MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 18: KISSING SCENE

245 15 2
By La_Diyosa

KENDRIX'S POV

Habang nasa biyahe papunta sa school, hindi parin maalis sa isip ko ang mukha ni Athena.  Masaya ako kasi makikita ko na siya ulit. Excited na akong makarating
sa school.

"Kaycee wag mo na akong hintayin mamaya ahh. Ipapasundo nalang kita kay tatay Kennedy okay?" sabi ko.
"Bakit Kendrix?" tanong ni tatay Kennedy.
"Oo nga bakit ba kuya? Baka uminom ka nanaman ah. Nako lagot ka talaga saakin." sabi ni Kaycee.
"Ano ka ba Kaycee. Hindi noh! May rehersals pa kasi kami para sa school play namin sa foundation day." Sabi ko.
"Okay kuya. Basta promise me na mag iingat ka ha?" sabi ni Kaycee.
"OKAY FINE! Promise." Sagot ko.

Nang makarating kami sa school, agad agad naman akong pumunta sa first class ko. Naupo na ako at naghintay sa pagdating ni Athena. Miss ko na siya eh. Excited na akong makita siya ulit. Maya maya pa, may pumasok na babae. Hinding hindi ako mag kakamali, siya yung nakita ko sa mall, si mystery girl. Ano naman kaya ginagawa niya dito? New student ba siya dito? Maya maya pa, umupo siya sa upuan ni Athena.  Tinitigan ko lang siya. Oo maganda siya pero para saakin si Athena parin ang mas maganda. Pero pamilyar talaga siya saakin eh. Di ko alam kung saan ko siya nakita bukod sa mall. Teka ma tanong nga. Tumayo ako para tanungin ang pangalan niya ng biglang dumating ang professor namin. Malas naman! Gusto ko sanang tanungin kung nagkita na ba kami somewhere pero bigla naman dumating si Mrs. Culaw. KAKAINIS!

Makalipas ang walong subject. Nagpunta na ako sa drama class ko. Ngayon kasi ang unang araw ng rehersals namin para sa play namin na Snow White. Hanggang ngayon hindi ko parin makita si Athena at si Calyx. Hindi naman kaya magkasama sila? Ano ba yan! Nag seselos ako eh. Teka baka nasa kung saan saan lang sila. Mahanap nga. Pumunta ako kung saan saan para hanapin siya pero hanggang ngayon wala parin eh. Miss ko na siya. Miss na miss ko na siya. Makalipas ang 5 minutes, dumaring na ang professor namin.

Tinawag na isa isa ang lahat ng characters pero si Athena nalang ang wala. Nasaan na kaya siya? Bakit kaya hindi siya pumasok? Nag aalala na ako eh. Ano ba yan! >__<

"Where is Ms. Salvador?" -Professor.
"I think nag backout na siya. Siguro natakot siya na gumanap na Snow white. Kasi bukod sa panget siya, for sure hindi rin sya marunong umarte kagaya ko. Ang panget panget naman ni Athena para maging snow white noh. Because sir, theater is only for the beautiful ones like me. Ewan ko ba sainyo bakit gusto niyo gumanap na snow white yung panget. Wala ba kayong taste pagdating sa pagtingin ng tunay na maganda? Oh please naman. Sana mag karoon naman kayo ng taste sa pag pili at pagtingin kung sino talaga ang tunay na maganda! OH MY GOSH! Pwede naman akong mag Snow White if you want to sir. Di hamak naman na mas bagay saakin ang title na Snow White kaysa kay Athena noh! Sana makita niyo naman. I know that you are just giving a change for Athena to shine but hindi sakanya bagay ang title na SNOW WHITE!" sabi ni Angel

Tinignan ko lang si Angel habang nag sasalita siya. Oo kaibigan ko siya pero hindi ako papayag na agawin ni Angel ang role na para kay Athena. Bakit ba kasi hindi siya pumasok? Miss na miss ko na siya eh. Nasaan na kaya siya? Sana naman dumating na siya. Kapag hindi dumating si Athena  aalis na ako dito. Makalipas pa ang 5 minutes, lumakad na ako papalabas ng theater room ng biglang may dumating na magandang babae, mahaba ang buhok at maputi. Sigurado ako na siya yung mystery girl. Pero wala akong pake sakanya. Si Athena  lang ang gusto ko. Wala nang iba.

