MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 21: COMPLICATED

236 18 2
By La_Diyosa

KENDRIX'S POV

Sinundan ko lang si Athena hanggang makarating siya sa bus stop. Nang biglang may lumapit na tatlong lalake kay Athena at sinasaktan siya. Hindi ko kaya na makita na sinasaktan si Athena ng ibang tao. Lumapit ako sa mga lalake at nakipag suntukan sakanila.

Nang mailigtas ko si Athena sa mga loko lokong yun, bigla kong narealized na hindi ko kayang mawala si Athena saakin. Siguro nga ganon na kalalim ang pag mamahal ko para sakanya. Hindi ko man alam kung anong meron siya para mahulog ako sakanya ng ganito. Basta ang alam mahal ko si Athena. Mahal na mahal.

Biglang tumakbo papunta saakin si Athena at niyakap ako ng sobrang higpit habang umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang takot na nararamdaman niya ngayon. Pero nandito lang ako para sakanya. At hinding hindi ako mawawala para sa babaeng mahal ko.

"Okay lang yan. Nandito na ako, wag kana matakot." sabi ko habang hinihimas ang likod niya.

Nang biglang nawalan ng malay si Athena. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang nag aalala ako para sakanya.

"Athena? Okay ka lang ba?" sabi ko habang tinatapik ko siya.

Nag madali akong binuhat si Athena at dinala siya sa ospital. Hinawakan ko lang ang kamay ni Athena hanggang sa nakarating kami sa ospital. Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang hawak ko ang kamay ni Athena. Ayoko na mawala siya saakin eh. Hindi ko kakayanin pag nawala siya. Nang makarating kami sa ospital, agad naman tinignan ng doctor ang lagay ni Athena.

"Ikaw ba ang boyfriend ng patient?" tanong ng doctor.
"Ah hindi po doc. Kaibigan niya lang po ako. Kamusta na po siya doc? Ano po ba ang lagay niya?" sabi ko.
"Sobrang takot at stress lang ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. But your friend is fine now. Wag ka nang mag aalala. Okay na siya." sabi ng doctor.
"Salamat po doctor." Sabi ko.
"Ikaw sure ka ba na okay ka lang?" tanong ng doctor.
"Opo doc. Okay lang po ako." sagot ko.
"Alam mo, base sa mga nakita ko kanina the way you look at her and care for her says that you like her. You really like her that much huh? You know what, bagay na bagay kayong dalawa ng kaibigan mo. I can see the chemistry between the two of you. If I were you, liligawan ko na siya. Hindi ko na papalampasin yung moment. Kasi hindi ako papayag na mawala pa siya saakin. Kailan kapa kikilos? Pag masaya na siya sa iba? Kaya ligawan mo na siya." sabi ng doctor.

Nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi nung doctor. Napakamot nalang ako sa ulo ng dahil sa sinabi niya. Grabe! Sweet lover pala to si Doc. Hahaha! But seriously speaking, dapat ba talaga na ligawan ko na si Athena? Natatakot ako eh. Natatakot ako na baka isang araw iwasan niya ako pag nangyari yun. Hay! Di ko alam! DAMN IT!

"Ahh hindi naman po ako ang type niya eh." Sagot ko.
"Sa pag ibig, kung kayo talaga ang para sa isa't isa. Edi kayo din hanggang sa dulo. Tanong ko sayo, mahal mo ba siya?" tanong ni doc.
"Opo doc. Mahal na mahal ko po siya. Matagal ko na din po siyang gusto kaso natatakot po ako na umamin sakanya kasi po baka hindi niya ako tanggapin at mahalin." sabi ko.

Tiningnan ako ni Doc na parang ewan habang nakangiti.

"Yun naman pala eh. Kailan mo ba balak pag laban ang pagmamahal mo para sakanya? Kapag nakahanap na siya ng iba?" sabi ni doc.

Tama si doc. Dapat ngayon palang mag simula na ako na ipakita na mahal ko si Athena. Hindi na ako mag sasayang ng panahon.

"Pag isipan mo ang sinabi ko ah. Sige mauna na ako. Hay mga kabataan nga naman." sabi ng Doctor.

