MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 23: SNOW WHITE

179 12 0
By La_Diyosa

ANGEL'S POV

Makalipas ang ilang araw, finally its Foundation day. Maaga ako nagising para magprepare kasi maaga yung call time namin eh. Nang makabangon na ako, agad kong kinuha ang phone ko para i-text si Kendrix.

"Wishing you a day full of joyful moments. Good morning Kendrix." text ko.

Makalipas ang 20 minutes, wala parin reply si Kendrix sa text ko. Siguro tulog pa siya kaya ganon. Hahayaan ko muna siya, baka nananaginip pa siya tungkol saakin. I won't ruin his dreams about me. Anyways, Im so excited para sa mga exciting games, booths and school fairs para sa foundation day namin. Syempre dapat ako ang pinaka maganda sa school ngayong foundation day noh! Nakakainis nga lang kasi ako ang magpoportray sa role na Evil Queen. Eh di hamak naman na mas mabagay saakin ang role na snow white noh. Para saan pa ang pag inom ko ng glutatione at slimming pills diba? Kailangan kasi glowing ang skin ko at syempre dapat sexy din. Hinding hindi ako papayag na masapawan ni Athena ang kagandahan ko. At mas lalo na ayoko na may karibal sa puso ni Kendrix. Ako lang ang maganda sa S.H University. AKO LANG! I have to think a plan to get RID with that ugly creature. And this time I'll make sure na gagana na ang mga plano ko.

Makalipas ang 30 minutes nakarating na ako sa school. Syempre sinugurado ko na ako ang pinakamaganda sa buong university noh. Habang nag lalakad papasok sa university ng may makasalubong akong babae sa gate ng school na may dalang poster. For sure she's one of my fangirls and sigurado ako na poster ko ang dala dala niya. But she dont have to. Grabe nakaka flatter naman. I need to thank her. Lumapit ako para kausapin siya.

"You know what hindi mo naman kailangan mag abala na gumawa ng poster ko para mapansin kita eh. Give me the poster para malagyan ko ng autograph ko." sabi ko.

Tinignan ako nung babae mula ulo hanggang paa habang naka taas ang kilay.

"Ahhh excuse me Angel. Hindi to para sayo. Poster to ni Athena. Im a big fan of her eh. Oo naging fan mo ako dati pero ngayon mas gusto ko na si Athena. Kasi maganda, matalino at mabait siya compare sayo. Kaya pwede ba wag kang assuming Angel. Masasaktan ka lang. Sige mauna na ako ahh baka mawalan pa ako upuan eh." sabi nung babae sabay walkout.

"WHAT DID YOU SAY? AKO? ASSUMING? MY GOSH! NO WONDER NA FAN KA NI ATHENA KASI PAREHO KAYONG MGA PANGET. DI HAMAK NAMAN NA MAS MAGANDA AKO KAY ATHENA NOH!" sigaw ko.

Pero hindi ako pinansin nung babae at patuloy parin sa pag lalakad papunta sa auditorium ng school.

"HOY! BUMALIK KA DITO! HINDI PA TAYO TAPOS MAG USAP! WAG KANG BASTOS! KINAKAUSAP PA KITA!" sigaw ko.

Pero hindi parin ako pinansin nung babae at patuloy nalang sa pag lalakad. Maya maya pa, biglang nagkagulo ang lahat.

"Grabe ang ganda ganda niya talaga."
"Bagay sila ni papa Calyx noh?"
"Hindi noh! Mas bagay sila ni papa Kendrix."

Sabi ng mga tao sa hallway. I know na bagay kami ni Kendrix noh! They dont have to say that. Papalapit na sana ako sa grupo ng mga babae ng bigla nila akong nilampasan. WHAT? HINDI AKO YUNG PINAKAKAGULUHAN NILA? DONT TELL ME... NO! HINDI PWEDE!! HINDI AKO PAPAYAG! Lumapit ako para tignan kung sino ang pinagkakaguluhan nila.

"WHAT? SI ATHENA? THIS CAN'T BE! HINDI TO PWEDENG MANGYARI! DAPAT AKO ANG PINAGKAKAGULUHAN NG TAO HINDI SIYA! LAHAT NALANG BA TALAGA AAGAWIN NIYA SAAKIN? UNA SI KENDRIX TAPOS NGAYONG YUNG SPOT KO SA SCHOOL NA TO? AKO LANG DAPAT ANG REYNA DITO. AKO LANG!" bulong ko.