"Sorry ma'am. I am late." sabi nung mystery girl.
"Parang ngayon lang kita nakita dito sino ka ba?" Tanong ng professor.

Bakit ba kasi nandito siya? Sinusundan niya ba ako dito? Siguro crush ako neto.  Nakakainis naman! Nagpapapansin ba siya? Ehhh ayaw ko naman sakanya. Subukan lang niya na magpapansin saakin makakatikim tong babae na to. Oo alam ko maganda siya pero si Athena lang ang gusto ko. Si Athena lang okay? PLEASE WAG KANG EPAL!

"Ahm sorry miss but we're on the middle of our rehearsals. Kaya kung pwede lumabas kana dito! Wala nang bakanteng role para sayo and hindi kami tumatanggap ng PANGET." sabi ni Angel.

Pero hindi niya pinansin si Angel. Tinignan niya lang ito na parang walang paki alam.

"Ahhm excuse me miss. Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? I said, there's no room for ugly creature like you. Kaya pwede. Umalis kana dito. Naaalibadbaran ako sa itchura mo eh. TSUPE!" pag tataray ni Angel.

Biglang nagtinginan ang lahat ng dahil sa sinabi ni Angel. Habang ako naman uminom nalang ng kape na binili ko sa Starbucks. Nang biglang nagtanong ulit yung professor namin.

"Excuse me miss. I said, sino ka? At bakit nandito ka sa class ko? May kailangan ka ba?" -Professor.

Tinignan ko yung babae with a poker face.

"Ahm ako po si Athena Salvador ma'am. Im really sorry for being late. Dumaan pa po kasi ako sa restroom."

Biglang nanlaki ang mata ko at naibuga ang iniinom na kape ng dahil sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? Totoo ba to? Si Athena at si mystery girl ay iisa? Paano nangyari to? Grabe hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya ba talaga si Athena? Kung ano naman ang nangyari, basta ang alam ko lang, ang ganda ganda ni Athena. SOBRANG GANDA!

"You are so beautiful today Ms. Salvador. You may now sit down beside Mr. Lee." -Professor.

Tumabi nga saakin si Athena. Tinitigan ko lang siya ng tinitigan. Kasi hindi parin ako makapaniwala na ganito pala kaganda si Athena. Taena! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis. Hindi ko man lang magawang titigan si Athena ng diretcho. Grabe ang pawis ko. Bakit ba kinakabahan at pinagpapawisan ako? Hindi ko alam kung bakit eh. Hay nako naman!

"Okay ka lang ba Kendrix? Bakit pawis na pawis ka?" tanong ni Athena.
"Ahhh wala. Okay lang ako."
"Ha? Eh bakit parang may lagnat ka? Sigurado ka ba na ayos ka lang?" sabi ni Athena sabay hawak sa noo ko.
"Oo okay lang talaga ako. Naiinitan lang siguro ako." sabi ko.
"Naiinitan? Eh ang lakas ng ng aircon dito eh. Nilalamig na nga ako sa sobrang lakas ng aircon tapos ikaw pinagpapawisan? Grabe ah. Sigurado ka ba talaga na okay ka lang??" tanong ni Athena.
"Oo okay lang ako. Wag kang mag alala." Nakangiting sagot ko.

Pero ang totoo niyan. Hindi talaga ako okay. Parang sasabog na ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit eh. Basta sa tuwing nakikita ko si Athena. Bumibilis bigla ang tibok ng puso ko. Hindi kaya mahal ko na talaga siya? Hay ewan! Maya maya pa, biglang nag salita yung professor namin.

"Okay listen everyone. Diba sa story ng Snow White, nagising lang si Snow White ng dahil sa true loves kiss diba? So be ready Mr. Lee and Ms. Salvador, kasi magkakaroon kayo ng kissing scene." -Professor.

KISSING SCENE? TOTOO BA TO?  BAKIT MAY GANON? BAKA KUNG ANONG ISIPIN NI ATHENA. KAINIS!

