Chapter 1

19.3K 285 26
                                    

Sharri's POV

"Ano na Sharri? Tumawag sa akin ang Tita Dolores mo. Uuwi raw galing states ang panganay niyang si Aries. Lumabas kayo. Friendly date."

"Mommy, pang-ilang beses mo na ba yang sinabi sa akin?" Ang kulit kulit ng mommy ko. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa panonood ko. Kahit gusto kong sumigaw at mag-cheer eh hindi ko magawa dahil kasama ko siya. Nagpupumilit kasing sumama, masyadong curious kung ano ang rason ng madalas kong paglabas sa gabi ngayong bakasyon.

"Pang-apat?"

"Hindi Mommy. Pang-walo na." sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

Go! Kaya mo yan! Piping sigaw ng utak ko. Kahit gusto ko ng tumili eh hindi ko magawa. Nakakahiya. Kaya sa utak na lang ako bonggang bonggang mag-chi-cheer. Mabuti sana kung kasama ko ngayon si Cha-cha, pakapalan face all the way, sigaw kung sigaw, at least, may kasabay ako. Tsk! Sayang, tinamad kasing lumabas ang isang iyon.

"Ikaw naman kasi. Tomboy ka ba? Hindi ba sabi ko, okay lang na magka-boyfriend ka, basta behave lang. Kaysa ganyan, wala kang boyfriend, iniisip na mga kamag-anak natin sa states at dito sa Philippines na lesbian ang unica hija ko! Binibiro na din ako ng mga amiga ko! Ano ba naman Sharri?"

"Mommy, okay lang yan. Ayaw mo niyan, dual purpose, may baby girl at baby boy ka at the same time."

Halos manlalaki ang mga mata ni Mommy sa sinabi ko.

"You mean? You mean! Oh my gosh! Saan ako nagkulang sa pagpapalaki sa iyo? Bakit-----"

"Kayaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nakisigaw na rin ako kasabay ang ibang mga nanonood ng maka-shoot ang isa sa mga ace players ng team na representative ng subdivision namin. Ehem. Ace player.

"Ano ba yan? Kababaeng tao mo, basketball ang kinahihiligan mo."

"Mommy, walang masama sa basketball. Ayaw mo pa bang umuwi! Late na. Mamaya pa ako uuwi. Mauna ka na."

"Hindi. Sabay tayong uuwi. At simula ngayon, hindi ka na maaaring lumabas sa gabi kahit na bakasyon lalo na kung mannonood ka lang ng larong ito."

Nagulat ako sa sinabi ni mommy. Yung totoo? Maglalaro ako ng emo-emo-han sa bahay?

"Weh?" sabi ko, ganyan talaga kami mag-usap ni Mommy.

She looked at me seriously. Nakipagtitigan rin ako sa kanya. Napalunok ako ng makita ko ang famous deadly serious poker face ni mommy which means na hindi siya nagbibiro sa sinabi niya.

"Mommy! Don't tell me na seryoso ka?"

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now