How to be your Boyfriend vol...

By JulieAnneHermogino

3.7K 45 37

Kung si Batman may Joker at Bane, Si Mara may Clara, Si Popeye may Brutos, Ang Ateneo blue eagles, may De La... More

Chapter 1 In the Line
Chapter 2 Tired of being Alone
Chapter 3 The Heartbreak Kid
Chapter 5 The Initiation
Chapter 6 Queen of Omelet
Chapter 7 Our First Date... Almost but not quite
Chapter 8 The Detention
Chapter 9 Electric Shock
Chapter 10 How to Survive a Worst Date
Chapter 11 Jaymee's Alarming Story
Chapter 12 Forgive and Forget
Chapter 13 Box of Chocolates
Chapter 14 Meet the Parents
Chapter 15 Rainy Days and Mondays
Chapter 16 Bang! Bang!
Chapter 17 In Ten Seconds
Chapter 18 The Gossip
Chapter 19 Movie Marathon
Chapter 20 Sweet Escape
Chapter 21 Sembreak
Chapter 22 The Beach
Chapter 23 Training Day
Chapter 24 The Alcoholic
Chapter 25 The Harassment
Chapter 26 Getting to Know You
Chapter 27 Stars
Chapter 28 The Winner
Chapter 29: Something to Reveal
Chapter 30 The Truth
Chapter 31 The Consequences
Chapter 32 Reality Bites
Chapter 33 The Voodoos and the Laundry
Chapter 34 Impending Doom
Chapter 35 Silence of the Lambs
Chapter 36 Archaelogical Facts
Chapter 37 The F word on V Day
Chapter 38 The Deposition
Chapter 39 Teamwork
Chapter 40 The Graduate
The Girlfriend
Author's Note
How to be your Boyfriend vol. 2
Chapter 1 Empire State of Mind
Chapter 2 Gangs of New York
Chapter 3 The Notebook
Chapter 4 The Spot
Chapter 5 The Second Time Around
Author's Note

Chapter 4 The Big Brawl

118 2 0
By JulieAnneHermogino

Soundtrack for this Chapter: Lust for Life Iggy Pop (click multimedia to listen)

“Pare!” Pambungad sa not-so-good-day ko. “Pare, anong oras ka umuwi?” tanong ni Deo habang palapit ako sa kinauupuan niyang bench. “Iyon na nga yata ang pinakamaligayang araw sa buong buhay ko! Pare, alam  mo ba ang nangyari, pag-alis namin dun…….”

Nagkwento ng nakwento ang unggoy kong bestfriend tungkol sa di niya makalimutang sexperience na sa tingin ko at sa aking sariling pananaw wala siyang karapatang ikwento sa akin kung ano man ang nangyari sa kanya at sa M2M. Masyadong personal ang mga ganung bagay para ikwento niya sa akin o sa iba pang tao.

Dinidescribe niya pa kung gaano kasarap, sige, kumain ka ng kumain at sana maimpatso ka.

Habang patuloy sa pagkwento si Deo, hinangin ang isip ko at napadpad sa dalawang love birds na nakita ko kagabi. Si Deo at si Portia.

Ang mga tanong na sumagi sa isip ko ay, ano ang ginagawa nila sa kalye sa oras na iyon? Bakit sila magkasama? Kailan pa sila nagsimulang magdate? May ginawa ba silang milagro?

Bakit sa lahat ng lalaki sa campus, si Dominic pa ang nauna sa akin?

Bakit?

Si Dominic ay ka-year din namin, same course, same org, ibang block nga lang. The thing about Dominic Celdran, isa rin siya sa hottest bachelor of the campus. Kung baga sa boxing, siya si Marquez, ako si Pacquiao. Siya ang matindi kong kalaban pagdating sa pagwapuhan.

Matangkad, gwapo, maputi, at maganda ang hubog ng katawan. Pero mas matangkad, mas gwapo, mas maputi at mas maganda pa rin ang hubog ng katawan ko. Ako pa rin ang nagunguna sa listahan ng mga pogi sa campus at pangalawa lang siya. Wala pa ring makakatalo sa akin.

