tinitigan lang ako ni Calyx sabay sabi nang...

"Ang ganda ganda mo Athena." sabi ni Calyx sabay hawak sa kamay ko.

Nanlaki ang mga mata at tenga ko ng dahil sa sinabi ni Calyx. ENE BE! Nakakaloka ka naman Calyx eh. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Para na akong maiihi sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon.

"Bakit na mumula ka Athena? Masama ba pakiramdam mo?" tanong ni Calyx.
"Ha? Ako na mumula? Hindi ahh. HAHAHA! Sa make up lang siguro yan." sabi ko sabay hawak sa pisnge ko.
"Ahhh ganon ba? Okay sabi mo eh." Nakangiting sagot ni Calyx.

Maya maya pa, biglang dumating si Kendrix.

"Kendrix? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ano pa? Edi sinusundo kita. Tinext kasi ako ni tatay kennedy na bantayan kita doon." sabi ni Kendrix.

Bigla bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Kendrix. JUICECOLORED! ETO NANAMAN TAYO EH. Bakit ba kasi dumating pa tong mokong nato? Naguguluhan nanaman tuloy ako. Hay! Ano ba kasi! Bakit ba kailangan ko pang maguluhan ng ganito? NAKO NAMAN! T__T

"Si tito Kennedy talaga oh. Kahit kailan talaga parang ewan." Bulong ko.

Tinignan ako ni Calyx at ni Kendrix na may blankong expression sa mukha.

"May sinasabi ka ba Athena?" tanong ni Kendrix.
"Ako? May sinasabi? Wala ahhh. Tara na?" sabi ko.

Maya maya pa, umalis na kami sa bahay. Makalipas ang 30 minutes, nakarating na kami sa Bar na sinabi ni Angel. Tumayo ako sa harap ng pinto at napaisip.

JUICECOLORED! Iniisip ko palang na iinom ako, natatakot na ako eh. Paano kapag nalasing ako at nagwala ako sa loob ng bar? Or worse sabihin ko ang mga sikreto ko. Hay ano ba yan! Tama ba ang disisyon ko na pumunta dito? Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kaya ko ba to? Kaya mo yan Athena. Wag ka nalang uminom ng madami para hindi ka malasing okay? Tama yun nga!

Habang nakatulala ako, NANG BIGLANG...

"ATHENA!" sigaw ni Kendrix.
"AY PALAKA!" Gulat na sigaw ko.
"Sorry! Nagulat ba kita?" tanong ni Kendrix.
"Ay hindi Kendrix! Iniexpect ko nga na kakausapin mo ako sa gitna ng pag mumuni muni ko. Ano ba naman Kendrix syempre nagulat ako noh! Wag ka naman nang gugulat ng ganon. Aatakihin naman ako niyan sa puso eh. Nakakaloka ka naman!" sabi ko.
"Sorry na." sabi ni Kendrix.

Hindi ako sumagot sa sinabi ni Kendrix at tinignan ko si Calyx.

"I think we should go in now? Baka kanina pa nila tayo hinihintay sa loob eh." sabi ni Calyx.
"Ahh oo nga. Tara!" sabi ko.

Pumasok na nga kami sa loob at naupo na sa table na ni-reserve ni Angel para saamin. Naupo ako sa harap ni Kendrix at tumabi ako kay Calyx. Maya maya pa nagsimula na si Calyx at Kendrix uminom ng beer. Ako naman, Juice lang ang inorder ko. Ayoko kasing malasing eh. Baka kasi kung ano anong masabi at magawa ko pag nalasing ako. Kaya okay na to. Maya maya pa, biglang dumating si Angel at naupo sa tabi ni Kendrix.

"Hi guys! Andito na pala kayo! Are you enjoying the party?" tanong ni Angel.
"Yes. Thank you for inviting me here." nakangiting sabi ni Calyx.

Tinignan ko si Calyx. Ang cute cute pala ni Calyx pag nakainom. Namumula ang mga pisnge niya eh. Ang sarap sarap kagatin at pisilin ng pisilin. Hehehe!

"Ikaw Kendrix? Are you enjoying ba?" tanong ni Angel.
"Oo naman. Im enjoying." sabi ni Kendrix with a poker face.

Tinignan ko din si Kendrix. NAKAKALOKA! Sobrang hot niyang tignan habang umiinom at in fairness lalo ata siyang pomopogi ahh. Siguro inlove na siya. Nakakaloka! Nakailang bote na syia ng beer pero mukhang hindi naman siya nalalasing. Ang taas naman ng tolerance ng lalakeng to sa alak. Nang biglang niya akong nahuli na nakatingin sakanya.

"Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Kendrix.

Bigla akong umiwas ng tingin at napainom ng juice sa sobrang kaba.

"Ahhh wala. Ang lakas mo palang uminom noh?" sabi ko.

Hindi na sumagot si Kendrix sa sinabi ko. Nakakaloka! Nahuli niya ako na nakatingin sakanya. Ano ba yan! Baka kung anong isipin niya at lagyan niya ng malisya yung mga titig ko sakanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang nagkatitigan ang mga mata namin. Grabe! Umiiyak na ang kili kili ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ba kasi hindi mo mapigilan na titigan si Kendrix? Umayos ka nga Athena. Si Calyx ang gusto mo, hindi si Kendrix. Kaibigan mo lang si Kendrix okay? Hanggang dun lang yun.

NANG BIGLANG..

"Athena may sasabihin ako." Sabi ni Kendrix with a poker face.

Ano naman kaya ang sasabihin ng mokong na to? NAKAKALOKA! Kinakabahan ako. Bakit ang seryoso ng mukha niya. Nakakatakot naman siya kapag sobrang seryoso. JUICECOLORED!

"Ano yun Kendrix?" tanong ko.

Tinitigan niya ako lang with a poker face. JUICECOLORED! Aatakihin na ako sa puso ng dahil sa sobrang kaba. Ano ba kasi yun? NAKAKALOKA! GRABE YUNG PA SUSPENSE AH! -___-

"Ahh wala. Sige inom ka lang diyan." nakangiting sabi ni Kendrix.

OHHH MAAAY GHHHAAD! AKALA KO NAMAN KUNG ANO YUN LANG PALA. KINABAHAN AKO DUN AH.

Maya maya pa, ako naman ang tinanong ni Angel.

"Oh bakit parang pawis na pawis ka ata? Okay ka lang ba?" tanong ni Angel.
"Ah oo. Ang hot kasi ni Kendrix." sabi ko.

Bigla silang nagtinginan saakin at napatigil sa pag inom.

"I mean ang hot pala dito noh? Grabe! Pinag papawisan ako. Ang init!" sabi ko.

ANO KA BA ATHENA! BAKIT MO NAMAN SINABI YUN? NABABALIW KANA BA HA? UMAYOS KA ATHENA. UMAYOS KA NGA! OKAY?

"Ahhh okay. Anyway, are you enjoying the party?" tanong ni Angel.
"Oo naman. Ang saya saya nga eh sobra." sagot ko.
"Oh thats nice. Teka bakit juice lang iniinom mo? Why you don't try to drink beer. Mas masarap yun kaysa sa juice." sabi ni Angel.
"Ahh mababa kasi ang tolerance ko sa alak. Mabilis akong malasing eh." sagot ko.
"That's unfair. Kami nga alak ang iniinom tapos ikaw juice lang? Hindi ako papayag na hindi ka uminom ng alak. Okay? Wait, I'll get you some beer." sabi ni Angel.

Makalipas ang dalawang minuto, bumalik na si Angel na may dalang isang bucket ng beer. Binigyan ako ni Angel ng isang bote ng beer. JUICECOLORED! Totoo ba to? Kakasabi ko lang kanina na hindi ako iinom eh. NAKO NAMAN! T__T

"Oh ayan. Ubusin mo yan okay?" sabi ni Angel.
"PERO....."
"Opppsss! Walang pero pero Athena. Okay ganito lets have a deal. Since ikaw si Snow White, okay lang hindi ka uminom ng alak." sabi ni Angel.

Biglang nanlaki ang tenga ko sa narinig ko.

"Talaga? Wow! Thank you ha?" Tuwang tuwa na sabi ko.
"Wait, let me finish. Since ikaw si Snow White, its okay na hindi ka uminom ng alak BUT... you have to say the name of your crush sa harap ng lahat ng nandito. Because everyone is curious about the lucky guy na nagugustohan mo. Mamili ka, iinom ka or sasabihin mo ang name ng crush mo?" tanong ni Angel.

ANO? HINDI PWEDE MALAMAN NI CALYX NA GUSTO KO SIYA! BAKA KASI KAPAG NALAMAN NIYA NA GUSTO KO SIYA, BAKA IWASAN NIYA AKO. TAPOS HINDI NA NIYA AKO PANSININ. NAKO HINDI KO KAYA YUN. ANONG GAGAWIN KO? HAY! BAHALA NA NGA!

