MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 9: SORRY

265 18 0
By La_Diyosa

ANGEL'S POV

Habang nag lalakad kami papalayo, nagspray ako ng alcohol sa buong katawan ko.

"YUCKS! ARRRRGGH! I REALLY HATE THEM! Nakakainis yung dalawang yun! Akala mo kung sinong magaganda. KADIRI! Paano kung may virus sila? Paano kung may skin disease sila? Paano kung pumanget din ako? Paano na ang future namin ni Kendrix? Or worst, paano pag namatay ako? Paano na ang mga future babies namin ni Kendrix? Tell me Chantal. How do I look? Panget na ba ako? Ano? Tell me!" sigaw ko.
"Diba nga sabi ng doktor, hindi nakakahawa ang kapangitan at lalong lalo nang hindi nakakamatay. Kaya please wag kang O.A Angel." sabi ni Chantal.
"So are saying na OVER ACTING ako? Ehhh sino ba kinakampihan mo? Sila or ako?"

Tinignan ko si Chantal ng matalim. Subukan lang niya na magkamali ng sagot. Lagot talaga siya saakin.

"Syempre ikaw ang pipiliin ko. Kasi ikaw ang bestfriend ko eh." sagot ni Chantal.
"Mabuti naman kung ganon. Kasi tandaan mo'to, WALA AKONG KAIBIGANG TRAYDOR!" pataray  ko.

Hindi nakasagot si Chantal sa sinabi ko at tinignan niya lang ako na parang ewan.

"Anyway, since ikaw ang naka pulot ng wallet ni Athena. Anong balak mo sa wallet niya? Isasaoli na ba natin?" tanong ni Chantal.
"Tanga ka ba talaga Chantal? O sadiyang BOBO KA LANG? Sa tingin mo ba ibabalik ko pa'to sakanya? Ano ko? Baliw? IN HER WILDEST DREAM! Wala na akong balak na isaoli sakanya to noh."
"Pero alam mo naman Angel na masama yung gagawin mo diba?"

Tinignan ko ng masama si Chantal.

"Bakit? Kasalan ko ba na TATANGA TANGA siya ha? Kasalanan ko ba na mahulog yung wallet niya? Its not even my fault Chantal. Kaya pwede ba? Wag kang duwag!"
"So anong plano mo ngayon?"
"Edi kalkalin natin para makita natin kung ano ang nasa loob."

Kinuha ko sa bag ko ang wallet ni Athena at binuksan ito. Bukod sa pera at mga pictures na nakalagay sa loob ng wallet. May nakita din akong isang kwintas na may pendant na Mickey mouse. Tapos sa likod naman nito, may nakasulat na Japanese characters. Hindi ko maintindihan eh. Hindi naman kasi ako marunong magbasa ng Japanese noh. Ano bang meron sa kwintas na to, bakit parang sobrang  importante kay Athena? Well I dont care. Kinuha ko kwintas at isinuot sa leeg ko.

"Bagay ba Chantal?" tanong ko.
"Teka lang, bakit isinuot mo yan? Wala ka ba talagang  balak na isaoli yan kay Athena? Mukhang importante sakanya yan eh. Isaoli nalang kaya natin sakanya? Nakokonsensiya na kasi ako eh." sabi ni Chantal.
"As I said, WALA AKONG KAIBIGANG DUWAG! Tsaka wala akong paki alam kung  importante ito sakanya o hindi. Akin na'to simula ngayon. Ganti lang to sa ginawa nilang pag papahiya saakin." sabi ko.
"Paano pag nakita niya yan na suot mo?? Paano pag nalaman niya na ikaw ang nakapulot ng wallet niya at  nasayo pala yung kwintas niya? Ano gagawin mo?" tanong ni Chantal.
"I dont know. But mag iisip ako ng plano. But for now wag kana mag tanong ng magtanong okay? Nakaka irita kasi yung face mo eh."
"Pero Angel..."
"Wala ng pero pero Chantal. Maliwanag?" Pagtataray ko.
"Okay Angel! If you say so. Pero anong gagawin mo sa wallet ni Athena?" Sabi ni Chantal.
"Simple lang. Ano bang ginagawa sa mga basura?" Tanong ko.
"Tinatapon?" -Chantal.
"Exactly! Ang basura, dapat itinatapon sa basurahan. Katulad ng may ari ng wallet na'to. HAHAHA!" sabi ko sabay tawa.

Pumunta ako sa basurahan at itinapon ang wallet ni Athena. Tignan lang natin kung mahanap niya pa'to.

ATHENA'S POV

Nag lakad ako papunta sa music room para hanapin yung nawawala kong wallet. Habang  papunta doon, nakasalubong ko si Calyx sa hallway.

"Oh bakit parang aligaga ka dyan? Ano ba hinahanap mo?" tanong ni Calyx.
"Nawawala kasi wallet ko. Patulong naman mag hanap ohh. May importanteng  bagay kasi sa loob non ehh." Pag mamakaawa ko.
"Wag mo nang hanapin yun. Im sure may nakapulot na non. Malay natin nasa lost and found yun sa school. Lets check it there." sabi ni Calyx.
"Oo tama ka. Baka nandoon nga." Sagot ko.
"Lets go?" nakangiting sabi ni Calyx.

Biglang hinawakan ni Calyx ang kamay ko habang nag lalakad papunta sa Admin ng school para mag tanong kung may nakakuha ng wallet ko. Pero wala daw nakapulot ang sabi nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pwedeng mawala yun saakin. Nandoon yung kwintas na ibinigay ng kaibigan ko. Yun nalang ang tanging ala-ala ko sakanya.

Bumalik ulit kami sa music room para hanapin doon ang wallet ko.

"Are you sure ba na dito mo nahulog yung wallet mo?" tanong ni Calyx.
"Oo! siguradong sigurado." sagot ko.
"So it means, ikaw yung sumisilip sa bintana kanina?" Tanong ni Calyx.

SHEEEET!! Nakita niya nga ako. Paano to? ISIP ATHENA! ISIP!

"A....aaaah hindi ahh. Napadaan lang ako dito kanina. May kinuha kasi ako sa locker ko. Tama! Yun nga Calyx." palusot ko.
"Pero malayo dito ang locker ng girls. So bakit dito ka dumaan?" tanong ulit ni Calyx.
"A...aaa..ahh... Bakit bawal ba dumaan dito? Hindi ba pwede na gusto ko lang mag explore sa university na to? Idol ko kasi si DORA eh."

Tinignan ako ni Calyx na parang ewan. Tapos ang sumunod nalang, bigla siyang tumawa ng malakas ng dahil sa sinabi ko. MEMA KA DIN ATHENA NOH? MEMASABI LANG! HAHAHA!

"Thats funny. HAHAHA! I like it." sabi ni Calyx.
"But I LIKE YOU MORE!" bulong ko.
"Are saying something Athena?" tanong ni Calyx.

OHHHH MMMYYYY GGHHHHAAAAD! Napalakas ata ang pagkasabi ko sa utak ko.

"Ahhhh sabi ko, I LIKE YOU...R HAIR!"

SIGE ATHENA! PALUSOT PA MORE. HAHAHAHA!

"You like my hair? Eh ang gulo gulo nga eh."
"Oo naman. Kaysa naman sa buhok ko. Para akong si LION KING!"
"LION KING? HAHAHAHAHAHA!"

Tumawa ulit si Calyx ng malakas. Hala siya? NABALIW NA? HAHAHA! But still ang cute niya parin. Dapat ba akong matuwa o mainis? Kasi di ko alam kung COMPLIMENT ba yun or INSULT? Pero okay lang basta galing sayo Calyx tatanggapin ko. MEHEL KETE EH! CHARING! HAHA!

Naupo muna kami saglit para magpahinga, nang biglang nagtanong si Calyx tungkol sa wallet ko.

"Bakit parang sobrang importante nung wallet na yun sayo? If money ang problema mo, I can  give you money if you want to." Sabi ni Calyx.
"Hindi naman pera ang problema Calyx eh. Meron kasing isang napaka importanteng bagay ang nasa loob nun eh." malungkot na sabi ko.
"Then what is it? Tell me?"
"Isang kwintas na galing sa isang kaibigan. Siya kasi ang pinakauna kong naging kaibigan, kaya ganon nalang ang pag papahalaga ko sa kwintas na yon. Thats why hindi yun pwedeng mawala saakin."