Minsan muntik na akong lamangan ni Dominic sa annual list ng sexiest man alive last year pero panalo pa rin ako ng tatlong boto. Ngayon, ako pa rin ang sexiest man alive, kaso lamang sa akin sa Dominic dahil meron siyang Portia.

Sa lahat naman ng lalaki, si Dominic pa!

“Con, yun yung chic ni Dominic di ba?” singit ni Deo.

Napatingin ako sa kanila.

“Freshman ang trip ni Dominic eh noh? Pero balita ko matagal na sila, highschool pa lang yung babae sila na.” sabi ni Deo.

Marami din namang pala akong mapupulot na tsismis kay Deo pero sa sobrang badtrip ko, hindi ko siya iniimik at tumitig lang ako sa couple. Sarap i-paddle nung dalawa.

Habang naglalakad kami ni Deo sa hallway at wala pa ring tigil si Deo sa kakadaldal na hindi ko naman pinakikinggan dahil paulit ulit ko na lang iniisip na gwapo ako habang nagsasalita siya, laking gulat ko ng humarang si Portia sa daan namin.

"Hello!"

"Butiking-walang-bituka!" sa gulat ko muntik ko ng sabihing butiki-botika-bituka.

Natawa lang ng malakas si Portia at ang cute niyang tumawa pero hindi ko pa rin matanggap na si Dominic ang boyfriend niya.

"Hi, I'm Deo!" biglang sulpot ni Deo out of nowhere. "Kilala mo pala siya?" tanong niya kay Portia.

"Oo, pinakilala siya sa akin ni Jaymee. Hi, Conrad di ba?"

Hindi ko siya iniimik pero sobrang kati na ng dila ko at parang gusto ko ding mag-hi o kaya kausapin siya o kaya makipagbiruan sa kanya, pero nakakatatak talaga sa utak ko ang kalunos-lunos na sinapit ko kahapon at kagabi.

Gustong gusto ko na siyang kausapin, kaso dumating sa timing si Dominic.

"Pare!" tawag ni Dominic. "Girlfriend ko nga pala si Portia, babe, si Conrad at saka si Deo."

BABE? Pag-untugin ko kaya kayong dalawa?

"Sige pare, una na kami ni Deo, may klase pa kami eh."

"Klase?" tanong ni Deo "Anong klase?"

Wala akong masagot kay Deo dahil kathang isip lang naman talaga iyon to get away from the two. Nagalakad kami ni Deo at iniwan yung dalawa. 

"Bye Portia, Dom!" sabi ni Deo.

"Bye"

"Ang ganda nung chics ni Dom noh?"

"Ano namang ikinaganda nun? Ordinaryong babae, flat chested, boring manamit!"

"Kanya-kanya naman tayo ng type eh. So ang type mong babae yung hindi katulad ni Portia. So next time na pumunta tayo sa beerhouse alam ko na ang type mong babae. Yung extra-ordinary, yung malaki ang boobs, at yung stylish."

"May balak ka pang bumalik dun?"

"Syempre naman!" nakangiting sabi ni Deo.

Unggoy talaga!

I spent the whole day being bored. Gusto kong pumunta sa library pero dahil kay Portia, hindi ko magawa. Gusto ko siyang ligawan pero dahil kay Dominic, hindi ko rin magawa. Gusto kong mag-aral at magbasa, pero mainit sa roundtable. Gusto kong kumain, pero wala kong pera. Marami akong gustong gawin, pero wala ako sa mood pati bulsa ko, wala sa mood.

Kaya heto ako, nakatunganga sa ilalim ng malaking puno kasama ang bestfriend kong kanina ko pa gustong patayin. Patayin ang bunganga sa kakadaldal tungkol kila M2M at kay Portia. Sa lahat ng pwedeng itopic, bakit si Portia pa.

At speaking of the devil....

"Hello!" bati sa amin ni Portia.

"Oh Portia! Musta?" bati naman ng kanyang number 1 fan na si Deo.

"Pwedeng maki-upo? Wala kasi akong matambayan eh. May klase pa si Dom."