Maya maya pa, biglang may lumapit na babae kay Athena at nagpapicture kasama siya. HINDI KO TO MATATANGGAP! Dapat akin ang fame na tinatamasa ni Athena. Ako lang ang dapat maging sikat sa school na to. Hindi ako papayag na may kaagaw sa spot ko sa school na to lalong lalo na si Athena! I have to think a plan to get rid with that Athena. Tignan ko lang kung magugustuhan niya ang gagawin ko sakanya.

Maya maya pa, pumunta na ako sa dressing room namin para mag ayos na. Nang makarating na ako doon, agad ko naman nakita si Athena at lumapit ako sakanya para kausapin siya.

"Hi Athena! Grabe ang ganda ganda mo naman." sabi ko.

IKAW MAGANDA? IN YOUR DREAMS ATHENA! YUCK! JOKE LANG YUNG SINABI KO NOH! LOOK AT HER FACE! HINDI SIYA MAGANDA KAGAYA KO.

"Ah hindi naman mas maganda ka syempre." Nakangiting sagot ni Athena.
"I know right. Ahm Athena, pwede ba akong humingi ng favor?" Sabi ko.
"Ahh oo naman. Ano yun Angel?"
"Pwede mo bang kunin yung costume ko doon sa English Department building? Doon sa faculty room yung sa third floor. Mag ma-make up pa kasi ako eh. Please?" sabi ko.

Tinignan niya ako at ngumiti siya saakin.

"Ah oo naman. Sige! Saglit lang kunin ko lang ang phone ko sa bag ko." sagot ni Athena.
"Ha? Wag na! Kailangang kailangan ko na kasi yung costume ko eh. Kunin mo na ngayon. Please?" Pagmamakaawa ko.
"Okay sige." sagot ni Athena.

Nagmadaling naman pumunta si Athena sa faculty room ng English department. Hindi niya alam na sira yung lock ng English faculty room. Tignan ko lang kung makakalabas pa si Athena doon. At kung hindi siya makalabas doon, ibig sabihin lang non, AKO NA NGAYON SI SNOW WHITE. Finally! Masosolo ko na din si Kendrix at nasaakin na ang FAME! SORRY BUT NOT SORRY ATHENA!! HAHAHA!

ATHENA'S POV

Pumunta agad ako sa third floor ng English building para kunin ang costume ni Angel. GRABE! NAKAKAPAGOD NG BONGGANG BONGGA MAGLAKAD PAAKYAT AH!! UMIIYAK NA YUNG KILI KILI KO SA PAGOD EH! Habang nag lalakad pataas ng hagdan, nang makasalubong ko si Chelsea.

"AY KALABAW!" gulat na sigaw ko.
"Ayy sorry nagulat kita." -CHELSEA.
"Ahhh okay lang." nakangiti kong sagot.
"Teka saan ka ba papunta? Malapit na magstart yung play niyo ah." -CHELSEA.
"Ahhh may kukunin lang sa faculty room sa taas." Sagot ko.
"Ahh gusto mo ba na ako nalang kumuha para sayo?" -CHELSEA.
"Nako wag na! Kaya ko naman eh. Tsaka mabilis lang naman ako dun eh. Pagkatapos babalik din ako kaagad. Sige na. Mauna kana doon sa loob ng auditorium. Para mahanap kana ng magandang pwesto. Baka mawalan ka pa ng upuan eh." sabi ko.
"Sige. Ingat ka ha?" -CHELSEA.
"Oo naman. Ako pa ba? Ingat ka din. Bye!" Sagot ko.

Umalis na ako at nagpatuloy na sa pag akyat papunta sa Faculty room. Nang nakarating na ako sa Faculty room, pumasok agad ako para hanapin ang costume ni Angel.

Pero nakalipas na ang sampung minuto ng paghahanap, hindi ko parin nakita ang costume ni Angel. NAKAKALOKA! Sa laki ng room na'to hindi ko alam kung saan mag sisimulang mag hanap. Meron nalang akong 20 minutes bago magstart yung play. Nag decide na ako bumalik nalang doon pero hindi ko mabuksan ang pinto ng faculty room. HALA SIYA! BAKIT AYAW? NAKAKALOKA! T__T

"TULONG! MAY TAO PO DITO! TULUNGAN NIYO PO AKO!" sigaw ko habang pilit na binubuksan ang pinto ng faculty room.

