How to be your Boyfriend vol...

By JulieAnneHermogino

3.7K 45 37

Kung si Batman may Joker at Bane, Si Mara may Clara, Si Popeye may Brutos, Ang Ateneo blue eagles, may De La... More

Chapter 1 In the Line
Chapter 2 Tired of being Alone
Chapter 3 The Heartbreak Kid
Chapter 4 The Big Brawl
Chapter 5 The Initiation
Chapter 6 Queen of Omelet
Chapter 7 Our First Date... Almost but not quite
Chapter 8 The Detention
Chapter 9 Electric Shock
Chapter 10 How to Survive a Worst Date
Chapter 11 Jaymee's Alarming Story
Chapter 12 Forgive and Forget
Chapter 13 Box of Chocolates
Chapter 14 Meet the Parents
Chapter 16 Bang! Bang!
Chapter 17 In Ten Seconds
Chapter 18 The Gossip
Chapter 19 Movie Marathon
Chapter 20 Sweet Escape
Chapter 21 Sembreak
Chapter 22 The Beach
Chapter 23 Training Day
Chapter 24 The Alcoholic
Chapter 25 The Harassment
Chapter 26 Getting to Know You
Chapter 27 Stars
Chapter 28 The Winner
Chapter 29: Something to Reveal
Chapter 30 The Truth
Chapter 31 The Consequences
Chapter 32 Reality Bites
Chapter 33 The Voodoos and the Laundry
Chapter 34 Impending Doom
Chapter 35 Silence of the Lambs
Chapter 36 Archaelogical Facts
Chapter 37 The F word on V Day
Chapter 38 The Deposition
Chapter 39 Teamwork
Chapter 40 The Graduate
The Girlfriend
Author's Note
How to be your Boyfriend vol. 2
Chapter 1 Empire State of Mind
Chapter 2 Gangs of New York
Chapter 3 The Notebook
Chapter 4 The Spot
Chapter 5 The Second Time Around
Author's Note

Chapter 15 Rainy Days and Mondays

68 2 0
By JulieAnneHermogino

Soundtrack for this chapter: You and Me by Penny and the Quarters (click multimedia to listen)

May apat na unggoy ang nakaupo sa ilalim ng mangga. Ang kanilang mga pangalan ay, Wency, Alex, Fred at Deo. Sila ang aking mga pet na tinuturuan ko ng Implicit Function Theorem sa Differential Calculus.

Explain ako ng explain, halos mawala na ang boses ko sa kakasalita pero mukha akong tanga dahil wala namang nakikinig sakin.

May kanya kanyang kabulastugang ginagawa ang mga unggoy. Si Alex, sarap na sarap niyang kinukulangutan ang ilong niya. Si Fred, naglalaro sa iphone niya. Si Wency, mahimbing at nakangangang natutulog. At si Deo, ay nagvavandal sa puno, FLAMES.

“Puta! Hindi naman kayo nakikinig!”

Nagulat sila sa sigaw ko pero si Wency na natutulog, ang tanging walang malay nang sumigaw ako.

“Eh kasi naman pare, kahit anong klaseng explain mo samin niyan, hindi namin yan maiintindihan kaya para hindi ka na mahirapan, gawin mo na lang yung homework namin.” Sabi ni Alex habang nagpupunas ng daliri niyang pinan-dial, sa damit nang walang kaalam alam na si Fred.

“Eh kung sipain kita sa dibdidb para ikaw ang mahirapang huminga!”

Wala pa rin sa kamalayan si Wency.

“Patay na yata yan!” sabi ni Fred.

Kumuha ako ng maliit na bato at shinoot sa bunganga niya.

“Pare, natamaan mo sa tonsils!” sabi ni Alex.

At nagising din ang ungas.

“Anong nangyare?” naalimpungatan na tanong ni Wency.

“Wala naman pare, kinukuha na kasi ni Lord ang mga panget. Kailangan mo nang magpaalam samin.” Sabi ni Fred na kung makapagsalita akala mo saksakan ng gwapo.

Binatukan ni Wency si Fred.

“Con, ni minsan ba hindi kayo nagkakasabay maligo ni Dominic?” tanong ni Deo. “Malay mo, mali-late na kayo, kailangan niyong magmadali.”

 “Pare, bakit hindi ka magpaparty sa apartment mo?” suhestyon ni Fred.

“Tapos kuha tayo ng strippers!” sabi ng manyak na si Deo.

“Gagawin mo pang beerhouse ang apartment ko!”

“Ang boring kasi kung tayo lang tas walang chics, sino namang magsasayaw sa harap natin? Si Dominic?” dagdag ni Deo.

“Wala si Dominic tuwing gabi. Nagtatrabaho siya sa bar.”

“Saang bar?”

May biglang malakas na pagkidlat na ikinagulat namin.

Nagtago ang araw sa mga namumuong mga ulap kaya sumama ang panahon. Lumakas ang hangin at nabalot ng mga itim na ulap ang kalangitan.

“Pare, tara na sa loob! Uulan na!”

Nagsitakbuhan ang mga unggoy na takot mabasa.

Napadaan ako sa roundtable at bising-busy si Portia sa paggawa ng instrumental drawing niya. Hindi pa naman umuulan pero nagbabadya na ito. Nag-aalala lang naman ako na baka biglang bumuhos at mataranta siya o kaya mabasa ang mga drawings niya.

“Hindi yan ang 45◦!” sabi ko sakanya. “Mali ang sukat ng margin mo pati ang tech pen na ginamit mo. Mali rin na inulit mo ang pagguhit dapat isang pasada lang.”

Binato niya ang ballpen sa table.

“Eh di ikaw na ang gumawa! Ikaw may alam eh!”

Mas lalong sumama ang panahon kasabay ng masamang tingin sa akin ni Portia.

“Pinagsasabihan lang naman kita, eh mali naman talaga ang triangle mo eh, pano mo masasabing 45◦ yan samantalang 30◦ yan. Kailangan mo ng 45◦-90◦!”

“Hindi ba toh 45◦-90◦?”

“BO!....” before I said something stupid and before she throws the triangle ruler… “BO-ANG!” ang nasabi ko na mas okey naman sa bobo.

“Oo na! Lumayas ka na, kailangan ko toh ngayon.”

Nagpatuloy siya sa paggawa at feeling ko mas kailangan ko siyang tulungan ngayon. Kaso baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon kaya minabuti ko na lang na iwan siyang mag-isa.

After several minutes, nang palapit na ako sa building. Bumuhos na ang ulan.

I immediately thought of Portia na nakakalat ang mga gamit sa roundtable. Kinuha ko ang aking makapangyarihan na payong na may flower prints pero take note; hindi naman sakin. Hindi ko rin siya ninakaw, it was meant na mapunta sakin.

Tumakbo ako agad sa roundtable upang payungan si Portia na nagmamadaling inaayos ang mga gamit.

Napayungan ko siya agad and it’s just about time na bumuhos ang napakalakas na ulan.

Sa ilalim ng aking payong

Payong

Payong

Payong

Eh

Eh

Eh

Eh

….

Dahil sa lakas ng ulan at biglaang pag taas ng tubig sa kalsada, biglang nag-announce ng walang pasok. Pinauwi ang mga estudyante ng wala sa timing.

At dahil taga payong pa rin and role ko sa buhay ni Portia, na hindi naman umepek dahil nabasa rin naman kami habang nag-aabang siya ng sasakyan sa may sakayan.

“Kung gusto mo, dun ka na muna sa apartment ko. Basang basa ka na. Patuyo ka muna dun. Aabutan ka ng baha dito.”

“Sige, umuwi ka na. Maghihintay na lang muna ako ng jeep.”

“Wala ng jeep! Sa tingin mo ba makakasakay ka ngayon?”

“Iwan mo na nga lang ako!”

Lumapit siya sa kalsada at sa sobrang tigas ng ulo niya natalamsikan siya ng tubig baha mula sa dyip na dumaan.

Galit na galit siyang lumapit sakin habang tawa ako ng tawa sa pagmumukha niyang basang basa ng tubig baha.

“Tara na!” yaya niya sakin sabay agaw ng aking payong.

Basang sisiw na nakatayo si Portia sa tapat ng bintana habang tumatawag sa Mama niya.

Mula sa bintana, halos wala kang makita sa madilim na kapaligiran.

“Susubukan kong umuwi mamaya Ma…. Pero ayokong matulog dito!.... Basta Ma, uuwi ako mamaya!... okey Ma, ingat kayo diyan ni papa.” Kausap niya ang kanyang ina sa cellphone.

Umupo ako sa sa tapat ng study table at tiningnan isa isa ang mga drawing ni Portia na unfortunately, lahat mali.

“Ulitin mo lahat tong drawing mo mali toh lahat.”

Sabi ko sakanya habang nanatili siynag basa at nakatayo sa tapat ng bintana.

“Tutal alam mo naman kung paano gawin yan, bakit hindi na lang ikaw ang magtapos.”

“Ilang activities ba ang kulang mo?”

“Eight!”

