MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 14: REALIZATION

235 14 0
By La_Diyosa

ANGEL'S POV

Nang makauwi na kami sa bahay, agad akong pumunta sa kwarto ko at nag bihis na. Makalipas ang 15 minutes, bumaba na ako para mag dinner ng biglang narinig ko na may kausap si lolo dad sa phone habang na loud speaker. Nag tago ako sa isang sulok at nakinig muna sa usapan nila. Si mom pala ang tumatawag kay lolo dad.

["Hello dad? Ano na ang balita kay Princess?"]

"Wala parin balita yung imbistigador anak. Pero balitaan kita pag meron na ha. Anyways, kailan kaba uuwi anak." Tanong ni lolo dad.

["Soon dad. I'll just surprise you guys. But for now I have to go dad. May meeting pa ako."]

"Sige anak. Ingat ka nalang. Bye!" sabi ni Lolo dad.

Siya nga pala si Amanda Martinez Howard, my mom. Ang isa sa pinaka mayaman na babae sa buong mundo. May ari ng mga hotels, resorts, airports, malls etc. Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi kami mag ka-apelyido ng mom ko, simply because ampon ako. YES! AMPON AKO. Kilala ako dati sa pangalan na Maria Isabel Montenegro. Pinalitan nila ang pangalan ko sa Angel Heaven Martinez ng dahil daw sa mala anghel na itchura ko. Hindi ko alam kung bakit apelyido ni lolo dad ang ginamit ko. Pero okay na din to kaysa wala.

*FLASHBACK*

Galing ako sa madumi at mabahong lansangan sa Manila. 7 years old lang ako ng mapulot ni mom. Galing talaga ako sa Pangasinan. Namatay kasi ang biological parents ko sa isang bus accident. Papunta kasi kami non sa mall ng mabangga ang bus na sinasakyan namin ng paparating na truck. Ako lang ang himalang nabuhay sa aksidente na yun. Kinupkop at tumira ako sa tita ko sa Pangasinan pero sinasaktan at inaalipin nila ako don. Naisipan kong lumayas at sumakay sa likod ng truck papunta ng manila. Hanggang sa napadpad ako dito. Wala akong kamag anak o kakilala man lang. Natuto akong mangalakal, magnakaw at kumain na pagkain na galing sa basurahan para mawala ang gutom na nararamdaman ko. Or in other words, natuto akong makipag laban at makipagsapalaran sa buhay ng mag isa. Hanggang sa isang araw nakita ako ni mom habang kumakain ng pagkain na galing sa basurahan.

"Bata madumi yan. Wag kang kumain ng pagkain na galing sa basurahan." sabi ni mom.

Inabutan niya ako ng malinis na pagkain. Hindi ko man siya totally kakilala pero binigyan niya ako ng makakain at maayos na damit. Ayoko ko na maranasan ang magutom, hindi maligo, at mag palaboy-laboy kung saan saan. Gumawa ako ng paraan para ampunin niya ako. Araw araw ko siyang hinintay sa lansangan. Nag pabibo ako. Nag pacute ako. Hindi ako tumigil hanggang sa inapon  niya na ako bilang pamalit sa nawawala niyang anak na si Princess Katelyn Howard. Mahal na mahal siya ni mom. 3 years old lang siya ng nawala. Sabi ng mga pulis na baka daw patay na si Ate Princess but still hindi naniwala si mom. Until now hinahanap parin siya ni mom. Lahat ng attention niya na kay Ate Princess na lahat. Kahit anong gawin kong pag pagpapapansin. Still mas mahal niya si Ate Princess. Ako yung nandito pero mas pinili niya paring mahalin yung taong matagal ng patay. Kung sakali man na bumalik pa si Ate Princess one day, hindi ako papayag na agawin niya ang spot ko sa bahay na to. AKO LANG ANG PRINSESA NG BAHAY NA TO. AKO LANG!