Pero walang nakakarinig saakin. JUICECOLORED! Lahat ata ng tao dito na auditorium na. NAKAKALOKA! Anong gagawin ko? Hindi ko pa dala yung phone ko. NAKAKAINIS! Sabi ko na nga ba dapat dinala ko yung phone ko eh! Bakit ba kasi iniwan ko pa! ANG TANGA MO ATHENA! ANG TANGA TANGA MO! T__T

"TULONG! MAY TAO BA DIYAN? TULUNGAN NIYO PO AKO! NAKULONG PO AKO DITO!" sigaw ko ulit.

Parang namang may makakarinig dito saakin. Ehh lahat ng studyante at teachers nasa auditorium na eh. NAKAKALOKA! Patibong lang pala itong lahat ni Angel. Akala ko nag bago na siya pero nag ka mali lang pala ako. Bakit ang tanga tanga ko? Bakit ba naniwala pa ako sa bruha na yon. ANO BA ATHENA! HINDI KA PA BA NAGDALA SA MGA GINAWA NI ANGEL SAYO? HAY! Sana may dumating para iligtas ako.

KENDRIX'S POV

Nang matapos na akong mag ayos at mag palit ng damit, pumunta ako dressing room ng mga babae para tignan kung anong ginagawa ni Athena. Habang nag lalakad papunta ng dressing room nila, nang makasalubong ko si Angel sa hallway.

"Hi Angel" Sabi ko.
"Oh ikaw pala Kendirx. Hello! Anong ginagawa mo dito? Hinahanap mo ba ako?" tanong ni Angel.
"Ah hindi Angel. Tatanong ko lang sana kung nakita mo ba si Athena? May tatanong lang sana ako sakanya eh." sabi ko.

Biglang nanlaki ang mata ni Angel ng dahil sa sinabi ko.

"Ahh ganon ba? Hm kanina nasa dressing room lang siya, pero umalis siya kanina. Hindi ko napansin kung saan siya pumunta eh. Siguro natatakot siya na mapahiya kaya naisip niya na magbackout nalang. What do you think Kendrix?" tanong ni Samantha.
"Ha? Hindi yun magagawa ni Athena! Matapang siya. Alam ko yun." sabi ko.

Sa kalagitnaan ng paguusap namin ni Angel nang biglang dumating ang director namin sa play.

"Mag sisimula na ang play in 20 minutes. Be ready okay?" -Director.
"But sir wala pa po si Athena." sabi ko.
"WHAT? Nasaan si Athena? Mag sisimula na tayo in 20 minutes tapos wala pa siya?" -Director.
"Siguro po sir nag backout na siya ng dahil sa sobrang takot. Kasi alam niya na mapapahiya lang siya in the end. Hindi naman natin siya masisisi diba?" sabi ni Angel.
"Well kung hindi makakarating si Athena, paano ang play natin? Hindi to pwedeng i-postpone. Sayang ng efforts natin at for sure mapapahiya ako! Ayoko mangyari yun! Kapag hindi dumating si Athena, ikaw nalang Angel ang magpo portray ng role ni Snow White. Okay?" -Director.

Hindi to pwedeng mangyari! Kailangan kong gumawa ng paraan.

"Pero sir?..." sabi ko.

Tinignan ako ng director namin ng masama.

"Wala nang pero pero Mr. Lee. May decision is FINAL! Kung hindi dumating si Athena within 20 minutes, sorry but Angel will take over her role. MALIWANAG?" -Director.

Nang makaalis na ang director namin, agad akong tumakbo palabas ng auditorium para hanapin si Athena.

"Kendrix! Saan ka pupunta?" tanong ni Angel.
"Hindi ako naniniwala na nag backout na siya. Hahanapin ko si Athena. Hahanapin ko siya!" sabi ko sabay takbo papalayo.

Hindi ko man alam kung nasaan si Athena pero hindi ako titigil sa paghahanap hanggang hindi ko nahahanap siya nakikita. Hanggang sa naisipan ko na pumunta sa tree house, nagbabaka sakaling nandoon lang si Athena. Pero nang makarating ako doon, wala doon si Athena. Saan pa kaya posibleng pumunta si Athena? TAMA! Baka nasa library siya. Nagmadali akong pumunta sa library para tignan kung nandoon si Athena. Pero habang nasa hallway papunta sa library, nang makasalubong ko si Calyx.

