Perfect Imperfections : Jazz

By lazulislapiz

485K 16.7K 1.2K

In contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. Th... More

Synopsis
Lone
Amazon
Memory
Malice
Meeting
Ward
Growing (mild spg)
Decision
Tactics
Unexpected
Spark
Vivid
Toss
Absence
Choices
Brewing
Rage (mild spg)
Awareness (mild spg)
Excitement
Snatch
Business
Irrational
Insists
New
Chain
Work
Snippet
Event
Traces
Plan
Insists (Mild Spg)
Feral(mild spg)
Pause (Mild spg)
Give in (SPG part 1)
Sharing (SPG part 2)
Lay out
Move (mild spg)
Prepare (spg)

Give

9.3K 421 17
By lazulislapiz

Chapter 10:

Layana's POV:

Ilang araw na silang hindi nagpapansinan ni Jazz?

Sapat na yata para araw araw eh masungit siya.

Hindi iilang beses siyang sinubukang kausapin ni Jazz pero simula nung tumanggi itong umuwi kasama siya nung araw na 'yon ay may na realized siya.

Iyon ay hindi niya ito dapat kontrolin, dahil may sarili itong isip.

Pero hindi pa rin niya maiwasan na hindi mainis, lalo na pag naalala niya ang mga babaeng nakatingin sa katawan nito.

Pwede naman kasing magdamit habang nagbubuhat pero hindi niya ginawa. ewan niya kung bakit inis na inis siya dito at sa mga babaeng nandoon.

Kapag andoon na ito sa bahay niya pagkatapos nitong magbuhat ay aalis siya para iwasan ito.

Laging ganoon ang ginagawa niya.

May isang beses itong umuwi ng gabing gabi dahil may pinuntahan daw ito pero hindi siya nagpahalata na inaantay niya itong makauwi.

Tinignan niya ang maliit na kalendaryo sa kwarto niya para tingnan ang nakalistang gagawin niya pero naagaw ang pansin niya sa nabilugang petsa at araw na 'yon.

Napabuntong hininga siya.

Sa makalawa na pala ang kaarawan niya.

At iyon na naman ang araw na espesyal pero nakakalungkot, isang araw na nagpapaalala na naisilang siya bilang tanda ng pagmamahalan ng magulang niya, pero araw din na nag iisa siyang ipagdiwang iyon.

Huminga siya ng malalim para alisin ang nakabara sa lalamunan niya ay hindi siya maiyak.

Namimiss na niya ang mga ito.

Ng sobra.

Lumaki kasi siyang malapit na malapit sa mga ito at puno ng pagmamahal ang bahay nila kahit solo siyang anak.

Pero ngayon nag iisa na talaga siya buhay at walang kasama--

Ipinilig niya ang ulo nung biglang lumitaw sa isip niya ang mukha ni Jazz.

At saka siya siya namula, bakit ba sa tuwing naiisip niyang may kasama siya eh si Jazz agad ang naiisip niya?

Nasisiraan na talaga siya.

Tumayo na siya at kailangan pa niyang magtrabaho para mag ipon at sasantabi na muna niya ang mga bagay na kung ano ano.

Masyadong mahirap ang buhay para mauwi lang siya sa imahinasyon at pantasya.

Sa libro lang at pelikula nangyayari ang mga iyon.

At ang masasayang kalalabasan ng buhay ay hindi kailanman nangyayari sa totoong buhay.

--

Napaigtad siya nung biglang may kung anong maingay sa labas ng bahay niya.

Nakatulog na pala siya kakaantay kay Jazz.

Hindi niya alam kung ano agad ang oras na pero pagtingin niya sa labas ay madilim na, papalubog pa lang araw nung nakatapos siyang magluto ng hapunan nilang dalawa ni Jazz.

Napatingin siya sa orasan na maliit at nakita niyang malapit nang mag alas dose.

At inilibot niya ang tingin sa paligid, lalo na sa mesa.

At mukhang hindi pa umuuwi si Jazz dahil hindi pa nagagalaw ang niluto niya.

Agad na sumulak ang inis niya.

Balak pa naman niyang makipag bati na dito.

"Nasaan ba ang lalaking--" Napatigil siya sa pagsasalita nung nakarinig siya ulit ng ingay.

Agad na lumipad ang tingin niya sa dos por dos na may mga pako na nasa tabi.

