MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

By La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... More

PROLOUGE
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 12: DISAPPOINTED
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 1: FIRST KISS

1.1K 45 11
By La_Diyosa

ATHENA'S POV

"Mahal kita Athena... Matagal na. Hindi ko kaya na mawala kapa sa buhay ko. Hindi ko na palalampasin ang pag kakataon na'to para sabihin sayo kung gaano kita ka mahal."

Tinignan niya ako ng may ngiti sa kanyang mga labi.. At dahan dahan naglapit ang mga mukha namin nang biglang...

*TOK! TOK! TOK!*

Katok sa pinto ng kwarto ko ang gumising saakin. Panaginip lang pala. Ano ba yan! Sayang naman oh. Mag kikiss na sana kami ni Taehyung eh. Kiss nalang pagkakait pa? Hay! Istorbo kasi ehh!

"Bakit? Sino yan?"
"Ahhh its me Sophia, your wedding ceremony will begin within an hour. So get up and prepare now."

Oo nga pala, ngayon pala yung wedding namin ni Kevin. Kung tatanungin mo ako kung mahal ko siya? Of course... HINDI NOH! its just an arranged marriage. Pinagkasundo kasi ako ng lolo ko sa anak ng business partner niya. Anyway... Hi! Hello! Mabuhay! Ako nga pala si Athena Gabrielle Salvador. My friends call me Gab. 20 years old. Aspiring artist. Only child. Nerd. Ulila. 10 years old lang ako ng mamatay parents ko sa isang car accident. Simula non nagdecide si lolo na sa States nalang ako pag aralin kahit labag sa gusto ko. For past 10 years, si lolo na ang nasusunod sa lahat ng bagay but now, everything is according to my plans.

****
"Today we will witness the wedding of the two big families in the Philippines, its our biggest honor."
"Tama, Athena and Kevin looks perfect together. Bagay na bagay silang dalawa."
"I know right. Kaya nga nag decision kami na ipakasal sila dahil they will be so perfect together and I want to be a grandfather again sa magiging anak nila. Speaking of my granddaughter Athena, she's my pride and my everything. At dahil sa maganda naming lahi, sigurado ako na magiging mabuting asawa siya para kay Kevin. And I can assure you that she is an elegant, gentle and decent girl. Sa katunayan nga never siya gumawa ng bagay para pasakitin ang ulo ko eh."

Hanggang dito sa loob ng bahay rinig na rinig ko ang pagmamayabang ni lolo sa mga kumpare at mga kumare niya. Hay si lolo talaga parang ewan.

Pagkatapos nila akong ayusan, naupo ako sa sofa habang naka tingin sa gabundok na regalo sa wedding namin ni Kevin. Puro mga sapatos, damit at mga mamahaling gamit sa bahay ang nandito. Ano kayang magandang gawin dito? Well I have a very good idea.

Tumayo ako sa ibabaw ng sofa at nag salita.

"Okay mga kaibigan. Lapit lapit lang! Pumili na kayo dito sa mga gamit na to. Murang mura lang. Bagsak presyo kaya pili na kayo guys."

Biglang nag silapitan ang mga katulong at lahat ng kasama namin sa bahay tapos pumili sila sa mga gamit na binibenta ko.

"Madam magkano dito sa heels na pula?"
"7000 nalang para sayo manang."
"Eh etong damit na to maam magkano?"
"5000 nalang para sayo ate."
"Wala na bang tawad maam?"

Tinignan ko si manang ng may blankong expression sa mukha.

"Ano ba ate, bagsak presyo na nga eh. Sige na! Kunin mo na yan."

Sa kalagitnaan ng pag bebenta ko, dumating naman si Sophia at kinausap ako.

"Hoy Athena anong ginagawa mo?"
"Bulag kaba cous? Edi nag bebenta ng gamit."
"I know na nag bebenta ka at hindi ako bulag noh. Eh bakit nag bebenta ka ng gamit? Eh regalo yan sa wedding niyo ni Kevin."
"Nagbebenta ako ng gamit para magawa ang mga plano ko and I really need your help cous."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Sophia ng dahil sa sinabi ko.

"Plano? What plans? What do you mean?"
"Basta wag ka nang magtanong ng magtanong. Ano game?" sabi ko habang nakangiti ng sobrang lapad.

Makalipas ang ilang minuto nag simula na ang wedding ceremony.

"You Mr. Kevin Clyde Mendoza, are you willing to accept Athena as your lawfully wedded wife?"
"Yes I do.."
"You Ms. Athena Gabrielle Salvador, are you willing to accept Kevin as your lawfully wedded husband?"
"Yes I do."
"Okay you may now kiss the bride."

Dahan dahan tinanggal ni Kevin ang belo. Nang biglang nag sigawan ang lahat sa gulat. OH YES! hindi ako ang pinakasalan ni Kevin kundi si Sophia, my cousin. Siya naman talaga kasi ang may gusto kay Kevin noh. Pero kitang kita mo sa mukha ni Kevin ang pagkadismaya. Kawawa naman!

"Sophia anong ginagawa mo diyan? Anong nangyayare dito?"

Lumingon si lolo at hinanap ako. Sakto naman, nakita niya ako sa harap ng gate na papalabas na.

"Athena anong ginagawa mo? Bumalik ka dito." Sigaw ni lolo.
"Sorry lolo, sana napatawad mo pa ako sa gagawin ko." sagot ko habang nagmamadali palabas ng gate.
"Ano pang hinihintay niyo? Habulin niyo si Athena at ibalik niyo dito." galit na sigaw ni lolo.

Hinabol ako ng mga body guards ng lolo ko, the men in black suit. Tumakbo lang ako ng tumakbo na parang wala nang bukas. Wala nang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang mga pangarap ko. And yes tatakas ako para matupad ko ang pangarap ko at pangarap ng parents ko para saakin na maging isang sikat na artist sa buong mundo. Kahit na madaming magagandang school dito sa abroad mas gugustuhin ko parin mag aral sa Pilipinas. The place where I really belong.

Nagpatuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa napadaan ako sa isang lalake na nakaupo sa motor niya na naka park sa isang gilid.

"Ahm excuse me sir. Can I borrow your motorbike for a while? Thank you."

Pero tinignan lang ako nung manong na may blankong reaction sa mukha.

"No. Sorry!"

Aba'y loko to ahh! Ayaw mo ah sige. Lumapit ako sakanya tapos ang sumunod nalang...

SINIPA KO SIYA!!

Ayun, BULAGTA! Arte arte kasi ayaw mag pahiram eh. Ang damot niya kaya bagay lang yun sakanya. Hehehe!

Sumakay na ako sa motor niya at pina andar ko 'to ng sobrang bilis. Meron nalang kasi akong 20 minutes bago yung flight ko pabalik ng Pilipinas eh. Excited na ako. Pilipinas, here I come!!

****
Makalipas ang ilang oras, nasa Pilipinas na ako. Pagkalapag ng eroplano, nagmadali akong lumabas ng airport at sumakay ng taxi papunta sa S.H University (SEBASTIAN HOWARD UNIVERSITY), ang school kung saan natapos ang mga parents ko.

Grabe ang daming pinagbago ng Pilipinas. Hay sobrang na miss ko dito lalo na yung mga pagkain. Hehe! Speaking of pagkain nagutom ako bigla.

"Kuya saan po ba dito may pinakamasarap na kwek kwek at fishballs?"
"Sakto maam. Nasa SH University ang pinaka masarap na kwek kwek sa buong Metro Manila." Sagot ni manong driver habang makangiti.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa SH University. Kaloka! Eskwelahan ba talaga to o subdivision? Ang lawak kasi eh. JUICE COLORED! Parang kailangan ko pa ang mapa ni Dora mahanap lang ang rooms dito. Nag punta muna ako sa restroom para magpalit ng damit at baguhin ang itchura ko. Kasi for sure, pupunta dito ang body guards ng lolo ko para hanapin ako. Nag suot ako ng pangmanang na damit. Makapal at weird na salamin. Ewan ko nalang kung makilala pa nila ako.

Habang naglalakad ako sa food court ng university para humanap ng makakain, nang biglang may bumangga saakin at nahulog ang bag namin pareho.

"HOY ANO BA! BULAG KA BA HA? HINDI KA BA MARUNONG TUMINGIN SA DINARAANAN MO HA?" sigaw ko.

Lumapit saakin yung lalake tapos tinulungan akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig.

"Ahm sorry miss. Hindi ko sinasadya. Nag mamadali kasi ako. Okay ka lang ba?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mukha niya. SHHHHHEEET! AMPOGI!! Akala ko sa mga k-drama lang merong gentleman. Meron pa palang natitirang isa. OMO! Parang nakakita ako ng isang anghel na nahulog sa lupa. Kaloka pakiramdam ko na nahulog panty ko este puso ko pala. Hehehe. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulala na pala ako.

"Yes I'm yours." sabi ko habang nakatulala sa mukha nung lalake.

Bigla akong tinignan nung lalake.

"WHAT?"
"I mean... Yes I'm fine." Sagot ko.

Dali dali kong kinuha ang bag ko at umalis agad. Parang hindi na kasi ako makahinga sa sobrang kilig eh. NAKAKALOKA! Sayang di ko manlang natanong kung ano ang pangalan niya. Ano ba yan! Huhuhu! T__T

Habang naglalakad, biglang tumunog ang tiyan ko ng dahil sa gutom. Wala pa kasi akong kain simula nung pag alis ko sa States. For sure naka freeze na yung credit cards ko ng dahil sa ginawa ko. Pero okay lang! Madiskarte ata to noh! Buti nalang naisipan kong ibenta yung nga regalo namin ni Kevin. At least may pera ako diba? Pero hanggang kailan? Hay bahala na si Batman. Makakain nalang nga. Gutom na gutom na talaga ako eh.

"Ate magkano po dito sa kwek kwek?"
"20 pesos isa."
"Ah sige po bigyan mo ako ng sampo. Thank you."

Bigla akong tinignan nung tindera mula ulo hanggang paa. Pero hindi ko nalang siya pinansin. Wala akong paki kung anong iisipin ni ate saakin basta gutom ako. PERIOD.

Agad ko naman kinuha ang wallet sa bag. Pero teka? Bakit puro T-shirts na panlalake ang laman neto? Nasaan yung mga gamit ko? JUICECOLORED! Hindi kaya nagkapalit kami ng bag nung lalake kanina? Hay ano ba yan! Ang malas ko naman. KAINIS!

Umalis nalang ako at naupo sa isang sulok malapit sa park ng school. Nang biglang may nag hulog ng barya sa harap ko. Aba'y loko to ah! Ano tingin niya sakin? PULUBI? KALOKA! Bahala siya diyan. Hindi ko yan kukunin. >__<

"Ano miss? Titignan mo lang ba yang barya sa harap mo?"
"Pero hindi naman po ako pulubi eh."

Tinignan ako ni manong pulubi na parang ewan.

"Eh kung hindi ka pulubi bakit nandito ka nakaupo sa pwesto ng mga pulubi?"
"Eh dito gusto ko eh! Bakit bawal ba manong?"
"Hindi naman sa ganon pero kung hindi ka talaga pulubi, ang tanong may pera ka ba?"
"Wala baket?"
"Oh wala naman pala ehh! So anong inaarte arte mo diyan? Sa dami ng nagugutom sa buong mundo hindi na uso ang pag iinarte. Sa tingin ko baguhan ka palang sa panlilimos eh. Gusto mo bang matuto at kumita ng malaki?"
"Oo naman manong! Sino bang hindi?"
"Sakto, may kakilala kasi akong expert na sa panlilimos. Sigurado ako na matutulungan ka non."

May point si kuyang pulubi, there's no reason para mag inarte pa ako diba? Ayoko naman mamatay ng tirik ang mata sa gutom noh!

"Okay, saan ko siya makikita?"
"Nandito sa harap mo." sabi ni manong sabay hawak sa dibdib niya.

"Ikaw? Ay nako kuya wag na nga tayong maglokohan. Wala akong oras sa mga ganyan eh."
"Seryoso nga. Alam mo ba na graduate ako ng Batchelor of Arts?"
"Wow talaga po? Grabe! Yun din po ang course kk eh. Pero kung talagang graduate ka ng Bachelor of Arts? Eh Ano naman major mo?"
"MAJOR IN PANLILINOS. At ako ang CUM LAUDE. Galing ko diba?"

Biglang napataas ang kilay kong dahil sa sinabi ni Manong.

"May ganong course ba?"
"Meron dati. Actually, simula pa sa ninuno ng ninuno ng ninuno ko nanlilimos na sila at napasa naman saakin. Ako na ata ang pang 336 na generation noh."

Bigla akong naubo ng dahil sa sinabi ni kuya pulubi. NAKAKALOKA! Simula pa sa ninuno ng ninuno niya ang panlilinos niya. Nakakaloka pa dun pang 336 generation na siya. JUICECOLORED! Ano to? FAMILY BUSINESS nila?