Nang makaalis na ang doctor, Lumapit ako kay Athena at naupo sa tabi niya. Hinintay ko na magkamalay siya. Kasi gusto ko na ako ang unang makita niya pag dinilat niya ang mga mata niya. Kahit tulog si Athena sobrang ganda parin niya. Para siyang si sleeping beauty na naghihintay ng halik para gumising galing sa mahimbing na pagkakatulog. Siguro pag naging kami na, ako na ata ang pinaka swerte at pinaka masayang lalake sa buong mundo. Alam ko hindi maganda ang naging simula namin, pero pangako babawi ako sa lahat ng kalokohan na nagawa ko sakanya. Sana ako nalang ang piliin mo Athena. Sana akin ka nalang.

Habang nag hihintay sa pag gising ni Athena, hawak hawak ko lang ang kamay niya. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakaidlip na pala ako habang hawak ang kamay niya.

Maya maya pa, nagising nalang ako nang hinimas ni Athena ang buhok ko. Nag madali akong bumangon at agad akong kinamusta ang kalagayan ni Athena.

"Athena? Okay ka lang ba? Ano masakit sayo?" tanong ko.
"Wala okay lang ako. Nasaktan ka pa tuloy ng dahil sa pag tatanggol mo saakin." sabi ni Athena sabay hawak sa pasa ko malapit sa bibig ko.
"Nako wala yun. Wag mo nang intindihin yun. Pasa lang to. Mawawala din to. Wag ka nang mag alala ha? Okay lang ako." sabi ko.

Tinignan ako ni Athena. Kahit hindi niya sabibihin, kitang kita sa mga mata niya ang sobrang pag aalala niya saakin.

"Bakit pala nandoon ka sa lugar na yon? Sinusundan mo ba ako?" tanong ni Athena.
"Oo, sinusundan kita Athena. Gusto ko lang kasi siguraduhin na makakauwi ka ng ligtas sainyo. Hindi ko kasi mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayong masama." sabi ko.

Biglang nanlaki ang mata ni Athena ng dahil sa sinabi ko.

"ANO??" Gulat na tanong ni Athena.
"Nangako kasi ako kay tatay Kennedy na babantayan at aalagaan kita." sabi ko.

Tinignan lang ako ni Athena habang hawak ko ang kamay niya. Grabe ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko biglang tumigil ang mundo. Ngayon ko lang ito naramdaman. Ganito ba talaga pag inlove ka? Yung feeling na hinding hindi mo na iindahin ang lahat ng sakit para sa taong mahal mo. Sana di na to matapos ang gabing to. Sana ganito nalang kami hanggang umaga.

NANG BIGLANG...

"NASAAN ANG MGA NANAKIT SAYO ATE? SUSUGURIN KO NA BA?" sigaw ni Maxine.
"Wag ka ngang O.A Maxine. Wala na sila. Iniligtas ako ni Kendrix." sabi ni Athena.

Tinignan ako ni Maxine ng nakangiti tapos lumapit siya saakin.

"Naks! Lakas maka superman kuya Kendrix ah. Kaya nga gustong gusto kita para sa ate ko eh." sabi ni Maxine.
"Tumigil ka nga Maxine! Magkaibigan lang kami ng ate mo. Hanggang dun lang yun." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.
"Pasensya na ahh. Mapagbiro lang talaga ang pinsan ko." sabi ni Athena.
"Okay lang. Masasanay din ako." Nakangiting sagot ko.

Maya maya pa, Lumapit na si tatay Kennedy at nanay Alex saakin.

"Salamat sa pag liligtas kay Athena ha? Babawi kami sayo." sabi ni Nanay Alex.
"Kung hindi dahil sayo siguro may nangyari nang masama kay Athena." sabi naman ni Tatay Kennedy.

Tinignan ko sila at ngumiti lang ako.

"Wala po yun tay. Diba po nangako ako sainyo na iingatan at aalagaan ko siya. Tinutupad ko lang po ang pangako ko." sabi ko.

Tinapik ni tatay Kennedy ang balikat ko at ngumiti saakin. Maya maya pa, lumapit na sila kay Athena.

