Midnight Lover [RATED SPG / C...

Par iamaivanreigh

9M 100K 4.7K

WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed wi... Plus

Author's Note
TEASER
Midnight Lover - 01
Midnight Lover - 03
Midnight Lover - 04
Midnight Lover - 05
Midnight Lover - 06
Midnight Lover - 07
Midnight Lover - 08
Midnight Lover - 09
Midnight Lover - 10
Midnight Lover - 11
Midnight Lover - 12
Midnight Lover - 13
Midnight Lover - 14
Midnight Lover - 15
Midnight Lover - 16
Midnight Lover - 17
Midnight Lover - 18
Midnight Lover - 19
Midnight Lover - 20
Midnight Lover - 21
Midnight Lover - 22
Midnight Lover - A
Midnight Lover - 23
Midnight Lover - 24
Midnight Lover - 25
Midnight Lover - 26
Midnight Lover - 27
Midnight Lover - 28
Midnight Lover - 29
Midnight Lover - 30
Midnight Lover - 31
Midnight Lover - 32
Midnight Lover - 33
Midnight Lover - 34
Midnight Lover - 35
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Midnight Lover - 02

396K 3.2K 329
Par iamaivanreigh

 

ASHER



"Are you really gay?" tanong ko kay Raven na ngayon ay nakatulala sa 'kin. Ako man ay nakatitig din sa kanya. Parang hindi magawang iproseso ng isip ko ang sinabi ng kaibigan kong si Jackie na bakla nga raw ang kaibigan niyang 'to na ngayon ay nasa harap ko.



Pero kung hindi ako inunahan ni Jackie, baka isipin kong talagang babae 'tong si Raven. Sobrang ganda naman kasi niya. She has long ash blond hair na bumagay sa maputi at makinis niyang kutis. Her heart-shaped face surprisingly complimented her statuesque figure. Kung susumahin, pwede siyang sumabak sa Miss Universe and I bet she'd really be an eye catcher with those long legs na ngayon ay malaya kong napagmamasdan.



"Ayaw mo ng tenant na transgender?" Raven asked in a flat but non-shaky voice.



"No, no. Hindi sa ganun. I'm just really curious." Damn! Why do I feel like I'm suddenly at a loss for words?



"Okay," tumayo si Raven at naglakad pabalik ng sala. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Nakita kong sumandal siya sa hamba ng pinto at saka dumukot ng sigarilyo at lighter mula sa bulsa ng suot niyang shorts. "Yes, I'm gay. I'm a transgender to be exact."



Lumapit ako sa kanya at humingi ng isang stick ng sigarilyo. "Meaning wala ka nang junior?" nakangiting tanong ko sa kanya.



Naningkit ang mga mata niya at saka ibinuga sa mukha ko ang usok. "Why do you keep on asking these questions again?"



"I'm curious. At huwag kang mag-alala, I don't discriminate gays. May cousin din naman akong bakla. Pero lamang ka dun ng mga isandaang paligo.



Sa sinabi ko ay narinig kong tumawa siya habang hinahampas ako sa isang braso. Shet, mukhang pini-flirt na 'ko ng isang 'to. Well, I'm up to experiment din naman.



"Really? Paano mo naman nasabing lamang ako ng isandaang paligo dun sa pinsan mo?"



"Let's just say na ang sagwa ng hitsura niya kapag nakadamit pambabae siya. Pumuputok ang mga muscles niya sa mga damit niya at tamad din siyang mag-ahit ng legs niya. Eh, balbon pa naman 'yon. Pero ikaw, maganda at sexy na, makinis pa. Anong sekreto mo at nang mapayuhan ko naman yung pinsan ko?"



"You're cute," tumatawang saad niya na para bang wala akong tanong na ibinato sa kanya.



"Pangalawa ka pa lang na nagsabing cute ako," sabi ko sa kanya.



"Talaga?" tila hindi makapaniwalang balik-tanong niya.



