Midnight Lover - 25

148K 2K 128
                                    

RAVEN

Hindi ko alam kung nakailang bote na ako ng San Mig Light basta ang alam ko ay nagsisimula nang umikot ang mundo ko—o mundo nating lahat—at baka maakusahan niyo pa akong inaangkin ko ang mundo.

"Uwi na tayo," ungot ko kay kuya Raze na kanina ko pa napapansing panay ang hagod sa braso ni Asher. Kung hindi ko lang talaga kuya 'to ay baka kanina ko pa nahila ang ulo niya na panay rin ang hilig sa balikat ni Ash.

At ang lokong lalakeng 'to, hindi man lang sinasaway ang kapatid ko. Mukhang as nag-eenjoy pa siya lalo na at sa pagkakasandal ng ulo ni kuya Raze sa balikat niya, nagkakaroon siya ng pagkakataong titigan ako.

Yes, kanina ko pa nahahalatang habang nakikipag-usap siya kay kuya, panay naman naman ang sulyap niya sa akin na para bang sadyang iniinggit ako. Nakakabanas!

Baka hindi lang pag-ikot ng mundo ang maranasan ko kundi pati pagkulo ng dugo ko kaya tumayo na ako at isinukbit ang bag ko sa balikat.

"Sissums!" malanding tawag sa akin ni kuya Raze pero ni hindi man lang nag-abalang tumayo para sundan ako.

Magsama kayo, malalandi!

Tuloy-tuloy akong lumabas ng bar hanggang sa marating ko ang kalsada. Timing naman na halos walang dumaraan na taxi ng mga oras na 'to. Kung meron, eh, may sakay na pasahero.

Ilang minute pa lang akong nakatayo sa gilid nang kalsada ay naririnig ko na ang malakas na tawanan nina kuya Raze at Asher. Hindi ako lumingon kahit na kating-kati na 'kong lingunin silang dalawa.

"Ang KJ mo ngayon, sissums. Dati naman hindi ka ganyan," reklamo ni kuya na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko pero nakaangkla pa rin sa braso ni Ash. It should be me holding his hands like that. At ako lang dapat ang nakakalapit sa katawan niya nang ganoon kalapit.

"Baka naman may nakakapagpa-irita sa kanya kaya nag-inarte siya ngayon?" narinig kong sabat ni Ash.

Doon nagpanting ang tenga ko kaya humarap ako sa kanya't dinuro-duro ko siya. "Don't you dare talk to me that way. Hindi mo ako kilala kaya—"

"Exactly, hindi nga kita kilala. Hinding hindi kita kilala but that doesn't mean I couldn't see that you're very pissed right now. Why? Is it because of me? Dahil ba mas malapit ako sa kapatid mo kesa sa 'yo?"

Humalukipkip ako at sinikap na patatagin ang loob ko kahit ang totoo'y masamang-masama ang loob ko. Ganito ba talaga ang galit niya sa akin dahil lang sa nagsinungaling ako sa kanya tungkol sa totoo kong pagkatao?

"Guys, tama na. Kung umasta kayo parang ang laki-laki ng galit niyo sa isa't isa. Ang mabuti pa ay umuwi na tayo," pamamagitan ni kuya Raze sa aming dalawa. "Sissums, sa condo mo kami matutulog ni Ash, ha?"

Hindi ako umimik. Kahit nang may tumigil na kotse sa tapat namin ay tahimik lang ako na sumakay. Ako sa harap at silang dalawa sa likod.

Wala naman silang ginagawang nakakadiri pero hindi ko maiwasang hindi mainis sa tuwing mapapasulyap ako sa rear-view mirror.

Pagdating namin sa condo ko ay agad na umibis ako ng taxi at nagpatiuna sa pagpunta sa elevator. Ngayon ay hindi na sila gaanong magkalapit dahil may guard na nakatalaga sa lobby. At iyon na yata ang pinakamatagal na nag stay ako sa loob ng isang elevator gayong nasa eight floor lang naman ang unit ko.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay mabilis na lumabas ako at tuloy-tuloy sa harap ng pinto ng unit ko. Hinanap ko pa sa tote bag ko ang susi pero nang isusuksok ko na 'yon sa keyhole ay hindi ko naman iyon magawang ipasok dahil nanginginig ang kamay ko sa hindi ko maipaliwanag na emosyon.

Hanggang sa naramdaman ko ang kamay ni Asher sa kamay ko. "Let me do it," aniya.

Huminga ako ng malalim at saka pumasok na sa loo. Kung noon ay kayang payapain ng lugar na 'to ang nag-aalimpuyo kong damdamin, ngayon ay halos ni hindi naibsan ang galit at inis na nasa dibdib ko.

