Chapter 11

13.9K 290 83
                                    

Gian's POV

"Sundan ko lang sa kwarto niya sa Sharri." wika ni Cha-cha sa aming lahat na naririto sa cottage. Magkakasama kami dito sa cottage habang nag-uusap nang magpaalam si Sharri na mauuna na sa kwarto nito dahil kukunin daw nito ang phone nito at may tatawagan.

Hindi na rin naman ako nag-abala pang samahan ito dahil tiningnan ako ni Armand sa mga mata na tila ba nagsasabing 'pare, may pag-uusapan tayo', kaya nang magpaalam si Cha-cha na susundan nito si Sharri eh tumango na lang kami.

Naiwan ako at ang mga team mates ko dito sa cottage. Kanya-kanya kaming root beer at walang naninigarilyo sa tropa.

Armand, Gab, Hanz, Alex, Albert, Migs, Kris, Jayson, Jay, Jeff,Than, at ako. Magkakaibigan kaming lahat simula pagkabata at nakatira kami sa iisang village lang. Ang pinagkaiba lang, lahat sila ay nag-aaral sa Edenberg Academy at ako lang natatanging sa Swiss Academy nag-aaral.

"Umamin ka nga sa amin pare, ikaw ba  ay inlove na kay Sharri." tanong sa akin ni Alex.

Napatingin ako dito na kasalukuyang may nakapasak na earphones sa magkabilang tenga.

"I just like her." sagot ko dito.

"Pero hindi simpleng like ang ipinapakita mo sa galaw mo." wika naman ni Albert.

"Ano bang gusto niyong palabasin?" sagot ko dito.

"You know what we mean." said Hanz.

"Why don't you just admit that you're falling for her para matapos na ang lahat ng ito." wika naman ni Gab.

"Pero paano si Anne?" biglang singit ni Kris. 

Napatingin ako dito. 

"Alam mo ang katotohanan sa bagay na yan, Kris." wika ni Jeff.

"Alam naman nating lahat ang totoo." said Than.

"Kaya umamin ka na lang kasi na inlove ka kay Sharri, Gian nang matapos na ito." said Gab.

"I like her. That's all I know right now." sagot ko sa mga ito. Mula sa kinauupuan ko eh nakita ko sa di kalayuan sina Sharri at Cha-cha na kumukuha ng mga pictures nilang dalawa. Napailing na lang ako.

"You like her. So, big X na si Anne?" -Gab

"Talo ka, pare." -Hanz

"Sinong nagsabi?" Wala sa loob na wika ko sa mga ito. Lahat naman ito eh napatingin sa akin.

"So, plano mo pang i-pursue si Anne?!" sabay sabay na tanong ng mga ito sa akin.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now