"ANO PO? Bakit po may kissing scene? Parang sobra naman po ata yun sir. Bakit po may ganon?" sabi ni Athena.
"Sinusunod ko lang ang story ng Snow White. At sabi sa story, nagising lang si Snow White galing sa curse ng evil Queen dahil sa TRUE LOVES KISS. So mamili kayo, gagawin niyo ito para sa grades niyo  or wala kayong grades? Remember this play is a big factor to your grades. You are graduating guys. So what is your decision? Is it a YES? o is it a NO? Tell me." -Professor.

Hindi to pwede. Kailangan namin to para sa grades namin. Ano ang gagawin ko? Isip Kendrix. Isip!

"Sige po sir. Pumapayag na po ako. Para sa grades po." sabi ni Athena.

Nagulat ako sa sinabi ni Athena. Totoo ba to? Pumayag talaga siya? Pero ayoko naman isipin niya na binabastos ko siya. Hay nako naman. Bahala na nga.

"And you Mr. Lee, what is your decision? Is it a yes or a no?" -professor.
"Sige po sir. Im on it." sagot ko.
"Okay then. I'll give you 5 minutes to talk to each other." -Professor.

Pumunta kami ni Athena sa backstage. Lumapit ako sakanya para kausapin siya pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Nang makalapit na ako kay Athena ng hindi ako nakapag salita at tinitigan ko lang siya. Hindi parin talaga ako makapaniwala na ganito pala kaganda si Athena. SHIT! Lalo akong naiinlove kay Athena eh. Lintik na puso to! DAMN!

"Mag tititigan nalang ba tayo dito?" tanong ni Athena.
"Ahh...ahhhm sorry pala Athena ah." sabi ko.
"Sorry saan Kendrix?" Tanong ni Athena.
"Sorry kasi nagalit ako sayo at nasabihan kita ng masasakit na salita. Sana mapatawad mo ako." sabi ko.
"Sus okay na yun. Nakalimutan ko na yun eh. Wag mo nang problemahin yun. Okay?" Nakangiting sabi ni Athena.

Ang bait bait talaga ni Athena. Lahat ng hinahanap ko nasa kanya na ata. Mahal ko na nga si Athena at sigirado na ako don.

"Salamat ah. Pangako hindi na yun mauulit. Nga pala tungkol dun sa kissing sceen. Sure ka ba na okay lang yun sayo?" tanong ko.

Tinignan lang ako ni Athena. FUCK! Ang ganda ganda niya talaga. Lalo na ang mga mata niya. Yung feeling na parang tutunawin ka. Grabe! Pakiramdam ko umurong yung dila ko sa sobrang kilig eh.

"Oo naman. Wala naman malisya yun eh. Para sa grades gagawin ko. Tsaka pwede naman dayain yun eh. Yung kunware sa lips pero sa pisnge lang pala." sabi ni Athena.

Tinignan ko ang buong mukha ni Athena. Sobrang ganda niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang nakatingin ako sa mukha ng isang anghel.

"Hoy! Bakit nakatulala ka dyan. Okay ka lang ba?" tanong ni Athena.
"Ahh...ahhhh, Oo naman. Okay lang ako. Hm tama ka dyan Athena." sagot ko.
"Ahh okay. Sige balik na tayo don. Baka mag start na ang rehearsals natin." Sabi ni Athena.

Bumalik na kami ni Athena sa group namin at nagstart na ang rehearsals.

*AUTHOR'S NOTE: HINDI ALAM NI ATHENA AT NI KENDRIX NA NAKIKINIG PALA SI ANGEL SA USAPAN NILA.*

ANGEL'S POV

Bakit ba ang tigas tigas ng ulo ng ulo ng Athena na to. Hindi ba siya marunong umintindi na akin lang si Kendrix? Bobo ba siya? GUMANDA LANG SIYA PERO BOBO PARIN! Siguro kailangan ko siyang kaibiganin para lalo akong mapalapit kay Kendrix. Pero nakikipag plastikan lang ako para hindi ako layuan ni Kendrix. Tapos pag hulog na hulog na siya sa bitag ko, saka ko na gagawin ang mga plano ko para mawala na si Athena sa buhay namin ni Kendrix. Tama! Ganon nga ang dapat kong gawin. Hindi naman ako papayag na mapalayo si Kendrix saakin noh. Ang talino ko talaga. Thats why I'm so PERFECT!