"Yes. Lahat kasi ng taong kilala ko, gwapo, pogi o 'di naman kaya ay yummy ang tawag sa 'kin," nakangising sagot ko sa kanya. Pero totoo naman 'yon. Halos lahat ng kadalagahan dito sa amin gwapo o pogi ang tawag sa 'kin. Samantalang sa mga beki, yummy ang kadalasang adjective na kinakabit nila sa akin—which I don't find offensive of course.



"Kapal neto," I heard Raven mumbled while trying to suppress a smile which resulted into a big laugh. At nakakahawa ang paraan ng pagtawa niya.



"So ano na nga ang sekreto mo at na-achieve mo ang ganyang ganda?" I asked resiously. Not because I want to learn her beauty tips but simply because I want to hear her soothing voice. Pati boses niya ay boses babae rin. Pwedeng-pwede na siyang sumali sa Super Sireyna sa Eat Bulaga.



"Well, aside from the good genes of my parents, malaking tulong rin ang naiambag ng Diane pills at Myra-E."



Napatango-tango ako sa sinabi niya. At bigla na naman akong natigilan at napatitig lang sa kanya. At doon ko lang napansin na kamukha niya ang artistang si Ellen Adarna.



"Thanks for answering the question. Anyway, uuwi na muna ako. Kapag may kailangan ka, don't hesitate to tell me. Doon lang ako nakatira sa unang unit. So, see you when I see you?"



Tumango lang siya sa 'kin at hinayaan na akong lumabas ng unit niya. Pero bago pa man ako makalayo ay lumingon ulit ako sa kanya. "Thanks nga pala sa kape."



"You're welcome," nakangiting sagot niya.



Napapailing ako habang papasok sa unit na tinutuluyan ko. Pagpasok ko ay naabutan ko ang pinsan kong si Junnie na mag-isang natutulog sa sofa. Mukhang nakaalis na ang jowa niyang si Macmac na super bagets pa kung tutuusin.



Nilagpasan ko ang pinsan ko at dumiretso ako sa kwarto ko habang isa-isang tinatanggal ang mga saplot ko sa katawan at basta-basta na lang iyong pinaghahagis sa kung saang parte ng kwarto ko.



Dumiretso ako sa banyo at tumapat sa shower. At habang nakatukod ang isa kong kamay sa dingding ay saka ko lang napansin na naghuhumindig pala ang pagkalalaki ko. Bigla ko na namang naalala ang magandang mukha ni Raven na sigurado akong kaiinggitan ng mga tunay na eba.



Bago pa man mapunta sa kung saan ang imahinasyon ko ay minadali ko na ang pagligo at mabilis na nagbihis ng pambahay.



Pagkatapos magbihis ay pumunta naman ako sa kusina para maghanap ng makakain. Dahil likas na tamad akong magluto, nagkasya na ako sa Purefoods corned beef at bahaw na kanin. After thirty minutes ay solve na ang tiyan ko.



Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago ako bumalik sa kwarto ko para matulog ulit. Binuksan ko ang aircon at ibinaba ang makapal na kurtina ng bintana. Kulay brown ang kulay nun kaya hindi nakakapasok ang sinag ng araw. Ni-lock ko ang pinto at humiga na sa kama. Mayamaya pa ay nakatulog na ulit ako.



Mag a-alas otso na ng gabi nang magising ulit ako. Hindi ko na naabutan si Junnie pero may nakita akong pinagkainan sa lababo.



"Lintik na Junnie, ni hindi man lang hinugasan ang pinagkainan niya," pagkausap ko sa sarili ko.



Dahil bahagya pa lang akong nahihimasmasan ay naupo muna ako sa sofa at nagmuni-muni. Ano kaya ang magandang gawin sa araw na 'to? Bahagya pa akong natawa sa sarili ko dahil nakalubog na ang araw, actually.



Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla kong marinig ang boses ng malandi kong pinsan. "Yohoo! I'm back!" malakas na sigaw ni Junnie kahit alam kong nasa bungad pa lang siya ng gate. Ganoon talaga siya, papansin sa mga tenant ko. "Hoy, tulaley ka yata diyan? Eto oh, may pasalubong ako sa 'yo."



Biglang kumalam ang sikmura ko pagkakita ko sa box ng pizza na nilagay niya sa ibabaw ng center table.



"Ikaw, pinapayagan na nga kitang mag-uwi ng lalaki mo dito, nag-iiwan ka pa ng kalat. Hindi ba sabi ko naman sa 'yo, ayoko na may naiiwang hugasan sa lababo."



"Eto naman ang sungit. Huhugasan ko rin 'yan mamaya kaya chillax ka lang. Sige na lumafs ka na muna at may ichi-chika ako sa 'yo."



At iyon nga ang ginawa ko. Nilantakan ko ang pizza pizza na dala niya. Naka-apat na slice rin ako.



"Ano yung ichi-chika mo?" Sa dami ng gay friends ko, minsan na-adopt ko na rin ang language nila. But no, I'm not a beki. Sadyang magaling lang talaga akong makisama sa kanila. Besides, who don't like beki's anyway? They're usually witty and fun to be with.



"Dito ulit kami matutulog ni Macmac mamaya," sabi ni Junnie nang sa wakas ay matapos kong lagukin ang coke in can na dala rin niya.



"Hoy, ang usapan natin isang gabi lang kayo dito. Bakit ngayon humihirit ka pa ulit? Hindi na pwede, uyy," matigas na pagtanggi ko sa sinasabi niya.



"Sige na couz. Last na, promise. Last night na niya kasi ngayon since babalik na siya ng Maynila bukas."



"Paano kung ayaw ko?"



Sumimangot si Junnie at nakapamaywang na humarap sa 'kin. "Wala kang choice. Sa ayaw at sa gusto mo, dito kami ni Macmac ko. Kung gusto mong manood ng live show namin, ikaw ang bahala."



"Kasuka ka!" pasigaw na sambot ko sa kanya bago dinampot ang kahon ng pizza at dire-diretsong lumabas ng bahay. Sa unit ni Raven ako huminto at saka kumatok sa pinto.



Ilang sagit lang ay bumukas din iyon at nakita ko si Raven na halatang kakagaling lang ng banyo. Bahagya pang tumutulo ang buhok niya. Medyo na distract pa ako nang makita kong isang maluwag na white t-shirt lang ang suot niya. Hindi ako sigurado kung may suot siyang shorts dahil halos umabot sa kalahati ng legs niya puting t-shirt. Napalunok pa 'ko nang makita ko ulit ang legs niya.



"Yes?" tanong niya sa akin.



Mula sa legs niya ay tumaas ulit ang mukha ko pabalik sa mukha niya. "Pwedeng dito muna ulit ako?"



"Why?" nagtatakang tanong niya.



"Sa bahay daw ulit kasi matutulog 'yong pinsan ko kasama yung jowa niya. Eh, ayoko namang masaksihan ang kababalaghang gagawin nila."



Tila saglit na nag-isip si Raven. "Hindi ka ba natatakot na baka pagsamantalahan kita? Alam mo na, bakla rin ako."



"Ayos lang. Basta ba lasingin mo muna ako," nakangising sagot ko sa kanya.



"Gago. Pumasok ka na nga," natatawang saad niya.




Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at hinayaan akong makapasok.



__________

A/N: Bago magtanong ng kung ano-ano, basahin muna ang next chapter.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

430K 8.4K 44
Kyrie Veil Sasha is a teenager who sell her virginity. Mahirap lamang siya at dahil gipit, kapit sa patalim. Her virginity worth one hundred million...
5.6M 118K 45
(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. S...
141K 4K 25
Brianna Mariel's life was mapped out and she's okay with it pero niloko siya ng lalaking dapat ay mapapangasawa niya, ang masaklap ito pa ang kinamp...
3M 64.9K 55
Erson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him...