CASCADES (For all it's Worth)...

By ennelg

5.3K 231 150

Ang CASCADES ay isang ROMANCE SERIES na binubuo ng ibat ibang individual with different personalities, charac... More

CASCADES (For all it's Worth)
MEET MY CAST OF CHARACTERS :)
NOTICE TO READERS.. <3
Prolouge.. (For all it's worth)
Chapter One (For all it's worth)
Chapter Two (For all it's worth)
Chapter Three (for all it's worth)
Chapter Four (For all it's worth)
Chapter Five (For all it's Worth)
Chapter Six (For all it's worth)
Chapter Seven (For all its Worth)
Chapter Eight (For all its worth)
Chapter Nine (For all its Worth)
IMPORTANT ANNOUNCEMENT! :)
Chapter Ten (For all it's worth)
Chapter Eleven (For all it's worth)
Chapter Twelve (For all it's Worth)
Chapter Thirteen (For all it's worth)
Chapter Fourteen (For all its Worth)
Chapter Fifteen (For all it's Worth)
Chapter Sixteen (For all it's Worth)
Chapter Seventeen (For all it's Worth)
Chapter EIGHTEEN (For all it's Worth)
CASCADES Chapter Nineteen <3
CASCADES Chapter Twenty <3
Chapter Twenty -One (For all it's Worth)
Chapter Twenty-two (For all it's Worth) <3
Chapter Twenty-three (For all it's Worth) <3
Chapter Twenty-Four (For all it's Worth) <3
Chapter Twenty-Five (For all it's Worth) <3
Chapter Twenty-Six (For all it's Worth) <3
Epilogue + IMPORTANT ANNOUNCEMENT <3

Final Chapter (For all it's Worth) FIN <3

77 2 3
By ennelg

AUTHOR’S NOTE: <3

>> This is it guys. THE FINAL CHAPTER.. hope you enjoy this. Ang kasunod nito ay EPILOUGE AT ISANG VERY / SPECIAL IMPORTANT ANNOUNCEMENT.

===============

This update is dedicated to MYSELF.Yes to myself nga. I want to give myself a treat dahil sa wakas ay nabigyan ko din ang ending ang una story ng CASCADES ko. Super mega saya ko. Maraming salamat sa inyo!

===================================================

SAB’S POV

Pagkatapos kong magsalita ay agad ko siyang iniwan sa kinatatayuan niya. Sobrang sakit ng puso ko na pakiramdam ko para siyang hinihiwa ng paulit ulit hangan sa dumugo ito.

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak kahit na sobrang sakit na ng dibdib ko sa pagpipigil dahil ayoko ng maging mahina sa harapan niya. Pagod na Pagod na ako at ang sakit sakit na.

Habang papalayo ang mga paa ko sa kanya ay umaasa parin ang puso ko na hahabulin niya ako pero nagkamali ako. Hangan sa tuluyan na akong nakasakay ng sasakyan ko at nakaalis sa lugar na iyon.

The moment I step out of that house is the moment my tears began falling. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga oras na ito. Sumakay lang ako ng taxi at nagpatigil ako sa bahay na tinutuluyan namin ni Yano.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay. Agad akong pumasok sa loob at kinuha ang mga damit ko at inilagay sa maleta ko.

Pinasok ko na sa maleta ang mga dapat kong itago. Ang iba ay ipapakuha ko nalang siguro sa katulong. Pagbukas ko ng drawer ko ay nakita ko ang ticket sa cruise na niregalo sa akin ng bestfriend ko.

Buhat doon, nagkaroon ako ng idea kung saan ako pupunta.

“Kailangan ko muna sigurong magpalamig. Haist” pagkakausap ko sa sarili ko habang patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko.

Katabi ng cruise ticket na iyon ay ang wedding picture naming dalawa ni yano. Kaya hindi ko maiwasang masaktan sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko.

“Baby pasensiya ka na ha? Hindi na kasi kaya ni mommy eh. Pagod na pagod na ako. Ok lang naman siguro kahit tayong dalawa lang muna  hindi ba? Huwag kang mag alala, hindi naman kita pababayaan eh. Kumapit ka lang ha? Huwag mo iiwan si mommy. Ikaw nalang ang natitira sa akin ngayon at hindi ko kakayanin kong pati ikaw mawawala pa. tska hindi naman kita ilalayo ng matagal sa daddy mo eh. Alam ko naman kasi ang pakiramdam na walang ama kaya ayokong maranasan mo iyon. Pansamantala lang ha?” umiiyak akong kinakausap ang bata sa loob ng sinapupunan ko.