"Kendrix? Saglit lang nga! Bakit ba nag mamadali ka ata? Ano nangyari sayo?" tanong ni Calyx.
"Hinahanap ko kasi si Athena." sabi ko.

Nanlaki ang mata ni Calyx ng dahil sa sinabi ko.

"ANO? Nawawala si Athena? Pero paano nangyari yun ha?" Gulat na tanong ni Calyx.
"Ano? Magtitinginan nalang ba tayo dito? Kailangan natin mahanap si Athena! Meron nalang tayong 10 minutes bago magstart yung play." sabi ko.
"Sige , maghiwalay tayo. Ako sa kaliwa. Ikaw sa kanan." sabi ni Calyx.

Nag simula na ako sa pag hahanap kay Athena. Nagtanong tanong ako kung kani kanino pero hindi daw nila napansin si Athena. Nasaan na kaya siya? Nasaan na kaya yung taong mahal ko? Nag aalala na ako sakanya eh.

Maya maya pa, nang makasalubong ko si Chelsea sa daan. Lumapit ako sakanya para mag tanong kung nakita niya si Athena.

"Chelsea! Nakita mo ba si Athena?" Nag aalalang tanong ko.
"Ahhh oo kanina. Bakit?"

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi ni Chelsea.

"Nakita mo si Athena? Saan?" tanong ko.
"Sa English department building." Sagot ni Chelsea.
"Ha? Anong ginagawa niya doon?" tanong ko.
"Eh sabi niya mag kukunin daw siya doon. Bakit? Hindi pa ba siya bumabalik?" Tanong ni Chelsea.

Hindi na ako sumagot sa tanong ni Chelsea. Nagmadali akong pumunta sa English department building. Nagmadali akong umakyat para hanapin si Athena. Pero hindi ko nahanap si Athena sa 1st at 2nd floor. Grabe na yung kaba na nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang pag aalala ko kay Athena. Hindi ko na iniinda ang sobrang pagod at init basta mahanap ko lang si Athena masaya na ako dun.

Habang nag lalakad sa hallway ng third floor malapit sa Faculty room ng bigla akong nakarinig akong sigaw.

"TULONG! TULUGAN NIYO PO AKO!"

Lumingon ako at hinanap yung nag sasalita.

"ATHENA? IKAW BA YAN? NASAAN KA?" sigaw ko.
"KENDRIX NANDITO AKO SA LOOB NG FACULTY ROOM! KENDRIX TULUNGAN MO AKO!" sigaw ni Athena.

Nang mabuksan ko na ang pinto ng faculty room, agad tumakbo si Athena papunta saakin sabay yakap ng mahigpit habang umiiyak. FUCK! Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko na umiiyak si Athena. Hindi ko kayang makita na nahihirapan siya. Ako nalang pahirapan niyo wag lang si Athena.

"Akala ko hindi na ako makakalabas dito. Grabe! Takot na takot na ako eh. Salamat kasi dumating ka para iligtas ulit ako." sabi ni Athena habang umiiyak.

Ramdam na ramdam ko ang takot sa mga mata ni Athena. Hindi ko talaga kayang makita siya ng ganito. Parang gusto ko na rin umiyak sa sobrang pag aalala ko sakanya. Pero hindi ko dapat ipakita na mahina ako, kasi saakin nalang siya kumukuha ng lakas ngayon.

"Okay lang yan. Wag kana umiyak. Nandito na ako oh." sabi ko.

Hinawakan ko ang mukha ni Athena at pinunasan ang mga luha sa mata niya.

"Wag kana umiyak. Baka mabura pa yang makeup mo oh. Smile kana! Hindi kasi bagay sayo yung umiiyak eh." sabi ko.

Tinignan ako ni Athena tapos ngumiti siya saakin. Sobrang ganda ni Athena. Siya na ata ang pinaka magandang babae na nakilala ko. Maya maya pa, tumingin ako sa relo ko, 5 minutes nalang mag sisimula na ang play namin pero hindi parin nakasuot ng costume si Athena.

"Tara na? Magsisimula na kasi yung play in 5 minutes. Mag bibihis ka pa eh." sabi ko.

Nagmadali kaming bumaba ng English department building at pumunta sa dressing room ng mga babae para makapagbihis na si Athena. Maya maya pa, nag umpisa na ang play.

CALYX'S POV

Habang nag lalakad papunta sa auditorium ng makasalubong ko si Chelsea.

