Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.1M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Simula

1.4M 33.9K 22.5K
By jonaxx

Simula


"Hindi puwede, Yohan!" sigaw ni Aria nang nakita akong hinahawakan ang isang kuting.

Makulimlim ang hapong iyon at nakita ko na lang ang isang kuting hindi kalayuan sa gate ng school. Naghihintay ako sa SUV namin at sa paglabas ng pinsan kong si Aria galing sa Junior High. Maaga ang labas ng mga grade six kaya kanina pa ako rito.

"Pero..."

"Dali na! Gusto ko nang umuwi! Iwan mo na 'yan diyan!"

Maliit na maliit pa ang kuting. Base sa alam ko, hindi pa yata iyon nag-iilang buwan. Mag-isa siya sa shed at nanginginig ang bawat yapak ng paa. Marumi rin siya ng kaunti, siguro'y nalapit sa putik hindi kalayuan sa shed.

"Hay naku! Ipapalayas din ni Mommy 'yan! Sige!"

Ngayon pa lang, parang alam ko na ang mangyayari kung iuuwi ko ang kuting. Ayaw ni Tita na mag-alaga ng kahit anong hayop sa mansiyon kaya simula nang namatay si Daddy, hinayaan na lang din nila ang mga asong alaga nito hanggang sa namatay. I did my best to fight for them but Tita just doesn't want to do anything.

"Pero kawawa kasi..."

Humalukipkip si Aria at umirap. Nawala ang atensiyon niya sa akin nang dumaan ang ilang kaklase. Sinamantala ko iyon para muling buhatin ang kuting at nagmadali nang pumasok sa campus.

Somehow, I relate to abandoned animals. I was very young when Mommy died from a car accident. Dad was all I have until two years ago. He was taken away from me through a sudden heart attack. He was a heavy drinker and smoker simula noong namatay si Mommy. He ignored the calls of the doctors and didn't want to get treated. His death was a big deal to the whole Negros Province. Hindi lang dahil malaki ang ipinapasok na pera ng azucarera namin sa lalawigan, kundi marami na ring magiging pagbabago sa politika rito.

My father was a local tyrant. Despite that, he was a good father to me. Mahal na mahal niya ako, hindi nga lang niya maitago ang pagluluksa sa pagkawala ni Mommy. Kaya naman, it hurt me so much to know that people from this town, Altagracia, and the whole of Negros were almost happy that he's dead.

Masyado pa akong bata para maintindihan ang kahit ano noon pero ngayon, unti-unti ko na ring nalaman kung ano talaga ang mga nagawa ni Daddy sa bayan.

He fired workers that protested. Sa maliliit na sahod at sa contractual na mga factory workers. He maligned the local government officials that disobeyed him, making everyone in Negros vote for whoever he wanted to be elected instead. There was corruption in his time, and many more other crimes.

But then he was a good father to me. He was the only family I had. Nariyan sina Aria at marami pang extended family namin pero dahil sa galit nila kay Daddy noong buhay pa ito, malayo sila sa akin at hindi ako lumaking malapit sa kanila.

Ngayon lang talaga kami nagkalapit ni Aria. Her family moved in to our mansion since I am all alone with all our housemaids. My father's will indicated that I am the only heiress of the whole azucarera. I can help with the paperworks once I reach eighteen and assume the highest position when I'm twenty one.

At ngayong nasa ikaanim na baitang pa lang, pansamantalang ima-manage ni Tita at Tito ang azucarera. It's a big factory and without anyone to manage it, it's a big blow to the economy of Negros.

Nilapag ko ang pusa sa maliit na toilet sa likod ng gym. Iyon lang ang nakita kong puwedeng paglagyan niya. Sa tabi'y isang lababo. Mabilis kong binuksan ang gripo at isinalod ang tubig sa kamay para maipainom ang kuting.

The kitten was a mix gray and white. Sobrang liit pa at halos hindi pa nakakakita ng maayos.

"Drink," I said.

I don't have a choice. I will leave the kitten here. At least malayo ang gym sa gate at wala masyadong dumadaang sasakyan dito. May silungan din. Bukas, magpapaabili ako ng cat food sa driver. Sana hindi pa siya ganoon ka gutom. Huli na nang nakita ko siya kaya hindi na ako nakabili ng kahit siomai na lang.

