How to be your Boyfriend vol...

By JulieAnneHermogino

3.7K 45 37

Kung si Batman may Joker at Bane, Si Mara may Clara, Si Popeye may Brutos, Ang Ateneo blue eagles, may De La... More

Chapter 1 In the Line
Chapter 2 Tired of being Alone
Chapter 3 The Heartbreak Kid
Chapter 4 The Big Brawl
Chapter 5 The Initiation
Chapter 6 Queen of Omelet
Chapter 7 Our First Date... Almost but not quite
Chapter 8 The Detention
Chapter 9 Electric Shock
Chapter 10 How to Survive a Worst Date
Chapter 11 Jaymee's Alarming Story
Chapter 12 Forgive and Forget
Chapter 13 Box of Chocolates
Chapter 14 Meet the Parents
Chapter 15 Rainy Days and Mondays
Chapter 17 In Ten Seconds
Chapter 18 The Gossip
Chapter 19 Movie Marathon
Chapter 20 Sweet Escape
Chapter 21 Sembreak
Chapter 22 The Beach
Chapter 23 Training Day
Chapter 24 The Alcoholic
Chapter 25 The Harassment
Chapter 26 Getting to Know You
Chapter 27 Stars
Chapter 28 The Winner
Chapter 29: Something to Reveal
Chapter 30 The Truth
Chapter 31 The Consequences
Chapter 32 Reality Bites
Chapter 33 The Voodoos and the Laundry
Chapter 34 Impending Doom
Chapter 35 Silence of the Lambs
Chapter 36 Archaelogical Facts
Chapter 37 The F word on V Day
Chapter 38 The Deposition
Chapter 39 Teamwork
Chapter 40 The Graduate
The Girlfriend
Author's Note
How to be your Boyfriend vol. 2
Chapter 1 Empire State of Mind
Chapter 2 Gangs of New York
Chapter 3 The Notebook
Chapter 4 The Spot
Chapter 5 The Second Time Around
Author's Note

Chapter 16 Bang! Bang!

58 1 1
By JulieAnneHermogino

Soundtrack for this Chapter: Bang Bang by Nancy Sinatra (Click multimedia to listen)

Natapos na si Portia sa paglilinis, paglalaba ng malilinis na damit at mga bed covers at pillow cases kaya kumportable na siyang nakahilata sa kama.

“Nagugutom na ako.” Sabi niya.

“Sige kumain ka na dun sa kitchen. Tatapusin ko lang toh.”

“May pagkain ba sa kitchen?”

“Oo, may canned goods, my noodles. Bubuksan ko na yung delata para sayo.”

“Alam mong hindi ako kumakain ng canned goods at mga preservatives.”

“Eh ito lang ang pagkain dito eh. Baka pwede ka namang kumain ng may preservatives kahit ngayon lang. Hindi naman yata magagalit si Mother earth.”

“Baka magkaroon ng bacteria…”

“Bacteria pa rin! Bacteria na naman!”

“Mamaya hindi sanay ang tyan ko dyan magka-indigestion ako at magkaroon pa ako ng bulate sa tyan!”

“Ayaw mo nun, may pet ka!”

“Baka merong gulay sa ref!”

“Di ba nilinis mo yan? May nakita kang gulay di ba wala?”

“Ikaw kasi ang hilig hilig mo sa instant food na maraming preservatives. Why don’t you start eating healthy?”

“Okey, I’ll start eating healthy. As of now, ito yung last day na kakain ako ng canned goods. Kaya ito muna ang kakainin natin.”

“Ayoko nga! Sa tingin mo mabubusog ako diyan.”

I rolled my eyes while opening the fridge.

“Oh ito!” binigay ko sa kanya ang kamatis. “Gulay yan!”

“Kamatis is not a gulay it is a fruit!”

“Whatever! At least organic!” Naghanap pa ako sa ref at pawang oregano at gumamela lang ang laman. “Oh ito, oregano at gumamela, siguro naman mabubusog ka na niyan!”

“Gumamela? Pakakainin mo ako ng gumamela?”

Nakakainis na rin ang pagiging spoiled brat niya at OA na vegetarian.

“Eh anong gusto mong gawin ko? Lumusong sa baha para bilhan ka ng gulay? Malakas ang ulan, baha pa rin, may pagkain naman sa kitchen kaya kainin mo na lang muna kung anong meron.”

“Nilinis ko ang bahay mo at naglaba pa ako!”

“I didn’t tell you to do that!”

Pero paano mo matitiis ang babaeng mukhang kawawang puppy.

“Fine!”