"Nakita mo ba si Athena?" tanong ko.
"Ah oo. Nasa English department building siya ngayon. May kukunin daw siya eh. Teka nga lang!?Bakit ba kanina ninyo pa hinahanap si Athena? Una si Kendrix, tapos ngayon naman ikaw. Anong meron?" tanong ni Chelsea.
"Nag aalala lang ako. Kanina pa kasi siya hinahanap. Malapit na kasi mag start yung play nila. Sige ah, puntahan ko na siya. Salamat." sabi ko.

Nagmadali akong pumunta sa English department building para sunduin si Athena. Nang makarating ako doon, Agad kong hinap si Athena sa buong building. Pero nagulat lang ako sa nakita ko. Nakita ko na magkayakap sila ni Kendrix. Grabe! Ang sakit pala sa pakiramdam pag yung taong gusto mo, may kayakap na iba. Parang biglang gumuho ang mundo ko ng dahil sa nakita ko. Umalis nalang ako at pumunta nalang sa auditorium na parang walang nangyari at naghintay nalang sa pag sisimula ng play.

ATHENA'S POV

Buong akala ko di na ako makakalabas doon. JUICECOLORED! Buti nalang dumating si Kendrix para iligtas ako. Maya maya pa, nagmadali kaming bumaba ni Kendrix at pumunta sa dressing room namin para makapag bihis na ako. Papasok palang ako sa loob ng bigla akong sinalubong ni Angel habang hawak yung costume ko.

"ATHENA? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Angel.
"Oh ba't parang gulat na gulat ka ata Angel? Nagulat ka ba kasi nandito ako?" tanong ko.
"H...Ha? Hindi ahh! Bakit naman ako magugulat diba? I was expecting you nga eh." Nauutal na sagot ni Angel.
"Pumunta ako doon kasi sabi mo nandoon yung costume mo, pero nang makarating na ako doon wala akong nakitang costume. Tapos ngayon, makikita ko suot mo na ang costume mo? Sinadiya mo lang ba talaga na papuntahin ako doon para matrap ako?" tanong ko.

Biglang nanlaki ang mata ni Angel ng dahil sa tanong ko.

"What do you mean? OF COURSE NOT! Hindi ko magagawa yun sayo noh! Remember, Im your friend? So bakit ko naman gagawin yun ha? Tsaka hindi ko rin alam na matatrap ka doon. Akala ko kasi naiwan ko doon yung costume ko yun pala nasa maleta ko lang. Im so sorry. Hindi ko talaga alam eh. Are you okay lang ba?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Angel.
"Okay lang ako. Teka nga lang, bakit hawak mo ang costume ko? May balak ka bang agawin saakin ang role ko?" tanong ko.
"Ha? No! Inaayos ko lang yung costume mo kasi anytime may sisimula na ang play natin. I'm just helping you to prepare." sabi ni Angel sabay abot ng costume ko saakin.

Mukhang totoo naman na nag aalala siya para saakin eh. Malay naman natin diba? PEOPLE CHANGE naman eh. Hindi ko ugali na mang-judge ng ibang tao eh.

"Ganon ba? Salamat ah. Sige bihis na ako ah." sabi ko.

Kinuha ko na yung costume ko at nag bihis na. Maya maya pa, nag start na ang play namin.

@KISING SCENE PART.

Makalipas ang isang oras, doon na kami sa kissing scene part. Habang nakahiga grabe ang kaba na nararamdaman ko. NAKAKALOKA. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na ata sa sobrang bilis eh. Kaya ko ba to? Oo kaya mo yan Athena. Tiwala lang! Hindi naman totoong kiss eh. Sa pisnge ka lang hahalikan ni Kendrix. Kaya wag kang matakot okay? Kalma lang Athena. KALMA LANG!

*INHALE.. EXHALE.. INHALE.. EXHALE..*

Maya maya pa, lumapit na saakin si Kendrix at dahan dahan lumalapit yung mukha niya saakin. JUICECOLORED! Kinikilabutan ako! Hindi ko alam kung bakit. Bakit ba kinakabahan ako? Diba wala ka naman feelings para kay Kendrix? So wala kang dapat ikatakot okay?