*END OF FLASHBACK*

"Si mom ba ang kausap mo lolo dad?" tanong ko.
"Oo apo." Sagot ni lolo dad.
"What did she say? For sure si Ate Princess nanaman ang topic niya. Tama ba ako lolo dad?" sabi ko.

Hindi sumagot si Lolo dad sa tanong ko.

"I knew it! Kailan naman nag karoon ng pakialam si mom saakin. Kailan naman KAYO nag karoon ng pakialam saakin. Nabalian na ako't lahat lahat but still parang wala kayong pakialam saakin. Puro nalang kayo Princess! Princess! Princess! Bakit ba kasi umaasa pa kayo na babalik siya? Eh matagal na siyang patay diba? Ako yung nandito oh. Pero puro si Ate Princess lang ang mahalaga sainyo! Mga wala kayong kwenta!" sabi ko.

Lumapit saakin si lolo dad at sinampal ako.

"Wag na kang bastos Angel! Kung hindi dahil sa mommy mo, siguro nasa lansangan ka parin! Kaya pwede ba! Respetuhin mo naman kami kahit wag nang guardian, kahit nakakatanda nalang sayo." sabi ni Lolo dad.

Tinignan ko ng masama si Lolo dad.

"Alam ko na hanggang ngayon o kahit kailan hindi ko mapapantayan si Ate Princess sa puso niyo. Im just NO ONE RIGHT? Hayaan niyo, sanay naman na ako ehh. Sorry nawalan na ako ng gana kumain. Good night lolo dad." sabi ko.

Tumayo na ako at nag lakad na paakyat.

"Angel! Bumalik ka dito! Wag kang bastos! Kinakausap pa kita!" sigaw ni lolo dad.

Tinawag ako ni lolo dad pero hindi na ako lumingon. Pumunta nalang ako sa kwarto ko para mag kulong doon. Nang nakarating na ako sa kwarto ko, hinubad ko na ang saklay sa braso ko. Finally gumana din ang plano ko. Actually, wala naman talagang bali yung braso ko. Arte lang yun. Diba pwede na ako mag artista? Hahaha! Ginawa ko lang yun para ako ang paniwalaan ni Kendrix at para magalit na din siya kay Athena. Everything is according to my plans. But still, hindi ako papayag na matuklasan ni Kendrix na hindi ako ang may ari ng kwintas na to. At mas lalo pang hindi ako papayag na matalo ni Athena! Gagawa at gagawa  ako ng paraan para hindi mahuli ni Athena at Kendrix. KAHIT PUMATAY PA AKO GAGAWIN KO, MAITAGO LANG ANG TOTOO.

KENDRIX'S POV

Nang makarating ako sa bahay, agad  akong pumunta sa kwarto ko at hindi na kumain ng dinner. Gusto ko nalang mag kulong dito. Ayoko makita ako ni Kaycee na umiiyak.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Kuya! Are you okay?" tanong ni Kaycee.
"Kaycee, gusto ko mapag isa. Please wag mo muna kulitin si kuya." sabi ko.
"No! Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi ang problema mo." sabi ni Kaycee.
"Kaycee! Please leave me alone!" sabi ko.
"No! Hindi ako aalis dito. Buksan mo na kasi yung pinto. Handa ako makinig sayo." sabi ni Kaycee.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Ewan ko ba. Hindi ko kayang tiisin si Kaycee. Nang mabuksan ko na ang pinto, agad pumasok si Kaycee at tinanong ako.

"What happened sayo kuya? Why are you crying? Did someone hurt you? Tell me! Pupuntahan ko sila!" -Kaycee.
"Kuya is okay Kaycee. Wag mo nalang akong pansinin." sabi ko.
"May okay ba na umiiyak? Let me guess, tungkol to sa girl na nagugustuhan mo. Tama ba ako?"
"Yes Kaycee. Remember the girl that I met 13 years ago?" Tanong ko.
"Yung girl na binigyan mo ng kwintas na galing kay mom? Yung lagi mong nakukwento? Why kuya?"
"Nakita ko na siya ulit. Magka schoolmate kami." sabi ko.
"Huh? Then ano ang connection ng girl na nagugustuhan mo sakanya?" tanong ni Kaycee.
"Sinaktan niya yung girl na nakilala ko 13 years ago. Hindi ko inakala na kaya niyang manakit ng tao. Akala ko mabait siya, akala ko perfect na siya para saakin pero nag kamali pala ako. I dont know why, but I hate her now. I dont want to make friends with her anymore!" sabi ko.
"Are you sure ba na sinaktan niya yung Kaibigan mo? Nakita mo ba ang lahat ng pangyayari?"
"No I don't. Pero kitang kita yung ebidensiya. Nabalian yung kaibigan ko dahil sakanya." sagot ko.

Tinignan ako ni Kaycee na parang ewan.

"Sinubukan mo bang makinig sa paliwanag niya? Pinakinggan mo ba ang side niya?" Tanong ni Kaycee.

Bigla akong natahimik. Tama si Kaycee. Hindi ko man lang nagawang pakinggan ang paliwanag ni Athena. Hay!

"I knew it! So hindi mo nga ginawa. You dont know the whole story kuya. So dont judge her easily. Baka hindi naman niya sinasadiya o baka wala naman talaga siyang ginawa. Siguro nagkamali ka lang ng pag judge sakanya. Kasi kung mahal mo talaga siya, dapat intindihin at tanggapin mo kung sino o ano man siya. Kasi NO ONE IS PERFECT. Lahat tayo nag kakamali. At kung talagang ginawa niya yun, sana handa ka makinig sa paliwanag niya kung bakit nagawa niya yun. Everyone deserve a second chance. Chance to make her self BETTER. Ang tanong, handa ka ba magbigay ng second chance?" -Kaycee.

Hindi ako naka sagot sa sinabi ni Kaycee. Siguro nga tama siya. Pero ewan ko ba, biglang nag bago ang pagtingin ko kay Athena. I need to think muna. Kailangan ko muna mag focus kay Angel. I want to know her more.

"I have to go kuya. Pag isipan mo yung tanong ko. I love you kuya. Good night." sabi ni Kaycee.
"Good night Kaycee. Kuya will be fine  soon. I love you too baby sis." sabi ko.

Nang makalabas na si Kaycee, nahiga ako at nakinig sa music. Kaya ko bang bigyan si Athena ng second chance? Hindi ko alam. Bahala na! Ipinikit ko na ang mga mata ko. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

ATHENA'S POV

KINABUKASAN...

Maaga ako nagising at nag prepare para pumasok. Pag labas ko ng pinto ng kwarto ko, wala na si Kaiden at si Zoey. Lumabas na ako para mag almusal ng makita ko si tita Alex na nag luluto. Grabe! Ang bango naman. Amoy pancakes. Yung paborito ko.

"Ohh ang aga mo ata nagising anak." sabi ni tanong ni Tita Alex.

Hindi ko alam na nandito pala si tita Alex. Siguro nandito siya para bisitahin si Maxine. Buti nalang kumare niya yung admin ng girls dorm kaya kahit ilang beses siyang mag pabalik balik dito, Okay lang.

"Ahhhh wala lang po tita." sabi ko.

Natahimik akong bigla habang nakatingin kay Tita alex.

"Anak may problema ba? Kanina ka pa dyan tahimik eh." Tanong ni tita Alex.
"Nagkaroon kasi po ako ng panaginip eh." Sabi ko.
"Anong panaginip yun anak? Kwento mo dali. Makikinig ako." nakangiting sabi ni Tita Alex.
"Nasa isang perya daw po ako nun pero di ko alam kung saan tapos may kasama daw po akong babae tapos ang tawag niya saakin Princess. Hindi ko makita yung mukha niya kasi malabo po eh. Tapos biglang  nagkagulo yung lahat ng may nag sabi na may bomba daw doon kaya napahiwalay ako doon sa babae. Tapos yung iba hindi ko na po maalala." sabi ko.