"Anak? Okay ka lang ba?" Tanong ni Tatay Kennedy.
"Ano masakit sayo nak?" tanong ni nanay Alex.
"Tita, Tito? Ano po ginagawa niyo dito?" tanong ni Athena.
"Tinawagan kami ni Kendrix at sinabi ang nangyari sayo. Buti nalang nandoon si Kendrix para iligtas at protektahan ka. Kasi kung hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag manangyari sayong masama." sabi ni tatay Kennedy.

Tinignan ako ni Athena. Tumayo siya at niyakap ako.

"Salamat Kendrix sa pag liligtas saakin ah? Utang ko ang buhay ko sayo. Gagawin ko lahat makabawi lang sayo." Bulong ni Athena.
"Wag mo na isipin yon. Ang isipin nalang natin ngayon, okay kana." Sagot ko.

Hindi na sumagot si Athena at tinitigan nalang ako habang nakangiti. Habang lumilipas ang mga araw at oras, lalo akong napapamahal kay Athena. Hanggang ngayon hindi ko parin masagot ang sarili ko kung bakit gustong gusto ko siya. Basta ang alam ko, mahalaga si Athena para saakin.

ANGEL'S POV

Habang nakahiga sa kama ko ng biglang may tumawag sa cellphone ko, UNKNOWN NUMBER. Kinuha ko agad ang phone ko at sinagot ang tawag.

"Hello! Anong balita?" tanong ko.

["Ma'am negative."] -GOONS

"NEGATIVE? BAKIT NEGATIVE? ANG TANGA TANGA NIYO TALAGA! SI ATHENA LANG NAMAN ANG SASAKTAN NIYO DI NIYO PA MAGAWA? MGA BOBO BA KAYO?" Galit na sigaw ko.

["Okay na sana kaso dumating yung Kendrix para iligtas yung Athena. Alam mo ba na binugbog kami nung Kendrix ha? Kung tutuosin nga, kulang pa yung binayad mo saamin ng dahil sa mga natamo naming bugbog."] -GOONS.

"WHAT?? Niligtas ni Kendrix si Athena? Paano nangyari yun? Ano naman ang ginagawa ni Kendrix doon?" Tanong ko.

["Eh bigla nalang siyang dumating. Kaya nakipagsuntukan kami sakanya."] -GOONS.

"WHAT? Nasaktan ba ang boyfriend ko?" tanong ko.

["Nasuntok namin siya. Pero mas
nabugbog kami."] -GOONS.

"ANG TATANGA NIYO! TSAKA ANO NAMAN PAKE KO KUNG MASAKTAN KAYO HA? KAYA NGA BINAYARAN KO KAYO PARA SAKTAN SI ATHENA. HINDI PARA SAKTAN ANG BOYFRIEND KO! MGA WALANG KAYONG UTAK!" sigaw ko.

["Ginawa naman namin ang lahat. Tapos na sana ang trabaho namin kung di lang dumating ang boyfriend mo. Ano babayaran mo ba kami o hindi?"] -GOONS.

"Ayoko nga! Bakit ko naman kayo babayaran? Ehh palpak naman ang trabaho niyo. Ano ko? TANGA?" sabi ko.

["Magbibigay ka ba o sasabihin namin sa boyfriend mo na ikaw ang gustong magpa rape dun sa Athena?"] -GOONS.

"No! Hindi pwedeng malaman ni Kendrix ang ginawa ko! Mag kano ba ang gusto niyo?" tanong ko.

["10,000 pesos. Deal or No deal?"] -GOONS.

"10,000 PESOS? Ang laki non ah. Palpak naman yung trabaho niyo tapos ganyan kalaki ang hinihingi niyo saakin? HELL NO!" sabi ko.

["Pag hindi ka nag bigay, bukod sa malalaman ng buong campus ang ginawa mo, sasaktan din namin ang boyfriend mo. Ano? Magbibigay ka ba o hindi?"] -GOONS.

"Bina-block mail niyo ba ako ha? Pwede akong mag sumbong sa mga pulis anytime I want." sabi ko.