"Ikaw na ang bahala sa bisita mo kuya," sabi ko at mabilis na iniwan sila sa sala. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ko ay nanghihinang napasandal ako sa likod ng pinto. At hindi ko na napigilan ang mabilis na pamamalisbis ng mga luha ko.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang ingay ng paghagulgol ko. Makalipas ang ilang saglit ay pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko gamit ang likod ng kamay ko at saka dumiretso ng banyo para maglinis ng katawan.

Noong una ay may naririnig akong tawanan pero kalaunan ay namayani rin ang katahimikan sa buong unit ko. Kahit ayokong isipin, gumigiit pa rin sa isip ko ang maaaring nangyayari ngayon kanila kuya Raze at Ash. Bakit ba bigla na lang tumahimik sa sala?

Hindi na muna ako nagbihis at maayos na itinali ko lang ang bathrobe na suot ko saka lumabas ng kwarto at baka kung ano na ang ginagawa ng dalawa. Kahit inis na inis ako ay ayoko namang mauwi sila sa mainit na tagpo dahil baka hindi na ako makapagtimpi kapag ganoon.

Pero nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto—kung saan sala agad ang bubungad sa 'kin—ay nakita kong nakaupo sa sofa si Asher habang si kuya naman ay nakahiga, nakapatong ang ulo sa hita ni Ash at natutulog.

Nagtama ang mga mata namin ni Asher. Wala ang galit na nakikita ko kanina pero wala rin 'yong sigla at buhay ng mga mata niya na madalas kong masilayan noong nasa Javier kami.

Naglakad ako papunta sa guest room—na siyang ginagamit ni kuya Raze sa tuwing dito siya matutulog—para kuhaan siya ng unan. Pero halos kakapasok ko pa lang sa kwartong 'yon ay naramdaman ko nang may yumakap sa akin mula sa likod ko. At alam kong si Ash, 'yon.

Pinihit niya ako paharap sa kanya at bago pa man ako makapagsalita ay sakot na niya ang bibig ko habang ang kamay naman niya ay tinatanggal sa pagkakabuhol ang tali ng bathrobe ko.

Napasinghap ako nang angkinin ng mga labi niya ang isang dibdib ko. At napapasabunot ako sa buhok niya sa tuwing didilaan niya ang dunggot ko.

Hinila niya ako papunta sa may malapit sa pader at saka isinandal doon. While pinning me against the wall, nararamdaman kong tinatanggal niya sa pagkabutones ang pantalong suot niya.

Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagkalalaki niya na ikinikiskis niya sa pagkababae ko. At napasinghap ako nang walang ano-ano'y nagsimula siyang pumasok sa lagusan ko. Wala nang foreplay foreplay lalo na at tigas na tigas naman na ang ari niya.

Marahas ang ginagawa niyang pag-angkin sa 'kin pero hindi ako nagrereklamo. Tinanggap ko ang bawat pag-ulos niya kahit na nga ba hindi ito ang paraan ng pag-angkin na gusto ko. Nasaan na ang malambing at mapagbigay na Asher na nakakaniig ko noon?

Ilang ulos pa ay naramdaman kong nanigas si Asher sa likod ko at ramdam ko ang pagpulandit ng masaga niyang katas sa kaloob-looban ko.

Ilang saglit rin kaming nanatili sa ganoong posisyon bago niya hinugot ang ari niya. At dahil nakatayo kami ay ramdam ko ang pag-agos ng katas niya sa hita ko. Mabilis na pinunasan ko iyon gamit ang bathrobe na suot ko kanina.

Naunang lumabas si Asher ng kwarto at saka dumiretso ng kusina at kumuha ng tubig sa ref. Sumunod ako sa kanya habang itinatali ko ulit ang robe.

"Ash..." tawag ko sa pangalan niya nang matapos na siyang uminom at nakasandal na lang sa lababo.

"I'd better get going. Pakisabi na lang sa kuya mo umuwi na ako."

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa inasal niya. Hindi ko na siya pinigilan nang tuluyan siyang lumabas ng pinto. Maybe this is not yet the right time to talk to him. Siguro I still need to give him more time with himself.

Pero sa mga susunod na araw ay sisiguruhin kong mag-uusap kami at hihingi ako ng tawad sa pagsisinungaling na ginawa ko.

Nilagyan ko lang ng unan si kuya Raze at pagkatapos ay pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Muli akong nag-shower at pagkatapos ay may hinanap na tabletas sa bag ko. Kumuha ako ng isang pill at saka ininom. Mabuti na lang ay may mineral water ako sa bag ko.


PLEASE DO WATCH MY VLOGS! ❤️❤️❤️

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon