My 4 Boy Best Friends (ON-HOL...

j_collie által

14.2K 500 69

Kadalasan ang mga scenario sa labas, laging babae ang magkakasama. Laging lalaki ang magkakasama. Minsan nama... Több

4 Boys + 1 girl = Less Drama in Life
Prologue (Role call)
One - Full house
Two - Regret
Three - Bestfriend zoned
Four - Ex'es
Five - On the floor
Six - Performance
Seven - Birthday Bash
Eight - Birthday Bash
Nine - Rough Morning
Ten - Ignored
Eleven - Sorry
Twelve - Slowly Changing
Thirteen - The Prank
Fourteen - Books
Sixteen - Summer Vacation (part 1)
Seventeen - Summer Vacation (Part 2)
ON-HOLD!

Fifteen - The Lost Niven

558 22 0
j_collie által


SKYE'S POV

Pagkatapos naming ayusin ang mini Library, ayan, nagkanya kanya na silang pwesto. Nagrereklamo pa 'yung iba, gagamit din pala.

"The Lost Bird in the Forest." malakas na sabi ni Leizer.

"Anong kabaliwan 'yan, Par?" puna ni Raeden sa kanya.

"Gagawa kaming story. Maikli lang. Para sa English subject namin ni Evia. Meron din siya non. Ee tapos na ata siya." sabi ni Leizer habang nagsusulat.

Napatingin naman ako kay Evia na nakasiksik sa isang sulok habang nagbabasa ako. Napangiti ako. Ang cute niya kasi.

Buti naman nagbabago na siya ng kaunti. Namamanage na niya ang oras niya. Study first before leisure. Ilang beses ko siyang pinagsasabihan dun.

"Ang baduy mo, Par. Palitan mo 'yung title mo! Nangiinsulto ka na ee!" reklamo ni Niven.

"Ayoko nga! Wala na akong maisip!" sagot ni Leizer.

"Tingnan mo 'tong kay Evia. The Haunted Shipwreck Beside the Atlantis." basa ni Raeden sa isang folder. Ayon na yata ang gawa ni Evia Baby. Wait what? Baby?! Bakit ko iniisip 'yon? Mukha kasi siyang Baby. Ayon nga.

"Ee babae siya! Malakas ng imagination!" pagtatanggol ni Leizer sa gawa niya.

"Tagares ka. Palitan mo 'yung title mo! Wag lang 'yung nawawala!" inis na sabi ni Niven.

Teka nga. Bakit ba ayaw ni Niven---

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

Grabe! Naalala ko na! Kung bakit ayaw niya 'yung title!

"Kuya, nababaliw ka dyan." pansin sakin ni Evia habang nakatingin sa libro.

"Alam ko na kasi 'yung dahilan kung bakit ayaw ni Niven 'yung title."

*Flashback*

"Par, akyat tayong Mt. Samat. May research kasi kami about doon." bungad sakin ni Leizer na kapapasok ng kwarto ko.

"Alanganin na, Par. Hapon na. Ee sa Bataan pa 'yon." sabi ni Niven na naglalaro ng dota sa desktop ko dito sa kwarto ko.

"Sige na, please. Pinuntahan ko si Evia sa kanila, hindi daw siya pwede. Si Raeden may lakad naman. Sige na." pagpupumilit ni Leizer.

Nandito kaming tatlo ngayon sa bahay namin, sa kwarto ko. Kanina pa nandito si Niven. Tapos si Leizer, eto, kakapunta lang.

"Sige, sama ako. Tapos na ako sa mga ginagawa ko." sabay unat ko ng katawan.

"Sige na nga. Par, dala kang bike." sabi ni Niven.

Hindi naman kami nagtagal at umalis na kami. Kotse ni Leizer ang gamit namin. Tapos sa likod non, nakalagay ang bike ko. Nagpatugtog naman si Niven ng malakas kaya hindi masyadong nakakabagot ang byahe.
Mahigit dalawang oras ang byahe namin dahil taga Manila kami, tapos Bataan ang pupuntahan namin.

