S.I.A.T.T. Series Book 6: The...

By mimzee23

77.4K 3.4K 387

WARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T... More

Synopsis
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Special Chapter
A Letter of Appreciation

Chapter Two

2.5K 87 17
By mimzee23

"It's a cliche, but like all cliches, it's the truth. Your life can change overnight. Or in a moment." Ani Carrie sabay kibit balikat.

"I totally understand you." Sagot naman ng kaibigan niyang si Porsche.

Napagkwentuhan na naman kasi nila ang mga nangyari sa kanya nitong nakaraang taon. Nagbago bigla ang buhay niya isang araw at wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon.

One day she received a call from a hospital saying that her sister- Carina died while giving birth. She instantly flew to the USA to bring her newly born baby boy and her lifeless body back here in the Philippines.

Matagal silang hindi nagkita ng ate niya at hindi niya lubos maisip na sa ganoong pagkakataon sila muling magkikita. Isang malamig na bangkay na ito habang naiwan nito ang isang munting anghel.

Lumayas ito noon sa bahay nila at sumama sa nobyo nito. Naging pasaway ang kapatid niya magmula nang mamatay ang kanilang ama dahil sa atake sa puso. Silang mag-iina na lamang ang magkakasama ngunit napagod na ang kanilang mommy na paulit ulit itong pinagsasabihan kaya't hinayaan na lang nila ito na gawin ang gusto nito.

Ang huling naging pag-uusap nila ay noong sabihin nito na may bago na itong nobyo at isang mabuting lalaki daw iyon. Isasama daw ito sa Amerika at doon magsisimula ng bagong buhay.

At dahil galit pa rin ang mommy  nila rito ay pinagbawalan siya na makipag-usap sa kapatid, kung kaya't wala na silang naging anomang balita tungkol rito.

Isang araw ay nabalitaan niya mula sa malalayong kamag-anak nila na nasa States na mukhang maganda na daw ang buhay ng kapatid niya. Palagi daw itong nagpupunta sa iba't ibang bansa kasama ang nobyo nito na hindi nila pa rin alam ang pangalan.

Kaya nagulat siya nang walang nobyong naroon nang mamatay ang ate niya sa panganganak. Pinabayaan ng lalaking iyon ang kapatid niya habang pinagbubuntis pa nito ang pamangkin niya.

Masakit para sa kanya na ganoon ang naging kinahantungan ng buhay ng kapatid at lalo na ng batang naiwan nito. Pero nangako siya na aalagaan at mamahalin niya ang bata na parang tunay na niyang anak. At doon nga nagbago ang takbo ng buhay niya.

Nang maiuwi na niya ang pamangkin ay pinalaki nila ito kasama ng kanyang ina. Mahirap ngunit nakakayanan niya dahil kasama niya ang mommy niya. Ngunit isang taon lang ang nakalipas ay nagkasakit din ang ina at saka pumanaw.

Simula noon ay hindi na naging madali sakanya ang lahat. Mahirap magpalaki ng isang bata na mag-isa. Bigla siyang naging instant single mommy. Hindi naman din ganoon kalaki ang sinasahod niya bilang isang nurse kaya't may mga pagkakataon na napipilitan siyang mangutang lalo na kapag sa tuwing nagkakasakit pa ito.

Sa isang simpleng apartment lang siya nangungupahan dahil naibenta na nila ang dating bahay para maiuwi ang bangkay ng Ate niya. Pagkatapos ay may pinapasweldo pa siya na yaya dahil wala siyang pupwedeng pag-iwanan ng anak niya kapag pumapasok siya sa trabaho. Isa pa ay pinag-aaral na din niya ito sa isang pre-school na malapit sa bahay nila kaya't kayod kalabaw talaga siya upang kumita lang ng pera.

Her life turned around four years ago, but it turned more beautifully when her son, Crane came. She named him similarly after his father's name but uses her and her sister's first name letter- C.

Yes. Nalaman niya ang pangalan ng ama ni Crane dahil sa dog tag na nasa bag ng kanyang ate, kasama ang isang litrato nito. Sergeant Kramer Foster. Isang dating US marine corps na natanggal sa serbisyo at walang nakakaalam kung nasaan na ito.

Sa nakalipas na apat na taon ay pilit niyang hinahanap ang lalaking iyon upang singilin ito sa pagpapabayang ginawa nito sa kanyang kapatid. Nararapat lang na magbigay ito ng sustento dahil anak nito si Crane at gusto niya na maibigay rito ang dapat para rito.

