Soundtrack for this Chapter: Seven Nation Army by The White Stripes (click multimedia to listen)
“Baklita pala yung Dominic na yun!”
Ang sabi ni Deo habang we’re doing our ‘thing’ in the CR kasabay sila Fred, Alex at Wency.
“Kaya pala gustong gusto tayong samahan dito.” Sabi ni Wency.
Mabilis talaga kumalat ang balita, lalo na kung tsismis.
“Hindi mo na talaga malaman ang mga tao ngayon. Hindi mo alam kung bakla ang lalaking katabi mo. Malay mo, sa ating lima may isa pang susunod na aamin.” Sabi ni Fred.
Nakatingin sila sa akin habang naghuhugas ako ng kamay. Mga ungas talaga!
“Bakit kayo nakatingin sakin?”
“Conrad, kung bakla ka man, sabihin mo na. Hindi ka naman namin ipagtatabuyan, tatanggapin ka pa rin naman namin!” sabi ni Deo.
“What makes you think na bakla ako.”
Naghuhugas ng kamay ang apat na unggoy habang nakatayo ako sa likod nila at tinitingnan sila sa salamin.
“Wala kang girlfriend!” sabi ni Alex.
“Yun talaga ang basehan?! Tangina niyo!”
Nagsitawanan sila habang nagpapatuyo ng kamay.
“So, hindi ka talaga bakla?”
“Sige pare, ligawan mo si Portia.”
“Si Portia? Yung ex ni Dominic?”
“Oo, chikababe yun! Simple pero may dating!”
“Hindi yun madedeskartehan ni Conrad, eh mortal niyang kaaway yun!”
“Kung ayaw niya eh di tayo na lang!”
“Papasa ba kayo dun?”
“Magaling kaming manligaw! Kami pa…..”
Sabay sabay nilang sinabe….”WE ARE THE…..GWAPINGS!” at nagtawanan.
Pagkatapos ni Dominic, itong apat na ungas naman ang kalaban ko pero wala naman silang panlaban sakin. Sa totoo lang kung idedescribe sila, si Deo mukhang unggoy, Si Wency mukhang bulate, Si Fred mukhang manok dahil sa hairdo niya, si Alex na mukhang danggit na, amoy tuyo pa.
Kahit pagsamasamahin ang pinakamagandang asset nila, hindi pa rin bagay ang salitang gwapo para sa kanila.
Sabagay kung tutuusin, mas may laban sila sakin. Mortal akong kaaway ni Portia kaya yun ang pinanghahawakan nila.
“Con, gawin mo naman yung calculus namin!” sabi ni Fred.
“Ano ako factory? Pagawaan ng assignment?!” tinalikuran ko sila.
“Gago ka kasi eh! Sinabi mong bakla!” narinig ko mula kay Wency.
Natanaw ko si Ms. Zaragosa na mag-isang kumakain sa cafeteria, ito na ang chance kong magpa-cute para makabalik sa library.
Linapitan ko siya sa kanyang table.
“Hi Ms. Zaragosa, ang pinakamagandang librarian sa balat ng library.”
“Mr. Tomas, umalis ka sa paingin ko at baka mawalan ako ng gana sa pagkain.”
“Ma’am naman! Ilang buwan na yung ‘minor’ offence ko, hanggang ngayon di niyo pa rin ako napapatawad? Sorry na kasi ma’am, bumababa na ang grades ko dahil hindi na ako nakakapagbasa, umiitim na ako dahil lagi ako sa ilalim ng punong manga gumagawa ng homework. Alam mo ba ma’am, lagi nga akong malungkot dahil hindi ko kayo nakikita. Ma’am, gusto niyo po ba akong madepressed? Payagan niyo na po ako ulit sa library.”
Iniirap-irapan lang niya ako habang pinuputol-putol ang croissant na kinakain niya.
“Okey, but make sure na hinding hindi ka mag-iingay! Oras na marinig kita ulit, lagot ka sakin!”
“Thank you po ma’am.” Masaya kong sinabi.
Abot tenga ang ngiti ko nang pumasok ako sa library. Welcome back and it’s nice to be back!
Sarap i-feel ng malamig na aircon, sarap amuyin ang wooden chair at wooden table. Masarap enjoyin ang katahimikan.
Sa aking paglalakbay sa namiss kong library, nakita kong mag-isa si Dominic, nakatitig sa saradong libro at malalim ang iniisip.
“Dominic.” Tawag ko sa kanya at umupo sa bakanteng upuan ng table.