Biglang nawala yung ngiti sa mga labi ni tita Alex at bigla siyang natahimik.

"May problema po ba tita?" tanong ko.
"Ito na ata ang tamang panahon para malaman mo yung totoo." seryosong sabi ni Tita Alex.
"Ha? Ano pong ibig sabihin mo tita? Hindi ko po maintindihan eh." sabi ko.
"Sana hindi mag bago ang pagtingin mo saakin pag nalaman mo yung totoo." sabi ni Tita.
"Ano nga po yung tita?" pangugulit ko.

Biglang hinawakan ni tita ang kamay ko habang nakatingin saakin. KALOKA KA! GRABE YUNG PASUSPENSE! ANG AGA AGA PA PERO UMIIYAK NA YUNG KILI KILI KO SA KABA. HAY!

"Hindi si Allison at Martin ang totoo mong mga magulang. Napulot ka lang namin. Pumunta kami ng Mama at Papa mo sa isang peryahan sa Bicol para mamasyal. Tapos may isang lalake na sumigaw ng may bomba daw doon sa Perya. Biglang nagkagulo ang lahat at nag takbuhan kung saan saan. Hanggang sa na daanan ka namin sa isang sulok habang naiipit sa stampede ng mga tao. Iyak ka lang ng iyak nun tapos nung lalapitan kana sana namin ng biglang naitulak ka ng isang lalake at nauntog ng malakas ang ulo mo sa pader. Nawalan ka ng malay habang patuloy sa pag tulo ang dugo sa ulo mo. Kinuha ka agad ng tatay martin mo at dinala ka namin sa ospital. Na comatose ka nun ng isang buwan. Hinintay ka namin magising. Halos sa ospital na kami natutulog at kumakain. Kulang nalang nga dalhin na namin yung mga damit namin sa ospital para mabantayan ka lang. At nung ma gising kana, tinanong ka namin kung ano ang pangalan mo at kung taga saan ka pero iyak ka lang ng iyak at sabi mo wala kang maalala. Tatlong taon ka lang nung makuha ka namin. Pumunta kami sa mga pulis para mag report tungkol sayo at mag tanong tanong kung meron nag hahanap sayo pero sabi ng mga pulis wala daw. Nagkataon na namatayan ng anak sina Allison at Martin dahil sa isang aksidente. Kaysa naman iwan ka namin doon, hindi namin sigurado kung aalagaan ka nila doon ng maayos. Kaya simula noon, ang mama at papa mo na ang nag alaga at nag pa laki sayo." sabi ni Tita Alex.

Parang biglang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. All this time tinago nila yung totoo saakin. Pero hindi naman ako galit sa kanila eh. Thankful pa nga ako kasi inalagaan at minahal nila ako na parang totoo nilang anak.

"Kilala niyo po ba ang totoo kong mga magulang?" tanong ko.
"Hindi eh. Sana naman wag kang magalit saamin."
"Bakit naman po ako  magagalit sainyo? Eh dapat nga po mag pasalamat pa ako kasi itinuring niyo po ako na parang totoong kapamilya. Kaya nga po mahal na mahal ko po kayo at kayo ang the best people in the whole wide world." Sabi ko.

Biglang umiyak si tita ng dahil sa sinabi ko. Tumayo ako at niyakap si Tita ng mahigpit. Pagkatapos kong kumain, umalis na ako sa Dorm. Makalipas ang 30 minutes nakarating na ako sa school. Pumunta muna ako sa locker ko para kumuha ng libro nang may nakita akong nakadikit sa sulat sa labas ng locker ko.

"Wag kana umasa kay Mr. Perfect Stranger because fairytales don't come true. Walang Mr. Perfect Stranger Athena. He is not true at all. Kaya wag ka namang umasa. Masasaktan ka lang.