Matapos kong maayos ang mga dapat kong maayos ay nagiwan ako ng isang note sa mesa bago ako umalis.

Habang sinusulat ko iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong malungkot dahil hangang doon nalang talaga kami.

Kailangan ko naman sigurong mahalin ang sarili ko. Maging matatag na harapan ang bukas ko na wala na siya sa tabi ko.

Sa pag alis ko ay hindi ko na dinala ang kotse ko. Pumara ako ng taxi sa labas ng subdivision at dahan dahan akong sumakay.

Sa pag alis ko sa lugar na iyon ay dala dala ko ang pag asa na makakatayo muli ako sa pagbabalik ko. Na hindi na muli akong  makakaramdam ng sakit tulad ng nararamdaman ko ngayon.

Dumaan ako ng simbahan bago ako tumuloy sa port kung saan sasakay ako sa cruise ship na binigay sa akin ni Charry.

Pagdating ko sa simbahan ay taimtim akong nagdasal. Pinagdarasal ko na sana makayanan ko ang lahat lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko.

Na sana huwag akong pabayaan ni God sa bagong landas na tatahakin ko ng magisa kasama ang baby ko.

-----------------------------------------------------------------

YANO’s POV

Naiwan akong nakatulala sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa naestatwa ako sa pangyayaring hindi ko inaasahang pwedeng mangyari sa buhay ko.

For the nth time nasaktan ko na naman siya ng hindi ko sinasadya and for the Nth time nasaktan na naman ulit ako. Kakaibang sakit na halos dumurog na sa buong pagkatao ko.

Natauhan lang ako ng biglang dumating si Sataro at binigyan ako ng isang suntok na nagpabuwal sa akin. Hindi na ako lumaban pa dahil alam kong talo na ako. Hinayaan ko nalang na suntukun niya ako hangang sa magsawa siya.

Nung mapansin niyang hindi ako gumaganti sa ginagawa niya at duguan na ang mukha ko ay saka siya tumigil. Lahat ng sakit ng mga suntok niya sa akin ay walang wala kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa loob.

“Alam mo ba kung anong ginawa mo! Akala ko pa naman nagbago ka na sa pakikitungo sa kanya, iyon pala nagkamali ako. Noon pa sana hindi na kita pinayagang makalapit pa sa kanya.” Hingal niyang usal.

“Ni minsan hindi ka niya niloko Yano. Ikaw!” sabay turo niya sa dibdib ko. “Ikaw palagi ang nananakit sa kanya. Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdman niya ng dahil sa ginawa mo? Ni hindi mo man lang inisip ang kalagayan ng asawa mo. Asawa nga ba talaga ang turing mo sa kanya?”

“Asawa nga ba talaga ang turing mo sa kanya?”

“Asawa nga ba talaga ang turing mo sa kanya?”

“Asawa nga ba talaga ang turing mo sa kanya?”

Paulit ulit na tumatatak sa isip ko ang sinabi niya sa akin na tumagos sa puso ko.

“Wala kang alam sa pinagdadaanan naming dalawa Sataro. Hindi mo alam kaya wala kang karapatang sabihin sa akin yan.”

“Ano bang akala mo kay SAb isang tanga?! Magsisinugnaling pa ba ang mga litrato at video na yan? Matalinong babae si SAb Yano para maloko mo ng ganyan at isa siyang marangal na babae para pagbintangan mo lang ng mali.”

Pagkabangit ni SAtaro sa laman ng envelope na iyon ay bumangon ang galit sa puso ko dahil sa ginawang panglilinlang sa akin ni Chloe.

“Isang malaking set up ang nangyari sa akin at hindi ko ginusto yang nasa video at pictures na yan! Si chloe lahat ang may pakana niyan! Gusto niyang sirain ang pagsasama namin ni SAb. Kaya niya ginawa yan! Ni minsan hindi ko na inisip na saktan pa ang asawa ko dahil nangako ako sa kanya. Lalo na ng..”

