Perfect Imperfections : Jazz

By lazulislapiz

492K 16.7K 1.2K

In contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. Th... More

Synopsis
Lone
Amazon
Memory
Malice
Meeting
Ward
Growing (mild spg)
Decision
Tactics
Unexpected
Spark
Give
Vivid
Toss
Absence
Choices
Brewing
Rage (mild spg)
Awareness (mild spg)
Excitement
Snatch
Business
Irrational
New
Chain
Work
Snippet
Event
Traces
Plan
Insists (Mild Spg)
Feral(mild spg)
Pause (Mild spg)
Give in (SPG part 1)
Sharing (SPG part 2)
Lay out
Move (mild spg)
Prepare (spg)

Insists

9.1K 400 26
By lazulislapiz

Chapter 21:

Layana's POV:

Naalimpungatan siyang parang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya at hindi siya makagalaw, gusto niyang mag iba ng posisyon niya sa pagtulog pero hindi niya mabago iyon dahil sa mabigat na pumipigil sa kanya.

At matigas at mainit ang bagay na iyon.

Ang alam niya walang unan na matigas.

Umungol siya at dahan dahan dinilat ang mga mata at napakurap siya dahil tinititigan niya ngayon ang gwapo at nakapikit na anyo ni Jazz na katabi niya sa kama at ito ang mabigat na bagay.

Napasinghap siya at itinulak ito dahil bakit niya ito katabi at nakayakap ito ng mahigpit.

Uungol ito at bumalik ito sa pagtulog at lalo siyang hinila palapit sa katawan nito.

Ngayon ay nakasiksik na ito sa leeg niya at ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito.

Napasinghap siya at impit na napatili nung naramdaman niyang parang dumampi ang labi nito sa leeg niyang sensitibo.

"Jazz!" gising niya dito pero sa halip ay inulit nito ang paghalik doon.

Pinakiramdaman niya kung gising ito pero batay sa paghinga nito ay tulog ito.

Huminga siya ng malalim at inalala kung bakit niya ito katabi.

Napakurap siya nung agad na bumuhos ang nangyari bago siya nawala ng malay?

Nahimatay pala ako?

Kung ganoon ay nagtaka siguro ito kung bakit ganoon ang inakto niya, ilang oras ba siyang walang malay? Nakita niya kasing madilim na sa labas.

"Layana..." napapitlag siya sa biglang pagtawag ni Jazz sa pangalan niya at nawala yata lahat ng antok niya sa katawan nung biglang sinapo na lang nito ang isang dibdib niya!

At hindi pa ito nakontento at saka nito pinisil pisil iyon ng marahan.

Sukat doon ay inipon niya ang buong lakas niya at saka niya ito itinulak gamit ang kamay at paa niya para lang humiwalay ito sa kanya, para kasing dumikit ito sa kanya.

"What? What happened?" naalimpungatan nitong tanong at agad na iginala ang tingin sa paligid at inaantok pa ito na nahulog sa kama niya.

Napalunok siya at napaatras sa kama niya.

Parang biglang bumalik sa kanya nung unang may nangyaring halikan at pati na din ang ginaw nito sa mga dibdib niya--

"Are you okay now?" tanong nito at hindi man lang niya namalayan na nakalapit na ito at agad na hinawakan nito ang mukha niya gamit ang dalawang malaking mga kamay nito.

At nagtama ang mga mata nila na aga na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

At hindi niya alam pero sa lakas niyon pakiramdam niya naririnig iyon ni Jazz.

"O-okay na ako, s-salamat" sabi niya at inalis ang kamay nito sa mukha niya.

Iniyuko niy ang mukha para itago ang pamumula niyon.

Pero biglang hinawkan ni Jazz ang baba niya kaya naman muling nagtama ang mga mata nila, at doon sa mga mata nito ay parang may magnetismo siyang nararamdaman dahil nakikita niya ngayon sa mga mata nito ang pag aalala.

Napalunok naman siya at may pakiramdam siyang alam na nitong natatakot siyang umalis sa lugar nila.

Huminga siya ng malalim.

"U-umalis ka na" sabi niya dito.

"No, plano kung pilitin kang sumama sa akin" sabi nito at puno ng determinasyon ang boses nito.

"A-ayoko...at pwede bang bawiin ko iyong pagpirma---"

"What is done is done, Layana, hindi mo na mababawi ang napirmahan mo" sabi nito at saglt na parang dumilim ang mukha nito at saka bumalik ang mukha nito s mahinahon nitong itsura.

Napipi naman siya.

"Pwede kang makasuhan, and do you want the people around you become homeless?" sabi nito, napipi naman siya sa sinabi nito.

Pwede siyang makasuhan?

Ibig sabihin... makukulong siya.

Napatingin siya dito.

Anong gagawin niya?

Sasama siya dito?

Pero paano? Natatakot siya.

Pero pag hindi niya gagawin...makukulong siya at wala nang matitirhan ang mga tao dito sa isla?

Nagtiim ang bagang niya.

"B-bakit hindi ka na lang dito--"

"I have a job" agad na putol nito.

Oo nga pala, hindi pa pala niya alam ang trabaho nito, at hindi nito pwedeng iwan iyon at tumira dito.

Hindi pwedeng tumigil ang mundo nito dahil lang sa kanya.

Nasapo niya ang ulo.

Bigla tuloy niyang naisip kung alam na nito na talagang takot siya...dahil kung alam nito, hindi siya nito pipilitin di'ba?

Pero paano niya ngayon sasabihin dito na hindi siya makakaalis dito?

Anong sasabihin niyang dahilan?

Hindi naman siya pwedeng magtago dito...dahil wla siyang matataguan, pakiramdam niya kahit magtago siya ay mahahanap at mahahanap siya nito.

"P-pwedeng mapag isipan ko muna?" tanong niya dito.

Nagtitigan sila para sana malaman nito naguguluhan siya sa dapat niyang sabihin at gawin pero hindi na niya nakayanan ang mga titig nito.

Para kasing sa mga tingin nito ngayon ay parang gusto siyang...kunin? O parang may kukunin ito?

Namumulang ibinaba niya ang tingin.

At saka nya narinig ang buntong hininga nito.

"Fine, I will give you time...but" sabi nito at agad siyang napatingin dito.

At saka nito mabilis na tinawid ang pagitan nila at hinawakan ang batok niya at saka nito inilapit ang mukha sa kanya.

..."don't make me wait that much...I still have things to possess" sabi nito at bago niya natanong ang kung ano ang bagay na 'yon ay dinampian na nito ng halik ang noo niya.

Napasinghap siya at agad na bumilis ang tibok ng puso niya sa ginawa nito.

Ang ginawa nito ngayong paghalik sa kanya ay parang hindi parang matanda na hahalik sa noo, ...parang sa ginawa nito ay importante siya? At aalagaan siya nito?

Parang ay kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso niya sa ginawa nito.

Tama ba siya?

Pero hindi ba suko na ito?

Hindi kaya inaalo lang siya nito?

Bakit kaya hindi ito nagtanong kanina kung bakit siya nahimatay?

"Don't think too much..." sabi nito sa malambing na boses.

Natigilan siya.

Tama siya inaalo nga siya nito.

Bumuntong hininga siya.

--

Kinabukasan ay bumalik ito pero sa kada punta nito ay iniiwasan niya ito.

Kesyo may trabaho siya... minsan naman ay naglilinis siya..at nagkukumpuni ng kung anong mga gamit.

At hindi niya ito hinaharap.

Hindi niya alam kung hanggang kelan niya ito maiiwasan.

Ilang araw na din niyang iniiwasan ito.

At alam niyang napapansin na iyon ni Jazz, mabuti na lang at hindi pa ito dumadating ngayon dahi wala pa siyang naiisip na pwedeng idahilan ngayon.

At may pakiramdam siyang ilang beses pa niyang gawin na iwasan ito at sasabog ito sa galit--

"Layana?" napatalon siya sa gulat nung narinig niya ang pagtawag sa kanya.

Pagtingin niya ay nakita niya ang kababata niyang nakatayo sa likod niya.

"B-bong? A-ano, pasensya ka na nung isang araw--"

"Okay lang 'yun, huwag mo ng alalahanin iyon" sabi nito at saka ito malungkot na ngumiti.

Agad naman siyang naawa dito.

At doon lang niya napansin na may hawak itong bag na medyo malaki.

At napansin nito iyon na tinitignan niya.

"Ah, oo...aalis na kasi ako dito" sabi nito at agad siyang napatingin dito.

"Ah ganoon ba? Saan ba? Sa kabilang isla--"

"Hindi...sa maynila, doon ako magtatrabaho, natanggap kasi ako doon...sa susunod na linggo umpisa ko pero aalis na ako ngayon" sabi pa rin nito sa malungkot na boses.

"Ay mabuti naman kung ganoon at--"

"Sige, aalis na ako...magpapa alam lang ako kaya ako nandito" sabi nito at ngumiti ito ng tipid pero hindi umabot sa mga mata nito at saka ito tumalikod.

Alam niyang sa pag alis nito ay isang senyales iyon na titigilan na siya nito.

Nawala naman siya ng pwedeng sabihin dito.

Pero hindi naman pwedeng ganoon na lang iyon, kaibigan din naman niya ito.

"Bong?" tawag niya dito, tumigil ito pero hindi lumingon kaya nilapitan niya ito.

"Sana mahanap mo ang kaligayahan mo sa pupuntahan mo...paalam" sabi niya dito at saka ito niyakap bilang pamamaalam.

At doon lang niya napansin na namumula ng bahagya ang mga mata nito, kaya naman tumalikod na siya, ayaw naman niyang mapahiya ito.

"S-salamat.." mahinang sabi nito.

Bumuntong hininga siya at saka nagpatuloy sa ginagawa.

Nagtaka siya dahil lumubog na ang araw pero hanggang ngayon wala pa rin si Jazz.

Namula siya dahil inaantay niya talaga ito.

Ayaw man niya pero namimiss na niya ito.

Kung bakit ba naman kasi gusto niya ito...eh mukhang ang bagsak niya ay maging alipin nito.

Bumuntong hininga siya.

Malalim na ang gabi nung naalimpungatan siyang parang may tao sa loob ng kwarto niya...at parang may humahaplos sa pisngi niya.

"J-jazz?" sabi niya at sigurado siyang si Jazz iyon dahil sa amoy ng pabango nito.

At nung luminaw ang paningin niya ay nakita niya ang mukha nito sa tulong ng konting ilaw.

"You're coming with me, at hindi sa lalaking iyon" sabi nito at bago niya naiintindihan ang sinasabi nito ay may biglang itinakip ito sa mukha niya at nakakahilo iyon at agad na sumuot sa ilong at lalamunan niya.

At unti unti ay nilamon na siya ng dilim.

---

(A:N)

omg omg

btw guys, hanggang sa friday na lang ung story ni Viktor since nag sign ako ng contract at si viktor ang entry ko at para ma promote siya eh dapat ndi siya naka public...sana po maunawaan niyo, medyo short din kasi ako huhu



Continue Reading

You'll Also Like

376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.5M 55K 80
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ...
4M 153K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
975K 42K 43
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** At...