MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 3: FIRST DAY

535 25 14
By La_Diyosa

ATHENA'S POV

Habang palabas na kami ng hotel ng bigla kong nakita ang mga body guards ni Lolo. Tumakbo ako sa ibang hallway ng hotel at pumasok sa isang locker room na punong puno ng mga damit at makeup. Grabe! Nakakaloka! Hindi ba sila napapagod kakahabol saakin? Kasi ako pagod na pagod na. Para na akong ewan dito. Ang gulo gulo na ng buhok ko. Ngayon kailangan ko nanaman magisip ng paraan kung paano sila matatakasan. Hay ano ba yan! T__T

Habang nag iisip ng paraan, nilapag ko ang bag ko sa katabi ng salamin at naglibot libot muna ako sa buong room. Grabe! Ang dami daming makukulay na damit at mga sapatos. Kinuha ko ang white dress na may design na butterfly at ang white heels.

Naupo ako sa harap ng salamin at inayusan ang sarili ko. Habang sinasara ko ang zipper ng damit ko nang biglang may pumasok na lalake.

"Ah..ahhm sorry miss. Hindi ko alam na nagbibihis ka."

Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung lalake na nakakuha ng bag ko pala ang pumasok. The man of my dreams.
Sinipa ko ang bag ko sa ilalim ng lamesa. Nakakaloka kasi tong damit na to eh. Di ko masara yung zipper. Teka? Nakilala niya kaya ako? Pero base sa expression niya, mukhang hindi naman.

"Sorry miss lalabas nalang ako. Sorry talaga." sabi niya habang nakatakip ang mga mata niya.
"Ahh hindi okay lang. Pwede ba pa sara yung zipper ng damit ko? Di ko kasi masara eh."
"Okay sige. Promise hindi ako titingin." sabi niya.

Lumapit siya saakin habang nakapikit. Agad naman niya sinara yung zipper ng damit ko. Ang gentleman naman ng lalakeng to. Parang pakiramdam ko lalo ko siyang naging crush. CHAROT! Hehehe.

"Oh ayan okay na. Sorry ulit ah."
"Ano ba Prince Charming! Okay lang." Bulong ko.

Biglang nanlaki ang mata niya ng dahil sa sinabi ko.

"WHAT? Are you saying something?"

Patay! Napalakas ata yung pagkakasabi ko. KALOKA!

"Sinasabi? Wala ah!"

Ngumiti siya saakin tapos tinitigan ako.

"You look so familiar. Nag kita na ba tayo somewhere?"

Bigla akong napakamot sa ulo ko. NAKAKALOKA! Baka makilala niya ako. Kailangan kong umisip ng paraan.

"Ahh... Baka kamukha ko lang siguro." Palusot ko pa.
"Siguro nga. Gusto ko magpakilala formally, I'm Dwayne Matthew Mendoza. And you are?"
"Gabrielle Salvador. But you can call me Gab for short." sabi ko sabay abot ng kamay sakanya.
"Nice to meet you Gab." Nakangiting sagot niya.

*SHAKE HANDS*

SHEEEEET! Ang pogi niya. Parang nang aakit ang mga mata niya sa sobrang ganda. Tapos matangos na ilong, makapal na kilay, magandang katawan at malambot na labi na parang inaakit ka na halikan siya. Lahat siguro ng hinahanap ng mga babae para sa ideal guy nila nasakanya na. No wonder kung maraming nagkakagusto sakanya. At inaamin ko, isa na ako don. Hehehe.

Hindi ko nalang namalayan na nakatulala na pala ako habang nakangiti at hawak parin ang malambot na kamay ni Dwayne.

"Gab? Okay ka lang ba?" tanong ni Dwayne.
"Ahh sorry. Oo naman. Okay lang ako. Hehehe." sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Okay, I have to go Gab. Baka hinahanap na ako sa party eh. See you around." nakangiting sabi ni Dwayne.

Umalis na si Dwayne at ako nalang ang naiwan. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Ngayon ko lang to naramdaman sa isang lalake. Hindi kaya inlove na ako sakanya? Hay! Ano ba Athena! Nagiilusyon ka nanaman eh. Pwede ba, wag kang umasa masasaktan ka lang eh. Okay? Kinuha ko ang bag ko at dali daling lumabas. Pumunta ako sa malapit na cafeteria para bumili ng makakain. Finally! Mabibili ko narin lahat ng gusto ko. Gutom na gutom na kasi ako ehh.

Nag order ako ng isang buong cake, isang malaking plato ng pasta, isang buong pizza at masarap na ice cream. Kaloka! Walang paki alaman ng trip okay? Gutom ako! Makalipas ang 30 minutes, natapos na ako kumain. Sa sobrang gutom ko, naubos ko lahat ng pagkain sa mesa ko. JUICECOLORED! Parang sasabog na ang tiyan ko sa kabusugan.

Habang naka upo sa bench sa may park nang bigla kong naalala yung abnormal na si Kendrix. Ano naman kayang pumasok sa utak ng abormal na yun para sabihin na were engage? Nababaliw na ba siya? Kaloka! Ang bata bata ko pa para ikasal eh but in the contrary, I should be thankful parqin kasi kung hindi dahil sakanya siguro namatay na ako sa gutom. Pero hindi ko parin maimagine ang sarili ko na ikasal sa pervert na artista na yun noh! Iniisip ko palang kinikilabutan na ako. Yuck!

****
One day from now, mag sisimula na ang first day ng semester. Ito na yung last semester ko. Mas pinili ko kasi na dito nalang tapusin ang last semester ko. Gusto ko din kasi magtapos sa school kung saan nag tapos ang parents ko. Buti nalang nakapag enroll ako ng maaga online. Kahit ayaw ng lolo ko. Konting konti nalang mararating ko na ang pangarap ko to be an successful artist. ^__^

Dali dali ako pumunta sa admin para kunin ang I.D ko. Buti nalang konti lang yung nakapila kaya nakuha ko agad yung I.D ko. Finally! Official student na ako ng S.H University. Since nakuha ko na lahat ng kailangan ko, pumunta na ako sa dorm ko.

*TOK! TOK! TOK!*

"Pasok!"
"Hi! Ako nga pala si Athena Gabrielle Salvador but you can call me Athena for short. Transferee ako sa school na to. Ako pala yung bagong roomate mo."
"Nice to meet you Gab. Ako nga pala si Kaiden Mikaela Clemonte but you can call me Kai." Nakangiting sabi niya.
"Nice to meet you too Kai." nakangiting sagot ko.
"Eto pala yung kama mo kaso kailangan mo pa magprovide ng mga gamit kasi hindi na yun sagot ng school. Samahan nalang kita sa mall para makabili ka ng mga kailangan mo."

Ang ganda ganda naman niya at sobrang sexy. Tapos ang laki pa nung ano niya, parang nagmukhang flat yung akin ah. Kaloka!

Nang makarating na kami sa mall. Dali dali kong kinuha lahat ng mga kailangan ko.

"Ahm Athena? Bakit puro toothbrush, toothpaste at sabon yung laman ng cart mo?"
"Ito kasi yung basic needs ng student sabi ng google eh."
"Ahh okay kung ganon."

Makalipas ang isang oras, nakabalik na kami sa school. Habang naglalakad pabalik sa dorm namin ng biglang nagkagulo ang lahat.

"Ano ba ang nangyayari? Bakit nagkakagulo ang lahat? Anong meron? Tara tignan natin!"
"Athena wag na! Hayaan mo na sila."
"Ha? Bakit naman Kai?" pagtataka ko.

Humingan muna ng malalim si Kaiden bago nagsalita.

"Okay ganito. Sa school nato merong tatlong pangalan na importanteng tandaan mo. Maskilala sila sa tawag na 3 ACES. Everytime na marinig mo ang mga pangalan nila kailangan mong mag ingat. Una..

DWAYNE MATTHEW MENDOZA.

One of the top student. Gwapo, matalino, mayaman. Sikat siya sa buong school dahil sa pagiging friendly niya sa lahat. President ng school organization at team captain ng S.H basketball team. Pero kailangan mo mag ingat sakanya. Kilala din siya bilang WOMANIZER ng school na to. Pangalawa...

CALYX VIXON LOPEZ

Ang black sheep ng grupo. Mahilig uminom at manigarilyo. Gwapo, mayaman. Kilala siya bilang leader ng gang, bully at laging nasasangkot sa gulo. Thats why halos lahat takot sakanya. Remember, wag na wag mo siyang titignan sa mata ng mahigit pa sa limang segundo or else you're dead. Dati siyang bestfriend ni Kendrix kaso nag away sila dahil sa isang babae, si Scarlet Peterson. Ang dating reyna ng school na to.

And lastly, siya ang number 1 sa listahan. Sikat at maimpluwensiyang tao di lang dito sa school pati narin sa buong pilipinas. Meron siyang milyon milyong fans all over the Philippines, KENDRIX DALE LEE. Sikat na artista dito sa Pilipinas. Sa sobrang kasikatan niya, madami siyang commercial at madami na siyang na kuhang award. One of the top student, athlete at heartthrob ng buong school. Halos lahat ng babae dito nababaliw sa kagwapuhan niya. Pero mag iingat ka, lahat ng binibigyan niya ng red card pinapahirapan niya hanggang sa kusang nalang na umalis sa school na to. Kaya nga wala naglalakas loob na kalabanin siya."

Si Kendrix gwapo? Baka GAGO! Mukha siyang sisiw na binibenta sa labas ng simbahan dahil sa blonde niyang buhok noh. Tsaka hindi naman ako natatakot sa red card red card na yan. Kahit bigyan niya pa ako ng pink or rainbow colors na card, hindi ako natatakot sa Kendrix na yan.

"Magkakilala kayong dalawa ni Kendrix?"

Patay! Napalakas ata ang pakakasabi ko sa utak ko.

"Ano? Hindi ah! Hindi kami mag kakilala." Natatarantang sagot ko.
"Bakit parang natataranta ka? Okay ka lang?"
"Oo naman. Sige ah mauna na ako sa dorm." palusot ko.

Paalis na sana ako ng biglang may nag salita taas.

"Kendrix hindi mo manlang ba papakilala sa lahat ang fiancé mo?" Sabi nung lalake sa taas na may blankong expression.

For sure siya si Calyx, ang mortal na kalaban ni Kendrix. NAKAKALOKA! Bakit kailangan ko pang madamay sa away ng dalawang to? JUICECOLORED! Bigla akong tinignan ng masama ng mga fangirls ni Kendrix.

"What? Who's that girl? She's so ugly para kay
Kendrix."
"Fiancé siya ni papa Kendrix? I cant believe this. Hindi sila bagay!"
"OMO! Ang landi naman ng babae na yan. Sarap kalbuhin." Bulungan ng mga fangirls ni Kendrix.

Kitang kita ko sa mga mata ni Kendrix ang galit habang nakatingin siya kay Calyx. Ganon ba talaga kalala yung away nilang dalawa para umabot pa sa ganito?

Tinignan ako ni Kendrix ng masama.

"Siya? Fiancé ko? YUCK! Look at her! Do you think she's my type? Hinding hindi ako papatol sa manang na kagaya niya noh! OVER MY DEAD BODY!" sabi ni Kendrix.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng to noh? Akala mo naman kung sinong gwapo eh. Eh gago naman. Nako pigilan niyo ako nang gigigil ako eh. Sarap sapakin ng ABNORMAL na to eh. Tsaka bakit ba kailangan ko pang ma-experience ang mga bagay na to? Bakit ginusto ko ba ang nangyare ha? Kaloka! Gusto ko lang naman ng tahimik at masayang buhay eh. Kaso mukhang malabo na ng dahil sa Kendrix na to. Hay kung minamalas ka nga naman. Hay! T__T

****
Today is the first day of class. Excited na ako to meet new friends. Buti nalang nakapag enroll ako ng maaga online. Finally! Nandito na ako sa pinapangarap ko na university. Ang S.H University (Sebastian Howard University). Since nakapag aral na ako sa abroad ng 3 years sa college, pagpapatuloy ko nalang dito. So this is my last year sa fine arts. Sana naman maging okay tong school year na to para saakin.

Sinadya ko talaga na pumasok ng maaga para makapaglibot libot muna sa buong campus. Papasok palang ako sa campus ng makita ko ang mga guards ni lolo. Nagmadali akong pumunta sa restroom para isuot ang disguise ko. Ginulo ko ang buhok ko, nagsuot ng salamin at manang na damit. Tapos dumaan ako sa harap nila ng hindi nila ako napapansin. Ang galing ko diba? Hahaha!

Since mamaya pa naman ang class ko, nagdecide muna ako na pumunta ng library para magbasa. Pero teka? Saan ba yung library dito? Makapagtanong tanong nalang.

"Excuse me miss! Saan ba dito ang papuntang library?"

Tinignan ako ng masama nung babae habang nakataas yung kilay.

"Mukha ba akong mapa para pagtanugan mo ng directions? Sa kapal ng salamin mo hindi mo makita ang library? Gosh! Wait is that an eyeglases or a magnifaying glass? Hahahaha. For sure baguhan ka lang dito. And Im sure na hindi mo rin ako kilala. Ako nga pala si Angel Heaven Martinez. Ako lang naman pinaka maganda, pinakamatalino pinakatalented, leader ng cheering squad, sikat na model at higit sa lahat apo ng may ari ng school na ito or in other words, I am the Queen of this University. Kaya wala kang karapatan na magtanong saakin kasi hindi ka maganda. So please wag kang haharang harang sa daanan ko. Tsupe!"

Akala mo naman kung sinong perfect. Bakit perfect ka te? Perfect ka? Di ka naman kagandahan. Naku! Kung hindi lang siya apo ng may ari ng school na'to, for sure kanina ko pa siya pinatulan. Kala mo naman kung sinong maganda. Kabaliktaran ng pangalan niya ang ugali niya. Para siyang labanos na nag lalakad sa sobrang puti. Siguro kapamilya neto si Casper. Hay mahanap na nga lang ang library.

Umalis nalang ako at hinanap ang library. Kailangan ko kasi ng tahimik na lugar para makapagbasa ng paborito kong libro. Ang Romeo and Juliet by Shakespeare. Sobrang ganda kasi ng kwentong ito eh kahit medyo tragic yung ending, they still fight for their love until the end. Sana mahanap ko din yung Romeo ko someday. ^__^

Makalipas ang ilang minuto nahanap ko na yung library. Naupo ako sa isang sulok at nag umpisa na sa pagbabasa. Sa kalagitnaan ng seryoso kong pag babasa nang biglang may sumulpot na babae sa harap ko.

"ATHENA!"
"AY KABAYONG ATHENA!"

Nabitawan ko ang libro na hawak ko at napahawak sa dibdib ko. Kakaloka nagulat ako akala ko nawala na kaluluwa ko sa gulat.

"Sorry nagulat ba kita?"

Ako nagulat? Seryoso ka tinatanong mo ba talaga saakin yan te? Aba'y oo naman yes sis. Panira ka naman ng moment girl. Nasa gitna ako ng pag iilusyon ko ehh. Kaloka ka te. Pasalamat ka di kita nasuntok. Nakuuuu. Buong akala ko mamatay na ako sa gulat tapos tatanungin mo ako kung nagulat ba ako? Ano to? Insulto te? But in all fairness ang ganda niya ahh. Wow Chix! WITWEW! hahaha! Pero parang nakita ko na siya somewhere, di ko lang matandaan kung saan.

"Do I know you? Bakit alam mo kung anong pangalan ko?"

Kaloka sino kaya siya? Bakit kilala niya ako? Stalker ko ba siya? CHAROT! Sino ba ako para i-stalk di naman ako sikat ehh. Konti lang nga friends ko sa Facebook, kapamilya ko pa lahat. Imposible talaga na makilala niya ako.

"Ano kaba! Its me Zoey Andrea Ruiz. Yung classmate mo nung elementary."

T

inignan ko siya simula ulo hanggang paa. Teka nga. Tama ba yung narinig ko? Matanong nga.

"Zoey Andrea Ruiz? Yung batang maitim, mataba at sipunin? Ikaw na ba yan?"
"Oo ako nga. Im so happy to see you again." sabi niya sabay yakap saakin.

SHEEEEET! Chix! Nakakatomboy naman this girl. CHARING! Di ko akalain na gaganda siya ng ganito. Kakaloka naman this girl. Sino ba naman kasi ang mag aakala na yung dating maitim, mataba at sipunin na bata before DIYOSA na ngayon tapos ang laki pa ng ANO niya, GOSH! Bakit ba napapalibutan ako ng mga DAKS? Una si Kaiden, pangalawa si Zoey ako? Ewan! Hay lalong nagmukhang FLAT yung akin eh. Huhuhu! T__T

Maya maya pa ng biglang dumating si Kaiden.