Tinignan lang ako ni Calyx at ni Kendrix na parang nag hihintay ng sagot ko. BAHALA NA SI BATMAN! Kinuha ko ang isang bote ng beer at ininom ng isang lagukan. Makalipas ang isang minuto. Naubos ko na ang isang bote ng beer. NAKAKALOKA! Ang panget nung lasa. Medyo na hihilo na ako ah. Lasing na ata ako. Sumasayaw na ang daanan eh. Sana masaya na sila. Ayoko ko na uminom eh.

"Wow! Ang galing naman. But I guess kaya pa ang isang bote. What do you think guys?" Tanong ni Angel.

Natinginan saakin ang lahat. JUICECOLORED NAMAN. T__T

"Tama si Angel. Isa pa!"
"ISA PA! ISA PA! ISA PA! ISA PA!"

Sabi ng mga fan boys at fan girls ni Angel. Ano ba yan! Lasing na ako eh.

"Sige na. Isa nalang Athena." Sabi ni Angel.

Kinuha ko ulit ang isang bote at ininom ulit ng isang lagukan. Nang maubos ko na ulit ang isang bote. Nagpalakpakan ang lahat. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo eh. Lasing na ata ako. Pakiramdam ko masusuka na ako.

"Banyo lang ako ahh." sabi ko sabay tayo.

NAKAKALOKA. UMIIKOT ANG DAANAN.

"Okay ka lang ba Athena? Tanong Angel.
"Ahhh oo. Okay lang ako. Medyo na hihilo lang ako. Sige ahh idlip muna ako." sagot ko.

Hindi na ako nakapunta sa restroom at yumuko nalang sa mesa hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

ANGEL'S POV

Buong akala siguro ni Athena, lasing lang siya pero hindi alam niya alam na ang pinainom ko sakanya ay non-alcholic beverages. Tignan ko lang kung magigising pa siya sa nilagay kong pampatulog sa inumin niya. Finally masosolo ko na si Kendrix.

"Ahhm Kendrix tara sayaw tayo." Sabi ko.

Tinignan lang ako ni Kendrix na may blankong reaksyon sa mukha.

"Ayoko. Sorry. Iba nalang alukin mo." Sabi ni Kendrix
"What? Tara na. Lets enjoy the night. Halikana, sayaw tayo dali." sabi ko.

Tinignan lang ulit ako ni Kendrix na may blankong reaksyon sa mukha.

"PWEDE BA! HINDI MO BA NA IINTINDIHAN? AYOKO NGA!" sigaw ni Kendrix.

Nag tinginan ang lahat sa table namin. Tumayo si Kendrix at binuhat si Athena palabas ng bar at sinundan sila ni Calyx.

Nang biglang may lumapit saakin na hindi pamilyar na lalake at kinausap ko.

"Angel, Ako nga pala si Alvin, Alvin Montez. Student din ako S.H University." sabi nung lalake sabay abot ng kamay.
"And so what kung Alvin ang pangalan mo? Ano ba kailangan mo?" tanong ko.
"Ah wala lang. Gusto ko lang sanang alukin ka ng isang sayaw. Pwede ba?

Tinignan ko yung Alvin ng masama. Sa tingin niya ba sasama nalang ako sa isang cheap na lalake kagaya niya? HELL NO!

"Kilala mo ba ako?" tanong ko.
"Oo naman. Ikaw kaya ang pinakamaganda at pinakasikat sa buong S.H university." sabi nung Alvin.
"Alam mo naman pala eh. Since ako ang pinakasikat sa buong S.H University, SO HINDI AKO BASTA BASTA NAKIKIPAG SAYAW SA KUNG KANI-KANINO LANG AT MAS LALO NG HINDI AKO NAKIKIPAG SAYAW SA MGA PANGET NA KAGAYA MO. KAYA PWEDE BA UMALIS KA NGA DITO. AYOKO MAKITA YANG PAG MUMUKHA MO! SHU!" Pag tataray ko.

Hindi na sumagot yung Alvin at umalis nalang.

Hindi to pwedeng mangyari! Sinigawan ako ni Kendrix ng dahil sa babae na yun. Hindi ako makakapayag na gawin saakin to ni Kendrix. Nang gigigil ako sa babae na yun. Humanda siya saakin. Hindi pa kami tapos.

KENDRIX'S POV

Habang nakaupo si Athena sa harap ko kanina, gustong gusto ko nang sabihin na mahal ko siya at gusto kong sabihin kung gaano siya kaganda, pero ng nakita ko ang mga ngiti niya, parang pakiramdam ko biglang umurong ang dila ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan na tignan siya at hindi ko alam kung bakit ganito ang nagyayari saakin sa tuwing nakikita ko siya. Pero natatakot din akong aminin sakanya ang totoo kasi baka magalit siya at iwasan niya ako. Tawagin mo na akong TORPE okay lang, basta hindi lang mawala at umiwas si Athena saakin.

