FANGIRL.

By straytasy

13.5K 446 876

" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto. More

i n t r o q
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
#Happy_JUN_Day

35

234 10 18
By straytasy

YUNA.

Tahimik lamang ako habang naglalakad sa hallway. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung nangyari nung sabado. Pero di ko na maalala kung ano mga pinag-usapan namin nun. Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa akin. Nung una akala ko sila Lea pero paglingon ko ay nakita ko si Stephany.

"Hi Yuna!"

Nakangiti nyang bati sa akin at nginitian ko nalang sya. Parang ilang araw ko syang di nakita at ngayon ko lang ulit sya nakita. Sumabay sya sa paglalakad ko.

"Kamusta naman?"

"Ok lang. Ikaw?"

Tanong ko pabalik sa kanya. Napasulyap ako sa kanya at nakitang napangiti sya. Di ko alam bakit parang may kakaiba sa mga ngiti nya.

"Ok lang rin."

Tumango-tango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Tumahimik ulit ang paligid at di ko alam bakit medyo awkward na ang pakiramdam ko. Ramdam ko naman na pasulyap-sulyap sa akin si Stephany at di ko naman alam ang gagawin ko. Pero maya-maya ay narinig ko ulit syang nagsalita.

"Oo nga pala, kamusta naman lakad nyo ni Jun nung sabado?"

Bigla nyang tanong at literal akong natigilan. Gulat akong napatingin sa kanya. Ngumiti sya sa kanyang sarili bago tumingin sa akin. Teka, pano nya nalaman na magkasama kami ni Jun nung sabado? Nakita nya ba kami dun? Andun ba sya?

"Pano mo–"

"Yayayain ko nga rin sya dapat kumain eh. It was supposed to be our date pero inunahan mo ko."

Sabi nya at natawa ng marahan. Di ko alam pero, parang may galit sa akin si Stephany.

"Ok lang naman. Yayayain ko nalang sya some other time."

Sabi nya at tinignan ako diretso sa aking mata. Sa mga oras na yun, di ako makapagsalita.

"At sana wag kang mag-isip ng kung ano-ano ng dahil lang sa kumain kayo. Wala lang yun para kay Jun."

"Wala akong i–"

Naputol sasabihin ko ng maramdaman kong may biglang tumayo sa likod ko. Dahan-dahan ako napalingon at di ko maiwasan magulat ng makita namin si Jun na seryosong nakitingin kay Stephany.

"Hi Jun!"

Nakangiting bati ni Stephany. Napayuko naman ako at nagpaalam na sa kanila at naglakad na paalis. Pero bago ko pa malagpasan si Jun ay nagulat nanaman ako ng bigla nyang hinawakan tong braso ko. Dahil dun, nagsimulang bumilis tong tibok ng puso ko. Muli akong napatingin kay Jun na hanggang ngayon seryoso pa rin nakatingin kay Stephany. Huminga sya ng malalim bago magsalita.

"Wag mo syang kakausapin kung ganyan lang rin naman pakikitungo mo sa kanya."

Rinig kong sabi ni Jun at sa mga oras na yun ay gusto ko ng lamunin ako ng lupa dahil di ko na kinakaya tong sitwasyon na to.

"May sinabi ba akong masama? I'm just trying to remind her. Sa tingin mo ba, lahat ng ginagawa mo para sa kanya ay balewala lang para sa kanya?"

Sabi ni Stephany na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. Di agad nakapagsalita si Jun at naramdaman kong napatingin sya sa akin. Muli akong napayuko at kaagad inalis tong braso ko mula sa pagkakahawak nya. Di na ako tumingin pa sa kanila at naglakad na paalis habang paulit-ulit nag-eecho sa utak ko yung sinabi ni Stephany.

•·················•·················•

"Bakit di ka kumakain, Yuna?"

Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Jeonghan. Napahinga naman ako ng malalim at dahan-dahan umiling. Di ko alam bakit hanggang ngayon nabobother pa rin ako sa sinabi ni Stephany.

"May nangyari ba?"

Nag-aalala nyang tanong sa akin at napailing nalang ulit ako. Kakain na sana ako ng mapansin kong biglang nawala si Lea.

"Asan si Lea?"

"Nauna na. Pinapatawag kasi sya ni Ma'am sa faculty."

Paliwanag ni Jeonghan at tumango-tango nalang ako. Ano ba yan, Yuna. Wag mo ng pansinin yung sinabi ni Stephany.
Nung una medyo naguguluhan pa ako pero ngayon, nawiwirdohan na ako kay Stephany. Hindi naman sya ganto simula nung magkausap kami. Pero sa tingin ko, may gusto sya kay Jun. Halata naman eh. Narinig kong nagsalita ulit si Jeonghan.

"Nga pala, samahan mo pala ako mamaya."

"Bakit?"

Nagtataka kong tanong sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin at pinakita yung braso nyang napilay na wala na yung cast na nakabalot.

"Sabi ng doctor medyo magaling na tong braso ko at pwede na ulit ako makapaglaro. Wag ka mag-alala, alam naman na ni coach."

Kwento nya at napangiti naman ako sa kanya. Mabuti nalang kahit papaano medyo ok na yung braso nya. Makakabalik na sya ulit sa laro at hindi na maglalaro si Jun, na syang pansamantalang pumalit sa kanya.