Ngunit naging mailap sa kanya ang pagkakataon, at mukhang nagtatago na ang lalaking iyon dahil ayon sa binayaran niyang imbestigador sa US ay matagal nang walang balita kay Foster at wala na itong nagiging transaksyon sa nakalipas na apat na taon. Dalawa lang daw iyon, patay na ito o nagpalit na ng pangalan at namumuhay na sa ibang lugar.

Kaya kahit naiinis siya ay itinigil na niya ang paghahanap rito. Kung ayaw nitong magpakita sa anak niya ay wala na siyang paki-alam dahil gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang buhayin mag-isa ang bata.

"Kaya ikaw mag-isip isip ka nang mabuti kapag maisipan mong magka-nobyo dahil baka mabuntis ka ng walang sa oras. Hindi madaling magpalaki ng anak mag-isa." Payo niya sa kaibigan.

"Sino naman may sabi sayo na magkaka-boyfriend ako? Tsaka alam mo naman kung sino lang ang pinangarap ko noon pa noh? Kaya alam ko na, na tatanda akong dalaga dahil hindi naman siya magiging akin." Sabay halakhak nito.

Alam niya kung sino ang tinutukoy nito dahil wala silang sekreto sa isa't isa.

"Bakit ba kasi kay Doc Sungit ka nagkagusto eh? Ang dami naman dyan na iba na nagpapalipad hangin sayo pero di mo naman pinapansin. Tapos doon ka sa taong hindi ka rin pinapansin, at kung mapansin ka naman ay palagi kang sinusungitan."

"Atleast napapansin niya ako diba?" Sabay bungisngis. "Hindi ko rin alam pero bata pa ako nang maramdaman ko to para sa kanya. Kahit masungit yun ay alam kong mabuti ang puso niya. At kung hindi dahil sa pamilya niya ay hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral at makakapgtrabaho dito sa ospital nila." Nakangiting kwento nito.

Alam niya ang kwento ng buhay nito at alam niya na sobrang lalim talaga ang nararamdaman nito sa amo nilang si Dr. Sigfried Morris na siyang may-ari ng ospital na pinagtatrabahuan nila, ang Morris Hospital.

Naputol lang ang pagkukwentuhan nila nang marinig ang pangalan niya na sa speaker. She was being paged by Dr. Morris's secretary.

Paging nurse Carrera Iliana Arguelles, please proceed to Dr. Morris's office asap.

"Talagang buong pangalan ko pa ang ginamit noh?" Aniya habang naiiling.

"Eksaherada talaga yang si Sophie eh, alam mo na, nagpapapansin kay Doc Sungit." Sagot naman ni Portia na umiikot pa ang mata sa ere.

"Kaya nga, pwede naman na Nurse Carrie o yung last name ko na lang diba? Ngayon kilala na ako ng lahat ng tao dito sa ospital kahit mga pasyente. Buti na lang wala akong pinagtataguan kundi nabuking na ako." At saka siya tumawa.

"Naku bilisan mo na at baka mag-alburoto na naman yan si Doc Sungit. Mamaya eh magsungit pa yan sakin sa loob ng Operating Room. Ako pa naman ang naka-assign na mag-aassist sa kanya." Pagtutulak nito sa kanya.

Nasa Cafeteria kasi sila at nanananghalian. Mabuti na lang at nakakain na sila bago siya pinatawag. Nagmadali na siya sa pagliligpit at nag-ayos muna ng sarili bago hinarap ang kanilang amo.

"You were looking for me Doc?" Tanong niya pagkapasok sa opisina ng binata.

Gwapo ito at talaga namang halatang habulin ng mga babae. Ngunit simula nang magkaroon na siya ng anak ay hindi na niya naiisip pa ang mga ganoong klaseng bagay.

"Ms. Arguelles, you're aware of our incoming Charity ball next week right?" Tanong nito.

"Yes Doc. It will be held in Dynasty Hotel in San Francisco."

Tumatango-tango pa ito habang abala sa harapan ng computer nito.

"Good." Sabay tingin na sakanya. "Coz I'm sending you there as an additional representative from this branch. You will assist Dr. Co and Dr. Fernandez and the other head nurses. We are the host of this event and it's a must that we should come in full force, right? Kailangan makalikom tayo ng mga donation para maipagpatuloy pa natin ang mga advocacies ng ospital at nang masuportahan pa natin ang lumalaking bilang ng mga bata sa bahay-ampunan."