“Kumusta ka?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti si Dominic sa akin na ibang iba simula ng magpakatotoo siya. Mas masaya siya ngayong nagpapakatotoo na siya ngunit may tinatago pa rin siyang lungkot sa likod ng kanyang mga mata.
“Siguro alam mo na ang nangyare, alam mo naman ang tsismis parang virus. Kung gaano man kabilis ng pagkalat siya naman ang mabilis na panghuhusga.”
“Sus! Paki nila!”
“Kinakabahan nga ako kasi aaminin ko ng kay daddy ang tunay kong nararamdaman. Ang kinakatakot ko lang baka hindi niya ako matanggap.”
“Kaya mo yan! Ikaw pa! Kung magkaroon man ng problema, nandito ako.”
“Salamat Conrad.” Naiiyak niyang sinabi.
“Ano? Iiyak ka? Ang drama mo naman! Ikaw ang baklang madrama!”
Sabay kaming lumabas sa library at pinagtitinginan kami ng madlang students. Siguro ang nasa isip nila, kami ang magkarelasyon o kaya magkafederasyon total yun naman ang persepsyon ng karamihan. Na isa rin akong kasali sa tinatawag na sisterhood.
Una sa lahat, kaibigan ko si Dominic, pangalawa, kailangan niya ako sa pinagdaraanan niya at kung lahat ng tao nagsarado ng pinto para sa kanya, bukas ang akin kahit ano pa man ang kasarian niya.
Hanggang sa may roundtable kami pa rin ni Dominic ang magkasama nang makita kami ni Portia.
“Con, mauna na ako.” Paalam ni Dominic.
“Teka….” Bago pa man ako magsalita para pigilan siya, iniwan niya na ako.
Nilapitan ko si Portia habang gumagawa ng assignment.
“Pwede ba kitang makausap?”
“What for? Para asarin ako?”
“Can you just let me talk to you?”
“Nakikita mo di ba? Busy ako!”
“I’ll make it quick.”
Binaba niya ang ballpen, isinara ang notebook at tumingin sa akin na nakatayo sa harap niya.
“Alam ko naman ang sasabihin mo sakin eh, na mabaho ako, na panget ako, na cheap ako, na bakla ang ex ko, na wala na akong boyfriend, na nakakaawa ako. Yun naman ang lagi mo saking sinasabi, unfortunately, kabisado ko na yun lahat kaya…. GO AWAY AND STAY THE HELL OUT OF ME!”
Tumayo siya at nagwala sa may roundtable.
PAAKK! Binato ako ng ballpen…
PAAKK! Binato ako ng notebook…
PAAKK! Binato ako ng makapal na Chemistry book…
“BAKIT KAYO MAGKASAMA NI DOMINIC?!! KAYO NA BA?? YAN BA ANG GUSTO MO SAKING SABIHIN??”
Nakipagsabayan ako sa mataas niyang boses.
“I JUST WANT TO TELL YOU….”
PAAKK! Binato niya ako ng backpack niya…
“SORRY!”
Natigilan lang siya sa kanyang paghahasik ng lagim ng marinig niya ang aking ‘sorry’.
Masakit mabato at feeling ko may bukol na naman na tutubo sa ulo ko. Sa sobrang bayolenteng mga nilalang ang nakapaligid sakin, hindi na ako nag-aalala kung mapuno ng bukol ang busilak kong mukha, nag-aalala na lang ako na maalog ang utak ko at mag freak out ang mga neurons ko o kaya magkaroon ng internal bleeding sa loob.
Dinampot ko isa-isa ang mga binato niya sakin habang dahan dahan akong umupo sa tabi niya.
“Kalma ka na ba?” tanong ko habang hinihingal siya sa ginawa niya. “Kagagaling pa lang ng bukol at black eye ko, dadagdagan mo na naman!.... Hindi ako pumunta dito para asarin ka okey? I know marami akong masasakit na sinabi at ginawa and I would like to sincerely apologize for all my wrongdoings.”
Hindi niya ako tinitingnan and for several minutes, tahimik kaming dalawa.
“Okey!” sabi niya.
“Pinapatawad mo na ako?”
“Yes! I forgive you.” Tumayo siya at inayos ang kanyang mga gamit na naging flying objects kanina. “I will forgive and forget.”
“Meaning…You will forgive me and forget everything bad that I did to you?”
“Hindi! I wil forgive you and forget all about you!” Sinuot niya ang kanyang backpack. “Kunyare, hindi na lang tayo nagkakilala. Kapag nagkita tayo sa hallway, dedmahan na lang tayo. Kaya simula ngayon, wag mo na akong kakausapin at wag ka na ring lalapit sa akin ever!” tinalikuran ako at umalis.
Paano ako manliligaw nito?