-ANGEL."

Oo alam ko. Wala naman talagang Mr. Perfect Stranger eh. Ang tanga tanga ko kasi naniwala ako na totoo siya. Hay ewan ko ba. Totoo man siya o hindi. Basta ngayon, hindi na ako maniniwala sakanya. Papaalis na sana ako ng biglang dumating si Zoey.

"Good morning bes! Kamusta ang tulog mo?" tanong ni Zoey.
"Okay naman bes." Sagot ko.
"Okay ba yan mukha yan? Eh mukhang biyernes santo yan mukha mo eh ang aga aga panira ka ng vibes bes." sabi ni Zoey.
"Ehhh sino ba naman ang matutuwa kung makakabasa ka ng ganito?" sabi ko

Binigay ko yung sulat na nakadikit sa locker ko. Binasa agad ito ni Zoey NANG BIGLANG...

"NAKO! NASAAN YANG BABAE NA YAN? WAG NA WAG SIYANG MAG PAPAKITA SAAKIN KUNG HINDI MABIBIGYAN KO YAN NG MAG ASAWANG SAMPAL BES. SARAP NIYA TANGGALAN NG FALLOPIAN TUBE. KAKALOKA SIYA! KUNG HINDI NAMAN DAHIL SA GLUTA HINDI NAMAN SIYA GAGANDA AT PUPUTI NG GANYAN. NANG GIGIGIL TALAGA AKO BES. PIGILAN MO KO DALI. PIGILAN MO AKO." Galit na galit na sabi ni Zoey.
"Kalma lang bes. Ano kaba. Totoo naman yung sinasabi niya ehh. Ang tanga tanga ko kasi naniwala agad ako sa Mr. Perfect Stranger na yan. Hay." sabi ko.
"Pumayag kana kasi na pagandahin ka namin ni Kaiden. Para hindi ka naman apihin ng apihin ng Angel na yan. Ano bes? YES OR NO?" sabi ni Zoey.

Tinignan ko lang si Zoey ng may blankong expression sa mukha.

"Ano na bes? YES OR NO? Wag ka mag alala sa gagastusin. Ako ang bahala sa lahat. Ano? SIGE NA PUMAYAG KANA BES." Pangugulit ni Zoey.
"Hmm pag isipan ko bes. Okay?" sabi ko.
"Okay bes. Basta I need your answer before uwian ah." sabi ni Zoey.
"Oo na! sige na. Basta mamaya sasabihin ko na yung sagot ko sa tanong mo." sabi ko

Maya maya pa tumunog na ang bell.

"Oh bes mauna na ako ha? Baka malate pa ako sa first class ko. Kita nalang tayo mamaya." sabi  ni Zoey.

Umalis na nga si Zoey at ako nalang ang naiwan. Di ko alam kung papayag ba ako o hindi sa offer ni Zoey. Hay di ko alam. Kasi naman kahit ilang Vicky Belo pa ang itapat niyo saakin, wala na akong pagasang gumanda. Ang itim itim ko, may makapal at buhaghag na buhok, makapal na kilay at mukhang punong puno ng pimple pero sexy naman ako eh kaya lang ang panget panget ko. Ganito naman talaga ang itchura ko nung bata pa ako tapos nung makarating na ako sa U.S, pinamakeover ako ni lolo ng bonggang bongga kaya nag bago yung itchura ko. Sinadiya ko na pabayaan na yung sarili ko at lalong nag papanget para matakasan ang lolo ko. Bahala na nga!

Umalis na ako at kinuha ang libro ko sa locker. Habang naglalakad papunta sa class ko nang makasalubong ko si Kendrix kasama si Dwayne.

"Uyy bro si Athena oh!" sabi ni Dwayne.