“Ituturo ko sayo, halika dito..” yaya ko sakanya. “Teka, bakit hindi ka muna magpalit ng damit? Magkakasakit ka niyan eh!”

“Paano ako magpapalit eh wala nga akong damit! Gusto mo nakahubad ako dito?”

“Tangeks, pwede mong gamitin yung damit ko.”

“Kasya ba yan sakin?”

“Eh di maghanap ka sa aparador ng kakasya sayo!”

Pinakita ko sakanya ang triangle na 40◦-90◦.

“Ito ang 40◦-90◦ okey?”

Hindi niya tiningnan ang itinuturo kong triangle dahil busy niyang hinahalukay ang aparador ko.

Pagkatapos niyang maligo, hindi pa rin siya umuupo sa upuan at nanatiling nakatayo sa tapat ng bintana habang patuloy na pinupuna ang pintuan ng apartment at ang aparador kong gawa sa kahoy.

“Alam mo ba kung ilang puno ang pinuputol para magawa ang pintuan nitong apartment mo? Yung aparador, alam mo ba kung ilang puno ang kailangang putulin para magawa yan? Sa tingin mo, ilang puno ang pinutol sa kagubatan para makagawa ng pintuan para dito sa buong apartment? Hindi ka ba naaawa kay Mother Earth?.” Napatingin lang ako sa makabuluhan niyang talampati.

“Ayan! Baha! Dahil sa mga plastic at basurang tinatapon ng mga tao sa kalsada. Lagi silang nagrereklamo bakit daw hindi nasusolusyunan ang baha sa kalye, samantalang gawain din naman ng mga tao yan! Kung makakapagsalita lang si Mother earth, alam mo ba ang sasabihin niya? ‘Hindi man lang kayo naawa sakin, binibigyan ko kayo ng magandang kapaligiran, ng masarap at malinis na hangin. Pero ano ang isinunukli niyo sakin? Inuubos niyo ang mga puno sa kagubatan! Inaabuso niyo ako!’

Nagmonologue si Portia tungkol kay Mother Earth.

“Yan ba ang itinext sayo ni Mother earth?”

“Pwede ba? Tama naman ako eh!”

“Oo kaso pati yung pintuan at aparador ko, dinamay mo!”

“Bakit kasi kahoy ang gamit mo eh!”

“Look, baka naman ang ginamit na puno para magawa yang mga yan eh yung puno na matanda na tapos baka naman nung pinutol nila yun, nagtanim sila ng bago?”

“How can you be sure?”

“So kailangan ko pang tawagan ang manufacturer nito para mapatunayan ko na nagtanim sila ng bagong puno nung nagputol sila para magawa ito? Portia… PRANING ka ba?”

She just rolled her eyes still standing uncomfortably through the windows.

“Bakit ba nakatayo ka diyan, pwedeng umupo.”

“I’m fine here.” She said awkwardly. “Okey! I’m a germophobe!”

“What do you mean?”

“Hindi ako komportable sa kama mo o kaya sa sofa o kaya dito sa carpet kasi feeling ko maraming germs. Kailan ka naglinis?”

“Germophobe ka ba? O may OCD ka? O sadyang praning ka lang. Nakikita mo naman… hindi naman makalat, hindi rin madumi, yung sofa, malinis yan, si Dominic ang natutulog dyan. Dun ka umupo.”

“How can I be sure?”

“Kumuha ka ng microscope tapos tingnan mo kung may germs!”

“Kailan mo huling napalitan ang bed cover at saka yung mga punda?”

“Kahapon.”

“Pwede bang palitan ko siya ngayon?”

“Sige, para sayo.”

“Ikaw ba ang naglalaba ng damit mo?”

“No, sa laundry shop.”

“WHAT? Alam mo bang sa laundry shop, samu’t sari ang mga damit dun! And how can you be sure na anti-bacteria ang gamit nilang detergent o nilalabhan nila ng mabuti ang damit mo?!”

“Why would I care about the detergent, kahit anong klaseng sabon naman nakakatanggal ng bacteria!”

“Kaya nga anti-bacteria para zero talaga! Sa common na detergent soap, hindi ka sure na mawawala yun! And sa laundry shop pa! Sa LAUNDRY SHOP!”

“Kaya nga nilalabhan ang damit di ba para mawala ang bacteria. Eh buti kung binabasa lang nila yung damit, hindi naman eh.”

“Nawawala ba talaga ang bacteria? Are you sure?”

“Do we really have to argue about this? Tungkol sa labahan at anti-bacterial detergent soap?”

“Well, you have to at least do something about it! Lalabhan ko lahat ng damit mo, I’ll clean the house with anti-bacterial soap.”