Maya maya pa nag start na ang rehearsals namin. Makalipas ang isang oras ng rehearsals, its time to take a break. Pumunta ako sa direksyon kung nasaan si Athena naka upo. Sakto wala siyang kasama. Lumapit ako kay Athena para kausapin siya.

"Hi Athena." sabi ko.
"Kung nandito ka para saktan ako ng dahil sa pag lapit ko kay Kendrix. Wag kang mag alala hindi ko siya aagawin sayo. Sayong sayo na si Kendrix." sabi ni Athena.

Kung pwede lang nga eh. Siguro kanina pa kita nasaktan. Kaso hindi pwede. Baka masira ang mga plano ko. Kaya control your temper Angel. Control it.

"Ahhm hindi naman yun ang pinunta ko dito eh. Nandito ako para humingi ng sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Sana mapatawad mo ako." sabi ko.

Tinignan ako ni Athena habang nakangiti.

"Ahhh okay lang yun. Wala yung kalimutan mo na yun." sabi ni Athena.
"Can I have a hug from you?" tanong ko.

Tumayo si Athena at niyakap ako. Kahit na diring diri ako, I have to do this. This is the only way para mapalapit pa ako lalo kay Kendrix. Kung hindi lang para kay Kendrix, hindi ko ito gagawin noh. Ayoko ko naman talaga maging kaibigan tong monster na to. Kahit gumanda na siya, still siya parin ang MONSTER NA KILALA KO. Pero hindi parin talaga ako makapaniwala na gumanda siya ng ganito. For sure nagpaganda siya para akitin at landiin si Kendrix. Pero di hamak naman na mas maganda ako sakanya. Hindi ako papayag na masapawan ni Athena kahit anong mangyari. Ako ang tunay na maganda hindi si Athena. Ako lang ang reyna ng campus na to. Hindi ako papayag na agawin ni Athena ang trono ko. Kasi masyado nang masikip ang mundo para sa dalawang reyna.

"Can we be friends ba Athena?" tanong ko.
"Ahhh oo naman. Friends." sagot ni Athena.

Maya maya pa. Dumating si Kendrix.

"What's happening here?" Tanong ni Kendrix.
"Oh! Hi Kendrix! Athena and I are friends now." sabi ko sabay akbay kay Athena.
"Talaga? Mabuti naman kung ganon. Masaya ako para sainyo. Sana hindi na kayo mag away ulit." sabi ni Kendrix.
"Oo naman. Hinding hindi na kami mag aaway. Promise." sabi ko.

Makalipas ang 10 minutes, nag umpisa na ulit ang rehearsals namin.

ATHENA'S POV

Habang nasa rehearsals kami nang biglang sumagi sa isip ko si Calyx. Bakit kaya hindi pumasok si Calyx? Miss ko na siya eh. Hay sana pumasok na siya bukas. Pero teka nga lang, maiba ako. Totoo ba to? Nakikipag kaibigan ba talaga si Angel saakin? Baka nakikipag plastikan lang siya saakin o baka naman may masamang plano nanaman siya saakin. Pero malay natin diba? People change now a days. Hindi ko naman ugali na mangjudge ng tao eh.

Maya maya pa, dumating na professor namin.

"Okay Mr. Lee and Ms. Salvador. Doon tayo sa kissing scene part." -professor.

AGAD AGAD? JUICECOLORED NAMAN. BAKIT BA KINAKABAHAN AKO? ANO BA! KUMALMA KA NGA. NAALALA KO TULOY YUNG NANGYARI SA ESKINITA AT YUNG SA LIBRARY. HAY ANO BA YAN! DIBA NGA SABI MO KANINA HINDI NAMAN TOTOONG KISS. KAYA ANO BA ANG INAALALA MO ATHENA? KALMA LANG OKAY?

*INHALE.. EXHALE.. INHALE.. EXHALE..*

"Okay Ms. Salvador mahiga kana doon at Mr. Lee hahalikan mo siya okay? Ayoko ng maarte please lang para matapos na tayo." -professor.
"Yes sir." sagot namin ni Kendrix.