"Sure!" sabi ni Deo.

"Bakit dito pa? Pwede ka naman sa library, dun ka na lang." sabi ko sa kanya.

"So, hindi ako pwede dito?"

"Hindi! Pwede ka dito. Nagbibiro lang yan si Conrad, ma-joke kasi yan." sabi ni Deo.

"Hindi yun joke! Hindi ka pwede dito! Wag kang magpakita sa akin, ayokong makita ang pagmumukha mo!" mataray kong nasambit.

"Ah, Con....." sabi ni Deo

"Anong problema mo sa akin?" tanong ni Portia.

"Ikaw mismo! Ikaw ang problema ko!"

"Bakit anong ginawa ko sayo na ikinakagalit mo?"

"You really wanna know?"

"Kaya ko nga tinanong di ba?"

"Alam mo bang ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ako pwede sa library at nagtitiis ako sa init dito? Ikaw din ang dahilan kung bakit may nakasalpak na tissue sa ilong ko kahapon!"

"That's it? Iyon lang ang ikinakagalit mo sa akin?"

Actually, may matinding rason pa pero hindi ko pwedeng sabihin. At siya rin pala ang dahilan kung bakit napanis ang balut na kinakain ko kagabi.

"Gusto mo isa-isahin ko? Alam mo ikaw, bakit hindi ka na lang nag-sorry?"

"Eh di sorry! Eh bakit kasi galit ka kaagad sakin pwede mo naman akong kausapin ng mahinahon."

"Sobrang galit na galit ako sayo alam mo ba yun. Kaya wag kang magpapakita sa akin. Kakasuka yang pagmumukha mo!"

"Hoy! Mr. butiking-walang-bituka, hindi na sana kita papatulan eh kaso sumosobra ka na! Dahil lang dun, sobra na ang galit mo sa akin! Sure ka bang normal ka? o may personality disorder ka? Kala mo naman kung sino kang gwapo?!"

Gwapo...may panlaban ako dyan.

"Well, according to survey, ako nga ang pinakagwapong lalaki dito sa campus. Ayaw mong maniwala, pwes, gumawa ka ng survey!"

"Bakit naman ako mag-aaksaya ng panahon para gumawa ng walang kwentang survey, naniwala ka naman sa kanila! Malay ko ba kung binabayaran mo lang ang gumagawa ng survey! At pakialam ko naman sayo kung ikaw ang pinakagwapo dito sa campus. Gwapo ka nga, ang sama naman ng amoy ng hininga mo! Wala rin iyun!"

"Ako? Bad breath?" tumayo ako at huminga  sa tapat ng mukha niya. "I brush my teeth 3 times a day, nagfofloss ako, at nagma-mouth wash pa! Ikaw nga dyan baka underneath your shirt eh may tinatago kang masang-sang na amoy putok sa underarms mo! AHAHAHA!" malakas naming tawa ni Deo.

Inamoy niya ang sarili niya.

"For your information, 2 oras akong maligo, dalawang beses sa isang araw. I can afford to buy a deodorant at baka sabihin mo namang mahaba ang buhok ko sa kili-kili, I spend P800 para mapa-wax yan!"

"Dalawang beses kang maligo sa isang araw? At dalawang oras ka kung magbabad sa banyo? Grabe naman! Siguro sa sobrang baho mo, ang hirap matanggal ng bad odor mo kaya sobrang tagal mong maligo! AHAHAHA"

Bigla niya akong kwenelyuhan at parang hindi ako makahinga.

"Hindi ako pinag-aral dito para lait-laitin mo lang! Gusto mo ng asaran? Game!" binitiwan niya ang kwelyo ko at lumakad palayo sa amin.

"Whoa! Is that a threat?! Nakahanap ka ng katapat!" sabi ni Deo.

I don't know kung anong meron at nasabi ko yun sa kanya. I felt good! Medyo nasaktan lang ako dun sa higpit ng kwelyo ko pero parang ang sarap makipagasaran kay Portia kasi palaban siya. Ang sarap asarin ng pikon. Teka, lalo yata akong nainlove sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...