Perfect Imperfections : Jazz

By lazulislapiz

485K 16.7K 1.2K

In contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. Th... More

Synopsis
Lone
Amazon
Memory
Malice
Meeting
Ward
Growing (mild spg)
Decision
Tactics
Unexpected
Spark
Give
Vivid
Toss
Absence
Choices
Brewing
Rage (mild spg)
Awareness (mild spg)
Excitement
Snatch
Business
Irrational
Insists
New
Chain
Work
Event
Traces
Plan
Insists (Mild Spg)
Feral(mild spg)
Pause (Mild spg)
Give in (SPG part 1)
Sharing (SPG part 2)
Lay out
Move (mild spg)
Prepare (spg)

Snippet

8.1K 376 14
By lazulislapiz

Chapter 25:

Layana's POV:

Wala silang imikan na dalawa habang nasa loob sila ng sasakyan nito na kahit ngayon lang siya nakakita ng ganoong sasakyan ay alam niyang mamahalin.

Kanina din nung nag aalmusal sila ay wala silang imikan, hindi nga siya makatingin dito dahil sa sobrng pagkapahiya niya kanina.

Ikaw ba naman ang isampal ang dibdib sa isang lalaki na kahit hindi sinasadya ay talagang nakakahiya...at nahalikan niya ito ng panis ang laway niya, samantalang ito ay napakabango.

Natigilan siya sa pag iisip ng kung ano nung naagaw ang pansin niya sa itsura ng paligid.

Napanganga siya habang inaabot niya ng tingin ang gusaling nakikita niya ngayon.

Hindi niya akalain na ganoon kataas ang mga iyon.

At ngayon lang siya nakakita ng mga ganoon.

Napakadaming sasakyan.

Ganito pala ang siyudad. sabi niya sa loob loob niya habang nakatingin lang sa buong paligid na parang isang bata na nakakita ng karnabal.

Kita niyang napakadaming taong parang nagmamadali at parang nauubusan ng oras, at ang mga sasakyan ay maya's mayang nagbubusina ng malalakas.

Maingay.

"Yes, this is a city, that's why our house was at the secluded quiet place...I prefer it quiet" sabi ni Jazz at tumingin siya dito.

Kaya din siguro binili nito ang isla, naisip niya.

Siguro ay sawa na ito sa magulong undo kagaya ng nakalakihan nito.

Tumingin siya ulit sa labas, kahit na magulo ay sigurado siyang may mga taong gustong tumira sa ganitong lugar--

Nakarinig siya ng tila tunog, at tinignan niya si Jazz.

Napansin niyang parang pinipigil nito ang matawa?

Kumunot ang noo niya.

"May nakakatawa ba?" masungit niyang tanong.

"Nothing" sabi nito at natatawa pa rin ito.

"Ano?" pinagtatawanan ba siya nito sa pagiging ignorante niya?

Tumingin ito sa kanya ng saglit.

"Nothing... it's just that you're so cute and so adorable right now" sabi nito at saka na ito ngumiti, napakurap naman siya at namula.

At natahimik.

Ano ba naman 'tong lalaking 'to!  ewan niya pero parang may nakiliti sa puso niya--

Napakurap siya.

Ito na ba ang kilig?

Pigil pigil niya ngayon ang mangiti.

"We're here" basag nito sa katahimikan.

At dumako sila sa isang lugar na may mga magagandang damit.

"Hello Sir, ma'am? Can I help you with anything-- Oh, Sir I didn't recognized you, my apologies" sabi ng isang maganda at matangkad na babaeng lumapit sa kanila.

Pero ang dating nito ay pormal at wala siyang nararamdamang bigat ng loob dito.

At kilala yata talaga si Jazz dahil sa sinabi ng babae.

"She's the one I mentioned before" sabi ni Jazz at iniikutan siya ng babae na parang pinag aaralan ang lahat ng sulok ng katawan niya.

"Amazing... she's very exquisite...and gorgeous even without makeup" sabi ng babae at namula siya sa hayagang pamumuri nito.

Ganoon din kaya ang nakikita ni Jazz?

At ganoon ba talaga ang itsura niya? O sinabi lang iyon ng babae para makabilis sila ng mga damit na magaganda na nandoon, at mukhang mamahalin kaya kailangan ng pambobola?

"S-salamat" tanging nasabi niya at tumingin sa babae.

"Wow! Even her voice is sexy...is she by chance modelled for anything before, Sir?"tanong ng babae.

"No, she's a gem... isn't she?"sabi naman ni Jazz na lalong nagpapula sa mukha niya.