"Eh kung tunay na expert ka talaga, bakit wala ka pang nakukuhang pera hanggang ngayon?"
"Ahhh basta! Watch and learn."

Nag umpisa na si kuyang pulubi manglimos pero parang walang effect sa mga tao yung mga ginagawa niyang pagpapa cute. Makalipas ang 10 minuto, bumalik na siya na may dalang dalawang piso.

"Expert pala ah? Let me try!"

Naglagay ako ng dumi sa mukha ko at nag umpisa na manlimos. Makalipas palang ang ilang minuto, halos mapuno na ang lalagyan ko ng pera. Hanggang sa napadaan ako sa isang parte ng park na madaming tao. Bakit kaya nag kakagulo sila? May artista ba? Out of curiosity, lumapit ako.

"Ang gwapo mo papa Kendrix!"
"Akin ka nalang!"
"Kendrix anakan mo ako!"

Sigaw ng mga fan girls nung Kendrix. Ehh sino ba yun? Ganon ba talaga siya ka gwapo at ka hot para magkandarapa lahat ng babae sakanya? Pero teka! Hindi ko siya makita sa dami ng tao. KAINIS! Tsaka ano naman pake ko sakanya? Kahit anak pa siya ng presidente ng Pilipinas wala akong pake noh! As if naman na kasing gwapo niya si Taehyung. -__-

Papaalis na sana ako ng bigla kong makita ang mga body guards ng lolo ko. Anak ng tokwa! Anong gagawin ko? Bahala na nga! Babalik sana ako sa kumpulan ng mga tao kaso mukhang tapos na yung event. Kaya ayun napansin parin nila ako. Kung minamalas ka nga naman oh!

"AYUN SIYA! HABULIN NIYO!" sigaw ng head security ni lolo.

Tumakbo ako ng mabilis na mabilis para matakasan ang mga humahabol saakin.. ang mga body guards ng lolo ko. The men in black suit.

Wala na akong paki alam kung saan man ako makarating makalayo lang sa mga humahabol saakin. Hanggang napadaan ako sa isang maliit na eskinita nang may makita akong isang babae na walang suot pangtaas.

"Hay, nawala lang ako ng 10 years sa Pilipinas ganito na ang mga kabataan ngayon? Nag huhubad nalang sa kung saan saan? Grabe! NAKAKALOKA!"

Nang bigla niya akong tinignan ng masama. Kaloka napalakas ata yung pagkasabi ko. Humarap siya saakin at tinanggal ang wig na suot niya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, LALAKE PALA SIYA!

Lumingon ako at nakita ko na papalapit na ang mga body guards ni lolo. Lumapit ako doon sa topless na lalake at yumakap ako sakanya para maitago ang mukha ko.

"Hoy anong ginagawa mo!?" Tanong nung lalake na parang gulat na gulat.

"Sorry. Saglit lang to."

Nang makalampas na yung mga humahabol saakin, kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa lalake. Maya maya pa, may mga tumatakbo din na mga lalake na naka white suit na parang may hinahabol din. Nang bigla akong hinatak nung lalake at hinarap niya ako sakanya. Napa sandal ako sa pader habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!" sabi ko habang nagpupumiglas.

Tapos tinignan niya ako ng masama.

"SHUT UP OR I'LL KISS YOU!"

Nagpumiglas parin ako... Tapos ang sumunod nalang...

HINALIKAN NIYA AKO!!

Biglang nanlaki ang mata ko. First day palang ng pagbalik ko dito sa Pilipinas aaàtapos ninakaw pa nung ABNORMAL na lalake na'to yung FIRST KISS ko?? Hayssssst! >__<

Itutuloy...

A/N: PLEASE SUPPORT MY FIRST EVER STORY ON WATTPAD. I HOPE YOU ENJOY IT. DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT TO MY STORY. THANK YOU! ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

271K 4.7K 81
An optimistic guy meets a pessimistic girl. She's the quiet type while he's the outgoing one. He holds no secret about himself, but she's someone w...
163K 2.6K 36
Hindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda...
7.5K 643 12
A Short Story Rank #23 - Non-Fiction As of Nov. 2, 2018 Rank #734 - Short Story As of Aug. 11, 2019 Si Joyce ay isang simpleng babae, maganda at medy...
12.8K 98 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...