Mafia Boss 2: Owned By Him

By ateEmp

1.8M 49.3K 2.8K

|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWN... More

Owned By Him
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
THANK YOU!
Epilogue

Chapter 28

31K 876 50
By ateEmp

THIS is insane.

"Zyrone?" I looked up sa taong tumawag sa akin. I hurriedly wiped my tears, I can't really explain why I cried over this matter.

I neved cried sa isang simpleng drawing lang. Pero this drawing na pagmamay-ari ni Akira ay may kung anong pumiga sa puso ko. Gay as it may sound but I really fell in love in an instant with that kid and her drawing. This is not romantic kind of love holy shit, it's more like a father's love for his daughter? Ah seriously? I mean why am I even considering myself as a Daddy now?

I was known as hard as rock. Cold and dangerous. But here I was, I just really cried.

"Zyrone what happened?" Hinawakan niya ako sa braso at nagtataka siyang nakatingin sa akin. Inspecting my face and she asked "Did you cry?"

"No, there was something na pumasok sa mata ko. Meron pa ba?" I even opened my eyes wide para maniwala siya sa akin.

But I only got a hard slapped on my arm. Tsk. Uso na ba talaga ang mga babaeng amazona ngayon? Can't they be like Kyana? Mabait madalas. Hindi yung pagiging amazona madalas ang pinapairal niya.

"Don't lie to me. At bakit ka naman umiyak? You're Zyrone Olivier, at si Zyrone Olivier umiyak? That's new." Can't blame her. Kahit nga rin ako gulat sa inakto ko.

"Dr. Samina Rozza Kho, sabihin mo nga sa akin. Tinakasan ka ba ng pasyente mo? The one who's in the picture you sent us," I asked.

"Ako? Tinakasan ng pasyente? What are you talking about?" Naguguluhan niyang tanong.

"I saw the girl sa loob ng hospital kanina," Nanlaki ang mga mata niya.

"You went to her room?!" Tanong niya at kaunti nalang she'll be hysterical. She's now pacing back and forth. What's wrong with her now?

"No. You think papapasukin ako ng pamilya ng bata when I am not her Doctor? Tsk." She stopped from walking and sighed.

"Oh thank God," she said habang nakatingin sa taas.

"What?"

"Nothing..." Ako naman ang naguluhan sa inaakto niya ngayon. "Ano nga ulit yung tinatanong mo? May tumakas na pasyente?" I nodded.

"Ang gulo mo Zyrone ha. Paano naman mangyayari iyon?"

"I don't know. I just saw her. The one who's in the picture you sent to us. Nakita ko siya kanina dito sa first floor, nagkaharap kaming dalawa. I am not mistaken that she's your patient. Trust me. Now go back to her room at e-check mo siya," utos ko. And maybe this time I'll go with her.

Dinukot niya ang cellphone niya in her pant's pocket.

"Nurse Joy, did you already go to Kyara's room to check her temp and give her meds?"

"Alright. Sige. Salamat." Pinanlakihan naman niya ako ng mata.

"What?" I asked but she didn't answer me instead hinila niya na ako papunta sa café.

"You know what, konting konti nalang talaga ipapacheck-up na kita sa isang Neurologist. O kaya naman sa isang Psychiatrist. You were acting weird the whole day. May sakit ka ba? You're having hallucinations? At bakit ka umiiyak kanina Dr. Zyrone Olivier?"

"I'm fine. Totoo yung sinasabi ko. Siya talaga yung nasa harap ko kanina." Sinenyasan niya ako na tumigil muna at mag-oorder siya ng makakain namin.

What I saw was real.

"Nasa kwarto si Kyara when nurse Joy went to her room. Kasama pa rin daw niya ang Lola niya, she was with her Mom din kaninang umaga. So paano naman makakatakas si Kyara if may bantay siya? And the kid can't go anywhere without her oxygen tank, she has trouble im breathing without it, you know." So sino yung nakita ko kanina?