["Sige subukan mo lang magsumbong sa mga pulis. SISIGURADUHIN KO NA KASAMA KA NAMIN MABUBULOK SA KULUNGAN."] -GOONS

"Okay fine! Sige na. Mag bibigay na ako. Hindi to pwede malaman ni Kendrix at ng buong school okay? At wag na wag niyong sasaktan ang boyfriend ko. MALIWANAG?" sabi ko.

["Yan ang gusto ko, MASUNURIN! Akala ko kasi pa hard to get kapa eh."] -GOONS

"MAKE SURE TO SHUT UP YOUR MOUTH OR I'LL KILL YOU!" sabi ko.

["Hihintayin ka namin bukas ng hapon malapit sa gate ng university. Ikaw lang at wala nang iba! MALIWANAG?"] -GOONS.

"Okay sige. Basta wala kayong pag sasabihan okay?" sagot ko.

Agad kong binaba yung tawag. ARRRRRGGGHH! Anong gagawin ko? Hindi to pwede malaman ni Kendrix. Sigurado iiwasan niya ako pag nalaman niya na ako ang may pakana ng lahat ng nangyari kay Athena. KAILANGAN KONG UMISIP NG PARAAN. Use your brain Angel! USE IT!

ATHENA'S POV

Makalipas ang 30 minutes ng pag stay ko sa hospital, umuwi na kami. Nang makarating na kami sa bahay, agad akong umakyat na ako sa kwarto ko para makapag pahinga na. Habang nakahiga sa kama ko ng biglang may nagtext sa phone ko.

*1 UNREAD MESSAGE FROM KENDRIX*

("Nakauwi na kayo?") - KENDRIX.

Bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ko ang text ni Kendrix. JUICECOLORED! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Nababaliw na ba ang puso ko? NAKAKALOKA! Baka may HEART PROBLEM na talaga ako eh. HUHUHU! T__T

"Ahh oo. Nakauwi na ako. Salamat talaga ahh." Reply ko.

("Walang ano man yun. Wag mo na yun isipin okay? Isipin mo nalang na walang nangyari okay?") -KENDRIX.

"Okay. Ikaw nakauwi kana ba?" tanong ko.

("Ahhh oo na. Kamusta pakiramdam mo?") -KENDRIX

"Okay naman na. Ikaw ba? Sure kaba na okay ka lang?" tanong ko.

Nakalipas na ang sampung minuto pero wala parin reply si Kendrix sa text ko. Bakit kaya hindi na nagreply si Kendrix? May nangyari na ba sakanya? Pero hindi naman pwede mangyari yun eh kasi naka uwi na siya sa bahay. Tulog na kaya siya?Madami pa sana akong gustong sabihin kaso tinulugan ako ni mokong. Nahiga nalang ako at natulog na.

KINABUKASAN...

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Nak gising na. May naghihintay sayo sa baba." sigaw ni tita Alex.
"Opo tita. Babangon na po ako." sagot ko.

Bumangon na ako at bumaba na. Wala akong pake kung magulo ang buhok ko. Eh ano bang pake nila ha? Nang makarating na ako sa baba NANG BIGLANG...

"GOOD MORNING ATHENA!" Pa sigaw na bungad ni Kendrix.
"AY KAMBENG!" gulat na sigaw ko.
"Nagulat ba kita Athena?" Tanong ni Kendrix.
"Anong ginagawa mo dito Kendrix?" tanong ko.
"Eh ano pa ba ate? Edi sinusundo ka. Ano ba yan ate ang bobo mo naman." sabi ni Maxine.

Nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi ni Maxine. WOW! NAG SALITA ANG PERFECT EH NOH! -__-

"Tumigil ka nga Maxine. Gusto mo masuntok sa ESOPHAGUS ha?" sabi ko.

Biglang napakamot sa ulo si Maxine nang tinignan ko siya ng masama.

"Pasensya na Kendrix ah, ganyan lang talaga siya eh, may pagka baliw. Hehehe." sabi ko.

Biglang tumawa si Kendrix sa sinabi ko.

