Miss Butt-Kicker and The Cold...

By mushroomjjang

21.6K 437 135

What will happen when miss butt-kicker meets the cold-hearted guy? Will they clash or will they prove that op... More

[MBK&CHG PROLOGUE]
[1] Mistaken as someone else
[2] Electric Shock
[3] Chili Con Carne
[4] Strangers again
[5] Nihongo Club
[6] Enchanted
[8] Lovers Lane
[9] Signs
[10] Expectation
[11] Angry
[12] Pageant Night
[13] College Representative
[14] Fake Prince
[14.5] Is it a merry christmas?
[15] Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted Guy
[16] The Truth Revealed
[17] Oh you make me smile ♥
[18] The Other Side

[7] Stuck with each other

913 22 4
By mushroomjjang

Dedicated sa aking new watty friend! ;)

Magbabago po ako ng format. Naka-bold na po yung mga sinasabi ng characters. Tignan ko lang kung anong mas maayos. Thank you <3

__________________________

Raine’s POV

“LIE!” Naitapon ko sa sahig yung lintik na lie detector test na yun. Ang sakit naman, nangunguryente pala. Nakakainis talaga, yung LDT naman na yun yung sinungaling. Ako? Gusto kong magpaligaw dun sa lalaking yun? NEVER! Utot nya oy.

Ayoko na! Ayoko na maglaro!” Tumayo nalang ako para dun nalang ako sa sofa matulog. Kahit malaki yung kama, ayoko naman dun matulog.  Mukha pala nun, manyak na.

Pagkaupo ko dun sa sofa, lumapit siya sa akin. Nilapit niya ng nilapit yung mukha niya. >///< Ano ba to nakakainis. At no, hindi ako nagbablush no, ayoko lang talaga may lumalapit sa mukha ko.

So...” So-so ka jan, upakan kaya kita? Pero sa isip ko lang sinabi yun.

Gusto mo palang ligawan kita?” Tumawa siya. At sinipa ko nga.

Ang kapal ng mukha mo! Sira! Sira yang lie detector test nila. Itapon mo na yan!” Pinagpapapalo ko siya at sinuntok ng sinuntok.

Oi tama na! Masakit! Masakit! Ano ba aphrodite! Aray naman!” Hahahaha. Ang cute nya pag nasusuntok eh. Ano daw? Cute. Nakakata-cute kamo. Bagay siyang panakot sa halloween.

Maglaro na nga lang ulit tayo, turn mo na!” Kinuha nya yung lie detector test at sinuot.

Ako na magtatanong!” Ano kayang magandang itanong para makuryente to?

HAHAHAHAHAHAHA. ALAM KO NA! *EVIL LAUGH* Akala niya siya lang ha!

“Kaya mo ba tinanong yun, kasi gusto mo talaga gawin?”

Ano...” Kinamot niya ung ulo niya. Huli ka balbon! Mukhang makaka-isa din ako dito.

Ano nga?!?!”

“Oo.” Hahahahahahahahahaha. Panalo na ako... wait. Teka! Ano daw sabi niya? Oo?

TRUTH”Nanlaki yung mata ko, so totoo pala talaga? Totoo yun? *dug dug dug dug* Wala akong masabi, pinaglololoko ba ako nitong lalaking to? Eh truth daw sabi  nung LDT. Hindi, hindi yun. Yung sakin nga hindi naman totoo. Sa kanya din siguro.

Hiro’s POV

“TRUTH!” Ang sarap talaga pag-tripan nitong si Aphrodite. Alam ko na tactics nitong LDT eh. Dapat lang hindi mamamawis yung kamay mo, eh hindi naman ako pasmado. Kaya kahit anong isagot ko, sure truth naman.

Ayoko na talaga maglaro!” Tumayo siya at kumuha ng unan dun sa kama at tsaka nilagay dun sa sofa. Ba! Ibang klase talaga tong babaeng to. Hindi man lang nagrequest na sa kama matulog? Ibang klase talaga.

Edi dun siya sa sofa. Akala niya marereverse psychology niya ako? Asa no! Nahiga na ako dun sa kama. Ang laki-laki nito, king size pa. Dapat dito nalang siya nahiga eh. Kala naman niya gusto ko siya... gusto nga.

Joke lang. Kayo naman hindi mabiro. Matutulog na nga lang ako. Tss. Nakakainis tong  si Panget. Hinanap-hanap ko pa sa ball tapos wala lang naman palang mangyayari. Sana binigay ko na dun sa Jeremy na yun.

“Wag mo ako iwan...”

“Kahit nasa malayo ako, nandiyan padin ako sa tabi mo...”

“Wag ka nalang kasi umalis...”

“Aki...” 

Aki...wag mo ako iwan...” Ha? Bakit may Aki sa panaginip ko? 

Naalimpungatan ako at nakitang umiiyak si Aphrodite. Kahit naman may galit ako sa mga babae, di ko padin matiis kapag umiiyak sila. Kaya pala biglang nagkaroon ng Aki sa panaginip ko, eto palang babaeng to nagsasalita pag tulog.

Pumunta ako sa may sofa para gisingin siya kaso nung medyo dumilat yung mata niya.Bigla nalang ako sinunggaban at niyakap. Aba, ikaw pala may balak sakin eh. -_-“

Aki *huk* buti bumalik ka. Sabi na nga ba hindi mo ako *huk* iiwan eh.” Ano ba yan, napagkamalan pa ako. Kaya pala ako niyakap. Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sakin.