"Par, dito na lang ako." sabi ni Niven.

"Aano ka dito?" tanong ko sa kanya.

Nandito na kasi kami sa babang bundok ng Mt. Samat. Tapos makulimlim na. Medyo padilim.

"Magba'bike ako paakyat." sabi ni Niven sabay labas ng kotse.

Pinagmasdan namin si Niven na binaba ang bike at sumenyas na mauna na kami sa taas. Anong trip neto?

Sinunod na lang namin 'yung senyas niya kaya naman nagmaneho na si Leizer.

"Hayaan mo na lang 'yan, Par. Sanay sa bundok 'yon. Hahaha!" pagbibiro ni Leizer.

Natawa naman ako bigla. Naalala ko kasi 'yung biruan namin nila Leizer. Tinanong ko siya kung saan niya nakilala si Niven. Sabi naman niya, nakilala daw niya si Niven sa bundok. Tapos 'yung pantawag pa sa tribo niya 'Alululululu!'. Tapos tinuruan daw niyang magsalita si Niven kaya sumama na daw siya sa syudad.

Nung nalaman ni Niven yung pinagsasabi ni Leizer, ayon. Na'rak siya. Hahahaha!

Pagkarating namin sa pinakataas, nagsimula namang mag'research si Leizer. Naiwan ako sa kotse niya habang nakikinig pa rin ng music na tumutugtog. Aba, himala. Naka'off ang engine ng kotse pero my music pa rin.

Kinuha ko naman ang phone ko at tinext si Evia. Siya lang naman ang madalas kong nakakatext. Minsan naman, siya ang dahilan kung bakit ako may load araw araw. Gusto ko kasi siyang nakakatext at kausap sa phone tuwing gabi. 'Yung tipong, bago ako matulog, gusto ko boses niya 'yung huli kong maririnig. Saka gustong gusto ko kasi siya laging nakakasama. Masaya at masarap kasi siyang kasama.

Kapag naman nagkakaroon kami ng tampuhan, hindi ko maiwasan ang hindi mapakali. Kaya naman panay ako ang sumusuyo. Pero syempre, kapag siya ang may kasalanan, siya ang susuyo sa'kin. Ang unfair kung ako palagi.

Sa mata ng ibang tao, iisipin nila na may relasyon kami. Pero wala talaga. Ganoon lang kaming ka'close.

Nang malaman kong hindi busy si Evia ay tinawagan ko na siya. Sinuot ko naman ang headset ko.

"Hello."

"Hi, Kuya. Saan na kayo?" tanong ni Evia sa kabilang linya.

"Nandito na sa Mt. Samat. Ikaw, nasaan ka?"

"Nandito sa kwarto ko. Nga pala, tatawag ka ba mamaya?" 

"Oo. Kaya wag ka munang matutulog." nakaramdam naman ako ng excitement. Hindi ko alam kung bakit. Basta gusto ko ng makauwi agad para matawagan ko siya mamayang gabi.

Matagal kaming naguusap ni Evia. Minsan nga mga pang walang saysay na 'yung topic namin. Minsan naman, parehong tahimik, pero kahit ganoon, dapat magkadugtong pa rin 'yung call sa phone namin.

"Tapos na ako, Par." bungad sa'kin ni Leizer sabay pasok sa kotse niya at umupo sa Driver's seat.

"Gabi na. Uwi na tayo." aya ko naman sa kanya.

"Ingat kayo sa pag'uwi. Masyado ng madilim." sabi ni Evia sa kabilang linya.

"Salamat. Ingat ka rin dyan." sabi ko kahit alam kong nasa bahay lang siya. I care for her that much. Kahit nasa bahay siya, lagi ko siyang pinagsasabihan na magiingat siya. Same as her.

"Si Evia ba 'yan?" tanong sa'kin ni Leizer. Tumango naman ako bilang sagot.

"i'loud speaker mo naman." ginawa ko naman ang sinabi ni Leizer kaya nakakausap na naming dalawa ni Leizer si Evia.

