Chapter 14

17.4K 317 112
                                    

Sharri's POV

Kagigising ko lang at pababa ako ng hagdan para pumunta sa kusina. Kukuha ako ng maiinom dahil nauuhaw ako. Pababa na ako nang may marinig akong mga halakhakan sa sala, at nang tuluyan na akong makababa, nadatnan ko sina Mommy at Cha-cha na tawang tawa. At nang makita ko ang rason ng pagtawa nila ay natawa at napailing na rin lang din ako.

Nakita kong nakatayo si Koala sa harap ng dalawang babae habang sumasayaw ng sumasayaw sabay sa tugtog na nagmumula sa cellphone ni Cha-cha. Tawang tawa naman si mommy at Cha-cha dahil ang cute nga namang talagang tingnan ni Koala.

Pumunta na muna ako sa kusina para makakuha ng iinumin ko dahil nauuhaw na talaga ako. Kumuha ako sa ref ng maiinom. Nang may makita akong chocolate sa ref ay kinuha ko ito. Pagkatapos nun, naglakad ako papunta sa sala at nadatnan kong pinagkakatuwaan pa rin nila si Koala.

"Koala, you want chocolate?" tanong ko nang makalapit ako. Agad namang napalingon sa akin si Koala.

"Yep yep!" sigaw nito at tumalon talon pa. Inabot ko dito ang chocolate tapos naupo ito sa tabi ni Cha-cha.

"Ate ganda, pabukas po," wika ni Koala kay Cha-cha sabay abot dito ng chocolate.

"Anong tawag mo sa babaeng yan?" tanong ko sa bata.

Clueless naman itong tumingin sa akin. "Ate Ganda po."

"At bakit ate ganda?"

"She said Ganda is her name. So ate ganda po," pagpapaliwanag ng bata sa akin.

Napatingin naman ako kay Cha-cha na nakabungisingis habang binabalatan ang tsokolate ni Koala.

"Walang hiya ka Cha-cha, kung anu-ano ang kalokohang itinuturo mo sa bata."

"Wag ka ng makialam," wika nito sabay tawa ng malakas. Napailing na lang ako.

"Nag almusal ka na ba?" tanong sa akin ni Mommy. Nakangiti nitong pinagmamasdan sina Koala at Cha-cha.

"Hindi pa Mommy. Hindi pa naman ako nagugutom eh. Bakit nga pala nandito sa bahay itong si Koala-liit?" sagot at tanong ko kay mommy.

"Nandito kaninang umaga si Gian. Hinahanap ka raw kasi ni Koala kaya hinatid niya yan dito, kaya lang tulog ka pa,kaya iniwan muna niya dito si Koala. May pupuntahan daw siya."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Mommy nang biglang magsalita si Koala.

"I did not told daddy to bring me here."
Napatingin naman kaming lahat kay Koala. "Pero hinahanap mo raw ako," wika ko dito.

"Opo. Hinahanap kita. Hinahanap lang po kita, pero si daddy Gian po talaga yung gusto punta dito. Sabi niya dami food dito, kaya sama na ako."

Nagkatinginan kaming lahat.

"Ayun naman pala, ginamit lang ang bata para makita ka," natatawang wika ni Cha-cha. Napapailing na napapangiti na lang ako. Loko lokong Gian, dinamay pa ang bata.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto. Tumayo naman ako para pagbuksan kung sino man ito.

"Oh, Aries, napadalaw ka?" Nang buksan ko ang pinto ay nakangiting mukha ni Aries ang nakita ko. May dala dala itong cake.

"Wala akong ginagawa eh.”

"Ganoon ba? Tara, pasok ka," pagpapatuloy ko kay Aries. Pumasok naman ito.

"Hi tita! I brought you cake, for our snack." Lumapit ito sa mommy ko at humalik sa pisngi ni mommy. "Hi Cha-cha!" nakangiting wika nito kay Cha-cha sabay lapag ng dalang cake sa mini glass table na napapagitnaan ng mga sofa.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now