Mafia Boss 2: Owned By Him

By ateEmp

1.7M 48.1K 2.8K

|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS SERIES 2: OWN... More

Owned By Him
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
THANK YOU!
Epilogue

Chapter 20

29.4K 968 52
By ateEmp

Nakatitig lang ako sa kanya. Shocked because of what he said. So he knows me? How? Pero bakit wife?

"But you're right. Maybe I was... wrong." I saw his jaw clenched bago niya ako ibigay sa bagong magiging partner ko.

Nanlambot ang mga tuhod ko kaya hindi na ako gumagalaw at nakatayo lang katapat ng isang lalaking may bughaw na mga mata. A foreigner it is. He was about to say something but I talked first.

"I'm sorry, I'm having a stomach ache," tapos tumalikod na ako. Dumeretso ako sa banyo. I looked at the mirror.

Napapikit nalang ako dahil hindi pa rin kumakalma ang puso ko. And what the heck was that? Nakilala ba niya ako o hindi? Parang oo kasi na hindi. I don't know. Damn it Zyrone.

Ilang inhale and exhale ang ginawa ko. Maybe there's no reason for me to stay here anymore. Nakapagsabi naman na ako kay Amira. Magpapaalam nalang ulit ako, 'yun ay kung makikita ko pa siya sa dami ba naman ng bisita nila eh.

Paglabas ko ay nandoon si Beyb, nakasandal sa pader at obviously hinihintay ako.

When he saw me ay lumapit agad siya sa akin. "Are you okay?" Tumango lang ako.

"Nakakahilo lang yung sayaw but yeah I'm fine," sabi ko nalang.

"Kumain ka na ba?" I rolled my eyes.

"Not yet." Kapag talaga nagpupunta kami sa party puro pagkain ang nasa isip niya. Like hindi buo ang gabi niya sa party kung hindi siya makakakain ng mga pagkain na sineserve sa party.

"Tara na. Alam ko namang gusto mo ring kumain." I said tapos hinila ko siya.

"Gutom na rin kasi ako," humalakhak kami pareho. I am hungry as well hindi na rin ako nakakain sa bahay. At tama lang siguro 'to ibaling nalang sa pagkain ang lahat at huwag nalang isipin na nandito si Zyrone. Masisira lang ang gabi ko lalo.

"After this I need to go home," paalam ko habang kumukuha kami ng pagkain.

"Ang aga naman. Are you bored or what? Nandito naman ako I'll make you happy the whole night," and he winked.

"No thanks. Ang harot mo talaga."

"Double meaning ka naman diyan. What I meant is that I can accompany you hanggang matapos ang party."

"Alam ko, I didn't think anything else," umirap ulit ako at sumubo sa pagkain. Pero parang nawalan ata ako ng gana dahil kaharap ng mesa namin ay ang mesa ng lalaking ayokong makita ngayong gabi. And he was there sitting, staring at us. Ano bang problema niya? Tsk.

Ang nakakainis pa rito ay hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya. Alam kong gwapong gwapo siya sa suot niyang tux pero ano bang pakialam ko? Eh ano ngayon kung gwapo siya? Ano ngayon kung pinagpipiyestahan siya ng mga babaeng iba't ibang lahi? Ano bang pakialam ko?

Tsaka wala siyang karapatang titigan ako. Siya na manloloko, manggagamit, gago? Huh ang kapal ng mukha.

Kamusta naman 'yung sinabi niya hindi niya na ako gugulihin?

My god Kyana hindi ka niya ginugulo he's just staring at you!

Ganon na rin 'yon! He's messing up with my heart and mind. At umiinit ang ulo ko.

"Joke lang ang seryoso mo naman."

"Kumain ka na nga lang diyan. Tsaka after nito uuwi na talaga ako. I'm still worried about Kyara," pagkasabi ko non ay kinuha ko sa purse ko ang cellphone to check kung may text ba sila Mama. At mabuti nalang dahil ang sabi sa text nakatulog na raw pagkaalis ko ang mga kambal at wala namang problema.

"Hmm, okay I won't stop you. Para hindi ka na mag-alala masyado diyan. Do you want me to drive you home?" Uminom ako ng wine bago siya sinagot.

"No need Beyb, I have my car with me." Tumango lang siya.

Tumingin ulit ako kay Zyrone and he's now talking to a woman. No, they're flirting not talking. I just rolled my eyes. Maybe that's his wife he was referring to awhile ago. Baka siya rin yung babaeng naka-encounter ko sa restaurant na kasama si Zyrone. I'm not sure because she's wearing a mascara. Nakakainis ang view lalo. Ugh I hate him.

