A One Night Love

By MsRedMonster

884K 15K 319

Infatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa... More

About the Story... :)
A One Night Love
PANIMULA
ONE NIGHT 1: The stalker, The perfect one, The witch & The worst
ONE NIGHT 2: Ang buhay ng pinakamagandang stalker sa universe.
ONE NIGHT 3: The Night part 1
ONE NIGHT 4 : The Night part 2
ONE NIGHT 5: The After Night
ONE NIGHT 6: The effect on him
One Night 7: Lies & Weaknesses
ONE NIGHT 8: Unreasonable Anger
ONE NIGHT 9: Eruption
ONE NIGHT 10: The truth
ONE NIGHT 11: She tried, They tried
ONE NIGHT 12: Regret or not?
ONE NIGHT 13: Counting years
ONE NIGHT 14: Past
ONE NIGHT 15: A dream or a nightmare
ONE NIGHT 16: Knowing
ONE NIGHT 17: Let's talk (revised)
One Night 18: Advices (revised)
ONE NIGHT 19: Father and Son Part 1 (revised)
ONE NIGHT 20: Back to work (revised)
One Night 21: Father and Son (part 2)
One Night 22: I have a visitor.
ONE NIGHT 23: Explanations
ONE NIGHT 24: Bothered
One Night 25: The Special Meeting
ONE NIGHT 26: Confused or Confirmed?
One Night 27: Family Bonding
One Night 28: Truth or Dare.
One Night 29: Confirmed and Crazy.
One Night 30: Carlo Ashton
One Night 31: She is confused. Sorry.
One Night 32: Wicked Smile.
One Night 33: His plan. Her plan. The plan.
One Night 34: Everything is just unexpected.
One Night 35: What he felt
One Night 36: The Ex is Back
One Night 37: The Best Acting award goes to...
One Night 38: When he does these things.
One Night 39: Alone at Night
One Night 40: Searching for some answer
One Night 41: Girl Talk
One Night 42: Man Talk
One Night 43: Dangerous Adventure Part 1
One Night 44: Dangerous Adventure part 2
One Night 45: Intentions Revealed
One Night 46: When I see him.
One Night 47: She is now on his side.
One Night 48: When the bestfriend moves.
One Night 49: Cebu Trip part 1
One Night 50: Cebu trip part 2
One Night 51: Cebu Trip part 3
One Night 52: Unexpected Visitor.
One Night 53: Daddy Stewart.
One Night 54: When Daddy gets angry.
One Night 55: When he move, it's gonna be like this.
One Night 57: Confrontational
One Night 58: The agreement
One Night 59: I feel so...hot.
One Night 60: The Special Day
Epilogue
As Heather bids goodbye.
Special Chapter: Our Not So First Night
Special Chapter: Surprises
Special Chapter: Two is better than One

One Night 56: This. Is. War.

7.5K 157 3
By MsRedMonster

Third Person.

“Ano? Kung ganun, bakit kailangan kong magtago? Hanggang kelan? ” tanong ni Zar ng iinform sya ni Sophie tungkol sa sitwasyon ni Heather sa pagdating ng Daddy nya.

“Basta, ganun talaga. Hanggang next week lang naman. Hanggang matapos yung birthday ng anak nyo. Kung gagawin mo yun, matutulungan mo si Heather.” Sagot naman ni Sophie.

Napailing si Zar.

“Hindi ko alam.” Sambit nya.

“Paanong hindi mo alam?” naguguluhan namang tanong ni Sophie.

“Hindi ba mas maganda kung magpapakilala ako sa kanya? Hihingi ng tawad sa mga nangyari dati? Hindi lang naman si Evo ang gusto ko Sophie, gusto ko ring makuha si Heather. At hindi ko sya makukuha kung hindi ko rin makukuha ang daddy nya.” Paliwanag ni Zar kasama ang kanyang pagkakunot noo na tila ba tinitimbang talaga ang sitwasyon na nangyayari.

Napabuntong hininga si Sophie.

“Alam mo Zar. Pasensya na kung sasabihin ko to sayo ha.” Pag wawarning pa ng dalaga. “Pero, gago ka kasi talaga noon eh. Kahit naman ako doubtful sayo di ba. Kaya sa tingin ko din, hindi mo agad agad na makukuha ang tiwala ni Tito sayo. Syempre, tatay yun.”Pagbibigay naman ni Sophie ng opinyon nya sa sitwasyon.

Napabuntong hiningang muli si Zar.

“Hindi ko talaga alam.” Sambit nito.

*

“Tito! Stop this!” sunod sunod na sigaw ni Sophie habang inaawat ni Lemuel si Franco sa patuloy na pagbugbog nya kay Zar.

Sa kabilang banda, wala namang ginawa si Zar kundi saluin ang lahat ng suntok na binibigay sa kanya ni Franco. Hindi sya lumaban. Hindi sya umiwas. Patuloy lang ang pagsuntok sa kanya ni Franco kahit duguan na ang mukha nya at sa sahig na sya sinusuntok.

“Sir, tama na!” patuloy naman na sigaw ni Lemuel na pilit lang na pinipigilan ang panununtok ni Franco.

Walang naririnig si Franco. Patuloy lang ang pagsuntok nya kay Zar. Isa itong paghihiganti. Paghihiganti para sa anak nya.

“Shit naman.” Bulong ni Sophie bago kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. “Tumawag ka ng mga security guards. Nagkakagulo sa loob. Bilisan mo.” Mabilis na utos ni Sophie sa sekretarya ni Zar. Agad naman nitong kinuha ang telepono na nasa desk nya at dinial ang numero sa baba ng building para mapatawag ang mga guwardiya.

“Shit. Shit talaga.” Bulong ni Sophie habang dinidial ang cellphone number ni Heather.

“Hell—“ agad ng nagsalita si Sophie bago pa man makapag hello si Heather.

“Heath! Si Tito Franco, nandito sya sa opisina ni Zar. Binubugbog nya na si Zar!” mabilis na sabi ni Sophie kasama ang patuloy na pagpapanic.

“Ano?” hindi makapaniwalang tanong ni Heather.

“Oo. Basta bilisan mo. Mamaya nalang ako magpapaliwanag. Pumunta ka na dito. Hindi namin mapigil yung tatay mo.” Pag iinform sa kanya ni Sophie.

“Oo sige sige.” Mabilis rin na sagot ni Heather kasabay ng pagkaputol ng linya ng telepono.

Ng lumingon si Sophie, tatlong security guard ang kumakaripas na ng takbo papunta sa opisina ni Zar.

“Sir! Sir! Tama na Sir!” sigaw ng mga ito habang pinagtulungang ialis si Franco sa ibabaw ni Zar.

“You fucking bastard! Lay your fucking filthy hands on my daughter and grandson again, contact her or even think of her, I swear I’ll fucking kill you!” sigaw ni Franco na galit nag alit.

Gustong magsalita ni Zar. Depensahan ang sarili nya. Hindi. Depensahan ang kagustuhan nya para magkaraon ng pagkakataon kay Evo at Heather pero hindi nya nagawa. Wala syang nagawa kundi hawakan ang nagdurugo at manhid nyang mga panga. Gusto man nyang sumagot, hindi nya magawa.

“Tito please, don’t do this.” Pigil pa ulit ni Sophie habang hawak si Franco ng mga guwardiya.

“Insan, okay ka lang ba?” tanong naman ni Lemuel na tinutulungan si Zar ng kahit makaupo lang.

“Get off of me!” sigaw ni Franco na nagpupumiglas sa hawak ng mga guwardiya sa kanya. Wala naman ng nagawa ang mga ito kundi pakawalan sya kasabay ng pagtanong ni Lemuel sa mga ito.

“Tito—“ bago pa man pigilang muli ni Sophie si Franco, umalis at lumabas na ito ng opisina ni Zar. Galit na galit at wala talagang naririnig. Alam ni Franco na kung hindi sya aalis sa lugar na yon, paniguradong mapapatay nya si Zar kaya agad na syang tumalikod at umalis. Kasunod nya parin naman ang mga guwardiya.

Inilipat naman ng dalaga ang atensyon nya kay Zar. Kasabay ng paglapit nya dito at paglabas nya ng kanyang panyo. “Shet. Nabugbog ka ng husto.” Sambit nito habang pinupunasan ang dugo na lumalabas sa binata.

“Dalhin na natin sa ospital.” Suhestyon naman ni Lemuel.

“Oo sige.” Pag agree naman ni Sophie.