Tinignan lang ako ni Kendrix na parang hindi niya ako kilala. Bumalik nanaman ata si Kendrix sa dati. Pero wala naman na ako magagawa eh. Mas pinili niya na paniwalaan ang kasinungalingan ni Angel. Sa bagay, sino ba ako para paniwalaan niya diba? DAKILANG NO BODY LANG AKO.

Makalipas ang 10 minutes, nakarating na ako sa first class ko. Bigla kong na alala na mag classmate pala kami ni Angel at Kendrix sa class ni Mrs. Culaw. Hay ang malas ko talaga! Huhuhuhu! T__T

Pumasok na ako at nakita ko si Kendrix at si Angel. Wala na akong makitang bakanteng upuan kundi sa tabi nalang ni Kendrix. Tumayo ako sa harapan ni Kendrix kasi hindi ako makadaan.

"Excuse me
Kendrix, pwede bang padaan ako?" sabi ko.

Tinignan lang ako ni Kendrix. Tumayo siya at nag lakad palabas ng room. Hindi ko alam kung bakit lumabas si Kendrix. Siguro ayaw niya akong makita at makatabi. Mukhang wala naman na siyang pake saakin so wala na din akong paki sakanya. Hay ano ba yan! KAINIS! Hanggang sa lumapit saakin si Angel at kinausap ako.

"POOR ATHENA. Mukhang iniiwasan kana ni Kendrix ahh. Kawawa ka naman. Wag ka kasing umasa na magiging kaibigan ka ni Kendrix. Kasi hindi yun mangyayari. At kung sakaling  mangyari ulit yun. I'll make sure to make a way para hindi mangyari yun" pataray na sabi ni Angel.

Tinignan ko lang siya. Gusto ko na siyang sabunutan sa kilay at bunutan ng ngipin ng walang anesthesia pero mas pinili ko nalang na manahimik nalang. NANG BIGLANG...

"Pwede ba Angel. Layuan mo si Athena. Wala naman siyang ginagawang masama sayo ah. Bakit kailangan mong ganituhin si Athena?" tanong ni Calyx.
"Look at my arms, nabalian ng dahil sa kaibigan mong FREAK! Kulang pa ba to para sayo Calyx? Ano pa bang hihintayin mong gawin saakin ni Athena para maniwala ka? PATAYIN NIYA AKO? Ewan ko ba kung ano ang ginawa ng Athena na yan para maging friends kayo. For sure kinulam ka niya or worst ginayuma ka pa." sagot ni Angel.

Biglang nag tinginan ang lahat saamin at nag chismisan tungkol saakin.

"Kawawa naman si Angel noh? Siya na nga ang nasaktan tapos yan panget na yan ang kakampihan ni Calyx."
"Oo nga. Tama ka diyan. Kung ako si Calyx. Hinding hindi ako lalapit sa babaeng yan. Baka kulamin niya tayo eh."

Bulungan ng mga fangirls at fanboys ni Angel. NANG BIGLANG...

"PWEDE BA ANGEL! TAMA NA! ISANG BESES PANG PAG SALITAAN MO SI ATHENA NG MASAMA AKO MAKAKALABAN MO!" sigaw ni Calyx.

Biglang natahimik si Angel dahil sa sinabi ni Calyx.

"Tandaan mo to Athena! HINDI PA TAYO TAPOS!" sabi ni Angel sabay walkout.

DUMATING NANAMAN SI CALYX PARA ILIGTAS AKO. HINDI KO NA TALAGA ALAM KUNG PAANO AKO MAKAKABAWI SAKANYA.

"Okay ka lang ba Athena?" tanong ni Calyx.
"Oo, okay lang ako. Salamat." sagot ko.