"HAHAHA! Okay lang. Nakakatawa nga siya eh." sabi ni Kendrix.
"Bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka ba?" tanong ko.
"Ah wala naman Athena. Nandito ako para sunduin ka. Gusto ko lang siguraduhin na makakarating ka sa school ng ligtas. Baka kasi balikan ka ng mga loko lokong yun." seryosong sabi ni Kendrix.

OH MAY GHAD! BAKIT BA GANITO SIYA SAAKIN? BAKIT ANG BAIT BAIT NIYA ATA NGAYON? NAKAKALOKA! ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO. ANO BA? ANO BA TALAGA ANG NARARAMDAMAN KO PARA SAYO KENDRIX? ANO BA TALAGA?? HAY NAGUGULUHAN NA AKO EH. NAKO NAMAN! T__T

"Nga pala, Bakit hindi ka pa naka prepare? Malalate na tayo oh." sabi ni Kendrix.
"Anong oras na ba?" tanong ko.
"Hm 8:00 o'clock ate." sabat ni Maxine.
"Ahh ang aga pa naman eh. 8:00 o'clock palang naman." sabi ko sabay upo sa sofa.

NANG BIGLANG...

"ANO? 8:00 O'CLOCK NA? HALA MERON NALANG AKONG 30 MINUTES BAGO MAGSTART ANG FIRST CLASS KO. HAY NAKAKALOKA!" gulat na sigaw ko.

Nagmadali akong umakyat sa taas para mag prepare. JUICECOLORED! Bukod sa ang bilis ng paglipas ng oras, ganon din kabilis ang tibok ng puso ko. NAKAKALOKA! Tsaka bakit ba natataranta ako pag nakikita ko si Kendrix? Eh mas iniisip ko pa nga si Kendrix kaysa sa class ko. JUICECOLORED! NABABALIW NA BA AKO? NO! HINDI PWEDE! HUHUHU! T__T

Nang makababa na ako, tinignan ako ni Kendrix mula ulo hanggang paa. Bakit kaya ganyan siya makatingin? Panget ba ang suot ko? NAKAKALOKA AHH!

"Tara na Kendrix?" Nagmamadaling sabi ko.

Biglang tumawa si kendrix ng malakas habang nakatingin saakin.

"Ahhh magkaiba ata yung sapatos na suot mo Athena." Tumatawang sabi ni Kendrix.

Tinignan ko ang suot kong sapatos. NAKAKALOKA MAGKAIBA NGA! Ano ka ba Athena! Nag madali akong umakyat sa taas para magpalit ng sapatos. Bakit ba kasi natataranta ako? Kumalma ka nga Athena. Kalma lang. Si Kendrix lang naman yung naghihintay sayo eh. So bakit ka natataranta? NAKAKALOKA KA! -__-

Makalipas ang 5 minutes, bumaba na ako. Tinignan ulit ako ni Kendrix mula ulo hanggang paa. Ano nanaman ba ang mali sa suot? Bukas ang zipper ko? Ano ba? >__<

"Bakit ganyan ka makatingin? Panget ba ang suot ko?" tanong ko.
"Hindi Athena. Ang ganda ganda mo nga eh." Nakangiting sabi ni Kendrix.

Tinignan niya lang ako habang nakangiti saakin. NAKAKALOKA! Hindi ako makatingin ng deretcho kay Kendrix ng dahil sa sinabi niya. Bakit parang nag iinit yung mukha ko? ANO BA!! T__T

"Bakit namumala ka ata Athena? Okay ka lang ba?" Tanong ni Kendrix.

ANO? AKO NAMUMULA? PAANO NANGYARI YUN EH HINDI NAMAN AKO NAG LAGAY NG BLUSH ON AH? HINDI KAYA.... NO! NO! NO! HINDI PWEDENG MANGYARI YUN. HINDI!!

"Na...namumula? Hindi ahh! Tara na nga Kendrix. Baka malate na tayo." sabi ko sabay hawak sa pisnge ko.

Paalis na sana kami ni Kendrix nang biglang may kumatok sa pinto ng bahay namin.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"AY KAMBENG!" gulat na sigaw ko.

NAKAKALOKA! Ang aga aga pa para magulat ako eh. Agad ko naman binukasan ang pinto.

"GOOD MORNING ATHENA." Bungad ni Calyx.

Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko na si Calyx pala ang kumakatok sa pinto.

"Good Morning Calyx. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ahh nabalitaan ko kasi yung nangyari sayo kagabi. Sinabihan kasi ako ni Maxine kagabi. Nag aalala lang ako. Okay kana ba?" Tanong ni Calyx.
"Ahh oo. Okay na ako Calyx. Salamat sa pag aalala ah. Ano pala ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Ahhh gusto ko lang masigurado na ligtas ka makarating sa school. Baka kasi mapagtripan ka nanaman ng mga adik diyan sa labas." sabi ni Calyx.

Bigla namang lumabas si Kendrix. Lumapit siya kay Calyx habang tinignan ng masama si Calyx.

"Pero nandito naman ako para protektahan si Athena eh at ako na din ang mag hahatid sakanya sa school. Pwede ba wag kang epal Calyx." sabi ni Kendrix habang nakatingin ng masama kay Calyx.
"Nandito ako dahil kaibigan ko si Athena. Pareho lang naman ang gusto natin eh. Yung masigurado ang safety ni Athena. Kaya hindi ako epal Kendrix. Okay?" sabi ni Calyx.

Biglang nagkatinginan ng masama yung dalawa. Parang mga bata na nag aaway sa isang candy. NAKAKALOKA!

"PWEDE BA! TUMIGIL NA KAYONG DALAWA! KAYA KO NAMAN PUMUNTA NG SCHOOL MAG-ISA EH. KAYA PWEDE BA WAG NA KAYO MAG AWAY!" sigaw ko sabay walkout.

Nag madali akong maglakad palabas ng village. Wala akong paki alam sakanila. Bakit ba kailangan nilang mag away ng dahil saakin? Di naman ako ganon kaganda para pag agawan nila. Nakakainis sila eh. NAKAKALOKA!

Habang nasa biyahe kami papunta sa school, hindi ko parin pinapansin si Calyx at si Kendrix. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok puso ko. Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sakanilang dalawa? Naguguluhan na ako ah. Bakit ba sila nag kakaganito? Bakit ang gulo ng mundo? Hay ewan.

Makalipas ang 30 minutes, nakarating na kami sa school. Nauna na akong maglakad papunta sa kung saan ng makasalubong ko si Zoey.

"Oh bes. Kamusta ka? Nabalitaan ko yung nangyari sayo kagabi ah. Okay kana ba?" tanong ni Zoey.
"Oo bes. Okay na ako. Salamat sa pag aalala." sagot ko.
"Teka nga lang, bakit parang nag mamadali ka ata. Anyare sayo? Nandiyan ba yung mga nangbastos sayo ha? Ano? BUGBUGIN KO NA BA SILA?" tanong ni Zoey.

Tinignan ko si Zoey ng masama.

"Hindi noh! Ang O.A mo bes." sabi ko habang nakatingin ng masama sakanya.
"Eh bakit ba kasi nag mamadali ka ha?" tanong ni Zoey. "Eh kasi naman tinatakasan ko si Calyx at si Kendrix eh." sabi ko.

Bigla namang nanlaki ang mata ni Zoey ng dahil sa sinabi ko.

"HA? BAKIT? BALAK KA BANG GAHASAIN NI KENDRIX AT NI CALYX? OMG! ANO? GUSTO MO BA TUMAWAG NA AKO NG MGA PULIS?" sabi ni Zoey.
"Hindi! Ano ba bes! Wag ka ngang O.A! Wala silang balak na gahasain ako or what." sabi ko.
"Eh.. Ano ba kasi ang dahilan kung bakit tinatakasan mo sila?" tanong ni Zoey.
"Kasi sinundo ako ni Kendrix at ni Calyx sa bahay. At nag aaway sila ng dahil saakin." Bulong ko. ko.

Hininaan ko talaga yung boses ko para hindi marining nung iba. Nakakahiya eh. Baka kung ano pang isipin nila noh! Tinignan lang ako ni Zoey with a poker face. NANG BIGLANG...

"ANO? OH MY GHAD! ANG HABA NG HAIR MO GIRL. NAKAKALOKA KA! IKAW NA MAGANDA!" sigaw ni Zoey.