NANG BIGLANG HINALIKAN NIYA AKO SA LABI. FOR REAL!! NAKAKALOKA! T__T

Biglang nag hiyawan ang lahat ng nanunuod. OH MAY GHAD! Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa ginawa ni Kendrix. NAKAKALOKA! HINALIKAN AKO NI KENDRIX SA LABI! Akala ko ba sa pisnge lang? BAKIT SA LIPS? Nako! Lagot saakin tong PERVERT na to mamaya! Sumusobra na siya eh. ABUSO NA! Pero... in all fairness ang lambot lambot ng mga labi niya. Yung para kang kumain ng Marshmallow. NAKAKALOKA DIBA? Matapos yun, nagkatinginan lang kaming dalawa na parang walang ibang tao sa paligid. SHEEEET! Ang pogi naman ng mokong na to. PWEDE ISA PA? TEKA SANDALI NGA! Ano ba tong iniisip ko ah? NAKAKALOKA AH! Ano ba Athena! Tumigil ka okay? Remember si Calyx yung gusto mo. HINDI SI KENDRIX MALIWANAG? -___-

Makalipas ang isang oras at kalahati, natapos na din sa wakas yung play namin. Nang matapos na kami, lumapit saakin sina Zoey at Chelsea.

"BESSSS! CONGRATULATIONS! Ang galing galing mo talaga!" sabi ni Zoey sabay yakap saakin.
"Oo nga Athena! Grabe ang ganda ganda mo pa! Para ka talagang totoong prinsesa sa suot mo. Sana maging kasing ganda ka rin namin." sabi ni Chelsea.
"Ano ka ba! Maganda ka rin noh." sabi ko.
"Anyways bes! Nakakaloka ahh! Parang totoong totoo yung kiss niyo ahh! Ang galing mo doon bes. Paniwalang paniwala ako eh." sabi ni Zoey.

PARANG TOTOO? EHH TOTOO NGA NA HINALIKAN AKO NI KENDRIX SA LABI NOH! NAKAKALOKA NA TO NG BONGGANG BONGGA! T__T

"Oo nga! Tama si Zoey. Napaniwala mo kami na totoong kiss yun eh. Grabe! Sobrang bagay na bagay kayo ni Kendrix noh? Nakakakilig kayo ng sobra. Sana kayo nalang ang magkatuluyan." sabi ni Chelsea.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Chelsea. NAKAKALOKA! KAMI? BAGAY? HINDI NOH! Mas bagay kami ni Calyx! Hindi ko nakikita ang sarili ko na makasama si Kendrix hanggang sa pag tanda ko noh! Si Calyx lang ang gusto ko. Si Calyx lang!

"A..ahh... Kami ni Kendrix? Hindi ah! Hindi kami bagay non. Iba ang type non hindi ako. Diba Zoey?" sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Zoey ng dahil sa sinabi ko.

"Ay ganon ba? Sayang naman." sabi ni Chelsea.
"Sige ahh. Magbibihis na ako. Kita nalang tayo mamaya." sabi ko sabay lakad papaalis.

Umalis na ako at pumunta sa dressing room namin para magbihis na ng damit. Grabe! Ang init kasi nung costume ko eh. Papasok palang ako ng biglang sumulpot si Angel sa harap ko.

"AY PALAKA!! Nakakaloka ka naman Angel. Aatakihin naman ako sa puso ng dahil sa gulat eh. Pwede ba next time wag kang susulpot ng pabigla bigla?" sabi ko.

Hindi ako sinagot ni Angel at tinitigan niya lang ako na parang ewan. Nang biglang itinaas ni Angel ang kanang kamay niya na parang sasampalin ako. JUICECOLORED! kailangan ko nang i-ready ang pisnge ko sa malulutong na sampal ni Angel. Pinikit ko nalang ang mata ko NANG BIGLANG...

"Bakit nakapikit ka Athena? Are you okay?" tanong ni Angel.
"Ahhh... Akala ko kasi sasampalin mo ako eh." sabi ko.
"WHAT? Bakit ko naman gagawin yun? We're friends now diba?" sabi ni Angel.
"Ehh bakit tinaas mo ang kamay mo kanina na parang sasampalin mo ako?" tanong ko.
"I want to touch your hair and congratulate you for the good job. CONGRATULATIONS ATHENA!" sabi ni Angel sabay yakap saakin.

JUICECOLORED NAMAN! AKALA KO NAMAN SASAMPALIN NIYA NA AKO. PINAGPAWISAN TULOY YUNG KILI KILI KO NG BONGGANG BONGGA! BABATIIN LANG PALA AKO NG CONGRATULATIONS. KALOKA! KINABAHANAN AKO DUN AH. PERO IN FAIRNESS MUKHANG NAGBAGO NA NGA TALAGA SI ANGEL. AKALA KO WALA NANG PAG-ASANG MAGBAGO SIYA PERO NAGKAMALI AKO.