“Lalo ng ano? Nang malaman mong may sakit siya? Isa pa yan Yano! Ayaw niyang kaawaan mo siya at maging dahilan iyon ng pagstay mo sa kanya. Ayaw niyang maging pabigat sayo. Tapos hindi mo man lang sa kanya sinabing alam mo na? Hindi mo man lang siya inisip? Na pinagmukha mo siyang tanga. Alam mo bang all this time kapakanan mo parin ang iniisip niya pero ikaw anong ginawa mo?!Hindi mo pinahalagahan iyon”

Buhat sa sinabi niya ay nagulat ako at nakaramdam ako ng ingit sa kakambal ko. Mabuti pa siya sinabi sa kanya ang kalagayan niya samantalang sa akin na asawa niya ay hindi. Hindi ko mapigilan ang sarili kong luha na umagos mula sa mga mata ko.

“Nagpunta sa akin si Chloe kahapon at nakipagbargain sa akin. Kapalit daw ng pangugulo  niya  sa buhay namin ay ang pagbenta ko sa kanya ng lahat ng shares ko sa company amounting to one peso. Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na pirmahan iyong kontrata pero dahil kay SAb ginawa ko. Alam ko ding alam mo kung ano ang pinagdaanan ko para mapalago ko ng ganoon ang kompanyang iyon na basta ko lang pinamigay ng isang iglap ng dahil sa laki ng pagmamahal ko sa kanya. Pero wala din palang saysay iyon dahil hindi rin siya tumupad sa usapan.”

Buhat sa sinabi ko ay napamura si Sataro.

“Im sorry Yano. Pero kung tutuusin kulang pa iyong kabayaran sa lahat ng ginawa mo kay SAb. Alam mo bang nakita ko siya kagabi sa kalsada? Naglalakad na parang palaboy na walang mapuntahan. Basang basa siya ng ulan, at alam kong umiiyak siya. Alam mo bang muntik na siyang masagasaan ng sasakyan kagabi mabuti nalang at nailigtas ko siya. Inuwi ko siya dito sa bahay dahil nag aapoy na siya ng lagnat at pangalan mo parin ang binibigkas niya. Iyak siya ng iyak kagabi dahil sa akala niyang ginawa mo sa kanya. Dinamayan ko siya bilang isang kaibigan at ni minsan hindi ako nagtake advantage sa kanya dahil nirerespeto ko siya. Alam mo ba kung gaano kasakit na iparaya ang sarili kong kaligayan para lang sayo? Si Yuri. Siya lang ang

Ang babaeng minahal ko ng sobra sobra pero dahil sayo nagparaya ako. Si Sab natutunan ko siyang mahalin pero nagparaya ako ulit dahil ikaw ang mahal niya at hindi ako. Alam mo ba kung gaano kasakit na makita ang mga babaeng minahal ko na sinaktan mo lang at sinayang ang pagmamahal nila? Ang laki mong gago Yano!” garagal na usal niya.

Nagulat ako sa sinabi ni Sataro. Ni minsan hindi ko inakala na ganoon pala ang nararamdaman ni Sataro noon pa man. All this time wala akong alam. Gustong gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa katangahan ko. Pati sarili kong kapatid nasaktan ko ng hindi ko sinasadya.

“Tama ka! Gago nga ako! Ang gago gago ko!”

“Siya nga pala gusto ko din ipaalam sayo na buntis ang asawa mo. Bahala ka kung hahabulin mo siya o hindi. Basta ako hahanapin ko siya. At oras na makita ko siya, hindi ko na siya ibabalik sayo.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niya ako.

“Buntis ang asawa mo.”

“Buntis ang asawa mo.”

Natulala ako sinabi niya. Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang huli niyang sinabi.  Para akong nawalan ng buhay dahil doon. Nang makabawi ako sa sinabi niya ay agad akong umalis ng bahay at sumakay sa kotse ko.

Pinahararurot ko ang sasakyan ko hangang sa makarating ako sa bahay namin ni SAb. Umaasa akong maaabutan ko siya doon.

Pero huli na ng dumating ako. Pagkapasok ko sa bahay ay sobrang tahimik hindi tulad ng dati. Walang SAb na sumalubong sa akin. Wala ng SAb na mahal na mahal ko. Iniwan na ako.

Pumasok ako sa kwarto naming dalawa at buhat doon nakita ko’ng wala na ang mga gamit niya. Napabagsak nalang ako sa sahig.

At doon para akong batang humagulgol ng iyak.

“SAb.” Usal ko sa sarili ko habang patuloy ang pag agos ng luha mula sa mga mata ko.

Tinapon ko lahat ng bagay na makita ko. Pakiramdam ko gustong gusto kong magwala dahil sa nangyari. Ang gulo gulo na ng kwarto at buhat doon ay isiniksik ko nalang ang sarili ko sa isang dulo.

Niyakap ko ang sarili ko habang iyak parin ng iyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Katabi ng isang nabasag na vase ay nakakita ako ng isang sulat.

Hindi ko alam pero kinuha ko ang sulat at binasa ko ito. Buhat doon mas lalo akong nanlumo at nalungkot dahil sa nilalaman ng sulat na iyon.

Para sa pinakamamahal kong si Yano,

            “Gusto ko lang malaman mo na kahit alam kong hangang dito nalang talaga tayo ay hindi ko naman ipagkakait sayo ang karapatan mong maging ama sa anak natin.

            Huwag kang mag alala. Hindi ko siya pababayaan at iiwan. Makikilala mo din siya pagdating ng panahon. Ayokong tangalan ka ng karapatan na maging ama ng anak natin dahil alam ko ang pakiramdam ng isang anak na walang amang umaantabay sa paglaki.

            Hayaan mo na muna akong lumayo dahil para din naman sa atin ito eh. Honestly I am not upset that you lied to me, im upset that from now on I cant believe you anymore.

            Mahal na mahal kita Yano at alam kong alam mo iyan na kahit ang sakit sakit na sige parin ako ng sige. Siguro panahon na talaga para sarili ko naman ang mahalin ko.

            Pag nabasa mo ang sulat na ito, malamang nasa malayong lugar na ako. I just have a favor to ask. Please don’t follow me anymore. Just stay wherever you are right now dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka pag nagkita tayo, baka hindi ko na magawang lumayo sa iyo.

Baka mawalan na naman ako ng lakas ng loob para iwan ka dahil alam ko konting hawak mo palang sa akin. taob na agad ako. Ganyan kalakas ang epekto mo sa akin Yano, ganyan kalakas.

            Pwede ba kahit ngayon lang ako naman ang pagbigyan mo? Pagod na pagod na ako Yano, sobrang pagod na pagod na.

            Gusto ko lang din ipaalam sayo na kahit sa konting panahon ng pagsasama natin bilang magasawa, napasaya mo ako ng higit pa sa inaasahan ko. Kahit hindi man tayo umabot sa dulo sana huwag mong kalimutan na minsan sa buhay mo ay naging parte ako.

            Mahal na mahal kita yano. Mahal na mahal.”

Paalam,

SAB </3

Nakita ko ang patak ng mga luha sa sulat na iyon at pakiramdam ko matapos kong basahin ang sulat ay wala na akong ganang mabuhay pa sa mundo.

Doon palang ay parang namatay na ako. Hangang sa namalayan ko nalang ang pagpasok ni Gianne sa kwarto ko at pag akap niya sa akin.

“wala na ang mag ina ko. Iniwan na nila ako.” Humahagulgol kong usal.

“Shhhhh…tahan na Yano. Babalik sila. Magtiwala ka lang. Hindi ka matitiis nun ano ka ba! Si SAb pa eh mahal na mahal ka noon!” pagkoconsole niya sa akin.

Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na pangyayari dahil sa nakatulog ako. Pag gising ko ay madilim nap ala at wala akong nadatnan na kahit sino.

Bumangon ako kaagad at nagdiretso akong bar counter ng bahay para kumuha ng alak at uminom.

Pagkakuha ko ng alak ay tuloy tuloy ko itong tinunga hangang sa magkalahati ang laman nito.

Ang hapdi sa sikmura ng hatid ng alak na iyon pero hindi ko lang ininda. Gusto kong kalimutan lahat ng sakit na nararamdaman ko ng mga oras na ito. Pakiramdam ko para lang akong isang buhay na patay.

Nabubuhay ang katawan ko samantalang ang puso ko ay wala ng buhay.

“Nagsisisi  ako SAb dahil ni minsan ay hindi ko man lang nasabi sayo na Mahal na mahal kita.Ang sakit sakit. Nasa huli pala talaga ang pagsisisi.”

Tinunga ko ng tinunga ang alak hangang sa tuluyan na akong bumagsak sa sahig at mawalan ng ulirat.

Naalimpungatan ako ng isang malakas na katok sa pintuan kaya ako nagising bigla.

“YANO! BUKSAN MO ANG PINTO BILIS”

“SANDALI!  ANDIYAN NA! KUNG MAKAKATOK NAMAN PARANG MANINIRA LANG NG PINTO”iritado kong usal.

Naglakad ako pababa kahit gumegewang gewang pa ako. Pagbukas ko ng pinto ay si Jagger ang napagbuksan ko.

“ANO BANG PROBLEMA MO ANG AGA AGA NAMBUBULAHAW KA!”

“Sumunod ka bilis!”

Kahit iritado ay sumunod parin ako sa kanya. Nagdirediretso siyang lakad papasok sa sala ng bahay at agad niyang binuksan ang TV na labis ko namang pinagtakhan.

“SERYOSO KA BA?! Pumunta ka lang dito sa bahay para lang makinuod ng tv?! Naghihirap  ka na ba at talagang dito ka pa makikunood?”

“GAGO TUMAHIMIK AT PANOORIN MO TO!”

“Isang nagbabagang balita ang ihahatid ko sainyo sa mga oras na ito. ang ETERNITY Cruise SHIP ay hindi umanoy lumubog ang barko sa paglayag nito kahapon ng gabi sa may bandang Pasific Ocean dahil nagkaroon pala ng matinding sunog ang barko na ikinasanhi ng pagkamatay ng maraming pasahero nito. Ayon sa Ulat ay may higit isang libong katao ang sakay ng barko. Pitong daan ang patay, 200 daan ang nasugatan at nailigtas  at 100 daan pa ang nawawala. Kabilang sa mga listahan ng nawawala ay sina: Romeo Dela Cruz, Karina Sanchez, Sabrina Charleston, David Himayo at ang mga hindi pa nakikilalang tao. Ayon din sa ulat ay unti unti ng nawawalan ng pag asa ang mga kinauukulan na mahahanap pa ang mga taong nabangit dahil narin sa kalaliman ng dagat at malakas na alon. May iba namang nasasabi na patay na din raw ang mga taong nabanggit pero marami parin ang hindi nawawalan ng pag-asa. Ang kabuuan ng report na ito ay ihahatid ko mamaya. Muli ako po si Jessica Ramirez, Naguulat.”

“Hindi yan totoo?! Ligtas ang mag ina ko! Diba Jagger wala naman may nangyari kay SAb? Andito lang naman siya diba?”

Kahit si Jagger ay hindi makapaniwala sa narinig naming balita. Kahit siya ay hindi makapgsalita.

Buhat noong pagkarinig ko sa pangalan ni SAb ay tinakasan ng kulay ang mukha ko. Pakiramdam ko nawala ang tama ng alak sa akin. Napamura ako sa kawalan at dali dali akong umakyat sa itaas at tinignan sa drawer para kumpirmahin na mali nga ang hinala ko.

Nanlumo ako at napabagsak sa sahig ng hindi ko makita ang cruise ticket na dapat ay gagamitin namin ni SAb sa honeymoon namin.

Mas  lalo akong nagwala at nagsisigaw. Hangang sa namalayan ko nalang na inakyat na pala ako ni Jagger sa taas para awatin ako sa ginagawa ko.

“Tell me Jagger! This isn’t happening right? Tell me isang masamang bangungot lang ito!TELL ME!”

“Magdasal tayo tol na ligtas siya. Hindi makakatulong ang pagwawala mo diyan. Pinaayos ko sa Secretary ko ang sasakyan natin. Tutulong tayo sa paghahanap. Hahanapin natin si Sab at kahit anong mangyari ay hindi tayo titigil hangat hindi natin siya nakikita.”determinado niyang usal.

“Agad akong nagbihis at umalis kami kaagad ni Jagger. Pinuntahan namin ang mga namamahala sa paghahanap sa mga nawawala pa.

Tumulong kaming lahat para mahanap lang namin si SAb. Lahat kami ginamit namin ang mga connections and money namin para lang matagpuan siya.

Pero nabigo kami. Lumipas ang halos isang linggo hangang sa naging buwan ay wala kaming nakitang SAb.

Kung noong una ay lahat kami ay matindi parin ang paghahanap na ginagawa ngayon ay sumuko na ang iba.

Inabot ng dalawang buwan bago nila matangap na wala na nga si SAb. Pero ako hindi pa ako sumusuko. Naniniwala ako na buhay pa si Sab. Alam ko hindi niya ako iiwan ng ganon ganon na lang.

Halos gabi gabi akong umiiyak at naglalasing  hangang sa makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.  Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang lumimot.

Naghanda ng isang burial ceremony ang pamliya’t kaibigan namin para kay SAb. Kahit hindi man daw nila nakita ang bankay nito nararapat na bigyan parin siya ng isang solemn na libing.

