Chapter 33

1.9K 64 27
                                    

Announcement: 3 to 6 more chapters and this story is done. Naka-draft na ang kwento ni Cha-cha. Cover na lang kailangan.

Alam kong masyado ng magulo at nahihirapan si Cha-cha. No worries, tatapusin na natin to. Kapit lang!

Maraming salamat sa lahat ng matyagang nagbabasa.

****

Sharri's POV

"Perfect, just so perfect to drag me here," mga katagang lumabas sa bibig ko pagkatapos akong hilahin ni Gian papalayo sa mga kaibigan ko. Walang ka-emo emosyon ang mukha nito na lalong nag-a-arouse sa galit na nararamdaman ko.

"What's going on between you and John Paul? Kailan pa 'to nagsimula?" he asked. He doesnt sound concern at all. But there is something in his voice that hurts me so much.

"May pakialam ka pala saken? Akala ko wala e." wika ko. Napangiti ako ng mapait.

Pero mas nagulat ako ng ngumiti ito. "So wala ba dapat akong karapatang makialam? Wala akong karapatang makialam sa kung sino ang kahalikan ng girlfriend ko jan sa tabi tabi?"

Mas doble ang sakit. Kahalikan sa tabi tabi?

Galit. Hindi ko alam pero kasabay ng sakit na nararamdaman ko ay galit. Galit sa kaisa-isahang taong minamahal ko ng sobra.

Hindi ko na napigilan ang mga mata ko sa pagluha. Bahagyan namang lumambot ang mukha nito nang makitang umiiyak ako.

"Sha..sharri.." pagtawag nito sa pangalan ko. Humakbang ito para lapitan ako pero umatras naman ako. Ayokong hawakan niya ako. Ayokong lumapit sa kanya. Ang sakit e. Sobra.

"Ang kapal.. Ang kapal kapal ng mukha mo. Ikaw ba sinabihan ko na kung kani-kanino nakikipaghalikan?! May narinig ka ba saken? Kahit nararamdaman ko ng unti unti kang nagbabago, hinusgahan ba kita? Nagkasakit ako ng isang linggo at hindi ka man lang nagpakita saken, may narinig ka ba sa aking masasakit na salita? Kahit nakita kitang naglalandi sa locker room niyo kanina kasama ang exhange student na yun, may narinig ka ba sa akin? Ang kapal ng pagmumukha mo!"

Halatang nagulat ito sa mga sinabi ko. Bahagya rin itong napaatras matapos makita ang sobrang galit sa mukha ko.

"Y-you were there?" he asked.

"Oo. Naroroon ako. Kitang kita ko nga eh. Ang bastos niyo. Ni hindi niyo man lang muna inantay na mawala ako sa eksena bago niyo gawin yun? Nakakadiri ka Gian. Nakaka.. Nakakadiri ka..." patuloy pa rin ako sa pag iyak. Pakiramdam ko sasabog na angs puso ko. Sana pala ay hindi na lang muna ako pumasok. Sana pala ay nanatili na lang ako sa bahay. Sana.. Sana hindi ko na lang nakita ang lahat..

"I'm sorry." Dalawang salitang ang sakit pakinggan. Lalo na kapag galing sa taong pinagkakatiwalaan mo ng sobra.

"Sino... Sino si Arra Kim sa buhay mo?"

Huminga ito ng malalim.

"Kababata ko siya." sagot niya sa akin.

"Nice. Kababata mo lang. Pero ano? Umuwi lang siya rito, biglang siya na? Biglang nakalimutan mo na ako? Biglang nagbago lahat? Wow. Wala akong masabi."

"It is not what I mean Sharri. Its not like that. Hindi kita kinalimutan or what?"

"So anong tawag sa ginawa mo? Making out with her? Ano un?" patuloy lang ako sa pagluha. "Just be honest with me. Do you love her? Sobrang naiinsulto na ako e. Mahal mo ba siya?"

"Yes" sagot nito nang hindi nakatingin sa akin. Nakatingin ito sa kung sino mang nasa likod namin na nakiki usyuso sa nangyayari.