Binilhan ko siya ng salad at vegetable sandwhich. Yan ang mahirap sa vegetarian, hindi mo mabibilhan ng fastfood.

Natapos ang hapunan at siya na ang nagpresentang maghugas ng pinagkainan namin.

“May mainit kang tubig?” tanong niya.

“Bakit magkakape ka?”

“Sterilize ko yung pinggan at saka kutsara.”

Pagkatapos niyang maghugas hindi pa siya nakuntento at inutusan pa akong magtapon ng basura sa gitna ng malakas na ulan at baha.

“Hindi ka pa matutulog?” tanong niya sakin habang nakahiga siya sa kama.

Para kaming mga-asawa. Ahihihi.

“Hindi pa, magdodota pa ako. Bakit, gusto mo matulog na tayo?” tumingin ako sa kanya at bigla siyang nagulat.

“Hoy! Oras na may gawin kang masama sa akin, ihahampas ko tong vacuum sayo!” yakap yakap niya ang vacuum.

“Bakit? Anong iniisip mo? Tinatanong lang kita kung gusto mong matulog na rin ako, anong masama dun? Anong inaassume mo diyan? Praning na best friend ni mother earth!”

“Wag kang lalapit sakin ah! Dyan ka sa carpet matulog!”

“Kung makapagsalita ka parang sayo yung bahay eh!”

Lumipas ang ilang oras at malakas pa rin ang ulan sa labas. Tumahimik na si Portia.

“Anong oras darating si Dominic?” bigla niyang naitanong.

“Akala ko tulog ka na. Hindi ko alam eh, low bat phone ko. Hindi ko siya matext.”

“Hindi ako makatulog, namamahay ata ako.”

Tinigilan ko muna ang paglalaro ng Dota at tiningnan siya.

“Gusto mo mag-internet?”

“Ayoko. Inaantok na ako, pero hindi ako makatulog.”

“Tanong ko lang sayo, nung bata ka, pag nagbi-birthday ka, anong hinahanda mo?”

“Ang party ko nung bata pa ako ay tree planting tapos ang pagkain ay strictly vegetables and fruits.”

“May pumupunta namang mga bata?”

“Ofcourse!”

“O baka naman ang mga friends mo nun vegetarian din.”

“Some of them.”

“Ang ibig mong sabihin, hindi ka pa nakakakain ng burger ever?”

“Yes.”

“Ang boring naman ng buhay mo! But will you try to eat burger or chicken someday?”

“Lumaki ako na hindi kumakain ng hayop and mas sanay ang tyan ko ng vegetables. The thing about burgers, yung pattie galing sila sa karne ng baka di ba? Hindi mo ba naiisip kung paano pahirapan ang mga baka para lang magkaroon ng burger! Paano kung ikaw yung baka anong mafi-feel mo?”

“Why would you think of that? Ang hayop kumakain din naman sila ng kapwa nila hayop eh. It’s a cycle of life. Di ba sa food chain, plants ang composer, ang hayop at tao ang consumer at pagnamatay tayo kakainin tayo ng fungi. Ganun lang naman yun eh.”

“Hindi ka ba nagiguilty na ang mga hayop, parang tayo, may isip, may puso, tapos kinakain natin?”

“We have to, that’s how we live.”

“But we can eat vegetables instead of animals! Dumarami na ang tao sa mundo at habang dumarami ang tao, kumukonti na ang mga hayop dahil pinapatay ng tao. Eh sa next generation, ano na lang ang matitira sa kanila kung wala nang hayop?”

“Eh di vegetables!”

“Bata pa lang ako, itinuro na sakin nila mama na pahalagahan ang mga bagay sa mundo dahil pahiram lang ito satin. Kumbaga parang pinalalaro lang tayo ni Lord sa isang playground, kaya dapat wag tayong manira ng gamit sa playground dahil hindi naman yun atin. Kaya on my first birthday, regalo nila sakin yung mga rosas at yung malaking puno sa garden. Nung 7th birthday ko, gusto ko sana ng dolphin kaso ang sabi ni papa, hindi pwedeng maging pet ang dolphin dahil nabubuhay lang sila sa ocean or sea kaya binilhan na lang nila ako ng figurines.”

“Eh sa debut mo?”

“Hindi ko alam. Siguro 3 wishes na lang.”

“What are your wishes?”

“Una sa lahat world peace, sunod sana magtanim ng maraming puno ang mga tao and third….” Napaisip siya sa huling kahilingan. “ Bigger boobs!”

“Ha-ha…kala ko bigger vacuum!”

“What are your 3 wishes? Kailangan my world peace at tulong kay mother earth! Isa na lang ang wish mo!”