"Ahm Zoey, she's my friend and roommate Kaiden. Kaiden si Zoey classmate ko nung elementary."
"Hi Kaiden! Nice to meet you." sabi ni Zoey.
"Nice to meet you too Zoey." sagot ni Kaiden.
"So from now on best friends na tayo ah!" sabi ko.
"Sure! Bestfriends!" sagot nila.

Grabe! Hindi ako makapaniwala na may mga kaibigan akong Diyosa. Kaloka! Nagmukha tuloy akong katulong dahil sa itchura ko. Huhuhu!

"Anyway, ano pala yung room number mo Athena? Room 19 kasi ako eh." tanong ni Kaiden.
"Room 15 ako sis. Ikaw?" Sagot ko.
"Ay sayang naman. Room 17 ako eh." Malungot na sabi ni Zoey.
"Ano ba Zoey! Wag ka ngang sumimangot diyan. Pwede naman tayo magkita kita every lunch at recess noh. Kaya dont be sad." sabi ko.
"Oo nga sis. Smile na!" sabi naman ni Zoey.
"Okay! Sige. Promise yan ah? Pinky swear?"
"Pinky swear." sagot namin.

Sa kalagitnaan ng pagku-kwentuhan namin. Nang biglang nag ring na yung bell. So it means First subject na. Naghiwahiwalay na kami ng landas since hindi naman kami magkaka-klase. Habang nag lalakad papunta sa room ko ng makita ko si Kendrix na naglalakad kasama si Dwayne.

"Teka. Tama ba ang nakikita ko? Si Abnormal ba yun at si Dwayne? Oo si Abnormal nga! Hinding hindi ko makakalimutan ang mukha ng mokong na to. Nangigigil ako sayo eh! Malapitan nga.

"HOOOOOOYYYY!" Sigaw ko sabay bato ng librong hawak ko sakanya. Ayun sapul sa ulo. Yeaaahhhh! Ang galing ko talaga. Hahaha! Tama lang yan sakanya. He deserve that.

Lumingon siya at tumingin sa likod. Nakakaloka! Parang mag bubuga na siya ng apoy sa sobrang galit.

"Sino ang malakas ang loob na bumato non ha?" galit na sigaw niya.

Lumapit ako sakanya at dinuro duro siya.

"Ako bakit? May problema?" Matapang na sagot ko.

Tinignan ako ni Kendrix ng masama.

"KILALA MO BA KUNG SINO ANG KINAKALABAN MO HA?" sigaw niya.
"Wala akong paki alam kung sino at ano kaman. Kahit anak kapa ng Presidente ng Pilipinas o kapatid mo pa si Lucifer wala akong pake! Hindi ako natatakot sayo noh!" Matapang kong sagot.
"Ahhh matapang ka ahhh?" sabi niya habang nanlilisik ang mata sa galit.

Lumapit siya saakin habang nanlilisik ang mata sa galit na parang mangangain ng buhay.

"Cous nagkaroon ka ata ng bukol." Tumatawang sabi ni Dwayne.

Nag tawanan ang lahat sa sinabi ni Dwayne. Huh! He deserve it. Hahaha bagay sayo yan.

"Oo nga! SHIT KA! Lagot ka saakin! Tandaan mo to hinding hindi ko mapapalampas ang ginawa mong ito. I'll make sure to make your life rot in hell. Wag na wag lang mag kukrus landas natin patay ka saakin." sabi ni Kendrix sabay walk out.

Akala niya naman matatakot ako sakanya. Diyos ba siya para katakutan ko? Pero tama ba ginawa ko? Pano nga kung pahirapan niya ako? Hayyy nakaka SHOKOT naman. Bahala na nga!

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 643 12
A Short Story Rank #23 - Non-Fiction As of Nov. 2, 2018 Rank #734 - Short Story As of Aug. 11, 2019 Si Joyce ay isang simpleng babae, maganda at medy...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
451K 11.3K 49
Mia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen w...
15.2K 940 61
Isang babaeng naniniwala sa fairytale dahil mala prinsesa siya kung ituring pero, habang tumatagal napapatunayan niya na hindi mala cinderella pala a...