Kamukhang kamukha niya iyon. And then the drawing popped in my head. There's this Kyara and Akira.

"What's your patient's name again?" I asked.

"It's Kyara Zyrah De Le--" Tumikhim siya.

"The name of the girl I encountered is Akira," kinuha ko sa pocket ko yung drawing niya at pinakita kay Samina. Hindi man pictures ng dalawa ang nakalagay at plain drawing lang yung nandoon na stick man-like drawing with hair and dress nakalagay pa rin naman ang pangalang Kyara and Akira. So she'll probably get what I want her to understand.

"She has a twin?!" She blurted out. Oh right, bakit nga ba hindi ko naisip agad na baka kakambal niya nga yung nakita ko?

"Possible. I told you nakita ko ang kamukha, I mean her twin sister kanina. And her name is Akira. Hindi ako pwedeng magkamali dahil magkamukhang magkamukha sila that's why I asked you."

"This is mindblowing. Oh god. Zyrone what are you gonna do?" She asked, habang hawak ang noo.

"What do you mean by that?" Tumitig siya sa akin.

"When you saw the kid. The little girl, Kyara's twin, what did you feel?" Bigla niyang tanong. At nagbalik na naman ang nararamdaman ko.

"Unexplainable.Confusing."

"Bakit mo nasasabi 'yan?" She asked again na para bang interesadong interesado sa isasagot ko.

"I felt like crying while I'm staring at her. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit but at the same time hindi ko kayang gawin kasi baka masaktan ko siya? I don't know. Normal pa ba ako? I may sound like a dumb but there's really something I couldn't explain after seeing that kid." Tumango-tango siya habang naiiyak din.

"You know what? May mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag lalo na at hindi mo alam ang kung anong nangyari. You can tell everything right now because you're not in the position to tell everything...I can't..." She heaved a deep sigh.

"I feel sorry because I can't do anything about that. Pero ikaw. Zyrone Olivier get your shits together and listen to your heart. Kung ano ang gusto mong gawin, do it. Do it hanggat hindi pa huli ang lahat." What she just said was like a puzzle to me. What does she mean by that? Bakit niya sinasabi ang ganong bagay sa akin?

I was about to say something when my phone rang. Tinignan ko ito at lumabas sa screen ang pangalang 'Vier Hugo'.

Shit. Something bad happened. Mafia organization na ang tumawag at seryoso ang usaping ito.

Tumingin ako kay Samina na nakatingin din sa akin.

I sighed. "I have to go. The other reason why I came here is that I'm going back to US at gusto ko lang magpaalam sayo," nanlaki ang mata niya.

"Zyrone, you're what?"

"I said I'm going back to US, tomorrow morning would be my flight."

"Teka lang iiwan mo sila dito nang hindi pa inaayos ang lahat? How about the kids? I mean..." She stopped after realizing what she's talking about. "Hindi ka pwedeng umalis, mas importante ang kailangan mong gawin dito," she said.

"Babalik ako."

"Pero Zyrone?"

"Bantayan mo yung pasyente mong si Kyara. Kung pwede lang send something about sa personal informations niya. Sino ang nga magulang niya. Hindi ako matahimik kasi bakit kamukha ko ang batang iyon. Is that even possible? I'll accept kung baliw na ako sa paningin mo ngayon but I just want to know. And please do everything para gumaling na siya."

Hindi pa rin tumitigil ang ring ng cellphone ko. Hindi ko naman pwedeng sagutin ito sa harap ni Samina. Wala siyang alam sa mafia na kinabibilangan ko.

"Baliw ka nga. Just don't blame me after this. And bahala ka if pagbalik mo wala na sila ulit."

Kanina pa talaga puro kamisteryohan ang sinasabi niya, sinong sila? And why would I blame her?

"This is really important. Goodbye, Samina. You take care." I hugged her. Tsaka umalis sa café.

