FANGIRL.

By straytasy

13.5K 446 876

" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto. More

i n t r o 。
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
#Happy_JUN_Day

36

239 10 50
By straytasy

YUNA.

"Akala ko ba libre mo?!"

"Oo nga! Binibiro lang kita."

Sabi ni Jeonghan at tumawa na parang baliw. Napairap nalang ako sa kanya. Ng matapos maglaro si Jeonghan ay pumunta agad kami sa kainan, kagaya ng napagusapan. Ng makadating na yung inorder namin na pagkain ay sinimulan na agad namin kumain.

"Next time ako naman manlilibre sayo!"

Sabi ko habang ineenjoy ko yung pagkain. Napangisi naman si Jeonghan at inilapit yung kamay sa akin tsaka ginulo-gulo tong nananahimik kong buhok.

"Next week?"

"Sige ba!"

Sabi ko at natawa nalang si Jeonghan at nagpatuloy kumain. Maya-maya nagsalita ulit sya.

"Kahit di mo naman na ako ilibre, manatili ka lang sa tabi ko sapat na."

"Aw, sweet mo naman!"

Sabi ko at ngumiti nalang sa akin si Jeonghan. Habang kumakain kami ay masaya naman kami nagkwekwentuhan. Pero napansin ko na parang iniiwasan ni Jeonghan tumingin ng diretso sa akin. Di ko alam kung naiilang ba sya o baka ako lang tong nag-iisip ng kung ano-ano.

Ng matapos na kami kumain ay binayaran na iyon ni Jeonghan at lumabas na kami. Napatingin ako sa orasan sa cellphone at nakitang alas syete na pala ng gabi.

"Hatid na kita."

Sabi ni Jeonghan at pumayag nalang rin ako. Habang naglalakad kami ay pinagpatuloy namin yung pinag-uusapan kanina ng biglang iniba ni Jeonghan yung usapan.

"Yuna, may tanong ako sayo.."

Sabi nya ng hindi tumitingin sa akin. Nakatingin lamang sya sa sahig habang nakangiti sa sarili. Nadaanan na namin yung convinience store at medyo malapit na rin kami sa bahay ko.

"Ano yun?"

Tanong ko at hinintay yung sasabihin nya. Huminga sya ng malalim at inangat ang tingin sa akin.

"Hmm, wag na pala. Nakalimutan ko na."

"Luh."

Sabi ko at natawa nalang sya ng marahan tsaka muling ginulo tong buhok ko. Pagtapos nun ay parehas kami natahimik. Di ko alam bakit may kutob ako na may gusto pang sabihin sa akin si Jeonghan. Nakarating na kami sa bahay at nagpasalamat na ako sa kanya.

"Salamat sa libre! Basta next week ah!"

"Welcome."

Sabi nya at ngumiti ng bahagya sa akin. Nagpaalam na ako sa kanya at papasok na sana sa loob ng bigla nya akong tawagin dahilan para matigilan ako.

"Bakit?"

Nagtataka kong tanong. Humakbang sya papalapit sa akin at nagulat ako ng bigla nyang hinawakan magkabilang balikat ko. Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa balikat ko at sa kanya.

"Jeonghan?"

"Yuna, gusto ko lang magpasalamat sayo dahil nakilala kita at laking pasasalamat ko rin na naging kaibigan kita. Salamat rin sa mga tulong na ginawa mo para sa akin. Sobra ko yun na-appreciate, Yuna.."

Sabi nya out of the blue. Medyo natouch ako sa sinabi nya pero di ko pa rin maiwasan magtaka sa kung anong nangyayari.

"Ako rin, Jeonghan..."

"Salamat Yuna...salamat.."

Paulit-ulit nyang sabi at dahan-dahang napayuko. Di ko naman maiwasan mag-alala sa kanya kaya inalalayan ko sya.

"Jeonghan, ok ka lang??"

Nag-aalala kong tanong. Muling napatingin sa akin si Jeonghan at nagulat ako ng makita kong may mga luha ng tumutulo galing sa mata nya. Teka bakit sya umiiyak? Mas lalo akong nag-alala sa kanya.

"Jeongha–"

"Yuna...gusto kita..."

Bigla nyang sabi dahilan para mas lalo akong magulat. Nanlaki naman tong mga mata ko ng dahil dun.

"A-ano?"

Nauutal kong tanong at di naman kumibo si Jeonghan at nanatili lang nakatingin sa akin. Tears came pouring down his cheeks. Habang tumatagal ay mas lalo akong nasasaktan na makita syang umiiyak kasi first time ko palang sya makitang umiyak. Pinunasan nya yung mga luha sa mata nya at ngumiti sa akin.

"Mauuna na ako."

"Jeonghan–"

Naputol sasabihin ko ng tumalikod na sya sa akin at mabilis na naglakad palayo. Wala na akong nagawa kundi ang mapahinga nalang ng malalim habang pinagmamasdan ko syang unti-unting lumalayo.

Jeonghan....

•·················•·················•

Malapit ng mag hating gabi at di pa rin ako makatulog. Nakaupo ako sa may study table ko habang nakatanaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan yung kabilugan ng buwan at mga kumikinang na mga bituin.

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung sinabi ni Jeonghan. At naiisip ko rin kung paano nya ako tignan diretso sa aking mata ng sabihan nya iyon. I don't know why but his eyes tells something. I see pain. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Di ko akalain na magugustuhan ako ni Jeonghan. Sa buong year na magkakasama kami, di ko akalain na magugustuhan nya ako.

Jeonghan and I are very close friends.

But I didn't knew that I'm just more than a friend to him.

Naisipan kong tawagan sya kaya kinuha ko cellphone ko at pinindot ang number nya sa contacts. Ng mapindot ko na ang call ay kaagad ko itinapat sa aking tenga yung cellphone ko at hinintay na sagutin nya tawag ko. Hinihiling ko na sana gising pa sya pero ng masabi na unavailable ay napabuntong hininga nalang ako. Baka natutulog na sya.

Naisipan ko na rin matulog dahil may klase pa kami bukas kaya pinatay ko na yung maliit na lamp sa study table ko at dumiretso na sa kama. Ng makahiga ako ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, senyales na may nag-message sa akin. Kinuha ko iyon at nagulat ako ng makita ko pangalan ni Jun sa notification.

Wen Junhui send you a message

Inopen ko agad message nya at binasa:

Jun
can't sleep?

Napakagat ako sa aking labi at nagtype ng reply.

•·················•·················•

Yuna
oo :(

Jun
same

Jun
so, what's bothering you?

Yuna
wala naman

Yuna
may iniisip lang ako but it's not important

Yuna
ikaw?

Jun
may iniisip lang rin

Jun
sa totoo lang, ilang araw ko ng naiisip to

Jun
kaya di ako makatulog ng maayos

Yuna
sad

Yuna
ano ba iniisip mo?

Jun
i'd rather not share it to you, sorry

Yuna
hmm ok choice mo naman yun

Jun
so, musta naman?

Yuna
ok lang, humihinga pa rin naman haha

Jun
you need sleep

Yuna
yeah

Yuna
osya, matutulog na ako. goodnight jun!

Jun
goodnight, sleep well.

•·················•·················•

Saglit akong natulalal ng dahil dun sa huling reply ni Jun. Dahil dun, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Come to think of it, first time ko lang rin makachat si Jun. Napangiti nalang ako at pinatay na cellhphone ko. I closed my eyes and forced myself to sleep.

Pero hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung sinabi ni Jeonghan...











...

an: hey hey hey, yo–



Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 83 70
"And for the longest time, I got stuck in trying to spend one year fast just so I can get you back. I'm such a jerk, I know. Kasalanan ko lahat. So I...
14.5K 1.7K 39
Hoy baboy. Tabatchoy. Piggy, oinky. Itawag na sa akin lahat. WALA AKONG PAKI! Spell that out! E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy...
119K 2.6K 56
You must listen to this song Don't listen and pretend you haven't If you hear my heart Can't you come back to me? - Don't Listen In Secret - SEVE...