Isang salita lang pero binura nun lahat ng masasayang alaalang meron kami.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Sabay ngumiti ako.

Kahit ang totoo, durog na durog na naman ako.

"Ayos, sana sinabi mo na lang agad para hindi naman ako nagmukhang tanga. Huwag.. Huwag kang mag alala. Malaya ka na." wika ko.

Mukhang nagulat ito sa sinabi ko. "Sharri that's not it."

Napangiti ako. Alam ko na ang pakirmamdam nung mga taong gustong magsuicide. Yung ganito. Gayang gaya ng nararamdaman ko.

Magsasalita pa sana si Gian nang magsalita ulit ako.

"Hindi ako nagkamaling ibinigay ko ang lahat kay John Paul. Hindi ako nagkamaling ipinagkatiwala ko ang lahat sa kanya.." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sabihin ang kasinungalingan na iyon. Pero sa mga oras na ito, isa lang ang gusto kong mangyari, ang umalis, ang makatakbo palayo sa kanya.

Biglang tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Ganoon ba? May nangyari na pala sainyo ni John Paul. Quits lang pala tayo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad itong naglakad papalayo sa akin. Pero bago pa man ito tuluyang makalayo ay may sinabi ito.

"Tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang magiging masaya." pagkatapos nun ay tuluyan na itong nawala sa paningin ko.

Halos wala na akong makita dahil natatakpan na ang mga mata ko ng luha ko. Pakiramdam ko ay biglang bumalik ang lagnat ko dahil sa sakit na dinaramdam ng puso ko.

Tila nawalan na ako ng lakas.

Unti unting nanghina ang mga tuhod ko. Pero bago pa man ako tuluyang bumagsak ay mga braso ng yumakap sa akin para pigilan ako sa paghulog.

"Tara na. Iuuwi ka na namin."

Napatingin ako sa mukha ng nagsalita at sa mga kaibigan kong nasa likod nito.

"John paul.. Ang sakit.."

*********

"Mukhang nabinat ka Sharri. Magpahinga ka na muna." wika ng family doctor namin. Andito ako sa bahay at nasa loob ng kwarto ko sina Cha-cha, john paul, gail at tristan. "Mauuna na ako. Ms Charice maaari ko ba muna kayong makausap? Sa iyo ko na lang ibibilin ang mga gamot ng Sharri."

Agad namang tumango si Cha-cha at sumunod sa doctor na kalalabas lang ng kwarto ko.

Nakita ko namang matamang nakatitig sa akin si John Paul.

"Gail, Tristan? Pwede ko ba munang makausap si John Paul?"

Agad namang tumalima ang dalawa at lumabas ng kwarto ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito nang kaming dalawa na lang ang nasa loob ng kwarto.

"Maayos naman. Salamat sa inyo sa paghatid sa akin dito." sagot ko.

"Wala yun." sagot nito and then moment of silence. Ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Bakit .. Bakit mo ginawa yun?" tinutukoy ko ay ang paghalik na ginawa nito. Gusto kong malaman dahil alam ko namang wala itong gusro sa akin.

"Dahil kaibigan kita. At ayokong makita ng lahat ng tao na umiiyak ka dahil sa nakita mo ang nobyo mong may kasamang iba. Para ko na kayong kapatid.. Aside from that, I did that to prove and find out something.."

"A-no yun?" tanong ko.

Ngumiti lang ito. "Magpahinga ka na. Nandito lang ako. Sina Chacha at ang mga kaibigan mo. Hindi ka mag iisa."


*******

"Do you know any bar near here?"

Agad akong napalingon sa lalakeng nakatayo sa likod ko. Wala ako sa mood makipag usap sa kung kanino man.

"Bakit Ken?"

"Im planning to grab some beer."

"Sige, samahan kita."

Kailangan ko ring uminom. Kailangan kong magsaya. Malaya na ako.

Napangiti ako ng mapait.

Malaya na ako.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now