How to be your Boyfriend vol...

By JulieAnneHermogino

3.7K 45 37

Kung si Batman may Joker at Bane, Si Mara may Clara, Si Popeye may Brutos, Ang Ateneo blue eagles, may De La... More

Chapter 1 In the Line
Chapter 2 Tired of being Alone
Chapter 3 The Heartbreak Kid
Chapter 4 The Big Brawl
Chapter 5 The Initiation
Chapter 6 Queen of Omelet
Chapter 7 Our First Date... Almost but not quite
Chapter 8 The Detention
Chapter 9 Electric Shock
Chapter 10 How to Survive a Worst Date
Chapter 11 Jaymee's Alarming Story
Chapter 12 Forgive and Forget
Chapter 13 Box of Chocolates
Chapter 14 Meet the Parents
Chapter 15 Rainy Days and Mondays
Chapter 16 Bang! Bang!
Chapter 17 In Ten Seconds
Chapter 18 The Gossip
Chapter 19 Movie Marathon
Chapter 21 Sembreak
Chapter 22 The Beach
Chapter 23 Training Day
Chapter 24 The Alcoholic
Chapter 25 The Harassment
Chapter 26 Getting to Know You
Chapter 27 Stars
Chapter 28 The Winner
Chapter 29: Something to Reveal
Chapter 30 The Truth
Chapter 31 The Consequences
Chapter 32 Reality Bites
Chapter 33 The Voodoos and the Laundry
Chapter 34 Impending Doom
Chapter 35 Silence of the Lambs
Chapter 36 Archaelogical Facts
Chapter 37 The F word on V Day
Chapter 38 The Deposition
Chapter 39 Teamwork
Chapter 40 The Graduate
The Girlfriend
Author's Note
How to be your Boyfriend vol. 2
Chapter 1 Empire State of Mind
Chapter 2 Gangs of New York
Chapter 3 The Notebook
Chapter 4 The Spot
Chapter 5 The Second Time Around
Author's Note

Chapter 20 Sweet Escape

70 2 1
By JulieAnneHermogino

Soundtrack for this Chapter: Brighter Than Sunshine by Aqualung (click multimedia to listen)

After the legendary kiss, hindi sa akin nagpakita si Portia buong maghapon dahilan para tamaan ako na Portiacocccemia, isang virus na kumapit sa akin matapos ang isang makasaysayang halik.

Itinuon ko ang aking pansin sa paghahanda ng holloween party. Si Jacob ang punong abala sa event. Pagdating ko sa gym, nagmistulang hunted house ang lugar dahil sa mga spider webs, mga pumpkins, mga dugo, at mga mukhang aswang na nilalang.

Habang inaayos ko ang mesa at ang mga upuan, biglang laking gulat ko nang bumukas ang kabaong at nagulat sa pagsigaw ni Wency na nagtatago sa loob nito.

“Pusang-may-kuyukot!” sigaw ko.

“Ha-ha-ha! Lalaki ka nga tol! Di ka tumili eh!” tawa ni Wency sabay binigyan ko ng pektus.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung anong costume ko sa party. Edward Cullen na lang ang pinakamadali. Magsusuot lang ako ng leather jacket, viola, pwede na yun.

“Conrad?” lumapit sa akin si Sandra. “Alam ko naman na napatawad mo na ako sa ginawa ko pero sana wag mo naman akong dedmahin.”

“Hindi naman kita denededma eh. Busy lang talaga sa mga gawain.”

She extended her arms to offer a hand.

“Can we at least be friends?”

“Ofcourse!” I shook her hands.

Hindi naman siguro masama kung friends kami. Kalimutan na lang ang nangyare and restart.

Naghahanda na kami ni Dominic sa party. Ang costume niya ay si Edward Cullen, ang baklang pambira.

“Actually Con, this is Edward Cullen and Bella Swan in one!”

Kalahati ng buhok niya mahaba at yung kalahati si panlalaking buhok.

“Di ba pwedeng ikaw na lang si Bella, ako na lang si Edward? Wala na akong maisip na costume.”

“Ikaw na lang si Jacob!”

“Anong costume nun?”

“Uhmm, mahabang buhok, kasi sa Twilight first series, mahaba ang buhok niya dun, nung nag-Eclipse, shirtless na siya. Mamili ka sa dalawa?”

Ayoko naman mag-wig ayoko ding mag-shirtless. Conservative ako.

“Wag na lang kaya ako pumunta! Wala akong costume eh.”

“Hindi pwede! Kailangan mong pumunta!”

“Sabi ko sayo di ba? Ako na lang si Edward!”

“Okey, sige, Bella Swan na lang ang peg ko tapos ikaw na lang si Harry Pottter!”

Kaya ang ginawa ni Dominic matapos ang ilang oras ng diskusyon tungkol sa holloween costume, nakapagdesisyon siya na siya na lang si Bella at ako si Harry Potter.

Linagyan niya ng letter N angnoo ko, tapos pinasuot sa akin ang isang black cape, bingyan ako ng stick, tapos nagsuot ng glasses. Samantalang siya, naka checkered polo, naka skinny jeans at naka wig.

Kami ang The Harry Potter and his Twilght friends. Si Harry at si Bella ang magkadate.

Sa party, samu’t sari ang nagcostume. Yung iba todo effort talaga sa costume nila.

“Pare!” may tumawag sa akin pero hindi ko makilala kung sino dahil sa helmet.

Lumapit ang power rangers sa akin. Malamang sila Deo ito. Naghubad ng helmet si power rangers red, at si Jaymee ang naka red. Sino kaya sa kanila si Pink? Nagsihubad ng helmet ang apat na power rangers, at si Wency ang naka pink.

“Ang init ng helmet!” reklamo ni Fred.

 “Ang inet nitong power rangers outfit.” Reklamo din ni Wency.

“Eh sino naman kasing nakaisip niyan?” tanong ko.

“Si Jaymee!”

Umalis si Alex at si Fred, samantalang nagsayaw naman sa dancefloor sina Jaymee at Deo. Nakalimutan kong tanungin si Jaymee tungkol kay Portia, pupunta ba siya ngayon?

“Pare, ang ganda talaga ni Sandra noh?” sabi ni Wency.

Tumingin kami kay Sandra habang nakikipag-usap sa isang babae at nakacostume siya ng diwata.

“Alam mo bang may gusto sayo yan!” sabi niya. “Pahiram nga ng mukha mo nang madiskartehan na yan!”

“Lakad kita pare.”

“Wag na! Magugustuhan ba ako niyan!”

“Bakit hindi?”

“Wag na pare!” iniwan niya akong mag-isang nakatayo habang tinatanaw ko ang entrance ng gym pero walang kaluluwa ni Portia ang nagpadaramdam.

Lumapit sa akin ang diwatang si Sandra.

“Mr. Potter, sayaw naman tayo!” yaya niya.

Nagsayaw kami ni Sandra, pinagbigyan ko na dahil kawawa naman.

“Sandra, hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend?”  tanong ko sa kanya.

“Bakit mo tinatanong?.. Wala, for the past few years, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko.”

“Oh come on!”

Natawa lang siya.

“May irereto ako sayo, si Wency, may lihim na pagtingin kasi yan sayo! Why don’t you let go of yourself and mingle since you’re single? Maraming nagkakagusto sayo pero hindi mo sila pinapansin kasi sakin mo binibigay ang atensyon mo!”

“Kaya nga kapag hindi ako nakapagasawa ikaw ang may kasalanan!”

“Bakit ako?”

“Kasi nagpapapansin na ako’t lahat lahat, hindi mo pa rin ako napapansin!”

“We are better off as friends.”

“Yah! Mas bagay nga tayo as friends!” tumigil siya sa pagsasayaw. “Sige, Con, magC-CR lang muna ako.”

Tumalikod siya at iniwan ako.

Hinahanap ko si Portia sa buong gym, malay ko ba, baka nakcostume siya. Hindi ko makausap sila Dominic at Jaymee dahil sa lakas ng music at napapaligiran ako ng mga aswang.

Lumabas ako ng gym dahil hindi ko makayanan ang sikip at lakas ng music. Paglabas ko, nakita ko si Portia sa may gilid na mag-isang nakaupo. Nakacostume siya as Wednesday Adam.

“Hi Wednesday!”

Siguro dahil sa costume, nadala siya ng emosyon at tinitigan niya ako ng masama.

Wednesday Adam is known as a cold hearted at hindi palangiti na babae. Baka, it’s part of the character.

Tumayo siya at hindi nagsalitang tumalikod at lumakad palayo, I chased her.

Ano na naman ang pinoproblema niya? Kahapon, may kiss pang nalalaman tapos ngayon tinitigan ako ng masama at magwo-walk out? Katok talaga toh!

“Hoy! Babae!... Ano na naman ang drama mo?”

Naglalakad siya habang nakasunod lang ako sa likod.

“Gusto ko ng umuwi! Wag mo akong sundan!”

“Sige! Bahala ka! May mga baliw na gumagala dito sa ganitong oras!”

“Ikaw yun Conrad.”

Naglalakad pa rin siya at tumigil na ako sa paghabol ng biglang tumakbo siya papunta sa akin ng makakita ng lalaking walang pang-itaas at walang zipper ang shorts. Halos kita na ang kagubatan sa kanyang ibaba at hindi naman makita ang malaking punong kahoy dahil madilim at putikan ito.

“Takot ka? Kasi naman!”

Nagpalipas kami ng gabi sa may abandonadong public playground malapit sa school. Kumakain ako ng popsicle habang nakaupo sa see saw at naka upo naman siya sa may swing.

“Kung isa kang superhero, sino ka?” tanong ko sa kanya.

“Yung superhero na magliligtas kay Mother Earth!”

“As usual! Bakit pa kita tinanong eh alam ko naman ang sasagutin mo!”

“Halos lahat naman ng superhero nililigtas ang sambayanan di ba? Wala bang superhero na nagliligtas sa mga puno?”

Bakit ko pa kasi naitanong toh eh! Si mother earth na naman ang mapaguusapan namin. Ang gusto kong pagusapan naming dalawa ay yung nagyare kagabi. Yung halik. Kung anong klaseng relasyon meron kami kasi for sure hindi ito kinda friends na lang, were not even special friends,.. we are lovers.

“Let’s play a truthful game. Magtatanong ako sayo tapos yung katotohanan lang ang sasabihin mo at ako rin ang judge kung kapanipaniwala o hindi ang sagot mo.”

“I don’t want to play games!”

“For fun lang! Umpisahan ko ah, spoiled brat ka ba?”

“Yes! Binibigay sa akin ni Papa lahat ng hilingin ko.”

“Halata naman eh! .. Meron ka bang girl crush?”

“Girl crush? Yah! Si Ana Fortuna. IE freshman. But that doesn’t mean tomboy ako ah. Nagagandahan lang ako sa kanya.”

“Iniyakan mo ba si Dominic ng isang linggo?”

“Ah.. no, isang araw lang. I don’t waste my precious tears on a guy who broke my heart.”

“Kahit kalian ba sinumpa mo ako?”

 “Lagi kaya kitang sinusumpa, na sana madapa ka tapos tumama ang mukha mo sa semento o kaya sa may pako tapos mabutas yung mukha mo!”

“Ang sama ng ugali!”

“I’m telling you the truth! Di ba yun ang laro natin?”

“Nung una mo akong makilala, nung pinakilala ka sa akin ni Jaymee, what did you think of me.”

“Akala ko ikaw yung boyfriend ni Jaymee na mukhang tangang may tissue ang butas ng ilong. Sabi ko, sino naman tong mukhang ulol na kasama ni Jaymee na kulang na lang kabaong pwede ng ilibing eh!”

Natawa siya remembering the first time we ever met.

“Eh sira ka pala eh, ikaw kaya may kasalanan nun! Sumubsub yung ilong ko sa sahig tapos hindi ka man lang nag-sorry!”

Nang-aasar pa ang tawa niya.

“Alam mo kasi nung una kitang nakita, nung binuggo mo ako sa tapat ng gate, bumulong sa akin si kupido at sinabing ikaw daw ang babaeng magnanakaw ng aking puso.”

“Yuck! Ang corny mo!”

“Eh nung sinabi sayo ni Sandra na nakita niya kaming naghahalikan ‘daw’ ni Dominic, bakit mo siya pinapalayas sa bahay?”

Tiningnan niya ako sa mata.

“Dahil nagseselos ako!”

“At bakit ka nagseselos?”

“Dahil gusto kita!”

“At bakit mo ako hinalikan kagabi?”

“Kasi gusto ko!”

“Ano tayo ngayon?”

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa aking mga mata.

Kumkislap ang mga mata niya at parang nagungusap at sinasabi nitong gusto ko maging tayo…

Tayo!

Lumapit ako sa kanya, my eyes are steadied on her, hinila ko ang braso niya at napatayo siya mula sa pagkakaupo sa swing at dahan dahang sinalo ng aking katawan ang payat niyang katawan.

The stars are shining brightly and the only light that lights our way was the moon above us.

Two bodies, resting at each other, the only sound we hear are our heartbeats.

“I love you” I whispered.

“I love you too…” she whispered back.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...