"Magprapractice kasi ako mamaya at gusto ko suportahan mo ako."

"Sus. Andun naman mga kalaro mo."

Pabiro kong sabi sa kanya. Natawa naman sya.

"Syempre, ikaw mas gusto kong nandun."

Sabi nya at ginulo-gulo tong buhok ko. Natawa nalang ako at tinaboy yung kamay nya. Pagtapos ay pumayag nalang rin ako na samahan ko sya.

"Basta manlibre ka pagtapos!"

"O sige ba!"

Sabi nya at guguluhin na sana ulit tong buhok ko pero inunahan ko sya at mabilis na kinurot yung ilong nya. Kaagad naman syang napaaray at tinawanan ko nalang sya. Napaka-demonyo ko talaga.

•·················•·················•

Ng matapos ang klase ay napansin ko naman na kanina pa ang tamlay ng tsura ni Lea. Kaya kaagad ko syang nilapitan.

"Lea, ok ka lang ba? Kanina ka pa tahimik."

Biro ko sa kanya at natawa sya ng marahan. Sinukbit nya na bag nya at ngumiti sa akin.

"Nastrestress na ako sa mga gawain. Pero keribels ko pa naman. Sige, mauuna na ako."

"Ingat ka ha!"

Sabi ko at ngumiti nalang ulit sya sa akin. As we parted our ways, dumiretso na ako sa gymnasium para puntahan si Jeonghan na nauna na dun. Basta wag nya lang kakalimutan na ilibre ako dahil yun yung sinabi nya.

Ng makapasok na ako sa loob ng gym ay nakita ko na yung mga kalaro ni Jeonghan na nag-eexcercise. Yung iba naman nagprapractice mag-shoot. At iba tamang gamit lang ng cellphone sa gilid. Hinanap ko agad si Jeonghan at di ko namalayan na patakbo syang lumapit sa akin. Ng makalapit na sya sa akin ay nagulat ako ng bigla nyang ibalot yung kamay nya sa bewang ko at binuhat ako tsaka umikot-ikot.

"Hoy! Leche ibaba mo nga ako!"

Natatawa kong sabi at ng maibaba nya na ako ay ngumiti sya sa akinat kinurot tong pisngi ko.

"Bakit ang ligalig mo ngayon, huh?"

"Ang saya ko lang na makakalaro na ulit ako. Sige, upo ka na dyan."

Sabi nya at tumango nalang ako. Tumakbo na sya papunta sa mga kalaro nya at ako naman naupo na sa bleachers. Ng makaupo ako ay nilabas ko cellphone ko at naisipan picturan si Jeonghan. Tinapat ko camera ko kay Jeonghan na nagdridribol ng bola sa gitna. Pinicturan ko kaagad sya at pinost sa my day ko with caption, "nagbabalik ang mvp!"

Napangiti ako sa aking sarili at tinago na ulit cellphone ko. Dumating na ang coach nila at sinimulan na nila ang kanilang practice.

Sa kalagitnaan, naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kaagad ko yun nilabas at tinignan kung anong meron. Halos manlaki tong mata ko kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita kong nagreply sa my day ko si Jun. Dali-dali ko inopen yung reply nya at binasa.

Jun: replied to your story nasa gym ka?

Napalunok naman ako sa di malaman na dahilan. Kaagad ako nagtype ng reply.

...

Yuna
oo, pinapanood ko magpractice si jeonghan

Jun
ok

Yuna
bakit pala?

Jun
wala

wen junhui
logged out

...

Napasimangot naman ako ng mag-log out na sya. So nagreply lang sya dun sa my day ko para lang itanong kung nasa gym ako? Hays. Pinatay ko nalang ulit cellphone ko at binalik ang atensyon ko kila Jeonghan. Pero di ko alam bakit bigla akong napangiti dahil dun.

•·················•·················•

JUN.

"May sinabi ba akong masama? I'm just trying to remind her. Sa tingin mo ba, lahat ng ginagawa mo para sa kanya ay balewala lang para sa kanya?"

Sabi ni Stephany at di agad ako nakapagsalita. Anong ibig nyang sabihin dun? Napatingin ako kay Yuna na mukhang hindi na komportable. Inalis nya yung braso nya mula sa pagkakahawak ko at naglakad na palayo. Ng makaalis na sya, muling nagsalita si Stephany.

"Napaka-obvious mo, Jun."

Sabi nya at napatingin ako sa kanya. When our eyes met, a smirk formed on the corner of her lips. I sighed.

"Di ko alam pinagsasabi mo."

"Ok yeah, sure. Pero di mo ako maloloko. Hays, malalate pa ako. See you around."

Sabi nya at nilagpasan ako. Naiwan naman ako dito sa hallway. Medyo naguguluhan ako dun sa sinabi nya. Wala akong kaalam-alam kung ano pinupunto nya. But I know it has something to do with Yuna.

I can't be actually starting to like Yuna.







...

an: hey i'm back lol




Continue Reading

You'll Also Like

180K 2.9K 50
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
1.2M 24.1K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
181K 220 108
This story is not mine credits to the real owner. πŸ”ž
405K 596 100
This story is not mine credits to the rightful owner. πŸ”ž