*FLASHBACK*

Way back 13 years ago. 7 years old lang ako non. May nakilala akong batang lalake sa Hospital.

Umakyat kasi ako sa puno ng mangga non para mamitas ng mga bunga. Hindi ako nag ingat, kaya ayun nahulog ako. Nabalian ako ng buto non sa braso. Itinakbo nila ako sa hospital para ipagamot ang braso ko. Umiyak ako ng umiyak non dahil sabi ng papa ko,

"Ano sabi ko sayo anak? Diba sabi ni tatay, magiingat ka palagi? At wag matigas ang ulo? Lagot ka. Hindi kana makakapag drawing niyan. At hindi mo na matutupad ang pangarap mo na maging isang sikat na artist balang araw. Gusto mo yun?" -Papa.
"Ayoko po Papa." umiiyak na sagot ko.

Maya maya pa dumating ang docktor para kausapin si papa. Umiyak lang ako ng umiyak ng biglang may lumapit saakin na batang lalake, inabutan niya ako ng panyo para pamunas sa luha ko.

"Bata, bata bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?" tanong nung bata.
"Hindi ako okay eh. Sabi kasi ng papa ko. Hindi na daw ako makakapag drawing tapos di na daw matutupad ang pangarap ko na maging sikat na artist balang araw."
"Wag kana umiyak. Sige ka papanget ka niyan." sabi nung batang lalake.
"Eh panget naman talaga ako eh. Alam ko yun. Wala nga akong kaibigan dahil sa itchura ko."
"Sabi ng mama ko. Walang panget na ginawa ang Diyos. Maganda ka, kaya tandaan mo yan. Gagaling din yan bali mo sa braso. Alam mo ba na balian din ako noon sa sobrang kulit ko. Pero gumaling din yun. Tignan mo oh diba magaling na ang braso ko diba? Kaya gagaling din yang sayo. Kaya wag kana umiyak okay?" sabi nung bata sabay punas ng  luha at sipon ko.

Nakakahiya man isipin pero siya ang kaunaunahang lalake na nagsabi saakin na maganda ako bukod sa papa ko. Tumayo yung bata tapos tinanggal yung kwintas na suot niya.

"Sayo nalang tong kwintas ko. Alam mo ba na bigay to saakin ng mama ko. Sabi ng mama ko, sa tuwing malulungkot daw ako, hawakan ko lang daw yung kwintas na ito tapos magwish lang daw ako tapos  matutupad daw yun. Marami nang wish ang natupad dahil dito. Sayo nalang to para makapagwish ka din at maging happy kana. Smile kana okay? Simula ngayon magkaibigan na tayo ah." sabi nung bata sabay suot ng kwintas saakin.

Maya maya pa, dumating na yung mga bodyguards ng papa niya tapos tinawag na siya. Sayang! Hindi ko man lang natanong kung ano ang pangalan niya. At simula non, hindi ko na sya  nakita ulit.

*END OF FLASHBACK*

"Yung kwintas na yun nalang ang nagpapa alala saakin sakanya. Kaya ganon ka-importante yung kwintas na yun saakin." sabi ko.
"Kaya pala ganon ka kapursige na makita at makuha yun. Hayaan mo tutulungan kita mahanap yun. Pero umaasa ka rin ba na makita mo ulit siya?" Tanong ni Calyx.
"Oo naman. Para makapag thank you na rin ako. Hindi kasi ako nakapag thank you sakanya non eh. Sa tingin mo Calyx, makikita ko pa kaya siya ulit? Kung sakali man na magkita kami ulit, makilala pa kaya nya ako?" tanong ko.
"Ano ka ba Athena. Dont lose hope. May plano ang Diyos para sayo. The world is so small. Universe na mismo ang gagawa ng paraan para magkita ulit kayo. Magtiwala ka makikita mo ulit siya at for sure makikilala ka niya pag nagkita kayo. Malay mo nasa paligid lang pala siya. Diba?" Nakangiting sabi ni Calyx.

Tama si Calyx. Hindi ako dapat mawalan ng pag asa. Makikita ko ang wallet ko at makikita ko sya ulit. Fight lang Athena.! FIGHT LANG!