Humiga na ako at pumikit. Grabe ang kaba ko. Parang sasabog na puso ko. Kakaloka. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Fake kiss lang to diba? Kumalma ka Athena. Maya maya pa, bigla kong naramdaman na papalapit na ang mukha ni Kendrix sa mukha ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Kendrix. SHHHHHEEETTT! Ang gwapo pala ng mokong na to. NAKAKALOKA! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba! Bakit ganito ang tibok ng puso ko. Hay! Pinikit ko nalang ang mga mata ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

NANG BIGLANG..

"CUT!" sigaw ng professor namin.

Hay buti nalang nag cut na si sir. Nakakaloka. Akala ko maiihi na ako sa sobrang kaba. Umiiyak na tuloy ang kili kili ko eh! NAKAKALOKA.

"Good take! Ang ganda ganda ng chemistry ninyo. Bagay na bagay kayong dalawa. Okay remember guys, next week na ang foundation day natin, and that day ang araw ng play natin. Be ready okay? Since its getting late na, you may go now guys. Ingat kayo sa pag uwi." -Professor.
"Good bye sir!" sabi namin lahat.

Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Habang nag lalakad palabas NANG BIGLANG...

"ATHENA!"
"AY DEMONYONG KABAYO!" Gulat na sigaw ko.

Nakakaloka. Bakit ba palagi nalang ako nagugulat. Please naman. Mamatay ako ng maaga sa gulat eh. NAKAKALOKA! Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Angel na papalapit saakin.

"Sorry nagulat ba kita?" tanong ni Angel.

Hindi ini-expect kita girl. Nakakaloka ka naman. Muntik na ako mamatay sa gulat eh.  JUICECOLORED NAMAN!

"Ah medyo pero okay lang." sabi ko.
"Ah okay? Uwi kana ba?" tanong ni Angel.
"Ah oo eh. Bakit?" tanong ko.
"Ahm since we're friends now, aalukin sana kita na uminom." sabi ni Angel.
"Ayy sorry hindi ako umiinom eh. Mabilis kasi ako malasing. Kayo nalang. Salamat sa pag invite. Tsaka hinihintay na ako ng bestfriend ko sa labas eh. Sorry ah?" sagot ko.
"Ahh ganon ba? Okay lang. Sige mauna na ako ha? Bye friend." sabi ni Angel sabay beso saakin.

Nakakaloka. May pa beso - beso pa si mayor. LAKAS MAKASOSYAL DUDE! CHAROT!! HAHAHA!

Nag patuloy na akong maglakad palabas ng theater room. Nang makarating ako sa labas, hindi ko nakita si Zoey.

NANG BIGLANG KUMULOG.

"AY BULATE!" gulat na sigaw ko.

SHHHEET! Na ngangatog ang tuhod ko sa takot. NAKAKALOKA!! Bat ngayon pa? Huhuhu! T__T

"Nako naman baka uulan pa. Nasaan na kaya si Zoey? Ano ba yan! Nakalimutan ko pala na sabihan siya na sabay na kami uuwi. Hay ano ba Athena! Baka umuwi na siya. Paano na ako ngayon? Sino kasabay ko pauwi? Hay nako bahala na nga!" bulong ko sa sarili ko.

Naglakad na ako papalabas ng University ng biglang bumuhos ang ulan.

"Nako naman bakit ngayon pa umulan. Wala pa naman akong dalang payong. BWISET! Hay ang malas malas mo talaga Athena kahit kailan." bulong ko ulit sa sarili ko.

Nang biglang may dumating na lalake at pinayungan ako.

"KENDRIX?" sabi ko.
"Hatid na kita sainyo. Baka mapaano kapa sa daan eh. Delikado na ang panahon ngayon tapos umuulan pa. Baka magkasakit ka pa niyan." sabi ni Kendrix sabay tingin saakin.

Tinitigan ko si Kendrix. Natulala ako ng dahil sa sinabi niya. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Bakit ba? Dont tell me... Hindi! Hindi pwede na magkagusto ka sa lalakeng yan. Okay? Si Angel ang bagay sakanya hindi ikaw okay? HAY!  NAKAKALOKA NAMAN.

Patuloy kaming naglakad habang malakas ang ulan. Makalipas ang 45 minutes, nakarating na kami sa bahay ni tita Alex. Ito na kasi yung pinaka malapit na lugar sa school. Ayoko naman na maglakad pa pauwi ng dorm ang lakas ng ulan eh. Basang basa na nga ang damit namin ng dahil sa lakas ng ulan eh.

