Boys do fall in love ✔️

By Cookieswiss

650K 12.2K 3.3K

Read to find out how do boys fall in love. More

Start - 1000 messages
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25: Sweetest surprise
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35 -- Finale

Chapter 22

8.9K 297 136
By Cookieswiss




Sharri's POV


Pagkatapos ng aksidenteng iyon sa canteen at ng insidenteng iyon sa loob ng clinic, isang linggong mukha akong tangang pilit na umiwas at iniwasan ang lalakeng simula ng makilala ko personally eh ginulo ang dati ko ng magulong buhay. Ang mahirap lang eh seatmates kami kaya no choice ako, araw araw ko siyang katabi. And what's worst is, dahil sa classmate ko siya, araw araw ko siyang nakikita at araw araw kong nakikita ang mga nakakairitang eksena gaya na lang kapag lumalapit si Anne sa kanya.



Ang pagmamahal at pagkakagusto sa isang tao ay hindi agad agad nawawala. Gaya ng nararamdaman ko. Pero sa ngayon, isa lang ang tumatakbo sa utak ko, ang pilitin ang sarili kong patayin ang damdaming meron ako para sa kanya. Ayoko rin naman kasing umasa. The last time we talked at the clinic, he was claiming that we're still on, he said that I need to stay away from anyone, I mean from boys, because we're on. Okay na sana eh, pero bakit ganoon? Bakit nariyan pa rin si Anne? Bakit hindi mawala-wala sa eksena si Anne? And because of that, I ended having the decision that I should stop my hypocrisy. Its not good anymore.



Bahagya akong napatingin sa lalakeng nakaupo sa tabi ko. Seryoso itong nakikinig sa class discussion. Alam kong alam nito na iniiwasan ko siya, dahil sa tuwing magkakasalubong kami eh halatang nag-iiba ako ng landas, at sa tuwing mapapag-isa kami sa isang lugar eh agad akong umaalis. Kumalat sa academy ang chismis na "kami" dahil sa nangyari sa canteen last week, pero hindi ko na pinatulan ang bali-balita. Si Cha-cha na ang sumagot sa mga chismis, para sa akin. Ni hindi ko nga alam kung ano ang sinabi nito sa mga estudyanteng nagtatanong dito tungkol sa amin ni Flores.



Ganito pala kahirap ang may iniiwasan. Lalo na kapag mahal mo lang naman ang iniiwasan mo.




"Guys, since we're actually talking about volleyball right now, let's go ahead and go to  our volleyball court and practice the basics," said our instructor. Hapon na ngayon at last subject na. PE 4 discussion. At ang teacher namin eh si Sir Harry. Bagong teacher dito sa academy.

"Sir, we're not on our PE uniform, how can we practice the basics?" biglang tanong ni Gail. That actually make sense. Hindi naman namin alam na magkakaroon ng outdoor activity today kaya karamihan sa amin eh nakasuot ng regular school uniform. We're wearing a knee-lenght skirt, long sleeves with black neck tie, while boys are on their  black jeans, white sleeves and black suit on top of it. We can't play volleyball with this.


"That actually make sense, Miss Sanchez," ngiting ngiting wika ni Sir Harry. One week pa lang namin itong guro, fresh graduate ito, at hindi namin feel ang aura nito, may pagka-mahangin ito. "But we're just going to practice basic servings and settings, and you can do it even if you're in your school uniform, so come on guys!" wika nito. inayos nito ang gamit nito na nasa rostrum at nauna ng lumabas ng classroom.  Sumunod naman kami,



Agad agad akong lumabas ng classroom dahil ayokong makasabay si Gian o si Anne sa paglabas. Aayain ko sana si Cha-cha nang makita kong lapitan ito ni Gian. Si Gail naman, since kasama ni cha-cha ay nadamay na rin. Kaya ang ending, mag - isa ako.


Nang makarating kami sa volleyball court dito sa gym ng academy eh walang estudyantedng naglalaro,so most probably, makakapag-conduct talaga kami ng activity.


"Okay class, let's group into two competing teams, so you'll be able to practice some basics," said Sir Harry and everyone agreed. One at a time, sir Harry called our last names and informed us what group we belong.



I do play volleyball. I don't need the basics anymore.