"Salamat ahh. Sige magbibihis na muna ako ha?" sabi ko.

Umalis na ako at nagpalit na ng damit. Makalipas ang 5 minites, lumabas na ako at pumunta muna sa library para magbasa. Nang makarating ako sa library, makasalubong ko si
Calyx na may dalang isang bouquet ng red roses.

"Hi Athena! Congratulations pala ah. Grabe ang galing mo kanina. Flowers nga pala para sayo." sabi ni Calyx sabay abot ng bulaklak saakin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe! Ang bango bango ng mga bulaklak na galing kay Calyx. NAKAKAKILIG NAMAN! HEHEHE!

"Salamat ahh." Sagot ko.

Maya maya pa, biglang namang dumating si Kendrix na may dala ding isang bouquet ng red roses.

"Congratulations Athena." Nakangiting sabi ni Kendrix.

Gusto ko siyang talakan ng dahil sa ginawa niya saakin pero hindi ko magawa sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya. Yung parang biglang tumitigil ang pagikot ng mundo pag ngumiti siya. Yung ganong feeling. Ewan ko ba kung anong meron tong lalake na para pakalmahin ako. Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sayo Kendrix? Hay! ANG GULO!

"Salamat Kendrix." Nakangiting sagot ko.

NAKAKALOKA! NAG MUKHA AKONG TINDERA NG BULAKLAK SA DAMI NG HAWAK KO. Maya maya pa, biglang dumating si Angel.

"Hi guys! Dahil big success ang play natin. Its means, kailangan nating mag celebrate! Tara inom tayo later? Wag kayong mag alala, treat ko. Ano game?" Sabi ni Angel.
"Ayy sorry. Hindi kasi ako umiinom ehh. Mababa kasi ang tolerance ko sa alak. Mabilis akong malasing eh. Kayo nalang siguro." Sagot ko.
"Ay ganon ba? Edi si Calyx at si Kendrix nalang ang aalukin ko. Ano guys? Game?" Tanong ni Angel.

Tinignan ako ni Kendrix at Calyx.

"Game ako kung sasama si Athena." sabi ni Kendrix.
"Ako din. Kapag hindi sumama si Athena, hindi rin ako sasama." sabi ni Calyx.

Tinignan ako ni Angel na parang ewan.

"Pumayag kana kasi Athena. Its our time to celebrate oh. Please?" Pamimilit saakin ni Angel.

JUICECOLORED! NAKAKALOKA NAMAN! BAKIT BA KASI KAILANGAN PA AKONG SUMAMA. EH DI NAMAN AKO KAILANGAN DOON EH. BAHALA NA NGA!

"Sige. Pumapayag na ako." sabi ko.
"Okay thanks guys! I should tell everybody to join our party. See you later ah. 9:00 PM. Okay? I have to go guys. Magpapareserve pa ako eh. Bye!" sabi ni Angel sabay alis.

NAKO NAMAN. MUKHANG MAPAPASUBO ATA AKO MAMAYA AH. PAANO PAG NALASING AKO? PAANO PAG NAGWALA AKO DOON? PAANO PAG NA RAPE AKO? PAANO NA YUNG FUTURE NAMIN NI CALYX? TEKA NGA LANG ATHENA! PWEDE BA WAG KANG MASYADONG ADVANCE MAG ISIP. MAG CECELEBRATE LANG KAYO AT WALANG MANGYAYARI SAYO OKAY? NAKAKALOKA! HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO! BAKIT BA KASI PUMAYAG AKO? ANO BA ATHENA! HINDI NAMAN PWEDE NA MAG BACKOUT PA AKO EH. NAKAKAHIYA NAMAN KAY KENDRIX AT KAY CALYX. LORD IKAW NA ANG BAHALA SAAKIN. BAHALA NA NGA! T__T

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

151K 3.6K 62
[Completed] FILWTBB Series #1 Si Gabby Samonte ay isang babaeng may kasabihang, "Hindi ako mahuhulog sa Bad Boy, ayokong magmahal ng Bad Boy. Baka s...
12.2K 97 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
163K 2.6K 36
Hindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda...
43.6K 860 22
"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT...