FANGIRL.

By straytasy

13.5K 446 876

" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto. More

i n t r o 。
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
#Happy_JUN_Day

29

219 8 15
By straytasy

LEA.

Sabado ngayon at wala kaming klase. I decided to go to the nearest coffee shop in town and bought my favorite iced coffee. Niyaya ko naman sila Yuna but both of them are busy, they say. Hays. Sana naman bati na yung dalawang yun. Kung di ko nakumbinsi kahapon si Jeonghan na mag-usap sila, baka tuluyan ng di magpansinan yung dalawa. At kahit di man sabihin ni Jeonghan, alam ko ang nararamdaman nya para kay Yuna. It's obvious. Napansin ko lang kung pano sya kumilos kapag andyan si Yuna at kung paano nya tignan si Yuna. Totoo ngang inlove na yung kupal na yun.

Napahinga nalang ako ng malalim at humigop sa iced coffee na binili ko. Pagtapos ay pinagmasdan ko naman yung mga ganap sa labas ng bintana. I just smiled at myself. Pero maya-maya ay may bigla nalang nagsalita sa gilid ko. Kaagad ako napatingin sa gilid at muntikan ko ng maibuga yung kape na iniinom ko ng makita ko si Woozi...

"W-woozi?"

Di makapaniwala kong tanong. Napangisi nalang si Woozi at naupo sa tabi ko. Kay swerte nga naman ng araw ko.

"Di ko akalain na dito ka rin tumatambay."

Sabi nya at humigop dun sa binili nyang inumin. Di ko alam kung bakit napangiti ako.

"Dito ka rin ba tumatambay?"

"Nope. Napadaan lang ako at naisipan kong bumili. But then, I saw you."

Sabi nya at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ayoko kiligin, pero napaka-hangal nitong puso ko. Saglit na nagkaroon ng katahimikan. Parehas kaming nakatanaw sa labas ng bintana pero di ko naman maiwasan maawkwardan sa kanya. Lalo na ang lapit lang namin sa isa't isa.

"Hey, pwede mo ba ako samahan?"

Tanong nya at gulat naman akong napatingin sa kanya. Kung isang panaginip man to, ayoko ng magising.

"Saan?"

"Dapat kasi manonood kami ng sine ni Jun ngayon. Pero biglang tumanggi yung lalaking yun at sayang naman yung extrang ticket na dala ko. Kaya, ikaw nalang isasama ko."

Sabi nya na mas lalong ikinabilis nitong tibok ng puso ko. HOLY SHET! Akala ko pa naman sa isang lugar o ano pero, sa sine?!

"Um, bakit ako? I mean, bakit di yung mga ibang kaibigan mo?"

"Busy silang lahat. So ano, gusto mo ba?"

Tanong nya at ngumiti sa akin. First time ko lang syang nakitang ngumiti ng ganyan sa akin. His smile is so genuine and sincere. Pero, ayoko mag-assume masyado. At tsaka no choice rin sya kaya ako ang napili nya, I don't need to be happy about it. Like what I said, there's nothing to feel special when it comes to the things he do for me. He said so himself. Pero, pumayag nalang rin ako na samahan sya manood. Kase, totoo naman na sayang yung ticket.

"Sure."

•·················•·················•

Nasa may sinehan na kami ngayon sa isang mall. Nakapila na ngayon si Woozi sa bilihan ng mga pagkain. Wala naman akong balak bilin tsaka di naman ako masyado mahilig sa popcorn. Maya-maya ay nakabalik na si Woozi at nagtaka ako ng makita kong bumili sya ng dalawang bucket ng popcorn.

"Um, kanino yung isa?"

"Sayo malamang."

Sabi nya at inabot na sa akin yung popcorn. Di ko naman maiwasan magulat at tinanggihan yung binili nya. Jusko, sapat na sa akin yung extrang ticket na libre nya.

"Um, salamat. Pero nakakahiya–"

"Sige na, tanggapin mo na. Minsan lang ako manlibre. Kahit tanungin mo pa yun si Jun, KKB kami lagi pag gumagala kami."

Kwento nya at napakunot noo naman ako.

"KKB?"

"Kanya-kanyang bayad."

Sabi nya at natawa. Ay wow, bakit di ko alam yan? Napakagat nalang ako sa aking labi at dahan-dahan kinuha yung bucket ng popcorn sa kamay nya. I suddenly felt shy. Nahiya ang lola nyo.

"Tara na, pumasok na tayo sa loob."

Sabi nya at tumango nalang ako. Sabay na kami pumasok sa loob ng sinehan. Medyo madilim na sa loob ng sinehan. And I tried my best to walk ng hindi natatalisod o madapa. Naramdaman kong may natapakan ako at dahil madilim ay di ko mawari kung ano yung natapakan ko. Dahil dun muntikan na ako mawalan ng balanse. Pero maya-maya ay naramdaman kong hinawakan ni Woozi tong kamay ko. Dahil dun, nagsimula nanaman bumilis tong tibok ng puso ko.

Napatingala ako at kahit madilim ay naaninag ko yung mga ngiti ni Woozi.

"Just hold my hand."

Sabi nya at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak-hawak kamay ko. Napalunok naman ako habang ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng aking puso. Naisipan ni Woozi maupo sa pinaka-mataas dahil walang masyadong umuupo dun. Ng makaupo na kami ay binitawan nya na yung kamay ko. And my hands suddenly felt cold. Ang warm kasi ng palad nya.

"Sana mag-enjoy ka."

Rinig kong sabi ni Woozi. Puta kelan ba sya titigil pakiligin ako? Grabe, akalain mo yun? Balak ko lang talaga ngayong araw ay mag-iced coffee at tumambay dun sa coffee shop. Pero di ko akalain na nasa sinehan na ako ngayon. But, I'm kinda glad I met him today. Ako na yata ang pinaka-swerteng nilalang sa buong mundo. Charot.

Maya-maya ay nagsimula na yung movie. Sinimulan ko na kainin yung popcorn na binili ni Woozi. The movie was great. And I was so indulge at the story. A few hours passed, my bucket of popcorn was now empty. Di ko namalayan na ang takaw ko pala. Pero maya-maya ay bigla nalang kinuha ni Woozi yung bucket ko at pinagpalit yung kanya na medyo may laman pa. Napasulyap ako sa kanya.

"Kainin mo na yan. Busog na ako."

Sabi nya ng di tumitingin sa akin. It looks like he's so indulge in the movie too. Palihim akong napangiti sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa big screen. At sinimulan ko na kainin yung popcorn. Imagine if this is a date. Hays. Ang swerte ng magiging girlfriend ni Woozi.

•·················•·················•

"Grabe, di ko inexpect yung ending."

Sabi ni Woozi ng makalabas na kami sa sinehan. Ng dahil sa ginawa nya kanina, di na tuloy ako nakapag-focus sa movie. Pero naenjoy ko naman panoorin kahit papaano.

"Ako rin.."

Sabi ko. Bigla naman natawa si Woozi.

"Sayang yun si Jun. Iinggitin ko sya."

Sabi nya at napangiti nalang ako. Magpapasalamat na sana ako sa kanya pero may bigla nalang tumawag sa kanya. Napalingon naman sya at di ko na rin napigilan mapalingon sa kung sino man tumawag sa kanya. Meron kaming nakitang isang magandang babae. Kaagad sya lumapit kay Woozi at niyakap. Niyakap naman sya pabalik. Ang ganda nung babae, ganun siguro mga tipo ni Woozi.

"Di ko akalain na makikita kita dito."

Sabi nung babae. Pinagmasdan ko lang si Woozi and I don't know why my mood suddenly went down the drain. Kung kanina kinikilig at naeexcite ako, pero ngayon di ko alam bakit bigla akong nalungkot. Of course, di ako magugustuhan ni Woozi. Bakit kailangan ko pang kiligin sa lahat ng bagay ginagawa nya para sa akin. Man, I need to wake up and face the fact that, Woozi will never like me.

Napayuko ako at dahil busy silang mag-usap ay di nila napansin ang pag-alis ko. Kaagad ako nagtago sa may cr at saglit na tumambay dun. Napatingin ako kila Woozi at ng makaalis na yung babae ay nakita ko ang pagtaka nya ng makitang wala na ako. Iginala nya tingin nya sa buong paligid at hinanap ako. I just smiled bitterly at myself.

Salamat sa libre mo, Woozi. At pasensya na rin kung bigla akong nawala at iniwan ka.













...

an: so many updates in one day, lol. anyways, happy holidays y'all!

Continue Reading

You'll Also Like

105K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
70.3K 3K 57
❛❛ i love you, nerd. ❜❜ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #4
13.3K 221 35
Mga orihinal na gawa ng malikot na isip ng may-akda... simula sa kaniyang pagiging hilaw... at pagiging hindi pa rin hinog. Kiligin, kabahan, matakot...
473K 748 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