"Dela Vega, group 1," he said. I nodded as he mentioned my last name and then our instructor just gave me a sweet smile. I did not bother smiling back, because I'm not in the mood.



"Flores, group 2." Talagang hindi kami naka-tadhana, kahit sa groupings.  The moment Sir Harry mentioned his last name eh para bang may sariling mga isip ang mga mata ko kaya napatingin ako sa kanya. Saktong tumingin din siya sa akin. At nagawa niyang makipagtitigan sa akin. Ako ang nakaramdam ng "awkward feeling" kaya ako ang unang nag-iwas ng tingin.



Patuloy lang si Sir sa pagbanggit ng mga last names ng mga classmates ko nang bigla na lang eh naging blangko ang expression ko sa huli nitong binanggit. 




"Anne, you're on group 1."


"awww. Di na ba pwede sa group 2, sir?" tanong pa nito kay Sir.



"i'm sorry sweety but group 2 is full, group 1 ka na. Its final."


Ayos ah. Ang daming alam sa buhay. Eh kung batuhin ko kaya siya ng bola o sa kanya ako mag-spike ng madala siya? Maka-bawi man lang ako sa kalandian niya?



Joke. Syempre biro lang. Kahit na anong galit ko sa isang tao, I do play professionally.


Ako ang unang tinawag ni Sir at pinagawa ng serve. After nun eh napansin kong suot ko ang relong ibinigay ni Daddy sa akin. Kaya nang matapos ako sa serving drill ko at nang tawagin ni Sir ang susunod sa akin eh agad akong naglakad papunta sa ia sa mga bench dito sa academy's gym. Agad kong hinubad ang relo ko at inilagay ang relo ko sa isa sa mga bench, Akmang babalik na sana ako sa mga kasamahan ko nang may magsalita.



Boses palang, kilalang kilala ko na. Kilang kilala.



"Bakit jan mo iniiwan ang relo mo? Paano kung mawala yan?" Medyo nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Gian pero hindi ko ipinahalata. Isang linggo ring hindi ko nakausap ang taong ito, at hindi ko iyon pinagsisihan dahil iyon naman ang tama, ang layuan namin ang isa't isa hanggang sa matapos ang school year na ito.



"Anong pakialam mo?" sagot ko dito. Akmang lalampasan ko na ito nang bigla nitong hawakan ang kamay ko para pigilan ako sabay kinuha ang relo kong ipinatong ko sa bench at inilagay sa bulsa.

"A-anong ginagawa mo sa relo ko?"


"Itinatago. Kunin mo na lang sa akin after the game," wika nito. Agad naman akong napatingin sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko.

"B-bitawan mo ako. Please. Babalik na ako sa team. Kailangan ko pang mag-drill," I said. Pilit kong hinihila ang kamay ko pero hindi niya binibitawan.

"Hindi mo kailangang magpanggap na interesadong interesado ka sa larong iyan dahil marunong ka na niyan," he said and was seriously staring at me.

"Gi-gian, ano bang sinasabi mo? Bitawan mo na ako, kailangan ko ng bumalik doon," wika ko. Though tama siya, hindi ako interesado sa drill, pero kailangan kong umalis, kailangan kong lumayo... sa kanya.


"Bakit mukhang iniiwasan mo ako?"



Mukhang iniiwasan? hindi mukha, dahil iniiwasan talaga kita.



"I-i don't know what you're talking about."


"Goddamit Sharri, you're not a good liar. Now tell me, bakit iniiwasan mo ako?!"



Nagulat ako sa sigaw niya pero hindi ko ipinahalata. "Wala kang pakialam sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. Wala kang pakialam. Wala kang pakialam, at hindi ka pwedeng makialam kaya sana bitawan mo na ako."


Slowly, he let go of my hand. "I thought things are easy when it comes to you, but you're making it damn so hard for me."


"What do you mean-----"



I wa not able to finish my sentence because I heard our teacher was calling us. Agad akong tumalikod at tumakbo pabalik sa karamihan, and never look back.



He said I'm making things complicated. Bakit? Masyado na ba akong pagulo?





"Okay, guys. I'm glad that of all you can do basic serving. Now, let's try playing by group.We'll do basic setting and play," said Sir Harry. Bahagyang napataas ang mga kilay ko. Naka-uniform kami at nakapalda tapos magtata-talon kami? Ibang klase.


