Midnight Lover - 32

141K 1.8K 124
                                    

RAVEN

Finally, natapos rin kita...

Sa isip-isip ko matapos kong i-edit ang mga eksenang pinapalitan sa 'kin ni direk. Nasa kasagsagan na ng pagshu-shoot ng mga eksena si direk pero paminsan-minsan ay may pinapapalitan o kaya ay may ipinapadagdag siyang eksena sa script ng Midnight Lover na nakakatulong naman upang mapaganda ang kwento.

Isang beses ko pa iyong pinasadahan ng basa at pagkatapos ay ipinadala ko na sa email ni direk Joey.

Naghikab-hikab muna ako at akmang papatayin ko na ang laptop ko nang maalala kong may pinapagawa nga pala sa 'kin si Asher. Kaninang umaga ay may ibinigay siyang USB sa 'kin at naroon daw ang resume niya. Gusto niyang i-edit ko dahil maghahanap daw siya ng trabaho habang nandito siya Manila para raw may mapag kaabalahan siya.

Kung ako lang ang masusunod ay mas gusto kong dito lang siya sa bahay kasama ko. Pero naisip kong baka naiinip na rin siya lalo na at mahigit tatlong buwan na rin siya dito sa condo ko. Paminsan-minsan ay lumalabas naman kami pero mas lamang ang pag stay namin sa bahay lalo na at bukod sa pagtutok sa mga revisions sa script ng Midnight Lover ay may ginagawa akong bagong nobela na balak ipublish ng publisher ko next month. Kaya ngaragan talaga.

Habang bina-browse ko ang two pages na resume ni Asher, natigilan ako nang makitang iisa lang ang taong nakalagay sa character reference niya. At ang pangalang 'yon ay pangalan ko.

RAVEN ALCANTARA

The owner of his heart.

3 months in an awesome relationship.

They love each other.

I love you, Raven.

Napangiti ako sa nabasa ko. Laksa-laksang kilig ang nag-uumapaw sa puso ko ng mga sandaling 'to.

At dahil wala naman akong masyadong makitang mali sa resume ni Ash kaya pinatay ko na rin ang laptop ko at pahinamad na tumayo. Dumiretso ako sa banyo at naglinis ng katawan. It was almost five in the afternoon.

Matapos maligo ay nagpalit ako ng damit na komportable sa katawan. Nang lumabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Ash na nagluluto, as usual.

"Hey!" masayang bati ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Nakatangkiyad na umakbay ako sa kanya at hinagkan siya sa pisngi. "Bango mo."

Nakangiting lumingon siya sa 'kin saka 'ko marahang hinagkan sa noo. "Mas mabango ka."

Binitawan niya ang sandok na hawak at hinawakan ako sa bewang at saka ipinatong sa lababo. And this time ay halos pantay na ang mga mukha naming dalawa. Ilang minute rin kaming nagtitigan at pagkatapos ay kusang nagdikit ang mga labi namin.

Walang kasawaan hanggang sa pakiramdam namin ay mapupugto na ang mga hininga namin ni Asher. "Alam kong mas masarap ka dito sa niluluto ko, pero kailangan mo munang dumistansiya ng kaunti para matapos ko na 'tong niluluto. Do'n ka na muna sa sala, babe."

"Hindi pwedeng dito na lang muna ako sa kusina? Gusto kong panoorin kang magluto," ungot ko sa kanya nang ibaba na niya ako."

Pinisil niya ang tungki ng ilong ko at nagsalita ng, "Okay. Basta behave ka lang, ha?"

Tumango ako at umupo na sa upuang pinakamalapit kay Asher. Ipinagpatuloy ni Ash ang pagluluto habang ako naman ay pinagmamasdan lang siya. Ewan ko ba, wala talaga akong interes sa pagluluto. Mabuti na lang at napaka maunawain nitong si Asher. Kung nagkataong wala siya dito ngayon, baka gaya dati ay nagpa-deliver na lang ako ng pizza at pasta.

Naamoy ko na ang bango ng pagkaing niluluto ni Ash at alam kong malapit na rin iyong maluto. At habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko na napigilan ang urge ko na lumapit sa kanya.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon