MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 6: LIBRARY

344 22 0
By La_Diyosa

ATHENA'S POV

Binuksan ni Calyx ang pinto ng Ferrari car niya para saakin. SHEEEEEET. Lakas maka prinsesa ang feels. Hahahhaa nako umaandar nanaman ang imagination ko. Hay wag kang illusyunada Athena. Di ka prinsesa, MONSTER KA. MONSTER! Pero minsan lang to ehhh. Hayaan niyo na ako guys. HAHAHA! Sana ganito nalang araw araw.

"Isuot mo na yung seatbelt mo para safe ka."
"Ahh oo. Sige." Sabi ko sabay suot ng seatbelt.

SA GITNA NG KATAHIMIKAN, NANG BIGLANG NAG TANONG SI CALYX.

"Okay ka lang ba Athena?" tanong niya saakin.
"Oo naman, okay lang ako. Sanay na sanay na ako sa pang bubully noh. Siguro nga kung virus lahat ng bully siguro ako nalang natitira sa mundo. Immune na ako eh."

Biglang tumawa si Calyx sa sinabi ko. Loko to ahh. Pag tawanan ba naman ako. Kaloka! Pasalamat ka mahal kita, kung hindi kanina pa sana kita nabatukan. CHAROT! Hahahaha!

"You know what, you're funny pala noh. Akala ko ikaw yung serious type of person but i was wrong. But I find it cute to know that there's a funny side about you. Hahaha." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Tinignan niya ulit ako ng malagkit. SHEEEEET! Naninigas na ang buong katawan ko. Teka nasaan na ba yung panty ko? Nahulog na ata. CHARING! Hahaha. AMPOGE TALAGA EHH!

"Aaaa..aahhh? Talaga?"
"Nauutal ka ata. Okay ka lang?" tanong niya.
"Aahhh... oo naman."
"Pero seriously speaking, hindi mo deserve masaktan ng isang lalake. Lalo na yung kendrix na yun. Wag kang mag alala ha? Im always here for you." nakangiting sabi ni Calyx.

Grabe ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko? Feeling KIM CHIU lang bes. Hahahahhaa

Makalipas ang 30 minutes, nakarating na kami ni Calyx sa
girls dorm. Grabe ang saya ng araw na to. Bigla akong tinignan ni Calyx. JUICE COLORED. Hahalikan niya ba ako? Gaya ba ito ng napapanood ko sa mga kdrama na hahalikan ka ng lalakeng gusto mo sa loob ng kotse? SHHEEEET. This is it! This is really is it. Hahahaha!

Nang biglang lumapit pa siya saakin. SHEEEEET. Eto na to. Ipinikit ko na ang mata at nag handa sa first kiss namin ni Calyx. Kaloka! Ang bango bango niya. Dumikit kasi ang katawan niya saakin NANG BIGLANG...

"Anyare sayo Athena? Bakit naka pikit ka? Are you okay?" tanong ni Calyx habang naka tingin saakin.
"Ahhhh wala. Sorry. Na.... Na..... Napuwing lang ako. Grabe ang laki ng nakapuwing saakin eh. Pero wala na. Okay na." Sagot ko.
"Sure ka? Okay ka lang?"
"Oo naman. Wag kang mag alala Calyx."

Akala ko naman hahalikan niya ako. Yun pala aalisin lang yung seatbelt ko. ASSUMING KA TALAGA ATHENA. Hay di mangyayari yun. Wag kang umasa.
Masasaktan ka lang. Tama na. Okay? Bumaba ng kotse si Calyx at binuksan ang pinto para saakin.

"Salamat sa pag hatid ahhh. Makakabawi din ako sayo."
"Nako wag mo na isipin yon. Im your friend now. So thats my responsibility. Okay?" sabi ni Calyx.

Biglang lumabas si Zoey at si Kaiden ng girls dorm para mag tapon ng basura.