"Okay, for group 1, the first six who will play would be Sharri, Cha-cha, Faye, Jessica,  Jana, and Anne," wika ni Sir. Napataas ang isa kong kilay. Hanggang sa drill na ito, Pati ba naman dito? Psh.


"Group 2, we have Gail, Alice, Karla, Hannah, Lyca and Liza. The rest, sa gilid muna kayo at manood. Next batch would be boys," he continued. After that, pumwesto na kami sa gitna, yung tamang positioning sa paglalaro ng volleyball. Maglalaro kami ngayon, laro laro lang. At wala akong balak seryosohin ito, pero pwede na ring pag aksayahan ng oras kaysa maaksaya ang oras ko sa pag-iisip kay Gian.


Nagsimula kaming maglaro, at sa aming labing dalawang nasa gitna, mukhang lima lang kaming marunong maglaro, ako, si Cha-cha, si Jessica, si Gail, at si Alice. At si Anne? Puro pa-cute. Sarap murahin. And the rest of the girls, hindi na pa-cute, takot lang sa bola.


Pakiramdam ko nga eh ang naglalaro lang eh kaming lima. Display lang ang iba. Though hindi ko naman sila minamaliit, I know what they're feeling, takot din ako sa bola noong nagsisimula palang akong maglaro ng volleyball.


"Anne, you turn to serve," said Sir Harry. Ngumiti naman si Anne at pumwesto sa kung saan siya dapat magse-serve. Unang serve nito eh error, ni hindi umabot sa net.  Dahil dun, napunta ang bola sa kabilang team.



"sorry guys," said Anne. Medyo maarte pa ang pagkakasabi nito. Napa-poker face na lang ako.



"Don't worry Anne, we understand that you don't know anything....." said Cha-cha, " in this game." Gusto kong matawa kay Cha-cha.



Patuloy kami sa paglalaro nang mapansin kong pabagsak ang bola sa direksyon ni Anne. Pero bahagya akong kinabahan nang makita kong sa ibang direksyon ito nakatingin at dahil nakita kong si Gail ang nagserve mula sa kabilang team, alam ko kung gaano kalakas ang tira nito.



"Anne! Look!" sigaw ko dito. Ngunit tila wala itong pakialam. Kaya ang ginawa ko, agad akong tumakbo papalapit dito para salubungin ang bola. Nagawa ko naman, naitira kong pabalik ang bola sa kabilang team pero tumama ako sa kanya, at ang ending natagpuan ko na lang ang sarili kong pabagsak sa sahig. Alam kong nakita ng lahat kung bakit ko ginawa yun, dahil sa sakanya tatama ang bola at siguradong bukol o pasa ang aabutin niya sa mukha.


"Ouch!" sigaw ni Anne na bahagyang natumba, nagawa nitong buma-lance kahit na kaunti.


"Damn." iyon na lang ang nasabi ko nang matumba ako.


"Sharri! Anne!" sigaw ni Cha-cha at nang mga classmates namin.


"I-im fine," sagot ko. Pero ramdam ko ang sakit ng pwetan ko. Sinubukan kong tumayo nang bigla na lang akong makaramdam ng kirot. At hindi ko na napigilan ang sarili ko, napasigaw ako sa sakit. Parang may ugat sa paa ko ang naipit.

Pesteng buhay ito! Bakit ba lagi na lang akong na-aaksidente!


"Sharri!" sigaw ni cha-cha at ni sir. Ang sakit ng paa ko.

"Are you okay?" Pero parang mas sumakit nang marinig ko ang boses ni Gian.


"I'm fine," sagot ni Anne.


"Are you okay? Can you stand?" tanong ni sir. Nakasalampak pa rin ako sa sahig.


"I can't sir," sagot ko.


"Tang ina kasi Anne, kung maglalaro ka ng volelyball, tumingin ka sa bola, hindi yung kung saan saan ka nakatingin. Pasalamat ka at hindi mala-demonyo ang ugali ni Sharri, dahil kung oo, kumusta naman ang mukha mo ngayon?!"hiyaw dito ni Cha-cha.

"I'm sorry then! I didn't know!"sagot dito ni Anne.

"I'm sorry then I didn't know ka pa jang nalalaman, eh kung upakan kita!" sagot dito  ni Cha-cha.