Iyon ang armas na ginawa niya ilang araw matapos siyang magluksa noon.

Nung naulit ang ingay ay maingat siyang naglakad dala ang armas at sumilip kung ano o kung sino ang gumagawa ng ingay.

At dahil madilim sa labas at ayaw niyang i- switch ang ilaw ay hindi niya makita iyon.

Iniumang niya ang hawak at agad na dahang dahang binuksan.

At akmang papaluin niya ang kung sino nung biglang tinawag ang pangalan niya.

"Jazz?" tanong niya, at agad na naamoy niya ang amoy alak sa hininga nito at saka ito sinugod siya ng yakap.

Ng mahigpit.

"T-teka!Jazz!" sabi niya at pilit na itinutulak ito, dahil sa sobrang pagkakalapit ng katawan nila ay pakiramdam niya mararamdaman nito ang mabilis na pintig ng puso niya, bakit ba sa isang tawag lang nito sa pangalan niya ay bumibilis na agad ang tibok ng puso niya?

"You smelled so good..." sabi lang nito pero hindi inilalayo ang katawan sa kanya at namula siya.

Lasing siya, huwag mo pansinin sinabi niya Layana. pagpapa alala niya sa sarili.

"P-pumasok na nga tayo...bakit ka ba lasing ha?" tanong niya dito at itinulak niya ito para mailagay niya ang braso nito sa balikat niya.

"Nothing...I just miss you" sabi nito at saka ito ngumiti ng sexy at dahil nakatingin siya dito nung nagtanong siya ay kita niya sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo.

Natigilan siya.

May nabasa siya dati na kapag lasing ang tao ay nagsasabi ito ng totoo.

Pero teka--

Bakit naman niya ako mamimiss?

Ang alam niya, magkaibigan sila...at hindi magka ibigan.

"Bwisit" mahinang sabi niya dahil sa kung ano anong naiisip.

"T-teka, ambigat mo!" sabi niya dahil malaking tao ito at talagang mabigat kumpara sa katawan niya ay halos lawit ang dila niya sa pagbubuhat dito.

"Opppss..." sabi nito at saka tumawa nung natalisod ito, at dahl doon halos bumigay ang tuhod niya sa pag akay dito.

May kung ilang beses napapadikit ng husto ang katawan niya dito.

"J-jazz! Ano ba!" kunwari ay galit ang boses niya para maiwasan niya ang pamumula ng mukha, kung titignan ay mas pula pa ang mukha niya keysa sa lasing.

"I'm sorry" abi nito at saka lumayo sa kanya at kahit muntik itong tumumba ay itinatayo nito ang sarili.

"Anong ginagawa mo?" sabi niya dahil akmang lalapitan niya ito para alalayan ay iniwas nito ang sarili.

"I was preventing you to get mad at me again" sabi nito at saka parang lumungkot ang mukha nito.

Para namang nalusaw agad ang lahat ng inis niya sa sinabi nito.

Kahit pala lasing ito ay iniisip pa rin siya nito.

"Oo na, hindi na ako inis sa'yo" sabi niya at saka ngumiti dito.

"You sure? Please tell me you're not joking" tanong nito.

Napakurap siya nung parang dumiretso ang pagsasalita nito?

Tumango siya.

Ngumiti ito ng sexy at saka siya nagulantang nung biglang inalis nito ang suot nitong damit pang itaas.

Parang siya ang lasing dahil sa nakikita niya, tingin niya parang mas naging batak ang mga masels nito sa katawan?

Dahil siguro sa pagbubuhat nito.

At dahil hindi niya ito pinapansin kahit napapadaan siya sa dalampasigan ay hindi niya ito tinatapunan ng tingin dahil naiinis siya.

Pero bakit ba ito naghuhubad?

"A-anong ginagawa mo!" sabi niya at iniwas ang mga mata dahil bumaba ang mga mata niya sa may puson nitong may ugat ugat at may buhok, at sigurado siya sa tinatalunton ng buhok na iyon ay ang bahaging 'nabugbog' niya dati.

"I'm hot" sabi lang nito at impit siyang napatili nung nakita niyang hinawakan nito ang pantalon nito.

"Huwag!" sabi niya dahil baka biglang magtalop ito ng katawan.

Ang bilis bilis na naman ng pintig ng puso niya dahil sa ginagawa nito.

Ipinikit niya ang mga mata ng mariin.