"Ohh Athena nandito kana pala." Sabi ni Kaiden.
"Ahh Kaiden at Zoey si Calyx pala. Kaibigan ko."
"Hi Calyx. Ako nga pala si Kaiden and siya naman si Zoey. Roommate / best fried ni Athena. Nice to meet you."
"Nice to meet you too Kaiden and Zoey."

Ang bait bait talaga ni Calyx. Lord ang swerte swerte ko naman. Salamat po sa pag bigay ng FUTURE BOYFRIEND KO. CHARING! Haha.

"Kaibigan lang ba talaga?" tanong ni Zoey.

NAKO! Si Zoey talaga oh. Kaloka! Dapat pala ang sinabi ko.. 'Kaiden, Zoey si Calyx pala. FUTURE HUSBAND KO.' CHAROT! HAHAHA!

"Oo naman Zoey. Kaibigan lang." sagot ko.

Bigla akong tinignan ni Calyx.

"Bagay kasi kayo ehh." Biro ni Zoey at Kaiden.
"Bagay na bagay talaga." Bulong ko.
"May sinasabi ka Athena?" tanong ni Zoey.
"Ha?? Ako may sinasabi? Wala ah! Ang tahimik ko nga eh."

SA GITNA NG KATAHIMIKAN..

"Ahhhhmmm gusto mo pumasok sa loob?" tanong ko.
"No wag na. Tsaka bawal diyan ang boys eh. Next time nalang siguro. Its getting late na din kasi eh."
"Ahh okay. Hm ingat ka sa pag uwi mo ha? Salamat ulit sa pag hatid. Sige pasok na ako ha?"

Nag lakad na ako papasok ng biglang hinatak ni Calyx ang kamay ko sabay yakap saakin.

"Wag ka nang iiyak ulit ha?" sabi ni Calyx habang hinihimas ang buhok ko.
"O....o..Oo pangako." sagot ko.
"Sige pasok kana. Pangako mag iingat ako para sayo." Nakangiting sagot ni Calyx.

Biglang tumigil ang mundo ko. Ngayon lang nangyari saakin to. Ngayon ko lang naramdaman ito. Sobrang lakas ng tibok na puso ko na parang sasabog na sa saya. Ang sarap pala sa feeling ng bigyan ka ng importance ng isang tao lalo na pag galing sa taong gusto mo. Buong akala ko kasi si Dwayne na yung Prince Charming ko. Si Calyx pala. Sana di na matapos ang araw na to. Sana ganito nalang araw araw.

KENDRIX'S POV

Maaga ako umuwi at di na pumasok sa klase. Bumili ako ng beer at pumunta sa tambayan ng tropa para mapag isa at makalimot. Habang umiinom ako ng beer, bigla namang dumating si Dwayne.

"Ohh ba't andito ka bro? Wala ka ba pasok? O baka nag cutting class ka nanaman kanina?" Tanong ni Dwayne.

Di ko sinagot ang tanong ni Dwayne. Tinignan ko lang siya ng walang reaksyon sa mukha.

"Okay nice talk bro. Anyways, Balita ko nakalaban mo nanaman si Monster girl. Tama ba ako?"

Di ko ulit sinagot ang tanong ni Dwayne.