“Ako ang may 3 wishes inangkin mo pa yung dalawa! Uhmm…”

Napaisip din ako sa nag-iisa kong wish. Kung mag wish ba ako, magkakatotoo ba? Kasi iisa lang ang hiling ko ngayon, maging girlfriend kita… OA na germophobe!

“Ano?” tanong niya.

“Uhmm… Bigger boobs!” ngiti ko sa kanya.

At biglang nag brown out.

Madilim ang kapaligiran at halos wala akong makita.

“Conrad?.... Nasaan ka?” tanong ni Portia.

Hindi ko siya iniimik dahil kinakapa kappa ko ang table ko para maghanap ng flashlight.

“Con-Rad!” sigaw niya.

“Nandito lang ako!”

Inilawan niya ako gamit ang cellphone niya.

“Lumapit ka dito!”

“Teka!”

“Lumapit ka na! Dito ka sa tabi ko!”

Sa tabi niya? Sinabi niya ba yun o isang imahinsayon ko ang naririnig ko? Totoo bang nangyayare toh?

“Conn-rrad!” tawag niya ulit. “Halika na dito! Takot ako sa dilim!”

“Akala ko ba hindi ako pwedeng lumapit sayo?”

 “ISA!”

“Andiyan na nga eh.”

Lumapit ako sa kanya at humiga sa kama, ang tanging hadlang na lang sa aming dalawa ang malambot na unan. Dati ang kalsada, tapos yung dalawang kutong lupa na si Jaymee at Dominic. Isang kembot na lang toh, walang wala ng hahadlang sa aming dalawa at magiging akin ang tunay na akin.

Ginagamit niya ang cellphone niya na ang tanging naiilawan ay ang mukha niyang maganda kahit brownout. Mula sa kinahihigaan ko, kitang kita ko ang magaganda niyang mata na hugis almond, ang cute at matangos niyang ilong, at ang lips niyang maliit.

Habang pinagpapantasyahan ko ang pagmumukha niya, nadistract ako sa pinatugtog niyang kanta mula sa kanyang phone.

Intro pa lang ng gitara, tumaas na ang balahibo ko. It’s the creepiest intro na hindi mo maintindihan kung requiem dahil tunog pampatay. Sinamahan pa ng lyrics na..

I was five and he was six

We rode on horses made of sticks

He wore black and I wore white

He would always win the fight

Bang bang, he shot me down

Bang bang, I hit the ground

Bang bang, that awful sound

Bang bang, my baby shot me down

The voice of the singer was even creepier. Very cold na sinabayan mo pa ng lyrics na bang bang. Mas natakot ako dahil sa kadiliman ng kwarto, iyon lang na kanta ang naririnig ko.

“Patayin mo na nga yan!” utos ko kay Portia.

“Pampatulog ko toh eh.”

“Nakakatakot naman yung lyrics, yung boses pati yung … yung buong kanta mismo!”

“This song is from Kill Bill, my favorite movie.”

Kill Bill, isang movie na napaka bayolente. Patayan at pugutan ng ulo? Favorite movie?

Kung anu-anong pumasok sa utak ko, impact nung creepy na kanta.

Paano kung tapyasan na lang ako ng ulo bigla nitong katabi ko? Paano kung bukas patay na ako?

Habang paulit-ulit ang Bang bang,he shot me down… sa utak ko, nagsara na ang aking mga mata.

Nagpa-meeting ang leader ng gangster sa isang opisina. May alalay na isang Japanese na babae na nakasuot ng uniform at nakatayo sa kanyang likod habang siya’y nagsasalita sa mga myembro ng gang.

Tahimik na nakikinig ang mga lalaki sa kanya habang nagsasalita siya tungkol sa anti-bacterial detergent soap samantalang nayayamot akong pakinggan ang mga sinasabi niya.

“99.9% nakakatanggal ng bacteria ang anti-bacterial detergent kaysa sa common na sabong panlaba kaya yun lang ang kailangan niyong gamitin.”

“Tama! Yun talaga dapat ang gamitin natin!” sabi ng isang gangster.

“Napakagaling talaga ng ating leader! Mabuhay si Portia-san!” sabi ng iba habang itinataas ang isang baso ng beer.

Gustong gusto naman ni Portia ang feeling ng pagiging leader ng gang.

Napansin ako ng isang lalaki na nayayamot at hindi masaya sa meeting na nagaganap.

“Anong problema mo Conrad-san? Hindi ka ba masaya sa sinabi ng ating leader na si Portia-san?”

“What’s the point? Anti-detergent soap at common na sabon parehas lang naman iyon!” sigaw ko sa kanila.

