Chapter 22

8.9K 297 136
                                    




Sharri's POV


Pagkatapos ng aksidenteng iyon sa canteen at ng insidenteng iyon sa loob ng clinic, isang linggong mukha akong tangang pilit na umiwas at iniwasan ang lalakeng simula ng makilala ko personally eh ginulo ang dati ko ng magulong buhay. Ang mahirap lang eh seatmates kami kaya no choice ako, araw araw ko siyang katabi. And what's worst is, dahil sa classmate ko siya, araw araw ko siyang nakikita at araw araw kong nakikita ang mga nakakairitang eksena gaya na lang kapag lumalapit si Anne sa kanya.



Ang pagmamahal at pagkakagusto sa isang tao ay hindi agad agad nawawala. Gaya ng nararamdaman ko. Pero sa ngayon, isa lang ang tumatakbo sa utak ko, ang pilitin ang sarili kong patayin ang damdaming meron ako para sa kanya. Ayoko rin naman kasing umasa. The last time we talked at the clinic, he was claiming that we're still on, he said that I need to stay away from anyone, I mean from boys, because we're on. Okay na sana eh, pero bakit ganoon? Bakit nariyan pa rin si Anne? Bakit hindi mawala-wala sa eksena si Anne? And because of that, I ended having the decision that I should stop my hypocrisy. Its not good anymore.



Bahagya akong napatingin sa lalakeng nakaupo sa tabi ko. Seryoso itong nakikinig sa class discussion. Alam kong alam nito na iniiwasan ko siya, dahil sa tuwing magkakasalubong kami eh halatang nag-iiba ako ng landas, at sa tuwing mapapag-isa kami sa isang lugar eh agad akong umaalis. Kumalat sa academy ang chismis na "kami" dahil sa nangyari sa canteen last week, pero hindi ko na pinatulan ang bali-balita. Si Cha-cha na ang sumagot sa mga chismis, para sa akin. Ni hindi ko nga alam kung ano ang sinabi nito sa mga estudyanteng nagtatanong dito tungkol sa amin ni Flores.



Ganito pala kahirap ang may iniiwasan. Lalo na kapag mahal mo lang naman ang iniiwasan mo.




"Guys, since we're actually talking about volleyball right now, let's go ahead and go to  our volleyball court and practice the basics," said our instructor. Hapon na ngayon at last subject na. PE 4 discussion. At ang teacher namin eh si Sir Harry. Bagong teacher dito sa academy.

"Sir, we're not on our PE uniform, how can we practice the basics?" biglang tanong ni Gail. That actually make sense. Hindi naman namin alam na magkakaroon ng outdoor activity today kaya karamihan sa amin eh nakasuot ng regular school uniform. We're wearing a knee-lenght skirt, long sleeves with black neck tie, while boys are on their  black jeans, white sleeves and black suit on top of it. We can't play volleyball with this.


"That actually make sense, Miss Sanchez," ngiting ngiting wika ni Sir Harry. One week pa lang namin itong guro, fresh graduate ito, at hindi namin feel ang aura nito, may pagka-mahangin ito. "But we're just going to practice basic servings and settings, and you can do it even if you're in your school uniform, so come on guys!" wika nito. inayos nito ang gamit nito na nasa rostrum at nauna ng lumabas ng classroom.  Sumunod naman kami,



Agad agad akong lumabas ng classroom dahil ayokong makasabay si Gian o si Anne sa paglabas. Aayain ko sana si Cha-cha nang makita kong lapitan ito ni Gian. Si Gail naman, since kasama ni cha-cha ay nadamay na rin. Kaya ang ending, mag - isa ako.


Nang makarating kami sa volleyball court dito sa gym ng academy eh walang estudyantedng naglalaro,so most probably, makakapag-conduct talaga kami ng activity.


"Okay class, let's group into two competing teams, so you'll be able to practice some basics," said Sir Harry and everyone agreed. One at a time, sir Harry called our last names and informed us what group we belong.



I do play volleyball. I don't need the basics anymore.



"Dela Vega, group 1," he said. I nodded as he mentioned my last name and then our instructor just gave me a sweet smile. I did not bother smiling back, because I'm not in the mood.



"Flores, group 2." Talagang hindi kami naka-tadhana, kahit sa groupings.  The moment Sir Harry mentioned his last name eh para bang may sariling mga isip ang mga mata ko kaya napatingin ako sa kanya. Saktong tumingin din siya sa akin. At nagawa niyang makipagtitigan sa akin. Ako ang nakaramdam ng "awkward feeling" kaya ako ang unang nag-iwas ng tingin.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now