Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 48: GOODBYE

113K 2.5K 879
By altheadelarama

Chapter Forty Eight: GOODBYE

JIREH POV

 Maybe it’s the red string of fate. No matter where we are or what things we do, our mind and heart always think the same ways.

I want to see her… I want to be with her…

I keep on running palabas ng hospital hanggang sa kalsada. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na naisip gamitin ang kotse ko para puntahan sya. Ni hindi ko nga alam kung saan ko sya hahanapin o pupuntahan but my feet keep on running na parang alam nito kung nasaan sya.

Habol hininga ako habang umaakyat pataas at kahit na ang bigat na ng paa ko dahil sa pagod, pilit ko paring inakyat ito.

Halos malaglag na ang eyeglasses ko habang tumatakbo at nang tumigil ako ay tuluyan ng nalaglag ito at natapakan ko.

Napasapo ako sa mukha ko bago sinuklay ang buhok sa mga daliri ko. She’s there…

Even though I didn't call her or ask her, she’s there…

Ngumiti ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Tinatangay ng hangin ang mahaba nyang buhok habang nakatalikod sya sa akin.

Sa lugar na ito… sa lugar na ito nya ako mismo sinagot. She’s standing in the middle of the field, mabuti na lang at walang practice ngayonn.

“You’re late…” at saka sya ngumiti sa akin.

“Kasi naman, baka jinojoke mo lang ako kaya one hour kong pinagusapan kung pupunta pa ako…”

Nakangiti akong lumapit sa kanya. I’m pretty sure, naalala nya kung ano ang sinabi ko. It’s the same exact words na sinabi ko sa kanya sa first date naming dalawa noon sa rooftop.  (Ref. Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum Chapter 23)

Obviously, it’s a lie. I rushed here pagkagaling sa hospital para makita sya kahit hindi ako sigurado kung naandito ba talaga sya. But it’s like na kapag sinabi nya yung words na yun, ito agad ang automatic na isasagot ko.

Naupo kami sa gitna ng field habang nakayakap. Actually, wala naman kaming ginagawa kung hindi ang maupo at tumingin sa paligid. I don’t even know what to say at kung papaano magi-start ng conversation with her.

“Ang bigat ng paa mo”

Napatingin ako sa kanya at sunod sa paa namin. Nakapatong na ang paa ko sa paa nya. Sinipa-sipa nya ito pero pilit ko paring ipinapatong sa kanya kaya naman napilitan na din syang ipatong ang paa nya sa akin.

Ang gaan ng paa nya…

If Aries is the strongest of all the Apostles, Bloody Maria is the fastest and between them is Leo. Kaya siguro mabilis sya dahil wala man lang syang kabigat bigat sa katawan.

Hinawakan ko ang kamay nya at napatingin sya sa akin.

“Let’s have a date…” saka ako tumayo at hinila sya pataas pero ang isang ito, gustong-gusto yata akong pinahihirapan, ayaw kasing tumayo.

“Hindi ka ba nahihiya sa akin, ako lagi ang nagyayaya ng date?”

“Makapal kasi mukha mo eh, paano ako mahihiya sayo?”

God, this girl is something. Napangiti ako at buong lakas syang hinila. Sa ngayon, ang gusto ko lang isipin ay sya at ako.

“Let’s play a game”

Hinila ko ulit sya and this time, nagpatangay na sya at tumayo. Hinawakan ko sya sa balikat at tumingin sa mga mata nya.

“Look me in the eye and say what you think I am thinking…”

“You want to kiss me?” saka sya ngumiti.

Alam ko pabiro nya lang na sinabi yun but what she said is actually what I am thinking right now. Lumapit ako sa kanya at agad na hinalikan ang labi nya na labis nitong ikinagulat.

“Next?”

Hindi parin kumikilos si Lyra habang nakatingin sa akin, mukhang nagulat ko talaga sya sa ginawa ko.

“C’mmon…”

Hindi parin nawawala ang ngiti sa labi ko lalo na at nakikita kong namumula sya. Para tuloy gusto ko ulit syang halikan. Yumuko sya at umiwas ng tingin sa akin pero hinawakan ko ang mukha nya at itinapat iton sa akin.

“Ano ba?”

“Look me in the eye and say what you think I am thinking…”

Pilit nyang inaalis ang tingin sa akin pero pilit ko din itong inihaharap. Ang cute… ang pula ng mukha nya, I never thought na pwedeng mamula ng ganito ang mukha ng isnag Bloody Maria.