Ang Morris Orphanage ay itinayo ng mga magulang ng binata upang makatulong sa mga batang ulila. Inaalagaan, pinapakain at pinag-aaral ng libre ang lahat ng kabataan na napupunta rito. Kabilang na roon si Portia na naging dahilan upang mahalin nito ang boss nila.

"Ahmm Doc, bakit po ako ang napili niyo?" Tanong niya na may halong pagtataka. "Bakit hindi na lang po si Porsche?"

Ang binata naman ang kumunot ang noo.

"Nurse Adams?" Nakasimangot na ulit nito. "She's not yet eligible to join this kinds of affairs. Only employees who render more than five years of service can be chosen and that's you." At tumaas ang isang kilay nito. "Why? Aren't you interested?"

Napalunok muna siya bago sumagot. Masungit ito sa trabaho pero kapag nasa labas naman daw ito ay napaka-landi naman sa mga babae.

"Hindi naman po sa ganoon, Doc. Kaso may anak po ako na hindi ko maaaring iwanan."

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga kasama niya sa trabaho na may anak na siya. At isa iyon sa madalas niyang dinadahilan kapag may mga out of town silang seminar o di kaya training.

"Wala ka bang kamag-anak na pupwedeng pag-iwanan ng anak mo?" Tanong nito na inilingan niya. "Kaibigan?" Muli siyang umiling. "You can ask Nurse Adams to look after your kid for just five days." Suhesityon nito.

"But Doc-" she was cut off.

"Sayang ang additional compensation package na matatanggap mo. This trip is an all-expense paid plus, you will be given extra pocket money and an additional forty percent of your monthly salary will be added too. Magbibigay pa ako ng ten thousand na bonus kapag sumama ka." Pang-eenganyo nito.

Sa totoo lang ay kailangan nga niya ng pera dahil lumalaki na ang mga gastusin nilang mag-ina. Kailangan na din niyang maka-ipon para ikikuha niya ng educational plan ang anak niya. At mahirap tanggihan ang ganoong alok.

"Pocket money po, Doc?" Ulit niya na nginitian nito.

"Yup. It's in dollars. One thousand five hundred dollars pocket money for the nurses."

She calculated immediately inside her head and for only five days, she will have pocket money of more or less seventy-five thousand pesos. Plus the additional bonus of ten thousand and an additional forty percent of her salary, then she will have a hundred thousand at the end of this month. Not so bad.

"Shoot!" Sagot niya habang napapangiti.

Ngumiti naman din ang boss niya na kung naroon lang ang kaibigang si Portia ay paniguradong malalaglag ang panty nito dahil roon.

"Good. Just collaborate with the other nurses on what you need to do during the ball." Anito na pinapaalis na siya.

"Yes Doc. Thank you po sa pagpili sakin." At nag-bow pa siya bilang pasasalamat.

Kinausap na din niya agad ang kaibigang si Porsche upang maki-usap rito na doon muna ito matutulog sa bahay niya sa susunod na araw para bantayan ang anak niya. Pumayag naman ito kahit na naiinis dahil hindi ito napili gaya niya.

"Hello there, Baby Love." Pagkuha niya sa atensyon ng anak pagkauwi. Nanonood ito ng cartoons sa tv.

"Mommy!" Sigaw nito at kaagad tumakbo papunta sa kanya upang yakapin siya sa baywang.

Lumuhod naman siyang upang mas mayakap ito nang maayos.

"You're so sweet love." Aniya dahil pinupog siya nito ng halik sa mukha.

"I miss you, Mommy."

"I miss you too, Baby Love. How's school?" Tanong niya at saka binuhat na ito at iniupo sa tabi niya sa sofa.

"I got five stars, look." Tuwang tuwa nitong ipinakita ang kamay na may tatak ng mga stars.

"Wow. Ang talino talaga ng baby ko." At siya naman ang pumupog ng halik rito.

Nauwi sila sa kilitian at tawanan. Pagkatapos ay iniupo niya ito sa kanyang kandungan upang makausap ito tungkol sa pag-alis niya ng ilang araw.

"Baby Love, I want you to listen to Mommy okay?" Tumatango-tango namang sagot ng bata. "Mommy will be leaving for few days because of work."
Panimula niya. "I will have Tita Porsche to look after you, okay? So please behave and wait for me to come back, are we clear?"

Hindi kaagad ito sumagot na para bang tinatantiya siya nito.

"How long will you be gone, Mommy?" Malungkot nitong tanong.