“Conrad-san! Hindi mo na ginalang ang ating leader!” sigaw ng isa.

“Eh totoo naman eh! Kahit anong sabon basta sabon, okey na yun! Ang dami pa kasing kaartehan!”

Kinuha ni Portia-san ang samurai at umakyat sa mesa para lapitan ako at biglang pinutol ang aking ulo. Naging fountain ng dugo ang leeg ko habang hawak hawak niya ang ulong pugot na ikinatakot ng ibang miyembro.

Kahit pugot na ang ulo ko, naririnig ko pa rin sila.

“Una sa lahat, ayoko na matigas ang ulo dito sa ating samahan. Gusto ko ang anti-bacterial soap at ayoko sa lahat, nagsasalita kayo o nakikipag argue kayo sa akin tungkol sa common na sabon at anti-bacterial.” Mahinahon niyang sinabi.

 “IF ANY OF YOU SONS OF BITCHES HAS ANYTHING TO SAY TO ME…NOW’S THE FUCKING TIME!” sigaw niya at ibinato ang aking pugot na ulo. “I don’t think so!”

Biglang bumukas ang aking mga mata at hindi makahinga dahil sa pagpatong ng braso ni Portia sa lalamunan ko. Inalis ko ang braso niya at kinapa ang leeg ko.

Nandito pa ba ang ulo ko? Panaginip lang ba yun?

Nagliwanag ang kapaligiran dahil nagkaroon na ng kuryente at tiningnan ko si Portia. Hindi naman niya magagawa yun pero what if meron siyang samurai sa bag niya? May dala dala nga siyang vacuum eh, samurai pa kaya!

Nahawa na ako ng pagkapraning niya.

Tumayo ako para bunutin sa saksak ang computer. Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig.

Tiningnan ko sa labas ng bintana, wala ng ulan at baha ngunit nag-iwan ito ng baha. Halos alas 4 na ng madaling araw at wala pa rin si Dominic. Chinarge ko ang cellphone ko at ng magkabuhay, tinext ko siya kung uuwi siya. Nagreply siya kaagad at sinabing baka umaga na siya makauwi.

Umupo ako sa carpet at tinitingnan ang spoiled brat na mahimbing na natutulog sa kama. Kung isa-summarize lahat ng nangyari ngayong araw, wala kaming ginawa kundi pagawayan ang sabon at si mother earth.

Nakakainis dahil ang arte niya and we’re definitely opposite pagdating sa maraming bagay. But it’s nice to argue with somebody who has her own perception. If you think about it, parang isang non sense na debate but I’d like somebody who I can talk and argue about those non sense things in the world. Kahit papaano, may sense naman siyang kausap.

“Conrad!”

Tawag ng isang babae habang niyuyogyog ako.

“Uhmmm…”

Nakatulog pala ako nang nakaupo kaya nang magising ako, umakyat ako sa kama at nahiga habang nagpapatuyo ng buhok niya ang kakatatapos lang maligo na si Portia.

“May pasok ba? Wala na bang baha?” sunod sunod niyang tanong.

“Hindi ko alam, tanong m okay mother earth.” Sabay yakap sa unan at bumalik sa pagtulog.

Maya maya’t pa ay dumating si Dominic.

“Port? Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.

“Dito ako natulog.”

“Pagod na pagod ako! Hindi ako nakauwi dahil sa baha. Puyat pa ako!” naghubad siya ng sapatos at humiga sa sofa. “Kailangan ko nang beauty rest!”

“Hindi k aba muna maliligo?” tanong ni Portia.

“Antok na antok na ako!”

“Sige na beybie, matulog ka na. Ayokong napapagod ka!” sabi ko sa kanya.

“Good night beybie!” sabay ngiti sa akin.

Lumipas ang ilang minute, humihilik na si Dominic at tinatamad pa rin akong gumising habang hindi ko alam ang ginagawa ni Portia.

Kinalabit niya ako at bumulong na uuwi na siya.

“Kailangan ko ng umuwi. Yung project ko dalhin mo bukas…” bulong niya.

Hanggang sa pinto na dahan dahan niyang binuksan, nakatingin ako sa kanya at ng Makita niya ako, itinaas niya ang kamao niya, pahiwatig na kapag hindi ko dinala ang drawing niya patay ako sa kanya. Tapos bigla siyang ngumiti. Ngiti ng isang anghel at kumaway sa akin habang dahan dahan niyang isinara ang pinto.

Sa kilig ko, yinakap ko ng mahigpit ang unan at gumulong gulong na parang 16 years old sa kama. Then, I fell…….

I fell on the floor.

*Inspired by Kill Bill Vol. 1

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...