"May problema ka ba? You can share everything to me. I can lend my ears for you."
"Problema? Meron. Yung Monster na yun ang epal ng buhay ko. Di ko akalain na matatalo ako ng babaeng yun. Isa pa yang si Calyx na yan. Pinagtanggol niya si Monster at sinabihan ba naman ako na wala akong kwentang tao? Nakakainis! Tandaan mo to. Wala nang kakausap kay Calyx from now on. Kung hindi ako makakalaban mo. Maliwanag ba?" galit na sigaw sagot ko.
"But he is part of 3 Aces bro. We are not 3 Aces without Calyx."
"Dati yun Dwayne!Ngayon hindi na! Tsaka wala akong kaibigang TRAYDOR!" sigaw ko.
"So tell me, ikaw ba ang sumira sa bike ni Monster girl?"
"Yes! Ako nga. She deserve it. Nag kamali siya ng kinalaban niya!" sagot ko.
"Bakit ka ba kasi nag kakaganyan? Di mo ba matanggap na natalo ka niya?"
"Ewan ko. Di ko alam. Di ko maexplain okay?" sagot ko.
"Teka nga lang. Yung totoo, di mo ba matanggap na natalo ka niya o nag seselos ka sakanila?"
"Ako? Mag seselos? Seriously Dwayne? Ehhh hindi ko nga gusto yung monster na yun tapos mag seselos pa ako? FUCK! May taste naman ako Dwayne. Wala akong pakialam sakanila. Mag sama sila hanggang gusto nila." sabi ko habang naka kunot ang noo.
"Bakit parang affected ka ata?"
"Why would I? Sino ba sila? I dont even care about them." sagot ko.
"Nasasabi mo lang yan kasi lasing ka. Yun lang yun okay?"
"Lasing man ako sa hindi, basta ang alam ko I hate them okay?"

*WALKOUT*

Habang nag lalakad papunta ng parking lot ng biglang tumawag si Kaycee.

["Hello? Kuya? Nasaan kana ba?"]

"Im on my way there. Just wait okay?"

["Okay bilisan mo ha? ingat ka dyan."]

Binaba ko na ang phone at nag lakad na papunta sa kotse ko. Makalipas ang 10 minutes, nakarating na ako sa kotse ko. Sumakay agad ako nang biglang nag tanong si Kaycee.

"Kuya, are you drunk?"
"Yes bakit? May problema?"
"Ikaw ata ang may problema eh. I know you kuya. Umiinom ka kapag may problema ka. Ano ba problema mo? Pwede mo sabihin saakin. Handa ako makinig kuya."
"There's a girl from school. She's different from other girls. Matapang siya. At siya lang ang naglakas loob na kalabanin ako. Wala pang sino man ang nakagawa non saakin. Tanging siya lang. Tapos yung oras na dapat gaganti na ako ng biglang sumabat yung dati kong kaibigan at pinagtanggol siya. Ewan ko ba kung anong meron sa babae na yun. Akala ko wala nang makakatalo saakin. Pero iba siya. Ibang iba sa mga babae na nakilala ko." sagot ko.
"Is she the girl na nakwento mo saakin?" Tanong ni Kaycee.
"Yes. Di ko alam kung bakit di siya maalis sa isip ko. Hay naguguluhan ako." sabi ko.
"Hindi kaya gusto mo siya kuya?"
"That monster? HELL NO! Hinding hindi ko siya magugustuhan kahit anong mangyari. OVER MY DEAD BODY!" sagot ko.
"Ehh bakit nag kakaganyan ka kung di mo siya gusto?"
"I dont know. I really dont know."
"You shouldn't treat a girl like that. Ang babae kuya nirerespeto at minamahal. Hindi sinasaktan. Kung gusto mo na i-respeto ng babae dapat marunong ka din rumespeto ng tao. Be matured and man enough kuya. Okay?" Seryong sabi ni Kaycee.

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Kaycee. Tama naman siya eh. Para irespeto ako ng babae, dapat respetuhin ko din sila. Pero hindi ibig sabihin non friends na kami at hindi rin ibig sabihin non na gusto ko siya. Pero paano yun? Hindi ako sanay na magsorry eh.

"I dont know what to do. Ano ba?"
"Thats simple kuya. Learn how to say sorry yung bukal sa loob mo."

Hindi ako sumagot sa sinabi ni Kaycee. Siguro nga sobra na din ang ginawa ko kay Athena. Nasaktan ko siya. Hindi niya deserve ang saktan at pahirapan ko. She deserve to be treated like a princess. She's a girl. So dapat lang respetuhin ko sya gaya ng pag respeto ko kay Kaycee. Di ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko para sakanya basta ang alam ko kailangan ko bumawi.

****
Maaga akong nagising at umalis ng bahay. Pumunta ako sa bahay ni Dwayne para humingi ng tulong sakanya.

"Himala? Nauna ka pa kay Kaycee magising ahhh. Anyare sayo?" tanong ni Dwayne.
"Wala, maaga lang class ko."
"MAAGA? May klase ba na nag ii-start ng 4:30 NG MADALING ARAW? Tsaka nakakakimutan mo ba na magkaklase tayo?"
"Aaahhhhh.. Basta kailangan ko pumasok ng maaga."
"Okay! If you say so. Di na kita kukulitin." sagot ni Dwayne habang nakangiti saakin.

Umalis na kami ni Dwayne papunta sa School. Habang nasa daan kami, naisipan kong dumaan sa flower shop para bumili ng bulaklak.

"Ahhh Dwayne, pwede ba na dumaan muna tayo sa flower shop? Yung malapit sa school."
"Flower shop? Sino ba bibigyan mo ng bulaklak bro?" tanong ni Dwayne.
"Ha? Wala! Na......."
"Na?......"
"Na..... Napag -utusan lang ako ni Kaycee. Bibigyan niya daw yung friend niya ng bulaklak. Tama yun nga!"

Tinignan ako ni Dwayne na parang ewan. Pagkatapos namin bumili ng bulalak, nakarating na kami sa school.

(5:00 AM)

Tama lang ang pagdating ko sa school, sigurado ako wala pa si Athena. Mahihintay ko siya at makakapag sorry na din ako. Hihintayin ko siya kahit anong mangyari.

(9:00 AM)

Makalipas ang ilang oras, wala parin si
Athena. Pero maghihintay parin ako.

(12:00 PM)

Makalipas pa ang pitong oras, hindi parin dumating si Athena. Di na siguro ako makakapag sorry sakanya. Okay lang. Wala naman ako magagawa eh. Tumayo nalang ako at nag lakad na papunta sa tambayan ng tropa sa school. Lumingon ako at nakita ko si Athena at si Calyx na magkasama habang nag tatawanan.

BWISET! Anong sense na pag gising ko ng maaga at pag hihintay ko dito para makapagsorry lang sakanya ha? TAENA! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana hindi nalang ako nag effort noh. Tsaka sa dinami dami ng pwedeng kasama niya, si Calyx pa talaga? FUCK! Edi kayo na masaya! WALA NAMAN FOREVER EH! Makaalis na nga.

Ibinigay ko nalang ang bulalak na hawak ko sa babaeng nakasalubong ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako nag kakaganito. NAGSESELOS BA AKO? Pero hindi naman pwede na mangyari yon. Hinding hindi ako magkakagusto sa monster noh. Ano ka ba Kendrix! Gusto mo lang siya pagtripan pero hindi mo siya gusto okay?

Habang nag lalakad ako papunta sa convention hall ng school nang may lumapit saakin na isang babae na may makapal na make up at maikling suot na palda.

"Hi Kendrix. Im Trixie Buenaventura. Im a big fan of you and I really really like you. Actually I bake some cupcakes for you!" Sabi nung babae sabay abot ng cupcakes na hawak niya. Tinignan ko lang siya ng may blanko na expression sa mukha.

"Excuse me. Hindi ako nakikipag kaibigan sa mga panget at malalanding kagaya mo. So wag kana din mag assume na magiging magkaibigan tayo or magugustuhan kita kasi hindi yun mangyayare. Can you please dont block my way, UGLY CREATURE."

Kinuha ko ang cupcake na hawak niya at itinapon ko sa basurahan. Nag patuloy sa paglalakad papunta ng convention hall ng school para humanap ng organization na pwede kong salihan. Makalipas ang 5 minutes ng pag lalakad, nakarating na ako sa convention hall nang makita ko ulit si Calyx at si Athena na mag kasama pa rin.

"Eh ano naman kung magkasama sila? I DONT CARE! Magsama kayo hanggang gusto niyo." bulong ko.

Pumunta muna ako sa cafeteria ng school para bumili ng maiinom. Makalipas ang 10 minutes ng pag lilibot libot ng makita ko si Athena na mag isa. Naglakad ako papalapit sakanya. Di ko alam kung magsosorry pa ba ako o pagti-tripan ko nalang ulit siya. Ewan ko. Bahala na. Habang palapit ako sakanya ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Biglang nag takbuhan ang lahat para humanap ng masisilungan nang makita ko na lumapit si Calyx para payungan si Athena. Natulala ako dahil sa nakita ko. Ewan ko ba. Bakit ganito? Bakit nag kakaganito ako? Para naman akong ewan eh. Nababaliw na ba ako? Hindi ko nalang namalayan na basang basa na ako ng ulan. Wala na akong paki alam sa mga nakakita saakin pero ewan ko ba. Nakaramdam ako ng SAKIT AT PAGSESELOS SA DIBDIB KO. Pero hindi to pwede mangyari. Di ko naman gusto si Athena eh. Pero... Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Gusto ko na ba siya? Sinasabi ng utak ko HINDI tapos sabi naman ng puso ko OO. Hay! Naguguluhan na din ako. Lokong puso to eh!

Makalipas ang 30 minutes, tumila na din ang ulan. Nag hanap ako ng lugar kung saan pwede mag patuyo, yung wala masyadong tao para makapag isip at mapag isa. Medyo masama na din kasi ang pakiramdam ko eh kaso ayoko pa umuwi. For sure aasarin lang ako ni Kaycee. Hanggang sa napadaan ako sa library sakto walang tao sa loob. Pumasok ako sa loob at naupo sa likod ng mga book shelves. Naghubad ako ng T-shirt para patuyuin. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko pero nakalimutan ko pala mag charge. Taena! Naiwan ko din pala ang charger ng phone ko sa sobrang pag mamadali kanina. Yumuko muna ako sa table hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

ATHENA'S POV

Habang nag hihintay na tumila ang ulan sa harap ng principal's office, nag kwentuhan muna kami ni Calyx tungkol sa kung ano anong mga bagay. Hanggang makalipas ang 30 minutes, tumila na ang ulan. Biglang may tumawag sa phone ni Calyx. Lumayo muna siya para sagutin ang tawag. Sino kaya ang tumawag kay Calyx? Mama niya? Papa niya? O baka... Girlfriend niya? Ano ba yan! Nakakacurious naman. Habang nag hihintay na bumalik si Calyx, may narinig ako na nagkwe-kwentuhan ng mga babae sa likod namin.

"Ang landi landi naman ng babae na yan. Ang kapal ng mukha! Una sinabi niya na fiancé daw siya ni papa Kendrix tapos ngayon si papa Calyx naman ang nilalandi niya. Grabe. Siguro lahat ng 3 Aces papatusin niya. Kaloka! Ang kapal talaga."
"Siguro feeling niya magugustuhan siya ni papa Calyx. Ewwww! Di sila bagay noh!"
"Alam mo kung ganyan itchura ko, di ako lalapit sa kahit kaninong member ng 3 Aces noh. Baka magmukha lang siyang katulong ng 3 Aces. Hindi sila bagay. Ano to? HANDSOME AND THE BEAST? Hahaha"
"Balita ko nga eh uuwi daw ng pilipinas yung ex ni papa Calyx. Yung sikat na model. Si Shawntel Collins."
"Bagay na bagay sila noh. Unlike dyan sa panget na yan."

Bigla silang nag tawanan. Siguro nga tama sila, bakit ba pinipilit ko ang sarili ko kay Calyx? Hinding hindi niya naman ako magugustuhan kasi panget ako. Hay bakit ba kasi umaasa ako? Ang tanga mo Athena! Isa kang malaking TANGA. Tumakbo ako papalayo para maghanap ng isang tahimik na lugar kung saan ako lang mag isa. Napadaan ako sa library. Di ko alam kung bakit pero parang may humahatak saakin papasok sa loob ng library. Maya maya pa nang marinig ko na hinahanap ako ni Calyx. Dali dali ako pumasok sa loob ng library at isinara ang pinto. Ayoko kasi na makita niya ako na umiiyak. Gusto ko na muna mapag isa para makapag isip ng paraan para kalimutan ang nararamdaman ko para kay Calyx. Makalipas ang 45 minutes, hindi ko na naririnig ang boses ni Calyx sa labas. Kinuha ko na ang mga gamit ko para umalis na pero. Sa hindi inaasahang pagkakataon, HINDI KO MABUKASAN ANG PINTO.