“Babaeng praning! Wala akong washing machine, paano ka maglalaba? Handwash?”

“Fine! Uuwi na lang ako. Hindi ako kumportable dito.”

Napakamot ako sa aking ulo sa sobrang, hindi ko.. I don’t.. even… haay! Praning na follower sa twitter ni mother earth at over-the-top na germaphobe.

“Ang OA mo naman! Eh bakit sa school di ka naman ganyan? Sa roundtable, lagi ka dun, maraming bacteria dun!”

“Linilinis ko kaya yung roundtable!” May ipinakita siya sakin na nagmumula sa kanyang bag. “May dala akong vacuum!”

Namangha ako sa isang mini vacuum.

“ANAK NG….KAYA PALA ANG SAKIT NUNG PAGTAMA SAKIN NUNG BAG MO DAHIL SA MAY LAMAN PALA YANG VACUUM!”

Pinipigilan niya ang pagtawa.

Kung si Jaymee, make up ang laman ng maliit na bag, si Portia, vacuum, anti-bactrerial soap, rubber gloves, face mask, at kumpletong scent ng iba’t ibang uri ng hand sanitizer.

“Baka dun sa landlord pwedeng makilaba.” Sabi niya.

“Di ba pwedeng bukas na lang?”

“Eh paano yung damit ko?”

Wala akong magawa kundi sundin ang tawag ng kalikasan. Bumaba kami at kumatok sa pintuan ni Ateng para makilaba.

“Ateng! Pwede po bang makilaba. Ito kasing kaibigan ko nabasa yung damit niya eh di ba po may dryer kayo? Kung okey lang po sa inyo Ateng?”

“Hay naku Conrad, basta ikaw! Sayang wala si Bebang.” Sabay hithit ng sigarilyo niya.

May pagkamataba at pagkapandak si Ateng na laging naka-rollers ang buhok, nakadaster ng animal print at laging dala ang bag niyang lagayan ng pera.

Pinaliligawan niya sa akin yung anak niyang si Bebang, isang weird na BS Chemistry and Physics student.

 “Inay, si Conrad ba yan?”

Naririnig ko ang mga hiyawan ng tatlo niyang anak na bakla na mukhang mga biik. Kung makatili para ding biik.

“Sssshhh…” sabi niya sa mga bakla. “Ano? Dito ba kayo maglalaba oh, hihiramin niyo na lang yung washing machine?

Sabay kaming nagsalita ni Portia at hindi ito magkatugma.

Gusto niyang hiramin na lang yung washing machine at gusto kong makilaba na lang siya dito.

“Kunin mo na Conrad.” Sabi sakin ni Portia.

As usual sunod sunuran ako at pumasok sa loob ng bahay ni Ateng at sabay sabay naghiyawan ang tatlong bakla na naka spaghetti strap na damit, micro mini shorts (pekpek shorts), at naka rollers ang mga buhok.

“Hi Paaapaaa!” sigaw ng mga bakla.

Inakyat ko mula ground floor papuntang fifth floor ng  apartment ko ang mabigat na washing machine para kay Mother Earth. Hiningal ako sa pagbubuhat.

“May sabon ka?”

“Wala akong sabon, hindi nga ako naglalaba di ba?”

“Bili ka! Dali na… “

“Malakas ang ulan, baha pa!”

“Eh di magpayong ka at saka magbota ka. Kaya mo yan!”

“Ayaw!”

“Ako na nga lang.”

Hindi ko naman papayagang lumusong sa baha si Portia para lang sa sabon at syempre kapag nabasa siya ng tubig baha, maliligo na naman siya ng ilang oras, magpapabili siya ng anti-bacterial soap.

“Sige ako na!”

“Anti-bacterial detergent ah yung 99.9% natatanggal ang bacteria.”

“Paano kung 98% lang?”

“Basta 99.9%”

Lumusung ako sa baha para sa walang katapusang anti-bacterial detergent. Pagbalik ko sa apartment, naka-suot siya ng gloves, naka-face mask at bina-vacuum ang carpet habang nakababad ang CR ng sabon na ANTI-BACTERIA.

Linis dito, linis doon…. yung kisame, yung cabinet, yung mga pinggan, yung damit ko, yung damit ni Dominic. Akala mo naman kung sobrang dumi ng mga gamit ko. Lagi ko rin naman silang linilinis. Freak lang talaga tong kasama ko.

Para tuloy kaming mag-asawa. Si Daddy, gumagawa ng paper works, si Mommy naglilinis ng bahay. Ang sarap pala ng feeling na may asawa. Praning na asawa.  

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...