"Ahm dito na ang bahay ko Kendrix. Salamat sa paghatid ahh?" sabi ko.
"Ahh wala yun. Kaibigan kita eh. Dapat siguraduhin ko ang kaligtasan mo palagi." sabi ni Kendrix.

Maya maya pa, lumabas si Tita Alex.

"Nandito kana pala anak. Pumasok na kayo ng kaibigan mo. Ang lakas ng ulan oh. Baka mabasa pa kayo lalo." sabi ni Tita.

Pumasok na kami ni Kendrix sa loob.

"Ahh Tita Alex at Maxine si Kendrix  pala. Kaibigan ko po." sabi ko.
"Hello po tita. Mano po. Hello Maxine!" sabi ni Kendrix sabay mano kay Tita.
"Magbihis na muna kayo at baka magkasakit pa kayo." sabi ni Tita.

Binigyan siya ni Tita ng towel at damit para makapag bihis si Kendrix.

"Eto na munang damit ng asawa ko ang isuot mo para makapagbihis kana. Pag pasensyahan mo na yan ha?" sabi ni Tita.
"Okay lang po tita. Pwede na po ito." Sagot ni Kendrix.

Pumunta na siya sa banyo para magbihis na ng damit habang ako naman, pumunta na  sa kwarto ko para makapag palit na din. Makalipas ang 5 minutes, bumaba na ako. Nakita ko si Kendrix na suot ang damit ni Tito Kennedy. Bagay naman pala sa mokong na to ang simpleng damit eh. Hay ano ba Athena! Kanina mo pa pinapansin ang itchura ni Kendrix. Okay ka lang ba? NAKAKALOKA KA!

Maya maya pa dumating na si Tito Kennedy.

"Ahm Tito Kennedy si Kendrix po. Classmate ko." sabi ko.
"KENDRIX? Ano ginagawa mo dito?"
tanong ni Tito.
"Tatay Kennedy?" sabi ni Kendrix.
"Mag kakakilala po kayo Tito?" Tanong ko.
"Oo anak. Magkakilala kami. Siya yung kinukwento ko sainyo na anak ng amo ko na si Congressman Alfred Lee. Bakit ka pala nandito?" tanong ni Tito.
"Ahh hinatid ko po si Athena tay." sagot ni Kendrix.

Tinignan siya ni Tito Kennedy mula ulo hanggang paa. Akalain mo nga naman. What a small world. NAKAKALOKA NA THIS!

"Nililigawan mo ba ang pamangkin ko Kendrix?" tanong ni Tito.

Biglang nanlaki ang mata ni Kendrix dahil sa tanong ni Tito Kennedy.

"Nililigawan po? Hindi po tay. Magkaibigan lang po kami ni Athena. Yun lang po." sagot ni Kendrix.
"Ah ganon ba? Mabuti naman kung ganon. Bakit nandito ka pa ba? Baka hinahanap kana ng daddy mo sainyo." sabi ni Tito.
"Hindi niya po ako hinahanap sigurado po ako. Wala naman siyang pakialam saakin eh." sabi ni Kendrix.
"Ohh tama na yan. Kumain na muna tayo kasi baka lumamig na ang niluto kong sinigang. Tara" sabi ni Tita Alex.

Naupo si Kendrix sa tabi ko para kumain ng biglang umandar nanaman ang kalokohan ni Maxine.

"Alam mo ate. Bagay kayo ni kuya Kendrix." sabi ni Maxine.
"Tumigil ka nga Maxine. Gusto mo masabunutan sa kilay?" Sabi ko sabay tingin ng masama kay Maxine.

Tinignan lang kami ni Kendrix tapos bigla siyang tumawa habang nakatingin saakin.

"Tumigil na kayong dalawa. Ako ang mag sasabunot sa kilay niyo. Pag hindi kayo tumigil diyan." sabi ni Tita Alex.

Biglang natahimik si Maxine ng tinignan siya ng masama ni Tita Alex.

"Pag pasensyahan mo na yan dalawang yan ah. Ganyan lang talaga sila maglambingan." sabi ni Tito Alex.
"Okay lang po tay. Ang saya nga eh." Sagot ni Kendrix.