"What are you doing?" tanong nito ng mahina.

"Ha?" takang sabi niya at saka ito nilingon.

Nakasuot pa dito ang pantalon nito.

Nagiging malaswa na ba siya?

Bakit niya iniisip na maghuhubad ito para sa kanya?

Gusto niyang sabunutan ang sarili.

Tumikhim siya at saka hinamig ang sarili.

"Gusto mo bang maligo? Para maalis 'yang pagkalasing mo--"

"Are you going to join me?" tanong nito, napasinghap siya at dahil akmang aalalayan niya ito ay bigla niyang binawi ang kamay na papalapit sana dito.

"A-an-ano k-kamo!" sabi niya at saka siya biglang nanginig.

"You're so cute, I was telling you to accompany me because I might hit my head again since I'm drunk" sabi nito habang natatawa.

Sumimangot naman siya at saka niya napansin na niloloko siya nito.

"Maligo ka mag isa mo" nakasimangot niyang sabi.

Tumawa ito at saka niya inalalayan itong makapunta sa kwarto nito.

Pero ngayon ko lang nakita iyong ganoong ugali ni Jazz.  sabi niya sa isip isip habang naka alalay dito.

"Sandali, igagawan kita ng kape" Akmang iiwan niya ito nung biglang pinigilan siya nito sa braso.

"B-bakit?" at gusto niyang sampalin ang sarili sa biglang pagkautal.

"Come here" sabi nito saka siya hinila paupo sa kama nito.

"A-ano ba 'yon?" tanong niya dito pero halos hindi niya madinig ang sariling boses dahil sa tibok ng puso.

Ngumiti ito.

"Close your eyes" sabi nito.

"B-bakit nga!" tarantang sabi niya dahil nakatingin ito ng mataman sa kanya, at kitang kita niya ang sariling repleksiyon s mga mata nito.

At titig na titig talaga ito sa kanya.

"It's a surprise, I won't give it to you until you close your eyes" sabi nito ng seryoso.

Napalunok naman siya.

"Oo na eto na!" sabi niya at halos hindi siya humihinga nung nararamdaman niya ang hininga nitong malapit at tumatama sa mukha niya, dahil kahit naamoy niya ang alak sa hninga nito ay hindi iyon mabaho, bagkus para siyang nalalasing.

At napaigtad at napasinghap siya nung bigalng may naramdaman siyang malamig na bagay na dumapo sa leeg niya.

"Open your eyes love..." may narinig siyang parang may sinasabi ito pagbukas niya ng mata pero hindi niya maintindihan dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.

Ano daw?

"A-anong--" sabi niya pero sinundan niya ng tingin ang tinitignan nito ay napasinghap siya at agad na hinawakan ang leeg dahil may kakaiba doon.

"Did you like it?" nakangiting sabi nito, nabigla naman siya.

"B-bakit mo ako binigyan--"

"Happy birthday, Layana" sabi nito ng mababa at malambing na boses.

Napasinghap naman siya at natutop niya ang bibig.

"I saw it on the calendar before so I made some work and stuffs to buy you a gift and--" hindi na nito naituloy ang sinasabi nung biglang niyakap niya ito ng mahigpit.

Sobrang nagustuhan niya.

At sobrang touched siya s ginawa nito, at hindi niya alam kung bakit siya binigyan nito ng kwintas at niregaluhan.

At ngayon lang may nakasama siya ulit sa birthday niya.

At talagang nasopresa siya sa ginawa nito.

Ang sweet naman niya.. sabi niya sa isip habang para siyang maiiyak sa ginawa nito.

Hindi niya akalain na may mangyayaring ganito sa kanya ngayon.

"I'm glad you like it...I will practice it again tomorrow to give you that, but this dream is too good to pass a chance like this" sabi nito at bago pa man niya sabihin ditong hindi ito nananaginip ay biglang sinapo nito ang mukha niya at saka siya siniil nito ng isang mainit na halik.

--

(A:N) nakowwww galing manuka hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

471K 13.7K 34
Isla de Vista Series #5 Cresia, The girl of perfection, emotionless, unbothered, silent, and immovable. She is used to the life dictated to her how...
167K 6.3K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
171K 5.6K 49
Tagalog-English BL - Romeo Andres and Romeo Emilio shared three things. They shared one name, one yard and one feeling. However, it's not the kind of...