"Just for five to six days. Depende kasi yun sa haba ng lipad ng airplane eh." Paliwanag niya.

"You'll be riding a plane?" Gulat nitong tanong na tinanguan niya habang nakangiti. "Can I come with you? I want to ride a plane too. I want to fly, mommy." At nagmakaaawa pa ito sa kanya. "Please, sama ako."

"I'm sorry Baby love but I can't. I will be busy at work at bawal ang mga kids dun." Hinaplos niya ang pisngi nito nang sumimangot na ito habang malapit nang umiyak. "Babawi na lang ang mommy sayo. I'll buy you some presents." Pag-alo niya. "And I promise that we'll fly together next time, is that okay?"

Umaliwalas naman ang mukha nito at sunod-sunod na tumango.

"I love you, mommy." At niyakap siya nito nang mahigpit na mahigpit.

"I love you more, Baby love. And I will do everything for you." She said and kissed his forehead.

Mahirap para sa kanya na malayo sa anak at ngayon lang niya iyon gagawin. Ngunit para rin sa kapakanan nito ang gagawin kaya't titiisin niya ang malayo rito panandalian.

Bumiyahe na siya papuntang Amerika kasama ang ilang mga kasamahan sa ospital. Naging abala ang lahat sa pag-aasikaso para sa Charity Ball. Lahat sila ay binigyan ng orientation para sa magiging papel nila sa gabing iyon, at isa siya sa tatao sa registration.

She wore a simple emerald green halter dress with some beaded crystals and appliqués. It hugs her curves and it looks sexy on her. It only costs her less than fifty bucks, but the way she carries it, it looks so expensive, like a made to order dress from a famous designer.

Kaya't hindi siya nakaligtas sa mga pahaging ng mga kasamahang doktor at sa iba pang mga kalalakihang bisita. Sanay na siya dahil may mga pasyente siyang makukulit at patuloy na nanliligaw sa kanya. May iba pa ngang bisita roon na handang magbigay ng malaking halaga na donasyon, basta't pumayag lang siyang lumabas kasama ito pagkatapos ng party.

Magalang naman niyang tinatanggihan ang mga alok na ganoon. At kahit kailangan niya na kumita ng malaking pera para sa anak ay hindi naman niya ibababa ang sarili nang ganoon dahil lamang roon. Kaya naman niyang magbanat ng buto para magkapera.

She examined every guests that are invited and she can say that most of them are a very influential people. Lots of them are billionaires and owns huge companies. And she's excited for the funds that Morris Hospital's gonna raise. Besides, all of these efforts are for the children in the orphanage.

She was busy assisting some guests in pointing at their assigned table when someone devilishly handsome caught her eyes. He was striding confidently towards her direction. His face was so serious and his aura looks kinda intimidating. She never knew that someone who looks so perfect and who looks like a god really exist in this world.

Napatulala na lang siya sa harapan ng binata habang napanganga pa ng bahagya. Ni hindi niya napansin kung tumutulo na ba ang laway niya basta't abala siya sa pagsuyod sa buong katawan nito.

His body was like perfectly sculptured by some great artist. Hard ripped muscles on the right places are visible in his suit. His lips are tightly closed like he hates smiling in crowd. And his jaw is clenched like he's in some sort of pain or whatever. But what makes her continuously drawn to him is the way his piercing blue eyes stares. It kinda penetrates through her soul.

Nang makalapit na ito nang husto at nakatayo na sa mismong harapan niya ay mas lalong kumabog ang kanyang dibdib. Ngunit tila may biglang humampas sa kanyang utak nang masilayan na ang mukha nito nang malapitan.

Shit, I know this guy! I fucking know him!

Untag ng kanyang utak habang patuloy niyang pinagmamasdan ito.

And when he gave his name- Sebastian Faustino, for the list of the invites, something insider has finally snapped. And then she uttered a word that surprises both of them and everyone around.

"Damn you!"

Continue Reading

You'll Also Like

72.8K 2.8K 28
WARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Many women are usually branded as the wome...
717 118 29
Catherine Averie Fausto is a caring and loving teacher to her students. But at a young age, she got married early. But what she thought was a happy w...
124K 2.6K 42
[LE FAVORI DESIRE SERIES 3] WARNING🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A story of Zachary and Ainaeco She's an ex-convict but he's inlove with her...
1.4K 67 10
Uzerrete Odelle Antique---what a fucking name. She is a skilled assasin hacker. Nagdesisyon siyang sumali sa Military dahil ayaw na niyang maging mah...