Nagtinginan ang lahat ng dahil sa pag sigaw ni Zoey.

"Pwede ba! Wag kang sumigaw. Nakakahiya oh. Pinagtitinginan na tayo ng lahat." sabi ko.
"Sorry naman bes. Na carried away lang ako. Teka maitanong ko lang. Sino ba talaga ang gusto mo sakanilang dalawa?" tanong ni Zoey.

Biglang akong naubo sa sinabi ni Zoey. NAKAKALOKA!

"GUSTO? Wala noh! Ewan! Hindi ko alam! Alam mo yung feeling na kapag na nakikita ko si Calyx, napapangiti niya ako. Kapag nakikita ko naman si Kendrix, bumibilis ang tibok ng puso ko at parang tumitigil ang mundo ko. Ang gulo gulo ng nararamdaman ko bes. Ano ang gagawin ko?" sabi ko.
"Hindi kaya pareho mo silang gusto? Kasi parang sinasabi ng utak mo, gusto mo si Calyx pero ang sinasabi naman ng puso mo, mahal mo si Kendrix. Kung ako ang nasa position mo bes. Siguro nabaliw na ako. Pero kailangan mong pumili ng isa. Kung papapiliin ka kay Kendrix at Calyx, sino ang pipiliin mo?" sabi ni Zoey.

Siguro nga tama si Zoey. Si Calyx naman talaga ang gusto ko eh. Kasi sabi ng utak ko mahal ko si Calyx pero sabi naman ng puso ko... HINDI! HINDING PWEDENG MANGYARI YUN. SI CALYX SI PRINCE CHARMING, HINDI SI KENDRIX! Ang gulo gulo ng utak ko. Ano ba yan! Bakit ba kasi kailangan mamili ng isa. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Hay ewan! BAHALA NA!

Maya maya pa, biglang dumating si Angel sa kalagitnaan ng pag ku-kwentuhan namin ni Zoey.

"OH MY GOSH! Nabalitaan ko ang nangyari sayo. How are you ba? Sinaktan ka ba nila?" sabi ni Angel sabay yakap saakin.
"Oo okay lang ako. Salamat sa pag aalala." sabi ko.
"Good to know that. Anyways, ano ba ang pinag uusapan niyo ng bestfriend mo?" tanong ni Angel.

KALOKA! TSISMOSA NAMAN THIS GIRL. -__-

"Ahh wala. Tungkol lang sa exams next week. Tama yun nga. Diba Zoey?" sabi ko sabay tingin ng masama kay Zoey.
"Ah oo yun nga." Sagot ni Zoey.
"Ahh ganon ba? Sige. See you later Athena. Take care okay?" sabi ni Angel.

Lumipas na ang buong maghapon pero hindi ko parin pinansin si Kendrix at si Calyx. Hanggang sa rehersals hindi ko parin pinansin si Kendrix. Ang hirap pala kung iiwasan mo yung mga kaibigan mo noh? Pero ayoko kasi na mag away silang dalawa ng dahil saakin. Kaya ko naman ang sarili ko eh. Tsaka hindi ko narin alam gagawin ko. Ang gulo gulo kasi ng mga pangyayari. Sino ba talaga ang gusto ko sakanilang dalawa? Si Calyx? O si Kendrix? EWAN KO! Naguguluhan ako! Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi ganito kasaklap ang mundo? Bakit ba kasi kailangan ko pang pumili?Pwede WALA NALANG PARA TAPOS NA YUNG USAPAN. HAY! AYOKO NA! T__T

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

102K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
4.6K 364 44
Akira Dela Cruz and Liam Enriquez hated each other from the very first time. Ayaw ni Akira kay Liam dahil sa palagay nya ay isa itong mayabang na lal...
72.1K 1.5K 40
May Forever nga ba? Sa Pag ibig kasi, may nagtatagal at hindi nagtatagal.. kasi hindi natin hawak ang ating mundo. Ang mngyayari. Mangyayari talaga...
7.7K 392 84
Countless questions that are still unanswered which always come in my mind, keep bothering me.... and until now.... I'm dying to know those certain a...