Ano ka ba, hindi ako si Aki. Patay na yung boyfriend mo. Hindi ako yun, okay?” Pinunasan niya yung mukha niya. Kawawa naman to, isang taon na nakakalipas hindi padin maka-get over. Narinig ko nalang siya na bumulong ng ‘sorry’

Dun ka nalang sa kama matulog, baka binabangungot ka dahil diyan ka sa sofa natutulog.” Inayos ko na ung kama, nilagyan ko na ng harang na unan para di siya mailang. Matutulog na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

Pwede ba... huwag nalang tayo matulog?” Akala ko pa naman conservative to. Anong sasabihin ko dito? Paano ko ba to ituturndown? Syempre gusto ko padin naman yung asawa ko makakauna sakin.

Aphrodite... matulog ka nalang.”

Please...” Ano ba to. Ang kulit naman -_- Ang hirap naman makaintindi na ayaw ko nga mag ganun. Tsaka bawal din! Nasa rules kaya yun.

Aphrodite, ayoko nga! Gusto ko sa asawa ko- ”

Asawa? Ano ba sinasabi mo? Makikipagusap lang naman ako sayo ah?!?!” Ahhh. Makikipagusap lang pala.

Osige, ano bang gusto mo pagusapan?” Napakamot nalang ako ng ulo. Ang berde ko naman magisip. Pahiya tuloy ako dun.

Wala... gusto ko lang kasi ng mapaglalabasan ng loob.” Siguro tungkol to dun kanina. Dun sa ex niya. Kawawa to kung iisipin.

Sige, kwento mo lang. Di ako magsasalita. Makikinig lang ako.”

Salamat ha...”

At ayun nagkwento na nga. Magkababata pala sila nung Aki na yun, sabay pala sila lumaki at first love nila yung isa’t isa. Ang saya naman ng buhay nila, bata palang luma-lovelife na at legal sa parents. Kaibigan din pala nila si Jeremy kaya pala parang hindi siya ilang dun kahit makasama niya sa kwarto, pero yung bakla daw yun? Parang hindi talaga ako naniniwala.

Bading ba talaga si Jeremy bata palang kayo?”Hindi ko naipigilang itanong kasi nakakacurious talaga.

Hindi eh. Hindi ko nga alam kung paano naging bading yun. Siguro nung mga Grade 6 na kami, dun pala niya narealize na magkaparehas pala kami ng lahi.”

“Bakit bigla namang bakla agad? Pwede ba yun? Kapag ako natripan ko maging bakla, bakla na agad ako?” Nakakapagtaka talaga, baka may inside motive yun.

Eh sa hindi ko alam eh! Basta nung parang MU na kami ni Aki, hindi na siya masyadong nakikipagusap samin. Tapos nalaman ko nalang, bading na pala siya.” Napabuntong-hininga nalang si Aphrodite.

Kaya pala, may gusto pala yung si Jeremy kay panget. Hindi ko lang alam bakit ang manhid nito eh. Tsk. At ayun, nagkwento pa siya ng nagkwento.

Ah, oo. Nagkahiwalay kami ni Aki ng dalawang taon. Hindi naman niya sinabi kung bakit, pero okay lang. Hinintay ko naman siya. At nung bumalik siya, naging kami na talaga kasi teenager na kami.”

San siya nagpunta?”

“Sa japan.” Sa japan? Posible palang nakilala ko si Aki nung nasa Japan siya, kasi yun din yung mga panahong nasa Japan ako eh. Ngayong college lang naman ako nagpunta sa Pilipinas, dun kasi ako lumaki.

Napadami na din yung kwentuhan namin. Namatay pala sa car accident si Aki at nung dinala nila yung katawan sa ospital, dead on arrival na daw. Hay, kawawa naman to. Magkukwento na sana ako nung nakita ko siyang tulog na. Nakaupo kasi kami nun sa kama, yung ulo niya nasa balikat ko na. Binuhat ko siya para makahiga na siya ng maayos sa kama.

Bakas padin sa mukha nya yung lungkot, isang taon na nakalipas pero hindi padin nagbabago yung sakit na nararamdaman niya. May magagawa kaya ako para matulungan siya? Kung sakali kayang gusto ko siya alagaan, papayagan ako ni Aki?

Aki... bakit ba parang ang pamilyar ng pangalang yun sakin?

Kinumutan ko siya at natulog na din, sana lagi ko siyang makasama ng ganito. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya, sana hindi na muna mag-umaga.

You may now leave the room.” Nagising ako nung nag-announce yung President namin. Pagdilat ko ng mata ko, siya agad yung nakita ko. Magkaharap kasi kami eh. Nawala na nga yung unan sa gitna kasi niyayakap niya na. Ang ganda niya talaga, ang swerte ni Aki dahil kahit minsan naging sa kanya si Aphrodite.

Gising na...” Tinapik ko si Panget at kinuskos niya na yung mata niya. Nakakatawa yung buhok niya, ang gulo na. Pero maganda padin naman.

Salamat nga pala kagabi ha?” Ngumiti siya sa akin. *dug dug dug dug* Ano ba to? May sakit na ba ako sa puso ngayon?

Wala yun.” Lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla ko siyang tinanong. Napaisip kasi talaga ako dun buong gabi eh.. kung bakit parang pamilyar yung pangalan ni Aki.

“Panget, anong buong pangalan ni Aki?”

Ah.. si Aki ba?” Nag-nod ako.

Aki....

Atashi.”

*to be continued*

________________

Bitin na naman no? Hihi. Bukas nalang ulit guys. Pa-vote at comment naman ng reactions niyo! :)

 Ayan po si Hiro sa side bar! Random lang yan, walang ganyang scene sa chapter na to :)))

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...