Galit na galit ako ng mabalitaan ko ang pinaplano nilang gawin kaya sa araw ng ceremony na iyon ay hindi ko napigilang magwala.

Buhat doon nakita ko ang mga magulang ni SAb na labis labis ang iyak at pagdadalamhati. Pati si Yuri ay nakita ko ding  sobra sobrang umiiyak at nasasktan sa pagkawala ng kakambal niya.

Pagkatapos ng ginawa nilang misa ay agad akong lumapit sa kanila. KAhit na ako gegewang gewang pa at hawak hawak ang bote ng alak sa mga kamay ko.

“HINDI PA PATAY SI SAB! HINDI PATAY ANG ASAWA KO! BAKIT NIYO GINAGAWA YAN! PARA NIYO NARIN SIYANG NILIBING NG BUHAY!” umiiyak kong usal.

Agad lumapit sa akin sila jagger para awatin ako pero tinabig ko ang mga kamay nila.

“YANO tama na!”umiiyak na usal ni charry

“HINDI! HINDI PA SIYA PATAY! HINDI PA!”

“SINABI  NG TAMA NA YANO EH!” sigaw ni Yuri.

Buhat doon ay natahimik ako. Nang kapain ko ang sarili ko ay narealize kong wala na pala akong pagmamahal kay Yuri. Nito ko lang narealize na simula’t sapol pala si SAb lang ang babaeng minahal ko at hindi si Yuri pero dahil sa katangahan ko ay hindi ko iyon nakita.

Sinayang ko ang ilang taon para sa wala. Napagbsak nalang ako sa lupa at napaluhod sa ginawa nilang puntod ni SAb.

Lumapit sa akin si Yuri at niyakap ako.

“tama na Yano. Hindi gugustuhin ni Sab na makita kang ganito. Patahimikin na natin siya ngayon. Alam kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.” Umiiyak niyang usal.

“hindi niyo ako naiintindihan! Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin na buhay pa ang mag ina ko? Hindi nila ako iiwan dahil nangako sakin si Sab na babalikan niya ako.”

“Pareparehas lang tayong iniwan Yano! Huwag kang maging makasarili! Hindi lang ikaw ang nawalan tandaan mo yan.”

Buhat doon ay iniwan nila akong nakaluhod sa harap ng ginawa nilang puntod. Sinubukan ni Azer na lumapit sa akin pero tinaboy ko lang siya.

“Tol”

“Iwan mo muna ako.”

Para akong tangang kinausap ang puntod sa harap ko.

“SAb, asawa ko, diba pangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan? Bakit ganoon? Bakit mo ako iniwan? Diba nga sabi mo pa sakin makikilala ko pa ang baby natin? Aalagaan pa natin siyang magkasama. At sabay tayong bubuo at tutupad ng mga pangarap na iyon na magkasama. Ang daya daya mo naman eh! Hindi mo tinupad iyong usapan natin.” sa pagitan ng mga hikbi ko ay ang sakit sakit ng loob ko.

“Gusto kong humingi ng tawad kasi ni minsan hindi ko man lang nasabi sayo kung gaano kita kamahal, kung gaano kita sobrang minamahal at mamahalin pa. Wala ng babaeng mas hihigit pa sayo sa puso ko. Im really sorry for being so stupid the whole time. Kung pwede kong lang ibalik iyong mga panahong lumipas pero alam kong impossible na. Wala ng saysay an buhay ko SAb ngayong wala ka na. KAhit dito man lang masabi ko sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ako nagsisi sa mga pagkakamaling nagawa ko sayo at sa anak natin. Sana ako nalang ang namatay at hindi ikaw. Nahuli man akong pigilan si Kamatayan hinihiling ko n asana bigyan ako ng pagkakataong ng panginoon na magkita tayo sa kabilang buhay kahit konting panahon lang. makahingi lang ako ng tawad ay masabi mo ko man lang sayo ang mga salitang.. I LOVE YOU.. dahil alam ko sa impyerno talaga ang bagsak ko. Patawad sab, patawad..”

------------------------------------

Habang sinusulat ko ang ending nito simula chapter twenty three hangang dito ay walang humpay ang tulo ng luha ko. GOSH sobrang naiiyak ako.

EPILOGUE na po ang kasunod nito at ang very important/special announcement ko na alam kong ikakatuwa niyo.

-------------

Don’t forget to leave your comments, vote if you think it’s deserving and be a fan if you think I deserve to write..Thank you! ^_____^

EnigmaticEnnelg <3

Continue Reading

You'll Also Like

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...