Nang nakita ko na lasing na si Athena, lumapit ako sakanya at isinakay siya sa likod ko. Nagmadali kaming lumabas ng bar at naglakad na papunta sa bus stop. Sumunod naman si Calyx saamin habang dala ang bag ni Athena.

Grabe! Ang payat ng babaeng to pero ang bigat bigat. Pero okay lang, wala akong pake kung mabigat si Athena, mahal ko naman siya eh. Handa akong gawin ang lahat para sakanya kahit ikamatay ko pa gagawin ko basta para kay Athena.

"Okay ka lang ba Kendrix? Gusto mo ako naman ang magbuhat sakanya?" tanong ni Calyx.
"Okay lang ako Calyx. Wag kang mag alala. Kaya ko to. Lahat gagawin ko para kay Athena." sagot ko.

Hindi na sumagot si Calyx sa sinabi ko. Makalipas ang 20 minutes, nakarating na kami sa bus stop. Nang makasay na kami sa bus pauwi sakanila, NANG BIGLANG NAGSALITA SI ATHENA HABANG TULOG.

"I LOVE YOU!" sabi ni Athena.

Bigla kaming nag tinginan ni Calyx ng dahil sa sinabi ni Athena. Kanino ba siya nag i love you? Saakin ba o kay Calyx? Nako naman Athena! Bakit ba kasi wala kang sinabing pangalan? Linawin mo naman kasi. Hay! Ano ba yan!

Makalipas ang isang oras, nakarating na kami sa bahay ni Athena. Agad namin dinala si Athena sa kwarto niya at inihiga siya sa kama niya.

"Salamat sa pag hatid niyo kay Athena ah." sabi ni nanay Alex.
"Wala anuman po tita." sabi ni Calyx.
"Oo nga po nay, nangako po kami kay tatay Kennedy naniingatan namin po si Athena." sabi ko.
"Ah tita mauna na po ako." sabi ni Calyx.
"Ahh sige Calyx. Salamat." Sabi ni nanay Alex.

Nang makalabas na si Calyx, kinausap ako ni nanay Alex.

"Ikaw naman Kendrix dito kana magpalipas ng gabi. Wala na sasakyan diyan pauwi sainyo tsaka delikado na diyan sa labas eh." sabi ni Nanay Alex.
"Sige po nay." nakangiting sagot ko.

YES! MASOSOLO KO NA SI ATHENA! HAHAHA! SORRY KA CALYX. ONE POINT PARA SAAKIN AT ZERO POINT PARA KAY CALYX!

Paakyat na sana kami ng kwarto ni Athena ng biglang bumalik si Calyx.

"Ahm tita, nawawala po kasi yung susi apartment ko. Pwede po ba dito na muna ako magpalipas ng gabi?" sabi ni Calyx.
"Oo naman anak. Sige." sabi ni nanay Alex.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa narinig ko.

"ANNNNOOO?" gulat sigaw ko.
"Ha? Bakit nak? May problema ba?" Tanong ni nanay Alex.
"Ahhh wala po. Gusto ko lang po sana tanungin kung anong oras na po." palusot ko.
"Ah 11:30 na Kendrix. Bakit?" sabi nanay Alex.
"Ahh wala po." sagot ko sabay kamot sa ulo.

Hay! Buti nalang nailusot ko. Kinabahan ako don ah.

Maya maya pa, umakyat na kami ni Calyx at nahiga sa baba ng kama ni Athena. Buong akala ko masosolo ko na si Athena pero hindi pala. Bakit ba kasi nandito pa tong Calyx na to. Kahit kailan panira talaga ng moment! Pero okay lang, hindi naman ako mag papatalo at ipaglalaban ko parin ang feelings ko para kay Athena. Handa akong harapin ang lahat mapasakin lang si Athena. Pangako ko yan!

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

451K 11.3K 49
Mia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen w...
15.2K 940 61
Isang babaeng naniniwala sa fairytale dahil mala prinsesa siya kung ituring pero, habang tumatagal napapatunayan niya na hindi mala cinderella pala a...
558K 20.5K 66
Highest ranking #23 in Teen Fiction (01/17/17) Si Allysa Maniego ang tinaguriang "Campus Loner" ng university nila dahil wala syang kaibigan.Pero m...
7.5K 643 12
A Short Story Rank #23 - Non-Fiction As of Nov. 2, 2018 Rank #734 - Short Story As of Aug. 11, 2019 Si Joyce ay isang simpleng babae, maganda at medy...