I smiled as I watched him put his nose on the water. Nagulat siya at lumayo pero kalaunan ay inulit niya. Ni hindi pa siya marunong uminom ng maayos.

I say I could relate to the abandoned cat because somehow, I feel like an outcast in this place. I have my extended family but it's still different.

Noong narito pa si Daddy, ayos lang sa akin kung ganoon man ang trato ng mga kaibigan at kaklase ko. They didn't like me, not just because I am Enrique Valiente's daughter, but also because I wasn't pretty to look at.

Aria was the most beautiful of her batch, along with Chantal Castanier. Ang ibang pinsan ko'y pare-parehong magaganda. Minsan, inaasar akong ampon dahil maganda naman si Mommy, at may itsura rin si Daddy.

There was even a conspiracy that made me cry back when I was still in Grade three. Nahirapan daw na magkaanak si Mommy at Daddy kaya mag-isa lang ako. At ampon lang daw ako. It didn't matter to me. I love them all the same but still it hurt.

Dad assured me that I am his daughter. At na manang mana raw ako kay Mommy. I believed him. I believed him with all my heart because I loved him. Tuwing tinitingnan ko nga lang ang pictures ni Mommy, tanging ang kulay lang ng balat ang nakopya ko.

"Huy, kalansay! Anong ginagawa mo riyan?!"

Napatalon ako nang natanaw ang kalalabas lang na mga elementary basketball team. Isa sa mga classmate ko ang pumuna sa akin. Tumawa ang mga kasama niyang lalaking basketball player din, umiinom ng tubig habang tinatanaw ako.

"Umuwi ka na nga! Para kang multo diyan!"

I turned my head away from them. Bumunghalit sila ng tawa.

"Akala ko kung anong multo! Si kalansay lang pala! Uwi na uy!"

"Hindi mo na naman suot ang salamin mo, buti hindi ka nadapa. Akala niya naman gaganda siya kapag walang salamin..." sabay tawanan ulit ng lahat.

I gritted my teeth and forced myself to just concentrate on the kitten.

Malabo ang paningin ko that was why I had to wear glasses at an early age. I was also paper white, thus the "multo" tease. Sobrang payat ko rin na minsan ay tinatawag akong giraffe o 'di kaya'y ostrich dahil mahaba ang leeg.

Minsan ko nang isinumbong kay Daddy ang mga pang-iinis na iyon kaya pinuntahan niya ako sa school. The boys and girls who bullied me were reprimanded but they only stopped for a while. At nang humupa na iyon, bumalik ulit sila at mas lumala pa dahil may galit na sa ginawa ni Daddy.

Now that Dad is gone, it only worsened. Sa dalawang taon, nasanay na rin ako sa trato sa akin ng mga kaibigan, kaklase, at maraming kakilala.

Napabuntonghininga ako nang napalayo na ang tawanan nila. I petted the kitten. Now he's meowing a bit. I chuckled.

"Dito ka lang, ah. May box ako na ilalagay dito. Dadalhan kita ng pagkain bukas. Ay! Baka gatas na lang kasi hindi ka pa marunong?"

I stopped again when I heard a laugh from the entrance of the gym. Sumulyap ako at mas kinabahan nang natanaw na wala sa sariling pumunta sa kung nasaan ako ang mga palabas na mga estudyante.

They were junior students now. At ang nauna sa kanila ay napatalon nang natanaw ako sa pupuntahang lababo. I bowed a bit and moved to give them space.

"Yohan?" si Soren na kaibigan ni Aria. "Ano ka ba, tinakot mo ako!"

I didn't say a word. Lumapit siya sa lababo at naghugas ng kamay. Patuloy ang usapan nila sa kasamang kaklase.

"Ang galing noong shoot ni Julius kanina," si Soren.

Hindi naman matanggal ang tingin ng tatlong kasama nito sa akin. "Ito 'yong Valiente, 'di ba?"

"Oo," si Soren sabay baling sa akin.

Bumaba ang tingin niya sa kuting na nasa gilid ko.

"Anong ginagawa mo rito? Umuwi ka na. Kanina pa ang uwian ng grade school ah?"