Binalak nina Sophie at Lemuel na tulungan si Zar ngunit patuloy lang ang pag iling nito. Ng mukhang ayaw pa nitong tumayo, tumigil muna sila at nakinig kay Zar.

“May gusto ka bang sabihin?” tanong ni Lemuel kay Zar. Tumango ang binata.

“Ano yun? Tanong ni Sophie. Dahil nanghihina ang binata at hirap ito magsalita, lumapit pa ang dalawa para mas mapakinggan ito.

“W-wag. W-wag nyo akong d-dalhin sa o-ospital. Mag a-alala si H-heather. S-sophie, w-wag m…mong sabihin sa k-kanya…a-ang n-nangyari.” Hirap na hirap na bulong nito.

Bumuntong hininga si Sophie.

Eh nasabi ko na eh! Isip isip nito.

*

“Nasan? Nasan na si Itay?” nagmamadali at patakbong pumasok si Heather sa building ni Zar habang inaabangan naman sya ni Sophie sa labas.

“Umalis na sya. Nagkasalisi kayo.” Mahinahong sagot ni Sophie kasama ang isang buntong hininga.

“Ano ba kasing nangyari? Pano sya napunta dito? Si Zar?” sunod sunod na tanong ni Heather.

“Eh kasi pinuntahan nya ako. Sabi nya gusto nyang makita si Zar. Wala naman na akong nagawa kundi samahan sya, alam mo naman yang tatay mo. Akala ko naman sisigawan lang nya si Zar, di ko naman inexpect na bubugbugin nya yun. Hindi lang kita natawagan, sorry.” Paliwanag ni Sophie.

“Ano?” napahilamos ni Heather ang mga kamay nya sa mukha nya. “Nasan na ngayon si Zar?” tanong nito.

“Sa bahay nya. Ayaw magpadala sa ospital eh. Hindi nga nya alam na tinawagan kita eh.”

“Bakit hindi nyo naman dinala pa? Ay nako, basta, pumunta na nga muna tayo dun.” Mabilis namang tugon ni Heather.

Mabilis na pumara ng taxi si Heather at Sophie. Hindi mapigilan ni Heather ang patuloy na pagkiskis nya ng kanyang magkabilang kamay. Patuloy ang pag aalala nya sa binata.

*

Heather Stewart.

Walang tigil ang pagtakbo ng imagination ko sa kung ano mang bagay ang pwede ng nangyari kay Zar. Dating kasali si Daddy sa karate tapos, mahilig pa sya sa wrestling. Hindi ko maimagine kung ano ang pwedeng mangyari kay Zar sa ganong klase ng history pagdating sa mga sports experience.

Ng makarating at tumigil ang taxi sa tapat ng condo building ni Zar, agad naman kaming lumabas agad ng sasakyan ni Sophie. Halos tumakbo na kaming dalawa makapasok lang sa elevator at makaakyat agad sa unit nito. Si Lemuel ang nagbukas ng pinto ng mag doorbell kami.

“Kamusta na sya?” ang mabilis kong tanong sa kanya ng buksan nya ang pinto.

“Anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong nya sa akin. “Sabi ni Zar wag mo tawagan si Heather.” Sabi naman nya kay Sophie na nasa likod ko.

“Well sorry dahil natawagan ko na bago pa man nya ko masabihan.” Sagot naman sa kanya nito.

“Kamusta na nga sya? Pwede ko ba syang makita?” pilit na tanong ko ulit kay Lemuel.

Bumuntong hininga ito.

“Okay naman na sya. Nagamot na yung mga sugat pero nagpapahinga parin. Heath, ayaw ni Zar na makita mo sya sa ganitong sitwasyon.” Tila ba pakiusap sa akin ni Lemuel.

“Sorry pero gusto ko syang makita.” Sagot ko naman dito saka tuloy tuloy na lakad papunta sa kwarto ni Zar.

“Hayaan mo na sila.” Rinig ko pang bulong ni Sophie sa likod.

Ng buksan ko ang pinto ng kwarto nya, agad akong nanlumo sa nakita ko.

Puno ng sugat ang mukha ni Zar. Blackeye, galos at pasa, Hindi ko na alam kung ano ba dun ang identification ng nasa mukha nya. Masyado na silang halos nagpatong patong kaya hindi ko na alam kung ano pa dun.

Napalingon si Zar sa direksyon ko. Imbis na magalit o mahiya, nginitian nya ako.