Bloody Maria.

Just thinking that she is actually the girl who killed my brother hurts me. I want to take revenge para mabigyan ng justice ang pagkamatay ng kapatid ko. But just seeing her, hearing her voice, being with her…

Nawawala na agad ang galit ko.

Tumingin sa akin si Lyra at hinawakan nito ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong nakikita nya sa reaction ko at ganito na lang ang mga tingin nya.

“You want to escape this world…”

“Yeah” saglit akong tumigil at tinitigan sya.

Hinawakan ko ang kamay nya na nasa mukha ko at inintertwine ito sa kamay ko. I want to escape this world, this pain, this agony but the least…

“I want to escape this world---- with you” at saka ko sya biglang hinila at tumakbo papalayo.

HOSPITAL

KLIO POV

What to do?”

I can’t bear losing them both pero sabi ni Eiji kung umabot man sap unto na papipiliin ako, piliin ko daw si Amber but I know how much Amber wants the baby.

Ilang oras na ba akong nakaupo dito? Kung hindi pa sinabi ni Pierre na nagpunta si Lyra dito hindi ko pa malalaman. Blanko na ang utak ko at hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa paligid ko.

“Klio? Klio? KLIIIIIOOOOOO!!!!”

Napaangat ako ng tingin kay Pierre na nasa harapan ko lang at nakakunot noo. Tiningnan ko din ang iba ko pang kasama na nakatitig lang sa akin.

“What?”

Napabuntong hininga si Eiji at naglakad papalapit sa akin saka ako binatukan ng malakas. Shit! Ang sakit nun.

“Ok ka na?”

Ok? Tanga ba sya? Sinong magiging okay sa ganitong sitwasyon? Binatukan oa nya ako, parang mas lalo ko tuloy nararamdaman ang sakit.

“Hindi mo siguro narinig yung sinabi ng doctor…”

Lumabas na yung doctor? Hindi ko alam, hindi ko din napansin na lumapit sya sa akin. Anong sinabi nya?

“Eiji!” napatayo ako pero hinawakan ni Eiji ang balikat ko at pilit akong pinaupo.

“Both of them were okay…”

Okay? Tama naman ang pagkakarinig ko diba? Kung ganun ligtas sila, safe na sila… akala ko. Akala ko mawawala na sila sa akin…

“But----”

Tiningnan ko sila ng may pahabol pa si Eiji sa sinabi nya. Kinakabahan ako, ayoko sanang isipin na may masamang nangyari pero…

“Madaming dugo ang nawala kay Amber although may nakuha ng donor, medyo matatagalan bago ulit sya makarecover at isa pa…” saglit na tumigil si Eiji.

Shit! Hindi ba nya alam na mas lalo akong kinakabahan sa mga ginagawa nya? Sa mga paputol putol nyang salita? Bakit ba hindi na lang nya ako diretsyuhin?

“Mukhang mahihirapan na ulit kayong magkaanak ni Amber after this one…”

Parang hindi ko yata nagets yung sinabi ni Eiji. Lumapit sa akin si Pierre at umakbay.

“Don’t worry Klio, kahit magiging solong anak lang ang junior mo, gagawa ako ng madaming junior ko para may kalaro sya. Bubuo ako ng basketball team at sya ang coach. Ayos diba?”

“Pierre, wala ka talagang masabing matino…” seryosong saad ni Christine.

Teka, nagloloading ang utak ko, hindi ko parin maprocess ang sinabi nya. Ok naman yung bata at si Amber pero hindi na ulit kahit magkakaanak? Ang labo naman yata nun…

“Buhay sila, yun naman talaga ang importante diba?”

Tumango lang sila sa sinabi ko at ngumiti. Napasabunot ako sa buhok ko, maiintindihan naman ni Amber, alam ko maiintindihan nya.

“Babalik lang ako sa HQ at ikukuha sila ng gamit” tumayo si Pierre at isinuot nito ang jacket nya.

“Sasama na ako” tumayo din si Akagi at sumunod dito.

According to Pierre, nag-away sila ni Krey at umalis sya after that saka dumating si Ophiuchus. Although kaya nyang patayin ang mga kasama ko, hindi nya ginawa. Mukhang may iba pa syang pakay kaya nya ginawa ito.