"Kuya Leizer, ingat sa pag'drive. Gabi na." paalala ni Evia sa kanya. "Nasaan na si Kuya Niven? Bakit hindi ko naririnig? Hindi niyo ba siya kasama?" 

Bigla naman akong natauhan sa tanong ni Evia. Shit! Nakalimutan namin si Niven!

"Par! Tawagan mo si Niven. Madilim na, hanggang ngayon wala pa." sabi ko kay Leizer.

Agad naman niyang kinuha ang phone niya at tinatawagan si Niven. Pero nagulat kami nang huminto ang music pagkatapos ay nag'ring. Tagares. Cellphone pala niya 'yung tunog nang tunog. Iniwan pa niya rito.

"Nawawala si Kuya Niven?" may halong pagaalala sa tono ni Evia. 

"Makikita rin namin 'yon." sabi ni Leizer sabay start niya sa engine.

Nagsimula na kaming bumaba. Pero mabagal lang ang pagmamaneho ni Leizer. Baka sakaling makasalubong namin si Niven.

Naningkit naman 'yung mata ko ng may nakita akong lalaking naglalakad na may hawak na bike.

"Par! Ayon na yata si Niven!" turo ko sa lalaking naglalakad. At tama, si Niven nga.

Agad namang hininto ni Leizer 'yung sasakyan at bumaba na kami. 

"Pre!" sabay naming tawag sa kanya at lumapit.

"Mga p*tang*na nyo. AKALA KO HINDI KO NA KAYO MAKIKITA!" kinakabahang sigaw sa'min ni Niven. 

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

Imbes na magalit kami o magalala, natawa na lang kami ng malutong ni Leizer. Grabe! HAHAHAHA! Si Niven! Naligaw! HAHAHAHA!

"Tagares kayo. Ngayon lang ako natakot. Sobrang dilim, wala akong dalang cellphone! Tubig lang ang meron ako saka bike! Kumakanta na nga lang ako para hindi matakot! Hindi ko alam kung saan ako pupunta! Puro puno lang nakikita ko. Mga bwisit kayo." mabilis na sabi ni Niven. Pero patuloy pa rin kami sa kakatawa. Pati si Evia, naririnig kong tumatawa sa phone. Sinasabi pa niya na hindi na siya makahinga kakatawa. HAHAHAHA!

"Kasalanan mo 'yan. HAHAHAHA! Nagpaiwan ka pa kasi! HAHAHAHAHA!" sisi sa kanya ni Leizer na nakakapit na sa kotse niya bilang balanse. Halos napapaluhod na siya kakatawa!

"Tang*na. Umuwi na nga tayo!" inis na sabi ni Niven at inunahan kaming pumasok sa sasakyan. 

HAHAHAHA! Grabe 'to! Pati tuloy ako sumasakit na 'yung tyan kakatawa!

*End of Flashback*

"HAHAHAHAHA! Naaalala ko 'yan! HAHAHAHAHA!"

"Sana pala kasama ako non para nakita ko mismo si Niven! HAHAHAHA!"

"Epic lang. 'Yan kasi. Bike pa more! HAHAHAHA!"

"Sasama na nga lang, naligaw pa. HAHAHAHAHA!"

"HAHAHAHA! Teka lang, ang sakit na ng tyan ko! HAHAHAHA!"

"Ee kung kayo kaya 'yung nasa sitwasyon ko non, hindi kayo matatakot?" depensa ni Niven.

"Ee Kuya Niven, kahit ako matatakot. Pero hinding hindi ako magba'bike na paakyat lalong lalo na kapag padilim na. HAHAHAHA!" patuloy pa rin sa pagtawa si Evia.

"Ang tanga mo, Pre. HAHAHAHA!" 

Patuloy pa rin sila sa kakatawa. Kahit ako. Parang naman kasing tanga talaga ee. Magba'bike sa paakyat tapos padilim na. HAHAHAHAHA!

Kawawa naman si Niven, malas na nga sa pag'ibig, naliligaw pa. HAHAHA!

Olvasás folytatása

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...