Makalipas ang 30 minutes, natapos na kami kumain.

"Oh kamusta naman Kendrix? Nabusog ka ba?" tanong ni Tito.
"Opo tay. Ang sarap pala mag luto ni tita. Kaya no wonder,  mahal na mahal mo si tita." sabi ni Kendrix.
"Talaga? Salamat. Tawagin mo nalang akong nanay Alex." sabi ni Tita .

NANAY AT TATAY? ANO TO PINSAN KO SI KENDRIX? JUICOLORED! KAY MAXINE PALA NGA STRESS NA STRESS NA AKO. DADAGDAG PA SI KENDRIX? NAKO NAMAN! T__T

"Ahhm uwi na po ako tay. It's getting late na eh. Salamat po sa masarap na pagkain nanay at tatay." sabi ni Kendrix.
"Ay dito kana mag palipas ng gabi, wala kana masasakyan pauwi sainyo ng ganitong oras." sabi ni Tita.
"Tama ang nanay mo. Dito kana mag palipas ng gabi." sabi ni Tito.
"Maxine, dun ka muna matulog sa kwarto ng ate mo. Para dyan matulog si Kendrix sa sofa." sabi ni Tita Alex.

Tinignan ko ng masama si Maxine.

"Ayoko nga po. Dito nalang po ako sa baba baka bugbugin ako ni ate dun eh. Si kuya Kendrix  nalang ang matulog sa kwarto ni ate." sabi ko.

Tinignan ako ni Kendrix tapos napakamot siya sa ulo niya.

"Okay lang po kahit sa sahig nalang po ako matulog tay." sabi ni Kendrix.
"Sigurado ka Kendrix?" tanong ni Tita Alex.
"Opo nay. Okay lang po." Sagot ni Kendrix.
"Sige. May tiwala naman ako kay Kendrix eh. Di naman siya gagawa ng masama eh. Dun kana matulog sa kwarto ni Athena." sabi ni Tito Kennedy.

WHHAAAAT? KASAMA KO SI KENDRIX SA ISANG KWARTO? JUICECOLORED! BAKA GAHASAIN AKO NI KENDRIX DON. MY GHAD! MY MGA PANGARAP PA KAMI NI CALYX NOH! KUYA WAG PO! BATA PA PO AKO. CHAROT! HAHAHA!

"PERO TITO..." sabi ko.
"Wala nang pero pero. Sige na Athena! Umakyat na kayo don para makapag pahinga na kayo." sabi ni Tito Kennedy.

Hindi na ako sumagot kay tito kennedy. Pumunta na kami ni Kendrix. Nahiga na ako sa kama ko at nahiga na rin si Kendrix sa foam na nilatag ni Tita Alex sa baba ng kama ko. Nagtakip ako ng kumot sa buong katawan ko  kasi baka ano ang gawin ng mokong na'to saakin. Makalipas ang 5 minutes, tinignan ko si Kendrix. Buti nalang tulog na siya.

NANG BIGLANG..

"Wag kang mag alala Athena. Wala akong balak na masama o gawin sayo. May respeto ako sa mga babae." sabi ni Kendrix.

JUICECOLORED! Tama ba ang narinig ko? MAY RESPETO DAW? Ehhh nung panget pa ako kung makapangbully siya BONGGANG BONGGA! Tapos ngayon may respeto siya? KAKALOKA! Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit sa tuwing kasama at nakikita ko ang abnormal na to kinakabahan ako. Ano ba talaga ang nararamdaman ko? Hay baka RAPEN ako ni Kendrix. Hay! Wag ka ngang assuming Athena. Bakit iniisip mo na gagawa ng masama si Kendrix sayo? NAKAKALOKA KA NAMAN EH! Nagtalukbong ulit ako ng kumot at ipinikit ang mga mata ko. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

163K 2.6K 36
Hindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda...
129K 3.2K 26
Magkakasundo ba ang dalawang tao na hindi gusto ang isa't isa lalo na na ikakasal sila? [DONE REVISION AND EDITING.]
182K 3.5K 84
[COMPLETED] 20 long years had passed, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tahimik at masayang buhay ni Leila ay nagimbal at nagulo. Nawala an...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...