*AUTHOR'S NOTE: HINDI NAPANSIN NI CALYX AT NI ATHENA NA NAKIKINIG SI ANGEL SA USAPAN NILA.*

ANGEL'S POV

"So ganon pala ka-importante itong kwintas na'to kay Athena. Well I'm sorry but akin na'to ngayon at hindi ko na isasaoli sayo to. Nasaakin ang ang alas Athena. Sorry ka ngayon."

Tumunog na ang bell at pumunta nalang ako sa next class ko.

ATHENA'S POV

Pagkatapos ng apat na subjects,  tumunog na ang bell. Lumabas ako para kumain ng meryenda. Pero ayoko naman pumunta sa canteen. Baka pagtawanan at pag tripan lang ako ng mga tao na nandoon lalo na yung mga fanboys at fangirl ni Kendrix. Akala mo naman kung sinong mga pogi at magaganda. Total mamaya pa naman ang next class ko at nawalan na din ako ng gana kumain. Humanap nalang ako ng isang tahimik na lugar kung saan pwede akong mapag isa at para na din  malayo sa kamalasan ni Kendrix. Pero kahit saan ako pumunta ang daming tao. Wala ba ditong tahimik na lugar? Gusto ko mapag isa please lang oh? Nag lakad ako papunta sa likod ng isang  building malapit sa may music room. May nakita akong isang malaking puno na may tree house sa taas, mga upuan sa baba at napapalibutan ng mga magagandang bulaklak sa paligid  nito. Tahimik dito at walang ibang tao. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ng mga tao dito na magsiksikan sa isang lugar? Sardinas ba sila? CHAROT! HAHAHA!

Hindi ko lubos maisip na meron palang ganitong lugar dito. Abandonado na ata tong lugar nato. Pero bakit nila iaabanduna ang ganito kagandang lugar? Nandito na ata ang lahat ehh. Tahimik, malinis at maganda. Mas gugustuhin ko nalang na dito nalang ako kaysa makipag siksikan doon. Ayoko sa masikip! Ayoko ko sa mabaho! ARTE LANG. Hahaha!

Naupo ako sa isang sulok at nag simula gumawa ng portrait ni Calyx. Malapit na sana akong matapos nang biglang may nag salitang lalake galing sa taas ng Tree house. Pamilyar ang boses niya pero di ko alam kung sino siya.

"Yes dad? Bakit ka napatawag? Im busy right now! So pwede ba na wag mo akong istorbohin? Kailangan ko mapag-isa ngayon. I have to go dad. Bye!" sabi nung lalake.

Sino kaya siya? Bakit parang galit siya sa dad niya? Nakakacurious ahh. Teka masilip nga. OMO! Nakalimutan ko na may fear of heights pala ako. Kaya ko ba to? Huhuhu! T__T

*INHALE.. EXHALE.. INHALE.. EXHALE..*

Nag umpisa na ako umakyat sa tree house. Pinilit kong umakyat kahit na nangangatog mga tuhod ko sa takot. Na trauma na kasi ako sa nangyari nung bata pa ako yung pagkakahulog ko sa puno ng mangga. Nang nasa pangalawang apakan palang ako nang biglang naputol ang inaapakan ko tapos nahulog ako sa lupa.

*BLAGGG*

"ARAY KO!" sabi ko.

SHEEEEET! Ang sakit Brad! Buti nalang hindi masyadong mataas ang binagsakan ko. AKALA KO AKO LANG ANG MARUPOK DITO, PATI YUNG KAHOY DIN PALA! KALOKA!

"SINO YAN?" tanong nung lalake.

Binuksan nung lalake ang pinto ng tree house. Unfortunately,  si Kendrix pala ang nasa loob. Nag madaling bumaba si Kendrix at tinulungan akong makatayo.

"ATHENA? Okay ka lang ba?" tanong ni Kendrix.

Itinayo niya ako at inupo sa upuan sa baba ng tree house. LETCHE PLAN NAMAN OH! SINASABI KO NA NGA BA. NASA MALAPIT LANG PALA TONG ABNORMAL NA'TO EH! KAYA MINAMALAS NANAMAN AKO EHHH. JUICECOLORED! BUKOD SA HARI SIYA NG IMPIYERNO, HARI DIN BA SIYA NG KAMALASAN?