Pagkasakay ko ng sasakyan ay sinagot ko ang tawag.

"Hugo."

"Mr. Olivier one of our headquarters bombed as well as the casino and one of your companies." Humigpit ang hawak ko sa manibela. "We got only same message after they ruined the establishments. I'll send you the picture," tinignan ko ang cellphone ko sa sinend niyang picture.

'Do not get what's mine Vier.'

"I'll be there tomorrow morning. For now find the fuckers and make them wait for me," kung hindi man bukas baka mas aagahan ko nalang ang pag-alis.

"We're need to do something now." Pinatay ko ang tawag.

Hugo. He's my most trusted man. He's the one giving me reports in everything happens in the US while I'm gone. Siya rin ang nagiging mukha ko kapag haharap sa mga allies ng organization kapag wala ako.

According to what's happening right now. They're giving me signs that they want a war. Una dito sa Pilipinas at si Kyana ang pinuntirya. Pangalawa sa US naman at infrastructure ko ang sinira. I'll definitely ruin their lives whoever they are. I'll find them.

Narito man sila sa Pilipinas o nasa ibang bansa. I'll find them.

Sunod ko namang tinawagan si Grimes.

"Ikaw na ang bahala kay Kyana and her family. Game's on." He said okay at pinatay na ang tawag.

Almost of my men were in the US kaya pinagkakatiwalaan ko ang kay Grimes. We're allies by the way and there's no way na tatraydorin niya ako. We're in this same bigger organization called Rex Infernum.

Ayoko pa ring mapahamak siya lalo na at alam ng karamihan na asawa ko pa rin si Kyana.
-

LUMIPAS ang ilang oras at hindi pa rin ako makakalma dahil sa pag-iisip ko. Nasa tabi lang ako ni Kyara hawak-hawak ang kamay niya. She's getting better sabi ni Doc Sam.

Nag-iwan din siya sa akin ng mga salitang hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang iparating.

She said that I'm coward enough not to tell everything. But strong enough to make everything right.

Weird. Ano naman ang ibig niyang sabihin? May alam ba siya? Pero kung may alam siya dapat kinausap niya rin ako tungkol doon.

Hindi ko na alam.

May umakbay sa akin and patted my shoulder. "I hate seeing you so stressed. What is your problem Kyana?" It's Beyb.

"Wala naman. Kulang lang siguro ako sa tulog." Yes that's right, ilang oras lang akong tulog kagabi dahil hinintay ko si Zyrone na makauwi. Pero hindi na pala umuwi at nagising pa ako ng maaga dahil okay na ang sasakyan ko. I only have 2 hours of sleep simula pa kagabi at hindi ko magawang makatulog ngayon dahil baka sa pagpikit ng aking mga mata paggising ko ay wala na akong makikitang mga anak ko. I even lost my appetite after I and Amira talked.

"Magpahinga ka muna. Ako nalang magbabantay kay Kyara. If you want, magstay nalang din ako dito sa hospital so you and Tita Kay can rest."

"Oh no Beyb, okay lang ako. Kaya ko. Thank you but you don't have to do that," ngumiti ako.

"Well then. Kung hindi mo na kaya you can just call me. I'm one call away. I can take a leave sa restaurant for you." Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Salamat." I said. He smiled. Napakabait talaga ng lalaking ito.

"Sige Kyana, uuwi na rin ako," paalam niya.

"Mag-iingat ka okay?"

"Syempre mamahalin mo pa ako," umirap lang ako. Tumawa siya at tuluyan na ring umalis.

Si Amira ay nakaalis na rin kanina pa dahil kailangan siya sa wine company nila. Nauna siya kila Papa. Habang sila Papa at Akira naman ay nakalis na rin.

