MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 5: SUPER HERO

395 19 4
By La_Diyosa

KENDRIX'S POV

Gago yung monster na yun, ang lakas ng loob niya na batuhin ako ng libro. Sakit tuloy ng ulo ko. Humanda talaga siya saakin. Akala niya ba papalampasin ko lang ang nangyari. Dun siya nag kakamali. Habang nasa parking lot ako ng school ng biglang tumawag si Candy.

"What?" Bungad ko.

["Anong what ha? Akala mo ba di ko malalaman ang ginawa mo? Are you out of your mind Kendrix? You're engaged with that girl?"]

"But it's just nothing Candy. So dont worry."

["Nothing? Don't worry? Sigurado ka? It may affect your career. Hindi yun basta basta nothing lang, were talking about your career."]

"I dont even care Candy. Pwede ba? Ang dami dami ko nang iniisip dadagdag kapa! Wala kang karapatan na sigawan at sermonan ako okay? You're not my mom."

Binaba ko na ang tawag kahit may sinasabi pa si Candy. Ang sakit kasi sa tenga ng mga sermon niya eh. She's just my manager not my mom.

Sumakay nalang ako sa kotse ko at umalis na. Pag karating ko sa bahay, agad agad akong pumunta sa room ko ng bigla kong nakasalubong si Kaycee, ang younger sister ko. 16 years old na siya ngayon.
Im 4 years older sakanya and 3 years old lang siya ng iwan kami ni mom noon. Saktan niyo nang lahat wag lang ang kapatid ko.

"AY GAGO!"

Napasigaw ako sa gulat. Hay buti nalang di ko nasuntok si Kaycee. Aatakihin ata ako sa gulat ng dahil sa batang to. Nako lagot nanaman ako. For sure aasarin nanaman ako neto.

"Kaycee ano ba! Bakit mo naman ako ginulat? Muntik pa kitang masuntok eh."
"Ay sorry naman kuya. Iinom kasi sana ako ng tubig eh. Teka nga lang. Ano ba yang tinatakpan mo sa likod ng ulo mo?"
"Ah eto? Wala!"
"Meron eh! Patinging nga!"

Tinanggal ni Kaycee ang kamay ko na nakalagay sa likod ng ulo ko.

"Bakit may bukol ka kuya? Napa away ka nanaman ba?" tanong ni Kaycee sabay hawak sa bukol ko.
"ARAY! Ano ba Kaycee masakit!"
"Sino ba kasi naka away mo? Tell me!"
"Isang babae sa school. Binato ako ng libro."
"Binato ka? Seriously? Hahaha! Siya lang pala makakatalo sayo eh. Buong akala ko INDESTRUCTIBLE ka but your not pala. Hahaha! Sino ba siya? I want to be friends with her. Hahahaha!" pang aasar ni Kaycee saakin.

Tinignan ko si Kaycee ng masama.

"Kaycee STOP! You're just annoying me."
"Okay sorry. Hahaha! Gusto mo gamutin ko yang bukol mo?" sabay hawak ulit sa bukol ko.
"Ano ba! Sabing wag mo nang hawakan eh. Masakit nga Kaycee."
"Nako para ka naman bata kuya. Konting bukol lang yan eh."
"Eh masakit nga. Ako nalang gagamot neto. Kaya ko na'to. Matulog kana kasi late na oh. Maaga pa tayo bukas." sabi ko.
"Okay kuya. Good night!"

Pumunta na ako sa kwarto ko at ginamot na ang bukol sa ulo ko nang biglang tumawag si Dwayne.

"WHAT!?"

["I just want to ask if kamusta na yung bukol mo cous? Okay ka lang ba? Hahaha."]

"Seriously? Do you think I'm fine after what she did? Syempre im not okay. Taena! Ang sakit ng ulo ko ng dahil sa babaeng yun."

["So its seems, that girl lang pala ang makakatalo sa indestructible na si Kendrix Dale Lee. Hahaha!"]

"Tumigil ka nga Dwayne. Sa tingin mo ba papalampasin ko lahat ng ginawa niya ha? Hell no!"

["So ano plano mo? Papahirapan mo?"]

"Well, thats a great idea. Hahaha. I'll make sure to make her life a living hell while nasa S.H University pa siya. Tignan ko nalang kung tatagal siya."

["Are you sure? Remember she's still a girl bro. So please wag naman sana umabot sa sasaktan mo siya. Pahirap pwede pero saktan hindi."]

"Basta ako na bahala dun! Sige na. I have to go. Bye!"

****
*RING.. RING... RING....*

Tunog ng phone ang gumising saakin. Dali dali kong kinuha ang phone ko. Pagtingin ko nakita ko na si dad pala ang tumatawag.

"Whats the problem? Bakit ka napatawag? Para sermonan ako?"

["No son. I just want to say na umalis na ako. Ikaw nalang bahala diyan sa kapatid mo. Just text me or call me if you need something."] sabi ni dad.

"Dad? Im not a child anymore. Please let me stand on my own feet. Hindi na ako bata na pwede mong pasunurin sa lahat ng gusto mo. Kaya ko na ang sarili ko even without you." sarcastic na sagot ko.

["What did you say Kendrix? Don't forget that im still your father! So kailangan mong sundin ang lahat ng sasabihin ko hangga't nasa pamamahay kita."] galit na sabi ni Dad.

"I said, I want freedom dad! I dont even need you.. So please, Wag mo na akong pakialaman na parang concern na concern ka saamin. Lumaki ako ng wala ka sa tabi ko. Ako na nga ang nag alaga at nag palaki sa kapatid ko diba? Wala nga kayong pakialam saamin eh, kasi mas inuuna mo pa ang trabaho at pambababae mo kaysa sa sarili mong pamilya. Kaya iniwan ka ni mom diba?"

["Kendrix! Wala ka na bang natitirang kahit konting respeto saakin? Im your dad. Whether you like it or not, gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko at sa oras ng malaman ko na gumawa ka ng gulo, ibabalik kita sa lolo mo sa US. Maliwanag ba Kendrix?"] pasigaw na sabi ni dad.

"I have to go dad." Sabay baba ko ng phone.

BADTRIP! Sira na agad ang araw ko. Akala mo naman kung sinong perpektong tao. Unfortunately siya ang dad ko. Well known as the *THE #1 CONGRESSMAN IN THE PHILIPPINES*. Para sa lahat ng nakakakilala sakanya, siya ang *THE BEST*, pero sa family namin? Hindi. Palagi siyang wala sa bahay, palagi siyang busy, palagi niya nakakalimutan na meron siyang pamilya. Thats why iniwan kami ni mom at sumama sa ibang lalake. Oo, galit ako sa kanila. Okay lang naman saakin na iwan nila ako eh, wag lang ang kapatid ko. Ako na halos ang nagpalaki at nag alaga sakanya. Bata pa lang siya ng iwan kami ng mom ko kaya halos sa mga katulong at katiwala na kami lumaki. Simula non di na namin nakita ulit si mom. Yes! Lumaki ako sa isang broken family. Akala ko dati perfect na ang lahat. Perfect mom, perfect dad and perfect family.. But I was wrong. Lahat na sira yun ng dahil sa dad ko. Oo alam ko walang taong perpekto pero dapat alam niya din ang responsibility niya bilang tatay. Sa tuwing my trouble ako , palaging secretary nalang niya ang pinapadala niya para ayusin ang gulo na ginawa ko. Wala talaga siyang pakialam saakin. Minsan nga siya na yung nagdedesisyon para saakin eh. Pilit niya akong pinapakasal sa babaeng hindi ko naman kilala. Ang lungkot ng life ko noh? Iniisip ng marami, perfect ang buhay ng artista kasi ang napapansin lang nila yung mga magagandang bagay pero hindi nila alam na tao rin kami. Pero okay lang sanay na ako. Thats why nag rerebelde ako mapansin lang but still its not working.

*TOK! TOK! TOK!*

"Sino yan?"
"Kuya its me, Kaycee. Bangon kana diyan. Malalate na tayo oh."

Kung meron man akong kahinaan, si Kaycee yun. Siya nalang kasi ang meron ako hindi ko alam gagawin ko kung pati siya mawala pa saakin. Para akong si Superman, ang Creeptonite ay si Kaycee. Kahit sabihin natin na matapang ako, still mahina parin ako pagdating sa kapatid ko.

"Oo na. Babangon na."

Makalipas ang 20 minutes, Bumaba na ako para mag agahan.