"Gusto mo dalhin kita sa clinic? Ano masakit sayo? Tell me." Dugtong pa niya.
"Ahh wag na. Okay lang ako." Sagot ko.
"Sure ka? Mukhang hindi ka okay eh.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya at  tinignan ko lang siya with a poker face. Teka nga lang. Tama ba to? Nag aalala siya para saakin? MARUNONG BA SIYA NON? Akala ko puro kasamaan lang ang alam ng mokong na'to. May kabaitan pa naman pala natitira sa katawan ng abnormal na to. Ano kaya nakain niya? Dapat puro ganon lang ang kainin niya araw araw para di niya ako asarin ng asarin.

"Oo okay naman ako. Ang tanong ikaw okay ka lang ba?" tanong ko.
"Oo naman okay lang ako." sagot ni Kendrix.
"Sigurado ka? Eh kanina lang, parang galit na galit ka habang kausap mo daddy mo sa phone eh. Handa akong makinig sayo." Nakangiting sabi ko.

Tinignan niya ako na parang ewan tapos naupo siya sa tabi ko. Maya maya pa, nag umpisa na siya mag kwento.

"You met my dad and the girl from the engagement party right? Pilit niya parin akong ipakakasal sa babaeng yun kahit tumanggi na ako na ipakasal sakanya. At kahit sinabi ko na engage na tayo. I dont even know her name. At kung hindi daw ako susunod sa gusto niya, pababalikin niya daw ako sa lolo ko sa states. Ayoko ko dun. Ayoko maiwan kapatid ko dito. Sino mag aalaga sakanya kapag wala ako? Sino magbabantay sakanya kung wala ako? Tsaka hindi naman na ako bata para pasunurin sa lahat ng gusto nila. Akala mo naman kung sinong malinis at perpekto na tatay." sabi ni Kendrix.
"What do you mean Kendrix?" Tanong ko.
"Si dad kasi ang rason kung bakit iniwan kami ng mom ko. At an early age, para akong naging guardian ng sarili kong kapatid. Ako na ang nagpalaki at nag alaga sakanya hanggang sa ngayon. Palagi kasing busy si dad sa pag public service at sa mga business niya. Kulang nalang nga pati kami ng kapatid ko kalimutan niya na din. Kaya galit ako sakanya. Sobrang galit. Hindi ko mararanasan ang ganitong bagay kung hindi dahil sakanya. Minsan sinasadya ko na din na gumawa ng gulo mapansin lang ako ni dad pero palaging secretary nalang niya ang pinapadala niya para ayusin lahat ng gulong ginawa ko. Ewan ko ba. Minsan di ko narin naiintindihan ang sarili ko. Sorry ha?" sabi ni Kendrix habang umiiyak.

Ngayon ko lang nakita na umiyak ang mokong na to. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Kasi behind those maangas niyang mukha.
Meron din palang soft side ang abnormal na'to. Hindi ko din alam na may pinagdadaanan pala siya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bully siya. Gusto niya lang ng attention galing sa family niya. Bilib din ako sakanya dahil isa siyang mabait na kuya sa kapatid niya. Hindi ko akalain na may natitirang kabaitan pa pala sa abnormal na to.

"Okay lang yan. Ilabas mo lang yan. Naiintindihan kita. Ganon talaga ang mga magulang natin eh. Gusto lang nila na maging maganda ang future ng mga anak nila. Wala naman masama kung makikinig tayo pero nasa saatin parin ang desisyon kung ano yung gusto natin pagdating sa dulo. Ipaglaban mo lang ang sa tingin mo ay tama. Susuportahan kita." sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
"Salamat ha?" sabi ni Kendrix.
"Salamat saan? Tanong ko.
"Salamat kasi naiintindihan mo ako. Salamat kasi kahit binubully kita, mas pinili mo parin na pakinggan at intindihin ako." sabi ni Kendrix.
"Sus. Okay lang. Lumaki ako sa pangbubully ng lahat saakin. Kaya sanay na ako. Wag kang mag alala, IMMUNE na ako sa mga ganyan na bagay. Teka matanong ko lang, madalas ka ba dito?" Tanong ko.
"Ahh.. Oo. Sariwa kasi yung hangin dito tsaka tahimik. Malayo sa mga fan girls ko. Kaya madalas ako dito." sabi ni Kendrix.

Tinitigan ko si Kendrix. Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makapaniwala na may ganitong side pala siya.

"Bakit ganyan ka makatingin saakin? may dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Kendrix.
"Ahhh wala. Hindi lang talaga kasi ako makapaniwala na may natitira pa palang kabaitan dyan sa katawan mo. Akala ko kasi puro kalokohan lang ang alam mo sa buhay. Ngayon mas naintindihan na kita. Sana ganito ka nalang araw araw para walang gulo." sabi ko.
"Sorry kung nasira ko salamin mo at yung bike mo, pangako papalitan ko nalang ng bago. Sana mapatawad mo ako at hayaan mo na makabawi ako sa mga na gawa ko sayo." sabi ni Kendrix.
"Okay na yun. Hindi kapa nag sosorry, napatawad na kita Kendrix." nakangiting sagot ko.
"Pwede ba na magpakilala ulit ako sayo. Yung formal. Okay lang ba?"
"Oo naman. Sige!" sagot ko.

"Hi. Ako nga pala si Kendrix Lee. And you are?" sabi ni Kendrix sabay abot ng kamay."
"Athena, Athena Salvador. Nice to meet you."

*SHAKE HANDS*

Nagtitigan lang kami for 5 minutes. KALOKA! May naramdaman akong SPARK. Yung parang kinukoryente ka. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non pero masaya ako kasi mag kaibigan na kami ngayon. Sana naman di na niya ako i-bully simula ngayon. Pero mukhang malabong mangyari yon. Once a bully, ALWAYS A BULLY! CHAROT! HAHAHA!

Makalipas ang isang oras umalis na ako para pumunta sa next class ko. Habang nag lalakad ako papunta doon, nang makasalubong ko si Angel sa hallway.

"Hi Athena. Good Afternoon!" nakangiting bati ni Angel.

Tama ba yung narinig ko? Binati ako ng babaeng to? OMG! NAGDA-DRUGS BA SIYA? Bakit niya kaya ako binati? Ano kaya nakain niya?? JUICECOLORED! Kinakabahan ako ah. Baka may masamang plano nanaman tong babaeng 'to. KALOKA!

"Hello Angel. Good Afternoon din." sagot ko with a fake smile.

Tinignan niya lang ako habang naka ngiti na parang ewan.

SIGURO MADE IN CHINA TONG BABAE NA'TO. GAWA KASI SIYA SA PLASTIC EHH. NAKO DAPAT SA MGA PLASTIC NA KAGAYA NG BABAENG TO, SINUSUNOG AT HINDI NA NIRE-RECYCLE TSAKA HINDI DIN PALA TO PWEDE MABASA NG ULAN, BAKA DUMAMI PA ANG KAGAYA NIYA AT MADAGDAGAN PA ANG POLLUTION SA KALIKASAN.

Makalipas ang dalawang oras, tumunog na ang bell. Dali dali akong lumabas ng room ng makita ko si Calyx.

"Athena eto ba yung hinahanap mong wallet?" Bungad ni Calyx.
"Oo eto nga. Saan mo nakuha to?"
"Sa basurahan malapit sa Canteen."

Agad kong binuksan ang wallet ko pero hindi ko nakita yung kwintas ko. Kung sino man ang kumuha sa kwintas ko. May araw din siya saakin. Hindi ako titigil hanggang hindi ko nakikita ang kwintas.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

22.6K 377 23
"Kahit kailan ay hinding hindi ako maiinlove sa isa sa mga Montenegro Brothers" yan lang naman ang laging tinatandaan ng ating bida.Ang ating bida na...
151K 3.6K 62
[Completed] FILWTBB Series #1 Si Gabby Samonte ay isang babaeng may kasabihang, "Hindi ako mahuhulog sa Bad Boy, ayokong magmahal ng Bad Boy. Baka s...
5.7K 58 81
Sa Pagmamahal,hindi naman porke't mahal mo na siya,makukuha mona!Sadyang minsan may mga taong nakatakda din para sa atin.Hindi mo naman pwedeng ipili...
19.4K 594 31
Paano kung dahil Sa isang asidenteng pagkakaintindihan ay mawala ang fist kiss mo? Paano kung dahil sa isang halik ay mahanap mo Ang childhood Bestfr...