"She's already a beauty...so let me just enhance it" ngumiti ang babae sa kanya, ngumiti dn siya dito.

"Okay... I'll be back after two hours, I still have things to do attend" sabi ni Jazz sa babae at agad naman siyang nataranta.

"T-teka--"

Ngumiti si Jazz at saka ito lumapit sa kanya at saka siya hinalikan sa may noo niya.

"Don't worry, babalik ako...as if I will let you go" sabi ni Jazz at tulala naman siya sa ginawa nito at halos wala siyang marinig kungdi ang tibok ng puso niya.

Kahit na alam niyang kapag nasa labas na sila ay kailangan na nilang umarte bilang magkarelasyon ay nbibigla siya ngayon sa ginagawa ni Jazz.

"S-sige" sabi niya at nakatingin lang siya sa likod nito.

At nagulat siya nung biglang humarap si Jazz at saka ito kumindat.

Nanlaki naman ang mga mata niya.

Huling huli siya nitong nakatingin at sinusundan ito ng tingin na para siyang isang batang iiwan sa unang pasok sa eskwelahan.

---

Hindi makapaniwalang nakatingin lang siya sa sarili sa salamin.

Ako ba 'to? paulit ulit niyang itinagilid ang mukha para tingnan kung siya nga ang taong nasa harapan ng salamin, pero sumama iyon kaya naman hindi siya makapaniwala.

Ngayon lang niya masasabi na maganda siya.

Naayos ang kilay niya at hindi man iyon sobrang nipis pero hndi rin sobrang kapal..ang makeup niyang inilagay ay manipis pero kitang kita na parang natural lang ang itsura niyon.

Napatingin siya sa damit niya at humanga siya doon kanina dahil napakaganda niyon... bagama't oo malalim ang uka niyon sa dibdib pero wala kang makikitang anumang dibdib niyang lalabas...maging ang parang hati sa suot niyang gown sa gilid ng hita niya ay hindi masasabing malaswa at makikita ang anumang maselang parte ng katawan niya.

"I don't know now if tutuloy pa ba tayo...." sabi ng isang boses na kilala niya at napasinghap na humarap at nakita niyang nakatayo don si Jazz at kita niya ang paghanga sa mga mata nito.

Napalunok siya nung naglakbay ang mga mata nito sa buong kabuuan niya.

"B-bakit naman? S-sayang naman ang damit" sabi niya dito, tumawa ito ng bahagya.

"So innocent..." sabi nito sa mababang boses at inikutan siya nito.

Namula siya.

"Beautiful...but you lack at something" sabi nito, napatitig siya dito.

At biglang kinuha nito ang kamay niya, napalunok siya sa lakas ng tibok ng puso niya at pakiramdam niya dinig na dinig nito iyon ngayon sa pagkakangiti nito.

"A-anong--" natigil siya sa pagsasalita nung may kinuha ito sa bulsa nito  isang parang maliit na kahon.

At saka nito binuksan iyon, at nakita niyang may laman iyong singsing.

Dumadagundong ang puso niya sa mga nangyayari.

"I want people to know that you're mine..." sabi nito at saka nito isinuot iyon sa palasingsingan niya at saka nito dinala ang kmay niya sa bibig nito at saka nito iyon dinampian ng halik.

Isang hindi maipaliwanag sa saya ang nararamdaman niya dahil sa ginagawa nito ngayon.

Para siyang nasasakal at nalulunod pero maganda sa pakiramdam?

Ano 'to?

Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil halo halo na 'yon sa loob niya...pero ang nangingibabaw ay ang saya?

Dahil kaya sa singsing?

Hindi.

Dahil iyon dito.

Dahil kay Jazz.

Ito ang nagpapasaya sa kanya, nailalabas nito ang mga ugaling dapat ay hindi niya ipinapakita lalo sa ibang tao dahil--

Natigilan siya.

Hindi kaya--

"Do you love it?" tanong nito.

At napatitig siya dito.

Ng matagal.

Ang lahat ng nangyari...ang mga nararamdaman niya sa bawat sandali na kasama niya dito.

Wala na.

Ngayon lang niya nalaman at natanto.

Mahal na niya talaga si Jazz.

At hulog na hulog na siya dito.

"Oo, gusto ko"

--

(A:N) omg hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

172K 5.6K 49
Tagalog-English BL - Romeo Andres and Romeo Emilio shared three things. They shared one name, one yard and one feeling. However, it's not the kind of...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.4M 94.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.4M 33.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...