"Uhm... May inaalagaan lang akong pusa-"

Hindi pa ako natatapos sa sinabi ay hinulog na ni Soren ang pusa sa lababo. I gasped and immediately knelt to get the kitten!

"Ano ba, Soren!"

"Hay naku! Kaya ka hindi nagagaya kay Aria, e. Pangit na nga, weird pa! Nakakatakot! Iwan mo na 'yan riyan!"

Inilayo ko ang kuting sa kanya at agad na umatras. Magsasalita na sana ako pero narinig ko ang iilan pang tawanan sa likod nina Soren, hudyat na parating ang mga players.

Sa likod ay mga basketball players nga. Sabay na bumaling ang apat na lalaki sa harap ko para matanaw ang nasa lima hanggang anim na senior high players. Tumabi si Soren para pagbiyan ang naunang player at naghugas iyon ng kamay sa lababo.

The player looked at me with a stupid grin as he glanced back to his teammates.

"Nandito pala 'yong kalansay mong admirer, Alvaro."

My eyes widened. Mabilis kong nilapag ang kuting sa box at determinado nang umalis ngayon nang marinig iyon.

Kalalapag ko lang sa kuting nang natanaw ang tinukso nilang si Alvaro. He looked irritated. At imbes na lumapit sa lababo ay umatras pa ito kaya mas lalo lang akong nahiya.

It was like an invisible slap. Ganoon ang lagi kong nararamdaman tuwing nagkikita kami, lalo na kapag nariyan ang mga kaibigan niya.

Nervous and didn't know what to do, kinuha ko na lang ang buong box at nagpasya na ilagay iyon sa ibang bahagi ng eskuwelahan. Umingay pa ang hiyawan at panunukso nila na pinipigilan ni Alvaro. Humupa kalaunan dahil sa pagpipigil niya.

"Ang tayog din ng pangarap ng Giraffe na 'to," I heard from Soren's friends.

"Tama na, Soren!" si Alvaro.

Nagmadali akong maglakad palayo sa kanila, dala-dala ang box. Lalagpasan ko na sana ang grupo sa marahas kong lakad nang harangin ako ni Alvaro.

His brows were furrowed, still on his jersey, looking annoyed, as he glanced at the box I was carrying.

"Ano 'yan?"

Uminit pa lalo ang pisngi ko.

I was very young when I started crushing on someone. And that someone was him. Sa azucarera pa namin noon nagta-trabaho ang kanyang Mama at Papa, kaya nakilala ko siya. Madalas kasi akong sumama kay Daddy sa azucarera noon, ganoon din siya. Tumutulong dahil medyo mataas na rin ang posisyon ng ama.

As a kid and a friend to many, he was the center of attention. He exudes confidence and intelligence that was liked by many. Sa bayang ito, minsan lang naaappreciate ng mayayaman ang mga kagaya niya, pero isa siya sa hinahangaan ng marami. Masipag, matalino, guwapo, athletic, at magalang siya sa lahat.

His hair right now is a bit longer. Bago nag summer ay laging maiksi iyon pero ngayon, kita na ang dulo nito sa batok, at dahil galing sa basketball, basa ng kaunti sa pawis. He was also very tall... or maybe I'm just short and too slender. He has a good and athletic built hindi lang dahil sa hobbies kundi dahil na rin sanay siya sa trabaho. Madalas siya sa azucarera namin noon at lumipat lang sa mga Alcazar kalaunan sa parehong trabaho. He was a good basketball player, always Alonzo's first pick on his batch, and he has the charisma that would make girls crazy.

I liked his eyes in particular. They were very expressive. Malalim na almond eyes, mahaba ang pilikmata, at may kakapalang kilay. He had an angled jaw that made him look more like a man than a boy of his age, a perfect nose, and reddish lips. It wasn't just his look that's handsome about him. His gestures every time, the way he handles people, and his intelligence were also one of his notable traits.

Nakita ko lang siya, naisip ko na ang lahat ng ito.

I liked him so much then. My father would sometimes order him to be with me while he's busy and he would obey. He was always kind to me, back when we were kids.