"I need to go Beyb," paalam ko. Naiinis na rin kasi ako.

Ang daya. Heto at mahal pa rin siya pero siya may asawa ng bago.

Pero ano bang problema ko? The last time I remembered hindi ko siya gustong makasama ni makita tapos kung ano-anong pinuputok ng butsi ko rito. Come on self! Bakit mo pa ba mahal ang tarantadong Zyrone na 'yan? Tanga ka! Tanga!

Tumayo na ako pero tumayo rin si Beyb.

"Okay ihahatid lang kita hanggang sa sasakyan mo," umiling ako.

"No. Finish your food. Kaya ko na 'to." Umiling din siya.

"Let's go," he said offering his arm. Gentleman talaga eh. I took it nalang para hindi na humaba ang usapan. Sabay kaming naglakad palabas. Maybe I'll text Amira na nauna na akong umuwi, hindi ko rin kasi siya makita ngayon.

"Thanks." He smiled.

He kissed me on my cheek, I mean on the side of my lips, na ikinagulat ko naman pero hindi ako nagpahalata syempre.

"Take care and call me kapag nakarating ka na." Tumango lang ako tapos sumakay na sa sasakyan ko.

Habang nagdadrive ako ay tumunog ang cellphone ko. I was about to answer the call when someone's car made its way in front of mine. Napa-preno ako ng bongga. Kinabahan din ako ng sobra at nanlalamig ang mga kamay ko. Shit this is not happening again is it? I knew that I was carefully driving kahit na naiinis ako kay Zyrone, pinangako kong hindi na mauulit ulit 'yung nangyari sa akin before. May tarantado lang talagang humarang sa daanan ko at mabuti nalang hindi ako bumangga. Halata namang sinadya but damn it I'm still trembling right now, who wouldn't anyway? Muntikan na akong maaksidente.

Kumatok ang isang tao sa windshield ng sasakyan ko.

"Oh my god," usal ko. Limang lalaking armado ang nasa harapan ng sasakyan ko ngayon. Shit.

Palakas ng palakas ang katok pero nakatulala pa rin ako sa kanila.

Come on Kyana think! Call the police? Pero mahahalata nila ako paano kung barilin ako dahil nakita nila akong may tinatawagan?!

Pero ano bang kailangan nila sa akin? Bakit sila may mga baril?!

I looked outside. Sumakto pa sa daang pa-isa isa lang ang sasakyan! Mamamatay na ba ako? Anong gagawin nila sa akin? Sino sila? Anong kailangan nila? Oh diyos ko tulungan niyo ako.

"Sinabi nang lumabas ka!" Sigaw ng lalaki na kanina pa kinakatok ang sasakyan ko. I screamed when he shot the tire of my car. Hindi makakatawag iyon ng atensyon dahil naka-silencer ang baril at sa kamalas malasan ay walang sasakyan ang dumaraan sa oras na ito. I'm dead. Paano na ang mga anak ko? Sinabi ko pa namang babalikan ko sila pareho. Aalagaan ko pa si Kyara. Wala naman akong kasalanan para mamatay ako ng ganito.

Kidnap? Holdup? Carnap? Tapos ganon pa rin naman eh, at the end they'll kill me if they got what they want from me.

Mamamatay na ata ako sa kaba. I was about to cry pero anong magagawa ng iyak ko? Damn, I am nervous as hell right now. Nasa bingit na ako ng kamatayan.

Dahan dahan kong binuksan gamit ang nanginginig kong mga kamay ang pinto. Pero bago ko pa tuluyang mabuksan, isa-isa silang natumba at nakita iyon ng dalawa kong mga mata. Sa takot ay sinara ko ang pinto.

Nagtago nalang ako sa loob. Umupo ako sa sahig ng sasakyan at nagsumiksik sa loob nito nagbabakasaling tamaan ako o mapatay ako. Shit I couldn't help but to cry.

Someone help me please.

Bumukas ang sasakyan ko at nagsusumigaw ako. "Don't kill me please! Parang awa niyo na! Ibibigay ko... Ibibigay ko kahit gaano kalaking halaga ang gusto niyo just please spare me! Don't... Please don't kill me..."

Pagmamakaawa ko habang nakapikit pa rin sa takot at namaluktot pa rin sa pinagtataguan ko.

Pero imbes na baril ang tumama sa akin isang malakas na bisig ang humila sa akin palabas para yakapin ako.

Teka yakapin?

"I'm here, wife. You're safe now."



Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
2.7K 184 31
Between two different World a perfect love collide. She wish for it and he granted it. Will there love and affection can lead them through eternity o...
196K 8.1K 16
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.