“Hi.” Sambit nya.

“Hi.” Sagot ko kasama ang pilit na ngiti. Sinara ko ang pinto sa likod ko saka lumakad papunta sa direksyon nya.

Habang papalapit ako, pinipilit nya ang makaupo. Mabilis na rin akong lumapit saka sya tinulungan.

“Salamat.” Sambit nya ng makaupo na kami ng tuluyan.

Hinaplos ko ang pisngi ni Zar. Haplos na halos hindi ko gustong hawakan ang pisngi nya dahil puno ito ng pasa.

“I’m sorry.” Sambit ko.

“Hindi. Kulang pa to sa mga nagawa ko.” sagot naman nya.

Hindi ko alam pero biglang napatulo nalang ang mga luha ko.

“Oh, bakit ka umiiyak.” Agad nyang hinawakan ang pisngi ko at tinanggal ang mga luha ko.

Umiling ako. Hindi ko mapigilan ang mga emosyong nararamdaman ko.

“Z-Zar,” umpisa ko kasama ang isang hikbi. “Yung nangyari noon, hindi mo kahit kelan mapapaltan ang lahat ng pinagdaanan ko. Lahat ng paghihirap, lahat ng sakripisyo at lahat ng pag iyak.” Diretso akong nakatingin sa mga mata nya habang inaalala ang lahat ng mga nangyari. Sa ilalim ng bugbog saradong mukha, nakatingin din sya ng diretso sa akin. “Pero gusto kong malaman mo, na sa mga panahong yon, kahit sobrang hirap at sakit na, never pumasok sa isip ko ang gawin to sayo. Never kong inisip na mapahamak ka. Dahil…pareho lang tayong nagkamali sa nagawa natin. Kaya sana, wag mo ring sobrang sisihin ang sarili mo.” Wala akong pakialam kung ano na ang itsura ko kakaiyak dito. Wala akong pakialam. Dapat maipakita at maipadama ko rin kay Zar kung gaano ako ka thankful sa kanya at ang appreciation ko sa lahat lahat ng mga ginagawa nya.

Isang mahinang ngiti ang sinagot nya sa akin.

Gamit ang mainit at nanghihina pa nyang mga braso, pilit nya akong inilapit sa kanya saka niyakap.

“I love you Heather Stewart. Napaka gago ko para hindi yon marealize noon pa.” mabagal at buong sincere kong naramdaman na sabi nya.

“I’m sorry sa nagawa ni Daddy.” Ang tanging naisagot ko lang sa kanya.

Lalong humigpit ang yakap nya sa akin.

“With all due respect, naniniwala akong tama lang ang ginawa ng daddy mo.”

Agad akong napakalas sa pagkakayakap nya sa akin.

“Tama?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Hindi mo maiintindihan. Babae ka kasi. Kasama sa bro code yun. Eh, nag violate ako, kaya deserve ko lang yon.” Paliwanag nya.

Napakunot noo ako. Nginitian lang nya ako. Tapos niyakap ulit.

Sa bawat segundo, minuto, na ganito ang posisyon namin, narealize ko, nag uumpisa na akong maging komportable sa set up na to.

**

Update time!

Yay! Napakabilis ng update.

Well, medyo wala kasi akong ginagawa ngayon kaya nagsulat agad ako.

Ano ang reaksyon nyo na nabugbog si Zar? Na dahil nagpa bugbog din naman kasi sya? Deserve ba nya ang mabugbog ng husto?

Kung kayo si Heather, ano ang magiging reaksyon nyo sa nangyari?

Happy 11K reads pala sa atin! Yeeheeyyy!! *clap clap*

Ang bawat numero na nagpapataas nyan, swear to yu guys, sobrang saya lang. Haha!

Maraming maraming salamat sa nagbabasa.

Sana bumoto at mag komento rin kayo.

Osha, hanggang dito nalang muna.

Mag uupdate ako as soon as I can. Okie? Hehe!

Again,

Please VOTE kung nagustuhan nyo ang chapter na to.

Please COMMENT for any thoughts about the story.

Thank you!

MsRedMonster,

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.4M 56.6K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
163K 2.8K 8
"I thought ours will be a happily-ever-after. Pero dahil lang sa isang misunderstanding, gumuho ang buhay ko. I thought he loved me. He told me so! W...
500K 6.5K 24
Francis and Jazmine's Story