Pero kalaunan, nang tumigil na ako sa pagbibisita sa azucarera at medyo hindi na kami nagkikita, pakiramdam ko nag-iba na siya. And when Aria transfered, he became more distant. Or maybe... because he only acted on my father's orders before. He never really considered me a friend.

"Iwan mo na 'yan diyan. Kanina ka pa hinahanap ni Aria. Uuwi na raw kayo."

"P-Pero... Ilalagay ko lang naman 'to sa safe na lugar-"

He sighed with an obvious irritation and pulled the box out of my hold. He licked his lower lips and put it back on the sink.

"Umuwi ka na," utos niya.

"Pero-"

"Ayos na 'yan dito. Umuwi ka na..." ulit niya.

"Oo nga, walang may pake diyan sa pusa mo. Baka pa side kick mong multo 'yan," sabay tawanan ng iilang naroon.

Binalingan ni Alvaro ang mga kasama. Pakiramdam ko pinamulahan ako sa init ng pisngi.

"Kinikilig, Alvaro oh. Namumula. Ikaw ang superhero niyan."

I gasped as Alvaro glanced at me. Mabilis akong tumakbo palayo sa tindi ng kahihiyang naramdaman! Hindi ko kakayanin iyon, lalo na na halata sa itsura ni Alvaro ang iritasyon sa panunukso sa aming dalawa.

Halfway to the gate, I stopped running to catch my breath. I cringed thinking about what just happened and Alvaro's reactions. He looked disgusted or... embarrassed. Siguro dahil sa guwapo niyang iyon, at sa daming nagkakandarapa sa kanya, ako lang ang tinutukso nilang pangit.

I looked back without thinking. At sa malayo, natanaw ko siya. Nasa bukana na ng gym at may kausap na babae. Hindi ko na makita ng maayos kung sino iyon pero may pakiramdam akong isa na naman iyon sa madalas na ma-link sa kanya.

He was always involved with the prettiest girls of their batch and the lower batches. Minsan din, sa mas higher batch nila. All of the girls who were linked to him were beautiful, mayaman man o hindi. Hindi naman ako nali-link sa kanya pero tuwing nariyan ako ay tinutukso siya sa akin at ginagawang katatawanan.

Lagi'y kitang-kita ko ang pagkapahiya niya tuwing nangyayari iyon. I bowed a bit and started walking towards the gate.

Nasulyapan ko ang iilang prutas ng Gmelina habang nakayukong naglalakad. Nagkalat iyon sa lupa ng school dahil sa bandang iyon, may hilera ng Gmelina trees. I secretly recalled my childhood, where one of our activities was to pick them up for him. Aniya'y ibebenta niya raw iyon. Gusto ko noong sumama sa pagbibenta niya. Tuwing nagkukuwento siya, parang ang saya. Lalo na dahil marami silang magkakaibigang ginagawa iyon. Pero hindi nga lang ako pinapayagan at hindi rin naman niya ako niyaya na sumama.

I sighed and smiled bitterly. Maybe even then, he was really embarrassed with me, huh?

Ang limang taong agwat naming dalawa, at ang dami ng nangyari, mas lalo lang lumayo ang loob ko sa kanya. But then after him, I never had a crush with anyone else. I never liked anyone else. Even with the parading rich and handsome boys of my batch and the batch next to us, I never liked anyone.

Gusto kong matawa. Paano ako magkakagusto sa iba kung pare-pareho ring pangit ang tungo nila sa akin. It was only Alvaro who treated me well. And now, I began to realize that maybe he really only treated me well because he needed to obey my father. At na kung hindi ako Valiente, baka pa ganoon lang din ang tungo niya sa akin?

"Saan ka ba galing?!" si Aria na sinalubong ako galing sa gate.

"Uh..." I smiled to hide my painful thoughts. "Iniwan ko lang ang kuting sa loob ng cam-"

"Wala akong pake sa kuting mo na 'yan! Umuwi na tayo! Nakakainis 'to!"

Tinikom ko ang bibig ko, hindi na ipinagpatuloy ang sasabihin dahil tinalikuran niya na ako. Tahimik na lang akong sumunod sa kanya. 

Continue Reading

You'll Also Like

345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
494K 18.8K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.9M 152K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...
1.2M 48.7K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.