"May tao ba dyan? TULONG!" sigaw ko.

Sumigaw ako ng sumigaw ng paulit ulit pero walang sumagot. Hanggang sa inabot na ako ng gabi dito tapos lowbat pa ang phone ko. Ang galing diba? Ang swerte mo Athena, ang swerte swerte mo talaga. Kaloka na trap ako sa loob ng libray mag isa. Isip Athena, ISIP! Pano na'to? Di ko na alam gagawin ko. Maya maya pa, bumuhos ulit ang malakas na ulan. Nagbasa nalang ako ng libro para pakalmahin ang sarili ko. Nang biglang may narinig akong ingay.

*BLAAAAG*

"May tao ba dyan?" sabi ko.

SERIOUSLY ATHENA? Ikaw lang mag isa dito tapos mag tatanong ka kung may ibang tao dito? BOBO KABA ATHENA? BOBO KA? Kaloka! Hindi kaya may multo dito? Hala nakakatakot! T__T Huhuhu.

Hanggang sa may marinig ulit akong ingay. Hinanap ko kung saan galing yung tunog. Hanggang sa makarating ako sa dulo sa may likod ng mga bookshelves, may nakita akong topless na lalaki. Nakayuko siya sa mesa. Hindi ko makita yung mukha niya. Sino naman kaya to?

"Excuse me?" sabi ko pero di parin na gising ang lalake. Tinapik ko ang balikat nung lalake, na gising siya at tinignan ako.

"KENDRIX? Ano ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Kaloka! Hindi siya sumagot sa mga tanong ko.
"Bakit nakahubad ka? May balak ka ba na i-RAPE ako? OMG! KUYA WAG PO. BATA PA PO AKO." sabi ko sabay hawak sa dibdib ko.

SERIOUSLY ATHENA? RA-RAPEN KA NI KENDRIX? Eh diring diri nga siya sayo eh. Wag kang ilusyunada Athena. Tumayo si Kendrix at naglakad papalapit saakin.

"Ikaw pala Kaiden. Masaya ako na makita kita." Sabi ni Kendrix saakin. Natumba siya sa harap ko at nadaganan ako. At ang sumunod nalang...

HINALIKAN NIYA ULIT AKO SA PANGALAWANG PAG KAKATAON.

Bigla kong naitulak si Kendrix sa gulat. Humandusay si abnormal sa sahig. JUICECOLORED! Sa pangalawang pagkakataon, hinalikan ulit ako ni Kendrix. KALOKA! Nirereserve ko nga yun para sa taong papakasalan ko tapos nanakawin lang niya? Hindi lang isa, kundi DALAWANG BESES NA! HUHUHUHU! Sa dinami dami ng mahahalikan ko yun pang pinaka kinakasuklaman ko pang tao sa buong mundo. ARRRRGGGGHHHH! Ang malas malas ko talaga. Huhuhu! T__T

Itutuloy....

Continue Reading

You'll Also Like

151K 3.6K 62
[Completed] FILWTBB Series #1 Si Gabby Samonte ay isang babaeng may kasabihang, "Hindi ako mahuhulog sa Bad Boy, ayokong magmahal ng Bad Boy. Baka s...
129K 3.2K 26
Magkakasundo ba ang dalawang tao na hindi gusto ang isa't isa lalo na na ikakasal sila? [DONE REVISION AND EDITING.]
271K 4.7K 81
An optimistic guy meets a pessimistic girl. She's the quiet type while he's the outgoing one. He holds no secret about himself, but she's someone w...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...