Lumipas na ang isang buong maghapon pero hindi ko na nakita si Kendrix kahit saan. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa tuwing iniiwasan ako ni Kendrix. Di ko na din alam ang gagawin ko. Siguro nasanay agad ako na magkaibigan na kami. Hay ano ba! BAKIT ANG SAKLAP NG MUNDO? LORD SAAN BA TALAGA AKO NAG KAMALI PARA MANGYARI ANG LAHAT NG ITO? HUHUHU T__T

Maya maya pa, tumunog na ang bell. Nag madali akong pumunta sa Gymnasium para simulan na ang pag lilinis. Makalipas ang 10 minutes ng pag lalakad, nakarating na ako sa Gymnasium. JUICECOLORED. ANG LAKI LAKI NG GYMNASIUM NA TO. KAYA KO BA ITO?

Binuksan ko ang gate ng gymnasium at pumasok sa loob pero sobrang dilim naman dito. KALOKA! Maya maya pa biglang bumukas ang ilaw at nakita ko si Angel kasama ang mga kaibigan niya maliban kay Chantal.

"WELL THE JANITOR IS HERE. READY GIRLS? MAGKALAT NA KAYO DALI!" sigaw ni Angel.

Nagkalat naman ng nagkalat sina Angel at ang mga kaibigan niya sa Gymnasium.

"TAMA NA! WAG KAYONG MAG KALAT! PLEASE LANG!" Pag mamakaawa ko.
"Tama na? Kulang pa nga yan sa ginawa mo sa braso ko eh." sabi ni Angel.

Hindi parin sila tumigil sa pag kakalat. Makalipas ang 5 minutes, lumabas na sila tapos ako nalang ang naiwan mag isa. Wala na akong ibang magawa kung di umiyak nalang. Nag simula na akong maglinis ng biglang may nagsalita. Lumingon ako at nakita ko si Zoey at si Calyx.

"Hindi mo ito kaya ng magisa. Kailangan mo ng tulong namin." sabi ni Calyx.
"Nandito lang kami para tulungan ka bes." sabi naman ni Zoey.

Tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap sila ng mahigpit.

"Salamat ha? Maraming salamat sainyo. Hindi ko na alam kung anong mangyayari saakin dito kung wala kayo." Naluluhang sabi ko.

Tinignan ako ni Calyx at hinawakan ang kamay ko.

"Wag mong hahayaan na apihin ka ng ibang tao. Kasi hindi sa lahat ng oras makakasama at maipagtatanggol kita. Dapat marunong ka lumaban para sa sarili mo. I-prove mo sa buong mundo na ikaw si Athena at magaling ka. Sana matutuhan mo din na makita tunay na ganda mo." sabi ni Calyx.
"Tama si Calyx. Kailangan mo lang makita ang tunay na ganda mo. Wag mong kakalimutan, nandito lang kami para sayo." Sabat ni Zoey.

Bigla akong natahimik at napa isip. Siguro tama sila. Kailangan ko nang matutunan makita ang ganda na meron ako. At hinding hindi na ako papayag na mabully pa ng ibang tao ng dahil sa itchura ko. Oras na para gumanda ang isang Athena Gabrielle Salvador.

"Bes diba tinanong mo ako kanina kung payag ako o hindi. Pumapayag na ako sa proposal mo." Sabi ko.
"TALAGA? FINALLY! ATHENA VERSION 2.0, HERE WE COME!" sagot ni Zoey.

Hindi ko alam kung tama ang lahat ng mga desisyon ko pero bahala na si Lord. Kahit suntok sa buwan ang lahat ng ito, walang masamang sumubok ng bago diba? ATHENA GABRIELLE SALVADOR VERSION 2.0, HERE I COME!!

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

151K 3.6K 62
[Completed] FILWTBB Series #1 Si Gabby Samonte ay isang babaeng may kasabihang, "Hindi ako mahuhulog sa Bad Boy, ayokong magmahal ng Bad Boy. Baka s...
12.7K 717 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
451K 11.3K 49
Mia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen w...
15.2K 940 61
Isang babaeng naniniwala sa fairytale dahil mala prinsesa siya kung ituring pero, habang tumatagal napapatunayan niya na hindi mala cinderella pala a...