8 PM na rin ng gabi noong umalis sila at may pasok pa si Akira kaya kahit na gusto niya pang mag-stay dito at nagmamakaawang dito muna siya, mabuti nalang at napakiusapan kong umuwi siya. Gusto ko pareho silang kasama pero hindi naman siya pwedeng magstay sa hospital lalo na at bata palang siya, natatakot akong baka mahawa pa. Tapos hindi rin ako pwedeng mag stay sa bahay dahil kailangan din ako ni Kyara dito lalo na at may sakit pa siya.

I was left with Mama and Kyara, pinapauwi ko na rin si Mama kanina para makapagpahinga ng maayos pero hindi niya raw ako iiwan at sasamahan niya akong magbantay sa apo niya. After ulit ng tests kanina ni Kyara ay nakatulog na naman siya.

Si Mama ay nasa labas para bumili ng kape. Isang mansanas lang ang kinain ko buong araw pero hindi pa rin ako tinatablan ng gutom dahil sa pag-aalala. Mama was trying hard to make me eat kahit kaunti lang pero hindi ko na ata malulunok ang pagkain.

Anong gagawin ko? Pupuntahan ko ba si Zyrone at makiusap sa kanya? Pero paano kung hindi niya naman nahalata na anak niya pala si Akira? Ako lang din ang magbubunyag sa sarili kong lihim kapag nagkataon.

"Mama...Akira..." Napalingon ako sa anak ko dahil bigla siyang nagising at umiiyak.

Agad ko siyang inilapit sa akin at niyakap.

"Sshhh nandito lang si Mama," pang-aalo ko. Masama ba ang napaginipan niya? Bakit siya umiiyak?

"Kyara, bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

"Nasaan po si Akira?" Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. Akala niya siguro bumalik sila Akira dito, though alam naman niyang umalis na sila kanina pa at gising siya non.

"Nasa bahay na, hindi ba umuwi na siya. And sa susunod tayo naman yung uuwi," sabi ko.

"Akala ko po kinuha na siya ng monster." My forehead creased. Ngayon lang siya nagsalita about sa monsters.

"Hindi naman sila totoo baby, gusto mo tawagan natin sila Lolo at Akira tapos sleep ka na ulit?" I asked. Tumango siya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa table na tabi ng kama at i-denial ang number ni papa.

Ring lang ng ring pero walang sumasagot, mostly kasi tatlong rings lang sumasagot na si Papa. For sure naman nakauwi na silang dalawa dahil medyo malapit lang naman ang bahay dito sa hospital.

"Kyara parang tulog na ang Lolo at si Akira," sabi ko sa anak ko.

"Tawagan mo po ulit please?" Tumango ako at tinawagan ulit ang number ni Papa. I smiled when he answered the call.

"K-Kyana anak, patawarin mo ako..." Nanghihinang sabi ni Papa sa kabilang linya. Napatingin ako kay Kyara at ngumiti para hindi ipahalatang nagsisimula na naman akong kabahan.

"Wait lang baby," sabi ko sa anak ko at lumayo.

"Pa? Anong nangyari?" I asked biting my lip, nanginginig ito.

"Kyana... Si Akira..." Humagulhol na si Papa ngayon sa kabilang linya.

"Pa? Nasaan kayo? Ano pong nangyari?" Ulit ko. Hindi ko alam pero parang may masamang nangyari. Sa boses at tono palang ng pananalita ni Papa ay parang nanghihina siya at takot na takot and he's crying! Oh god.

Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na umiyak dahil din sa posibleng nangyari sa kanila. Kaba. Takot. Takot ang bumalot sa akin.

"Kinidnap siya anak. Kinuha nila si Akira."

Continue Reading

You'll Also Like

30.3K 1.7K 22
Callista is a Mafia Boss, She is the most scariest mafia boss in Town. But because of one mistake, She died. Callista wake up and Found herself in...
4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
14.6K 728 41
Simula nang maulila, si Lyra na tumayong ama't ina sa pito niyang kapatid. Sa murang edad niya, isang secret organization ang nagtrain sa kanya bilan...
4.4M 123K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...