"Kuya, tell me. How was your first day?" tanong ni Kaycee.
"Okay naman as usual."
"May girl ba na nakakuha ng attention mo?"
"A girl? I dont think she's a girl. Hahaha"
"What? Do you mean are you a GAY kuya?"
"Seriously Kaycee? Mukha ba akong bakla?"
"Of course not. Ang gwapo mo kaya kuya para maging gay noh."
"I know that Kaycee. What i meant to say is, she's quite different from other girls."
"Huh? I can't understand kuya."
"She's not the typical girl na maganda at sexy na gusto ko. She's a nerd but matapang."
"So you like her?"
"Hell no! She's not even my type Kaycee. Hindi ako papatol sa monster noh. Hahahha!"
"You're such a bad boy talaga kuya. But still, wag kang mag salita ng tapos kuya. Baka kainin mo yang sinasabi mo in the end. Hmmmm."
"KAYCEE STOP! Hinding hindi mangyayari yan. I dont imagine myself na magkagusto sa isang monster noh! Iniisip ko palang nasusuka na ako. Never Kaycee. NEVER!"
"Okay. If you say so kuya." sabi ni Kaycee habang nakangiti.

Makalipas ang 15 minutes..

"Kaycee bumaba kana diyan! Malalate kana sa class mo." Sigaw ko.
"Yes kuya. Wait lang."
"Bilisan mo na okay?"
"Opo kuya!"

Sumakay na kami sa kotse ko at umalis na. Habang nasa daan papunta sa school..

"Kung minamalas ka nga naman oh. Traffic! Malalate na tayo eh."
"Kalma lang kuya. Tiwala lang di tayo malalate okay?"

Tinignan ko lang si Kaycee ng may blankong expression tapos tumingin nalang ulit sa labas ng kotse ng biglang may dumaan na bike.

"Teka si monster ba yun?" Bulong ko.
"Monster sino?"
"Ahh wala. Never mind Kaycee."
"Okay kuya." Sagot ni Kaycee.

Buti nalang mabilis kausap si Kaycee. Hahaha. Makalipas ang 10 minutes ay nakarating na kami sa school.

"Oh diba? As I told you kuya! Hindi tayo malalate." nakangiting sabi ni Kaycee.
"Okay fine. Sige na umalis kana baka malate kapa sa class mo."
"Okay kuya. See you later."

Paalis na sana ako ng parking lot nang makasalubong ko si Dwayne.

"Hey Dwayne. Wattsup?" tanong ko.
"Okay lang naman ako bro. Ang tanong, ikaw.. okay ka lang ba?"
"Ako? Palagi naman akong okay. I always feel good bro." pagyayabang ko.
"Ehh kamusta naman ang bukol mo? Hahhaha"
"Really Dwayne? Kailangan pa bang ulit ulitin yan bagay na yan?"

Biglang naging seryoso si Dwayne ng makita niya na masama ang tingin ko sakanya.

"So any plans now?"
"Well I have a plan na sigurado akong hinding hindi niya magugustuhan."

Naglakad na kami papunta sa room namin ng makita namin si Athena na nag kakadena ng bike niya sa parking lot.

"Hey monster!" Sabi ko.
"Monster? Hoy excuse me lang noh. For your information Athena ang pangalan ko hindi MONSTER. BOBO KA BA?"
"Ang sunget mo naman. Ang aga aga naka simangot ka. Sige ka, papanget ka niyan! Ay sorry panget ka na nga pala. HAHAHA!"

Nagtawan ang lahat ng nasa parking lot pero tinignan lang ako ni Dwayne na parang ewan.

"Nakakatawa yun ha? Nakakatawa yun? Unang una, alam ko na panget ako. Pangalawa, hindi mo na kailangan pamukha saakin yun at pangatlo, wala akong pake sayo! Malinaw? BOY SISIW?" pagtataray ni Athena.
"BOY SISIW? What do you mean?"
"Tignan mo yang buhok mo. Para kang sisiw na binibenta sa labas ng simbahan." sagot niya saakin.

"BOOOOOOM! TALO KA BRO! HAHAHAHA. GO ATHENA! ATHENA! ATHENA!" Cheer ni Dwayne kay Athena.

Tinignan ko ng masama si Dwayne.

"Kanino ka ba kampe? Saakin o diyan sa monster na yan?"

Natahimik si Dwayne nang biglang tumunog ang bell.

"Pasalamat ka at niligtas ka ng bell. Tandaan mo ito, HINDI PA TAYO TAPOS!" sabi ko.

Nag punta na kami sa kanya kanya naming klase. Nang makita ko ulit si Athena.

Sinusundan ba ako ng Monster na to? Aba'y nanandya ata tong babae na'to. Teka mapuntahan nga.

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko.
"Ako? susundan ka? At bakit ko naman gagawin yun ha? Nababaliw na ba ako?"
"Ang arte mo naman. Aminin mo na kasi na crush mo ako. Baka mapag bigyan pa kita."
"IKAW? CRUSH KO? SERYOSO KA? JUICE COLORED! May taste naman ako noh. Buti nalang kung kamukha mo si KIM TAEHYUNG ng BTS. Pero mas mukha ka pang INGROWN ni Taehyung eh. Kaya wag din assuming noh? Masasaktan ka lang." nakangiting banat ni Athena.
"Aba'y matapang ka talaga ahh." sabi ko habang naka tingin ng masama sakanya.
"Ano ba talagang problema mo?"
"Problema ko? Ikaw ang problema ko! Ikaw palang ang babaeng nakagawa saakin ng ganon. So deserve mo na pahirapan." Galit na sigaw ko.
"Pwede ba lubayan mo na ako? Ayoko na ng gulo Kendrix. Please?"
"Hindi! Titigil lang ako kapag nakabawi na ako sayo."

Kinuha ko yung salamin ni Athena at inapakan ko. Nang biglang dumating si Calyx.

"Tumigil kana Kendrix! Tama na! Sana matuto ka din rumespeto ng babae. Hindi niya deserve na saktan ng isang walang kwentang kagaya mo. Hali kana Athena."

Bilang hinatak ni Calyx si Athena.

"Pwede ba wag kang makialam dito? Mind your own business Calyx."
"Hindi ko hahayaan na may saktan ka pang babae kagaya ng ginawa mo kay Scarlet." sabi ni Calyx sabay alis kasama si Athena.

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Calyx. Si Scarlet kasi ang one great love ko. Hindi ko siya sinaktan, siya yung kusang lumayo at iniwan ako para sa mga pangarap niya. Taena! Thats why ayoko na pinaguusapan yung babae na yun eh. Ganon ba talaga ako kasama para isipin ng lahat na niloko si Scarlet?

ATHENA'S POV

Grabe! Naiyak ako sa takot. Akala ko sasaktan talaga ako ni Kendrix kanina. Pero salamat kasi niligtas ako ni Calyx. Buong akala ko masamang tao siya. Hindi naman pala. Grabe! Biglang bumilis ang takbo ng puso ko ng makita ko na hawak ni Calyx ang kamay ko. Ngayon palang kasi may gumawa neto saakin eh. SHHHEEEET! Ano ba tong nararamdaman ko? Ang gulo ahh! T__T

Nang makarating na kami sa school garden, tinanong ako ni Calyx.

"Okay ka lang ba?"
"Oo! okay lang ako. Wag ka mag alala." nakangiting sagot ko.

Tinignan niya ako tapos pinunasan ang luha sa mga mata ko. SHEEEEET! Wala na PATAY NA PARE! Hahaha tuluyan nang nalaglag ang PANTY KO. Este puso ko pala. Hahaha!

"Smile kana. Nawawala na yung ganda mo oh. Di bagay sayo ang umiiyak."
"Ako maganda? Hindi ako maganda. Ano kaba! Wag kana mag joke okay? Sige ka baka umasa ako." biro ko.
"Totoo naman. Maganda ka talaga. Inside and out." sabi niya.
"Pano mo naman na sabi?"
"Kitang kita ko kasi sa mga mata mo na maganda at mabait ka. Kaya tama na okay? Wag kana umiyak. Di bagay sayo eh. Dapat sa magandang kagaya mo palagi lang nakangiti." sabi niya sabay pisil sa pisnge ko.

OH MAY GHAD! Maganda daw ako? SHEEEETT! Sasabog na puso ko sa kilig. Si Calyx pa lang ang unang lalake na nag sabi na maganda ako. Kahit ganito ang itchura ko. Grabe! Mahal na nga kita Calyx! Anakan mo ako Calyx! Anakan mo ako! CHAROT! Hahaha.

"So gusto ko magpakilala personally. Hi ako pala si Calyx Vixon Lopez. You can call me Calyx. And you are?" nakangiting sabi nya sabay abot ng kamay.
"Athena. Athena Gabrielle Salvador. Nice to meet you." sagot ko sabay abot ng kamay.

*SHAKE HANDS*

"Friend na tayo ah!" Nakangiting sabi ni Calyx.
"Oo naman." Aarte pa ba ako? Kaloka!

SHHEEEET! ANG POGI NI CALYX. Brown eyes, pinkish lips, matangos na ilong, matangkad at magandang katawan. Grabe! Parang perfect na ata si Calyx. PERFECT FOR ME. CHAROT! Hahaha!

"If you dont mind. Okay lang ba kayo ni Kendrix?"
"Yah! Were good. Mag best friends kami dati."
"So anong nangyari?"
"Basta! Mahabang kwento Athena. Basta ngayon masaya ako na may kaibigan ako na kagaya mo." nakangiting sagot niya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Tinignan ko lang sya ng sobrang lagkit. SHEEET! Ang pogi niya talaga. Marunong naman pala ngumiti tong lalake na to. Ako na ata ang pinaka maswerteng babae sa mundo kasi may kaibigan ako na kagaya ni Calyx.

Habang nag lalakad kami pabalik ng room ng makasalubong namin si Zoey.

"Athena saan kayo galing?" Tanong ni Zoey.
"Wala nag pahangin lang." sagot ko.
"Sino siya Athena?" tanong ni Calyx.
"Ahhh si Zoey, kaibigan ko."
"Hi Zoey. Calyx nga pala. Nice to meet you."
"Nice to meet you Calyx. Sige, una na ako ha? Baka malate na kasi ako sa class ko. See you later." sagot ni Zoey.

Makalipas ang 10 minutes, hinatid na ako ni Calyx sa room ko. Buti nalang wala doon si Kendrix. No wonder kung nag ditch siya ng class. Mas mabuti na yung wala siya para walang gulo. Naupo na ako at nag start na ang class namin. Pagkatapos ng isang oras ay tumunog na ang bell. Finally its lunch time. Lumabas na ang lahat para pumunta sa food court ng school. Grabe natutulala parin ako sa tuwing naalala ko yung nangyari kanina. Hanggang ngayon talaga hindi parin ako makapaniwala na magkaibigan na kami ni Calyx. Sa gitna ng pag iilusyon ko NANG BIGLANG..

"ATHENA!"
"AY LOVE YOU CALYX!"

SHEEEEETTT! Nadulas ako. Ano ba kasi yan! Bakit ba kasi magugulatin ako. Ano ba yan? Pano ba'to?

"Ano? I love you Calyx ba ang narinig ko?" tanong ni Zoey.
"I love you Calyx? Hindi ahhh. Ang sabi ko 'AY KABAYONG CALYX.' yun ang sinabi ko. Tama yun nga!"
"Crush mo si Calyx noh? Aminin!" sabi ni Zoey.
"Oo na. Wag mong pag sasabi sa iba ha? Tayo lang nakaka alam."
"Oo naman sis. Your secret is safe saakin. Naka zipper na ang bibig ko. Sige na punta na ako sa food court. Sama ka?"
"Wag na. Di pa naman ako nagugutom eh. Sige mauna kana."
"Sure ka ha? Sige alis na ako. Bye sis."

Naiwan akong mag isa sa room, yumuko ako sa table ng biglang dumating si Calyx na may dalang pagkain.

"Athena binili kita ng food. Tara kain na tayo?" Sabi ni Calyx.
"Bakit binilhan mo ako ng pagkain? Nako nakakahiya naman okay lang ako Calyx. Wag kang mag alala."
"Pag hindi ka kumain sige di rin ako kakain. Gusto mo yun?"

Tinignan ako ni Calyx habang nagpapacute saakin. Kaloka! Bakit ba ang hirap tanggihan ng lalakeng to?

"Oo na sige na. Kakain na ako." sagot ko.
"Ayoko ko kasi na magutom yung kaibigan ko." Nakangiting sabi niya.

ENE BE CALYX! Tama na. Tunaw na tunaw na ako sa mga titig mo ehh. Konti nalang talaga sasabog na ang puso ko.

"Salamat sa pagkain ha? Ang sarap sobra." nakangiting sabi ko sakanya.

Hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ako.

"Bakit mo ba ako tinitignan ng ganyan? May dumi ba ang mukha ko?"
"Wala. Na realized ko lang na ang ganda mo pala lalo na pag nakangiti."

Ako? Maganda? Compliment ba yun or insulto? Pero kahit ano pa yun okay lang. Basta galing kay Calyx. Hindi ko nalang namalayan ang paglipas ng mga oras. Ewan ko ba basta ang alam ko masaya lang ako. Tama na yun. Maya maya pa tumunog na ang bell so it means uwian na. Another day nanaman ang natapos nag simula man sa magulo, nagtapos naman sa masaya. Palabas na sana ako ng room ng salubungin ako ni Calyx.

"Pauwi kana Athena?" tanong ni Calyx.
"Ahhh oo eh. Ikaw?"
"Gusto mo ba na dumaan muna tayo sa food court?"
"Anong gagawin natin don?" Tanong ko.
"Kakain ng fish balls. Tara?"
"Sige." sagot ko

Nag simula na kami maglakad papunta sa food court ng school. Di ko akalain na kumakain pala siya ng fish ball. Akala ko
pag mayaman ka di ka kumakain ng street food pero dun ako nagkamali. Di ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya natutulala ako. Siguro kasi ibang iba siya kay Kendrix. Ewan ko ba. Basta gusto ko na talaga siya. Hindi ko nalang namalay na nakatulala na pala ako. Hanggang sa napansin niya ako nakatingin sakanya.

"Oh bakit mo ako tinitignan? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Calyx.
"Ahh... Wala ahhh! Di lang ako makapaniwala na kumakain ka pala ng ganito." sabi ko.
"Oo naman noh. Paborito ko to eh. Sige kain ka lang."

Ikaw na talaga Calyx! Ikaw na. Ikaw na talaga ang nanalo sa puso ko. SHEEEEEET! Anakan mo na ako. Hahaha! KEME LANG.

Pag katapos namin kumain, naglakad na kami papunta sa parking lot nang makita ko na sira sira na ang bike ko.

"Hala anong nangyari sa bike ko? Sino ba gumawa nito?"
"What happend? Sino may gawa niyan sa bike mo?" Tanong ni Calyx.
"Kilala ko na kung sino ang gumawa neto." sabi ko.

LETCHE PLAN naman ohh. Sa dinami dami pa ng pwede pag tripan ng Kendrix na yun. Ang bike ko pa talaga? So pano na'to? Maglalakad ako papunta sa girls dorm? Eh sa laki ng campus na'to ang layo layo ng dorm namin dito eh. Hayyyyssst!

"Gusto mo ba na sumabay sa car ko? Hatid na kita." Sabi ni Calyx.
"Wag na Calyx. Okay lang ako. Maglalakad nalang ako. Kaya ko to."
"Pero malayo yung dorm niyo dito. It will take you 1 hour to get there kung mag lalakad ka. Tsaka its getting dark na oh. Baka abutin ka ng gabi sa daan. So I insist Athena. Di ko mapapatawad sarili kapag may nangyari sayo sa daan. Kaya please, wag na matigas ang ulo."

Natulala ako sa sinabi nya saakin. Bakit ang perfect mo Calyx? Bakit ang bait bait mo saakin? Ayoko ko na! Hulog na hulog na ako eh. MAHAL NA BA KITA? O AASA LANG AKO SA WALA?..

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

19.4K 594 31
Paano kung dahil Sa isang asidenteng pagkakaintindihan ay mawala ang fist kiss mo? Paano kung dahil sa isang halik ay mahanap mo Ang childhood Bestfr...
119K 3.2K 19
hindi makapaniwala na ang isang mababaw na paghanga ang magbabago sa buhay ni sabrina, hindi niya alam na sobrang nahuhulog napala siya sa taong may...
182K 3.5K 84
[COMPLETED] 20 long years had passed, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tahimik at masayang buhay ni Leila ay nagimbal at nagulo. Nawala an...
14.1K 102 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...