"Cha-cha, t-tama na yan," wika ko. Kaya agad itong lumapit sa akin.


"Sharri, Im sorry," biglang wika ni Gail nang makalapit.


Ngumiti ako kahit ang totoo, gusto kong magsisigaw sa inis at sa sakit, "Its not your fault. It was mine,"I said.

Akmang tutulungan na sana ako nang dalawa na makatayo nang bigla na lang eh lumuhod si Sir sa harapan ko. "stay there."


Tapos laking gulat ko ng hawakan nito ang paa ko at simulang hilutin. "Awwwww! F***!" Hindi ko na naiwasan ang mapamura sa sakit ng dahil sa ginagawa nitong paghihilot sa paa ko.

"That's fine. Please bear with the pain,"wika nito na tila ba nag eenjoy pa sa ginawa. for one moment, he again pinch and do something on my foot causing me to shout with pain.


"S-sir, ang sakit na po," nanginginig ang boses ko. Hindi ko naman magawang hilahin ang paa ko dahil mahigpit ang pagkakahawak nito.


"No, that's fine," he said. At muling hinawakan ang bahagi ng paa kong masakit. "I'll be gentle," he added.


And what he did actually made me cry more. Parang pinupunit ang ugat ko sa sakit.

"S-sir, that's enough."

"Sharri-------"



We all stared  when one hand actually grabbed our teachers arm. "One more cry from her and I'll kick your ass. He said that's enough," said Gian. Agad namang napabitaw si Sir sa paa ko at tiningnan ng masama si Gian.



"What are you doing here? Can't you see I'm helping her out? What do you know  about this?" sarkastikong tanong ng teacher namin.


Nakita kong bahagyang napakuyom ang isang kamay ni Gian at tumaas ang isang sulok ng labi nito. "what I know is you're not helping her. You're doing YOUR thing, and that right here and right now, I don't care if you're a teacher or not," he said. Halos lahat kami eh nagulat sa sinabi ni Gian.


Kahit si sir eh nagulat. "Ganito pala ang mga estudyante sa prestihiyosong akademyang ito. Mga walang modo. I'll file a case and complain about your attitude Mr. Flores," said Sir Harry.

Nagulat ako bigla, maging ang mga classmates ko. That means that gian might be spelled out in this school.




Pero mukhang hindi man lang natinag si Gian. "File a complain? How about me filling out a grievance form for you. Hindi gawain ng isang matinong guro na paglaruin ng volleyball ang mga estudyante niyang babae in their skirt and heels. And to add that you're trying to do your things on one of your female stude!" Gian shouted. "Pasalamat ka at hindi ako nakalapit agad sayo dahil kahit papano, I gave you the benefit of the doubt, but you pushed over your limit, Sir." Tapos naglakad papalapit sa akin si Gian at nagulat ako ng pangkuin ako nito. "Damn it, i wanna kill this bastard," he whispered to me. Pakiramdam ko eh bumalik ang isang Gian na kilala ko, yung protector ko.



Halatang nagulat si Sir sa sinabi ni Gian. "That's not true. Huwag mo akong pagbintangan ng mga bagay na hindi ko ginawa. Wala kang respeto. Wala kang modo. Wala kang pinag-aralan----"



"And as the class president of this class, I think, insulting your student is against the school's law and constitution," biglang singit ni John Paul. "And sir, if you like, I can go with Gian when we file a complain against you, Sir, your actions are immoral. You're taking advantages," dugtong nito.


At nang mapatingin ako sa mga classmates kong boys, masama ang tinging ipinupukol ng mga ito kay Sir Harry.


Mukhang natakot naman ito. "Class dismissed," he said. "And all of you, all of you will be sorry!" sigaw  nito sa mga boys at nagsimulang maglakad paalis.



"You'll be more sorry, Sir," said John Paul na talaga namang ikinatigil ni Sir Harry. After that, umalis na rin ito. "Guys, let's go back to our classroom, gian, ikaw na bahala sa kanya," said the class president and everyone agreed.


"Gian------" narinig kong tawag ni Anne kay Gian. Pero hindi na nito nagawa pang tapusin ang anumang sasabihin nito nang dahil kay Cha-cha.