“Pierre, I want you to look something for me”

“Basta hindi mo kabit mo, sige lang…”

Sana mali ako sa naiisip ko dahil kapag nagkataon, mas lalong lalaki ang gulong ito.

THIRD PERSON POV

Naglakad-lakad si Jireh at Lyra habang magkahawak ang kamay. Sa park sila napunta matapos tumakbo mula sa field ng Wimbledon. Nauunang maglakad si Jireh habang nasa likod naman nya si Lyra.

Pinagmasdan ni Lyra ang likod nito. Ngayon nya lang napansin ang bahaging ito ni Jireh at aaminin nya, isa ito sa assets ng binata.

“Hoy”

Lumingon si Jireh at hinila si Lyra. Tumigil na kasi ito sa paglalakad kaya napatigil din sya. Since magkahawak ang kamay nila, napapahinto din ito sat wing hihinto si Lyra.

“Nangangalay na ako…”

Kalalabas lang ng hospital ni Lyra at hindi pa masyadong magaling ang mga sugat nito. Medyo kulang padin sya sa lakas at pinagpapawisan pa sya.

Binitawan ni Jireh ang kamay ni Lyra at lumakad papalapit dito saka tumalikod at bahagyang umupo.

Piggyback.

Napangiti si Lyra lalo na ng maalala nya ng binuhat sya nito at nung binalak ng head Mistress na ipatapon si Jireh sa Babuyan Island.

“Gustong gusto mo talagang binubuhat ako noh”

“Bakit? Bubuhatin mo ba ako kung magpapabuhat ako sayo?”

“Ayoko nga, ang bigat mo eh” saka naglakad si Lyra at nilamapasan ito.

Nagulat na lang ang una ng muntikan na syang mapasubsob at mapatigil. Pumasan sa likod nya si Jireh at humawak sa balikat nya.

“C’mmon mommy, piggyback please…”

Dahil sa sinabi ni Jireh naglingunan ang mga tao sa park sa kanila at nagsimula ng magbulong bulungan.

“Gago ka din noh”

“Bibig mo nga, talo mo pa akong magmura ah, hahalikan kita dyan…” saka humigpit ang pagkakahawak kay Lyra.

“Bumaba ka nga, nakakahiya oh” saka nito inalis ang kamay ni Jireh sa kanya at humarap sa mga tao.

“Hindi ko po sya kilala…”

Pinagmasdan ni Jireh si Lyra habang tumatakbo ito papalayo sa kanya. Napapangiti sya sa ginagawa nito pero sa isang banda, hindi parin nawawala ang sakit na nararamdaman nya.

Naupo sila sa bench ng mapagod at ng may nakitang nagbebenta ng lobo binili nila ito, pati na din marker at nagdrawing.

Napatigil si Lyra habang tinitingnan ang dinadrawing nya sa lobo saka sumulyap kay Jireh na busy sa dinodrawing nito. Naalala nya noon ng pumunta ito sa dorm nila sa Wimbledon na may dalang lobo pero pinutok nya lang. (Ref. Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum: Chapter 25)

“Walang kopyahan…” at tumalikod si Jireh kay Lyra.

Napayuko si Lyra at tiningnan ang lobo na hawak nya. Remebering the past hurts her at ngayon, parang gusto na lang nya ulit magkaamnesia para kalimutan ang lahat.

Pinilit nyang ngumiti at itinaas ang paa saka sinipa sa likod si Jireh na busyng busy sa dinodrawing nito.

“Patingin…”

“Ayoko, dun ka nga… Alis” binugaw ni Jireh si Lyra saka tumalikod dito, nakataas din ang baa nya sa bangko at nagindian sit sa pagkakaupo.

“Sungit sungit talaga nito…” sinipa ni Lyra sa ulo si Jireh at tumalikod na din dito saka sumandal sa likod nito.

Napatigil si Jireh sa dino-drawing nya, actually it’s not a drawing but a message kaya ayaw nyang ipakita kay Lyra. Matapos basahin ito ay humarap sya kay Lyra at inagaw ang lobo nito.

“Oh, di pa ako tapos…” pero pinalipad na ni Jireh ang mga lobo.

“They said, you should set your feelings free…” ngumiti sya at humarap kay Lyra. “I guess they are free now…”

Napangisi si Lyra. Alam nya ang ibig sabihin nun pero hindi sa ganitong paraan.

“Ang liit talaga ng bokabularyo mo noh? Paano ka nakatapos sa college na ganyan ang kokote mo”

“Grabe ka ha, akala mo kung sino kang matalino…”

“Ako pa talaga ng tinanong mo…” umayos nangpagkakaupo si Lyra sa tapat ni Jireh pero nananatiling nakataas sa bangko ang dalawang paa nito.

”Ever since I was young, top one ako never pa akong natatalo pagdating sa academics”

“Ang taas siguro ng standards mo…”

“Of course…” walang alinlangang sagot ni Lyra.

“Kung ganun, mataas pala ang value ko, pinatulan mo ako eh…”

It was supposedly a joke pero biglang natahimik si Lyra. She never thought na magiging sila ni Jireh, iniisip nya kung hindi ba sya nagkaamnesia, magugustuhan nya rin kaya ito?

“Nakakaawa ka kasi… Alam mo naman ako, ang bait ko kayang tao.”

Kung iisa-isahin ni Lyra ang katangian ni Jireh, aminado sya na hindi nya  talaga ito magugustuhan but then, may isang katangian si Jireh na lamang sya sa lahat.

Something that Lyra can’t avoid.

“Sige nga… tell me, anong ideal guy mo?”

Nagkatitigan silang dalawa, sobrang tagal na para bang ngayon lang nila nakita ang isat-isa. Sobrang tagal na parang kinakabisado nila ang bawat sulok at bahagi nito.

Unang nag-iwas ng tingin si Jireh.

“Ah sabi ko na nga ba eh…” saka tumawa si Jireh.

“Feelingero ka ha, nag-iisip ako kaya ako nakatingin sayo…” pero hindi parin nawala ang pagtawa ni Jireh na nakapagpangiti din kay Lyra.

“Anong height mo?”

Saglit na tumigil si Jireh at nag-isip.

“6’2””

“Mga flat 6 siguro…” saad ni Lyra.

The truth is, ayaw nya sa lalaking sobrang tangkad lalo na yung nanliliit sya kapag katabi ng mga ito. Hindi naman sya maliit, matangkad pa nga sya kung tutuusin pero naiinis sya sa mga lalaking saga dang katangkaran.

Bigla na namang napatawa si Jireh.

“Nagbibiro lang ako, flat 6 talaga ang height ko…”

Para namang nabulunan si Lyra sa sinabi nito, lumalabas din kasi na si Jireh nga ang ideal guy nya. Umiwas na lang sya ng tingin sa huli at nilibang ang isip.

“Eh ikaw, anong ideal girl mo?”

Lumingon si Jireh kaay Lyra na hindi naman nakatingin sa kanya. Umayos sya ng pagkakaupo at tinitigan ito. Tumatama ang buhok ni Lyra sa mukha nito kaya hindi nya maiwasang hindi maamoy ang buhok ni Lyra.

“Bakit interesado ka? Mag-aapply ka ba?”

Walang halong biro at seryosong saad ni Jireh. This time si Lyra naman ang tumawa at nang lumingon ito, halos magtama na ang tungki ng ilong nila sa sobrang lapit.

Napatigil silang dalawa at muli ay nagkatitigan. Ramdam ni Lyra ang bilis ng tibok ng puso nya, hindi nya alam kung sa kaba o sa saya pero sobrang bilis nito at alam nyang ganun din ang nararamdaman ni Jireh ngayon.

Napangiti si Jireh at umiwas ng tingin. Gusto nya sanang halikan si Lyra but then, he lose the courage to do so.

“Shit! This is awkward…”

“I know…” umiwas na din ng tingin si Lyra.

In a short moment, they were silence at pareho silang nakatalikod sa isat-isa habang magkasandalan ang likod.

“Mukha tayong tanga hindi ba?” napatungo na lang si Jireh sa bulong ni Lyra sa kanya.

“Akala ko ako lang, pareho lang pala tayong dalawa…”

PIERRE POV

Ah shit! Mukhang aatakihin ako ng highblood sa mga nangyayari. Napainat ako ng bahagya at medyo sumasakit parin ang mga sugat ng katawan ko.

Somehow, it makes me think na kaya ngayon lang nagpakita si Ophiuchus ay para mabawasan ang mga kalaban nya. Wala na si Sagittarius at Taurus, sugatan din ang ibang Apostles, hindi stable ang condition ni Leo at Virgo. This is the best time to attack kung saan mahina ang lahat but thinking that way…

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan sa kwarto nina Klio at Amber. Sobrang gulo ng lugar at hindi pa naaayos simula ng sumugod si Ophiuchus sa lugar na ito. May mga bakas pa ng dugo sa sahig.

Ang sabi ni Klio, dito lang nakalagay yun…

Humakbang ako at iniwasan ang ilang mga gamit saka nagtungo sa isang particular na lugar. Bukas ang volt at gaya nga ng sinabi ni Klio, wala na ang laman nito.

Agad kong kinuha ang phone ko at saka denial ang number nya. Sinagot nya gad ito sa pangalawang ring at base sa boses nya mukhang hindi parin sya nakakamove on sa condition ni Amber ngayon.

“Klio…”

Tiningnan ko ulit ang volt saka naglakad papalabas ng kwarto at nakita si Akagi na inaayos na ang ilang gamit ng Death Monarch para dalhin sa hospital.

“You are right…”

Narinig ko pang napamura si Klio as kabilang linya. Nilingon ko ulit ang volt bago isinara ang pintuan ng kwarto.

Si Klio ang pumatay kay Sagittarius at naandoon din kami ng mamatay si Taurus at ngayon, their Apostle mask na kinuha naming at itinago, nawawala ito.

Mukhang ito ang target ni Ophiuchus, ang kunin ang maskara ng mga Apostles at tuluyan na silang burahin sa mundo.

LYRA POV

Tiningnan ko ang kamay namin na magkahawak, ang init ng kamay nya. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nahawakan nag kamay nya katulad nito pero the feelings gives me a different emotion everytime I touch his hands.

Napatingala ako, unti-unti ng pumapatak ang ulan, kahit kailan talaga palpak ang mga weather forecaster ng Pilipinas. Napakunot noo ako ng biglang dumilim ang tinitingnan ko dahil sa isang kamay na tumaklob dito.

I look at Jireh na nakangiti habang naghahanap ng masisilungan.

“Haiz, ano ba yan, kaasar naman, bakit ngayon pa umulan? May balat ka ba sa pwet?”

Tinatakluban nya ang ulo ko para hindi mabasa ng ulan habang hinihila ako papunta sa kung saan man may masisilungan.

Tiningnan ko lang sya habang patuloy kami sa paglalakad at sa ginagawa kong ito, pakiramdam ko napakabagal ng oras.

Gusto kong higpitan ang hawak sa mga kamay nya at sabayan sya sa paglalakad pero paano ko gagawin yon kung sa twing nakikita ko sya, binabalikan ako ng mga pangyayari sa nakaraan?

Napatigil ako sa paglalakad kaya naman napilitan din syang huminto. Sobrang lakas na ng ulan na wala ka ng ibang maririnig kundi ito. Siguro mas ok na din ito, ang umuulan ng malakas ngayon kahit papaano, hindi ko masyadong maaaninag ang mukha nya. Hindi ko makikita kung anong magiging reaction nya o kung iiyak ba sya.

I step back at unti-unting binitawan ang kamay nya. Nakakaramdam na ako ng lamig sa paligid ko at parang nabibingi ako sa nararamdaman ko ngayon.

“Panget…”

Hindi ko maaninag masyado ang mukha nya dahil sa ulan pero bakas sa boses nya na nilalamig na sya.

Sinubukan nya ulit hawakan ang kamay ko pero agad akong lumayo.

“Hoy, wag mo sabihin ngayon mo pa naisipang makipaglaro? Magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo… tara na”

Hahawakan nya ulit ako pero umatras ulit ako, umatras ng umatras hanggang sa hindi ko na makita ang mukha nya.

"It's over Jireh..."

I said softly kasabay ng malakas na hangin at buhos ng ulan. Hindi ko sya maaninag kaya alam ko na malayo sya sa tabi ko.

Tumalikod ako at saka nagpatuloy sa paglalakad… wala akong pakeelam kung mabangga man ako o sigawan ng mga tao…

Ang sakit…

ang sakit…

ang sakit… ang sakit…

Paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko. Ginusto ko ito, ito ang naging desisyon ko para itama ang lahat. Ayoko ng lokohin sya at paasahin pa sa isang bagay na alam kong imposible ng mangyari… pero.

Ang sakit… napakasakit… sobrang sakit na gusto kong tanggalin ang puso ko sa katawan ko para hindi ko na maramdaman ito…

Ang sakit na hindi ko na marinig ang ingay sa paligid ko, ang sakit na para bang iyon lang ang pakiramdam na ginawa sa mundo...

Ang sakit…

"Panget..."

Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang humila sa kamay ko. Hindi ko sya maaninag dahil sa labo ng paningin ko. Agad kong pinahid ang mata ko at doon ko namalayan na umiiyak pala ako…

“Anong ibig mong sabihin doon?”

Ngayon, nakikita ko na ng malinaw ang itsura nya, kung ganon… kanina pa pala ako umiiyak ng hindi ko namamalayan, hindi ko alam kung napansin nya ang bagay na ito pero sana hindi…

Sana hindi…

Sana nagawang takpan ng ulan ang mga luha ko…

“Alam mong slow ako kaya hindi ko maiintindihan agad ang sinabi mo…”

Hingal na hingal sya kaya alam ko na hinabol nya ako buhat kanina. Humigpit ang hawak nya sa akin pero pilit ko parin itong tinanggal.

“Jireh…”

Pumipiyok na ang boses ko at nababalot nan din ang katawan ko ng lamig. Gusto kong sumigaw pero parang namamalat na ang boses ko. This will be our last date at hanggang dito na lang ito.

“Said it again… yung sinabi mo kanina…”

Kung ganun, narinig nya pala… akala ko, akala ko hindi. Bakit ba iniisip ko na sana hindi na lang nya narinig para pwede ko pang bawiin?

“It’s over…”

Alin ba sa dalawang salita na yan ang hindi nya maintindihan? Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito, ayoko ng may madamay pa sa gulo namin, ng mga Apostles. Gusto ko ng tapusin ang lahat para makakilos ako at magagawa ko lang yun kung tatapusin na din namin ito ngayon dito.

“Ok, you need space… kaso sa outer space ka na nakatira diba? Ang corny ng joke ko”

That Panget na Alien Jireh, don’t exist anymore.  I am Bloody Maria, an Apostle, the queen of the gangsta. Yun lang ang dapat mong maalala sat wing maririnig ang pangalan ko at wala ng iba pa.

Naririnig ko na tumatawa sya para pakalmahin ang sarili nya. Hindi ko makita kung anong itsura nya dahil sa ulan at nanlalabo kong mata. Hindi ko alam kung galit ba sya o nasasaktan…

Hindi ko alam…

“The two of us, it’s over…” at saka ako tumalikod sa kanya.

"Panget..."

Halos matumba ako ng maramdman ko ang pagyakap nya sa likod ko. He always gives me a reason para hindi tapusin ito at maniwala na kaya pa naming, na ok pa ang lahat pero hindi iyun ang totoo…

"Let go" pinilit kong tangalin ang kamay nya.

"Ayoko"

"It's over"

"Wala akong pakeelam..." isinubsob nya ang mukha nya sa balikat ko at umiling dito.

“Wala akong pakeelam… ayoko… ayoko…”

Paulit ulit nyanng sinasabi ang salita na yan habang nakasubsob sa likod ko at umiiyak. He’s crying at nararamdaman ko yun.

Shit! You’re the worst Lyra.

"Please... let go"

And finally nakawala din ako sa pagkakayakap nya o mismong niluwagan nya talaga ang pagkakayakap sa akin para makawala ako.

"Bakit mo ginagawa sa akin ito? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?"

Sa sinabi nya parang ako na ang pinakamasamang tao. Ganun kasakit yun na parang hindi ako makahinga at tumigil sa pagtibok ang pusok ko.

I softly laugh and starred at him. Of course I am Bloody Maria at hindi ako mabait na tao. I killed hundreds of men and even his brother. I killed them all merciless kaya ano bang kinakatakot ko kung masaktan sya sa oras na mawala ako?

“Jireh, let me go”

A/N:

Nakaprivate po ang next chapter. Ayaw pumayag ni Watty na ipublic so wala akong magagawa. Gemenasai :(

Video on the left by Yish Kermith. Thanks :)

Continue Reading

You'll Also Like

30.4K 693 26
BE CAREFUL WHO YOU TRUST. Magtitiwala ka pa ba pagkatapos mabasa ang kagimbal-gimbal na trahedya sa fieldtrip ng Psychology class 101? This is a work...
10.2M 131K 22
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
14M 305K 79
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!
4.8M 75.9K 77
(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalang puno ng sakit. Kailan ka nga ba makaka...