"Alam mo bang isa ako sa may pinakamahabang pasensya dito sa mundo, pero sa mga oras na ito, gusto kitang ilagay sa bote at itapon sa dagat. Halika nga dito at mag-CHIKAHAN tayo sa classroom!" wika dito ni Cha-cha. At bago pa man makasagot si Anne eh akbay akbay na ito ni Cha-cha at hinila palayo sa amin at palabas ng gym. Sunod sunod namang lumabas ang mga classmates namin at naiwan kaming dalawa ni Gian.


"Gian, pwede mo na akong ibaba. Asikasuhin mo si Anne, natamaan ko siya," I said.

"Stop telling me about the things that I need to do," he said.

I sighed. "But you need to check her first," because she's your girlfriend, I said to myself.

"I already did that, she's fine."

Alam ko, alam ko naman dahil rinig na rinig ko kanina at kitang kita ko na siya ang una mong nilapitan.




"Ibaba mo na ako, pipilitin kong maglakad papuntang classroom."

"Simula ngayon, hindi mo na ako pwedeng iwasan, Sharri."


Halos mapakurap ako nang dahil sa sinabi nito. "what do you mean with that? Anong karapatan mong diktahan ako. At pwede ba, layuan mo na lang ako."


"At ano rin ang karapatan mong diktahan ako?"

"Bakit mo ba ginagawa ito??" tanong ko.

"Dahil ibinlin ka sa akin ng mommy mo bago siya umalis,"  he said. And that hurts. Dahil lang pala sa mommy ko.



"Gi--gian," I said his name in a broken tone, but I did try my best not to cry, "Hindi mo ako kailangang pakisamahan o samahan o bantayan dahil lang sa hiling ni mommy. You have your on life and you need to enjoy it. You do have your own life. I do have my own as well. We need to focus on our  own lives." I did try my best not to cry. Believe me. i did try. But my eyes are almost watery.



"I have my own life. And this is how i want to spend that so called "own life"," he said while looking at me.

"Gian, I'm tired."


"i'm tired as well. Nakakapagod. Nakakapagod makipagjhabulan sa'yo Sharri," he said and took a deep breath.

Nakakapagod makipaghabulan? "W-what do you mean?"

"Do you really hate me now?"

"Yes, I do," I said. If that's the only way to stop him from his games.

He took a deep sigh. "That's fine then. i don't care. But from now on, hindi mo na ako pwedeng iwasan. Hindi na. hinding hindi na."


"Gian, tapos na tayo hindi ba? Kaya walang silbi kung didikit ka pa ng didikit sa akin. At pwede ba, ibaba mo na ako."

"Kailan pa tayo napunta sa state na "tapos na"?"

"That night."

"And during that night, i haven't said anything."



Gulat na napatingin ako dito. "Gian, nababaliw ka na ba?"


"I'm not."

"so, ano yang mga pinagsasabi mo?!"

"Sharri, you never let me explain things," he said.



"W-what things?" My heart is beating so fast now.


"Sharri, you said you never loved me..."

"Y-yes I did," i said and I know I'm stammering.



"I know I've done a mistake, but please, do me a favor.." His voice was too low and his eyes were looking directly mine.


"w-what favor?" i think this is taking the risk.




"Fall for me now, because I did already fall. And please, this time, let me explain things."



TO BE CONTINUED.



(AN: Gian, you're the man! Kaya lang, pwede ba, kailan ka magpapaliwanag? )

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 55.9K 67
ငါလား.... စိတ်ချ...... နိဗ္ဗာန်ရောက်ရင်လည်း မင်းကိုပဲ ချစ်နေအုံးမှာ.......... သုနေတင်ထွဋ် ကမ္ဘာပျက်သလို လေပြင်းမိုးသံတွေထ...
43.7K 5K 28
တိမ်တိုက်တစ်ခုနှင့် မေတ္တာမျှခြင်း
71.7K 4.1K 58
Kur gjithcka shkon ters te duhet nje hero qe te te shpetoje.
2.2M 146K 91
လူတိုင်းပါးစပ်ဖျားမှ ဇမ်းဆိုတဲ့ကောင်က အပေအတေကောင်လို့သမုတ်လဲ သူတို့သတ်မှတ်ချက်အတိုင်းသွားပါစေ.....ကိုယ့်ထမင်းကိုယ်စားပြီး သူများစကားတွေကိုထိုင်ခံစားန...