Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.2M 217K 62.9K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 44: ALONE

98.8K 2.4K 871
By altheadelarama

Chapter Forty Four: ALONE

KYLE POV

He is Libra at alam  ko na alam din yun ni Enzo pero hindi nya sinabi sa akin and just now, I realized, the invitation he sent me sa party ni Bloody Maria, sigurado ako na para kay Libra yun at kinuha nya lang saka nya ibinigay sa akin.

“Kyle Benedict”

Napaangat ako ng tingin sa lalaki sa harapan ko, kung ako ang head ng NBI, sya naman ang head ng Interpol. Tsk, what more do you except sa Head Mistress ng Wimbledon? Taga Interpol agad ang tinawag nya.

“Since you’re the head of NBI, alam mo na kung anong gagawin mo…” saka nya ipinatong ang isang blangkong papel sa harapan ko.

Report.

Huminga ako ng malalim saka kinuha ang ballpen at nagsimulang magsulat. Hindi ko rin naman basta basta matatakasan ang bagay na ito since may evidence sila laban sa akin.

Pumunta ako sa Wimbledon para malaman ang tungkol kay Lyra Salcedo but I ended up writing a report dahil sa nangyari and that is because of that kid.

“That kid, kilala mo ba sya?”

“Sino? Yung tinutukan mo ng baril?”

Sa tingin ko sinasadya nya ang bagay na ito, sinabi nya talaga sa akin na sya si Libra para mapunta ako sa sitwasyon na ito. Sigurado din ako na alam ni Enzo ang tungkol sa bagay na ito at hinayaan nya lang ako.

I don’t want to think na inilalaglag nya ako pero kung ganun nga, hindi ko na dapat asahan si Enzo. Sa kanya ko nakuha ang impormasyon ng mga Apostles, sapat na yun para makakilos na ako sa sarili ko.

Naitumba ko nga si Klio Nerraw o Apostle Aries, magagawa ko din yun sa iba pang mga Apostles.

“Yeah, he is Isly Resurreccion”

Binuksan nya ang isang files sa harapan ko at bahagya itong binasa saka ipinakita sa akin. Profile ito ni Isly.

“Oo, sya ang top notcher sa batch nila. Sa pagkakaalam ko, may offer sa kanya na mag-aral sa Harvard pero tinanggihan nya”

Tinggihan? Ibig sabihin, wala talaga syang balak mag-aral sa ibang bansa kung hindi dito lang sa Pilipinas at sa Wimbledon pa mismo, bakit? Dahil sa isang rason, nasa Pilipinas ang mga Apostles.

“Anything else?”

Gusto kong malaman kung ano ang magiging plano nya at kung bakit hanggang ngayon, hindi parin nakukuha ni Enzo ang amskara ni Libra sa kanya.

“Katulad nang kung may involvement sya sa Helena Gang o sa kung ano paman…”

Sigurado ako na may kaugnayan sya sa kanila at possible din kay Lyra Salcedo. Although Libra is known as an observer, sa ginawa nya sa akin, may pinaplano sya katulad ng iba pang Apostles.

“Sira ka ba? Maganda ang record nya, kung ma-iinvolve sya sa mga gang na yan, siguradong hindi sya mabibigyan ng offer na makapag-aral sa isang kilalang University sa mundo”

Kung ganun, pati ang Interpol kaya nilang paikutin, it’s too obvious na gagawa sila ng gagawa ng mga bagay na pwedeng itago ang pagkatao nila.

Mukhang mas higit pa ang mga Apostles na inaakala ko.

“Sandali, natatandaan mo ba yung bombing sa Wimbledon noong nakaraang taon? Ang alam ko, isa sa mga kaibigan nya ang namatay doon”

“Sino?”

“Haiz, sa dami ng namatay sa incident na yun, malalaman ko pa ba?”

Kung may kinalaman nga ang bombing noon sa pagkilos ngayon ni Libra, kailangan kong malaman yun.

Kung kakampi ba sya o kalaban din ni Lyra Salcedo.

ENZO POV

Hindi ko inaasahan na ganun lang nya kadaling madidispatsya si Kyle, walang kwenta talaga ang isang yun.

“Fold”

Itinaob ko ang baraha ko at saka tumayo at lumabas sa casino. Lahat naman sila ay nagulat sa ginawa ko, ito ang kauna-unahang beses na nagfold ako sa poker pero higit pa doon, kailangan kong mag-isip ng paraan kung papaano ko makukuha ang maskara kay Isly.

Sigurado ako na may pinaplano sya, pero ano yun?

Sa kinikilos nya ngayon para syang walang pakeelam sa mga nangyayari sa iba pang Apostles maliban kay Virgo pero once na magsalita sya, alam nya ang lahat ng detalye.

Kung gusto ko syang matalo, I need to use Virgo but damn, she is the Queen of the Apostles at mukhang si Kyle, si Bloody Maria din ang pakay.

Ano bang meron kay Bloody Maria at lahat ng tao, konektado sa kanya? I know it’s not only her crown they are after, meron pang iba.

Isa lang ang naiisip kong paraan, gamitin si Kyle para mapalapit kay Bloody Maria at si Bloody Maria naman ang gagamitin ko para mapalapit kay Isly. But if Isly is only focusing on Bloody Maria, malalaman at malalamn nya din ang plano ko.

Damn it! Wala akong makitang butas para ipanlaban sa kanya.

Napatigil ako sa pag-iisipin ng biglang tumunog ang cellphone ko. Iilan lang ang nakakaalam ng number ko at lahat ng iyun, walang tumatawag sa akin, ako mismo ang kumokontact sa kanila.

Kinuha ko at tiningnan ito, unregistered number. Tumingin muna ako sa paligid ko at saka nagpatuloy sa paglalakad.

“Enzo Villaluz”

“Ah pasensya na, hindi kasi ako nakikipagphone pal eh, kung gusto mo date na lang tayong dalawa…”

Shit, sino kaya nag taong ito? Sigurado ako gumagamit sya ng voice changer para hindi ko makilala ang boses nya.

“I know you want the mask of Apostle Libra…”

Tumigil ulit ako sa paglalakad at tumingin sa paligid ko, tiningnan ang mga telephone booth na malapit lang sa akin. Pakiramdam ko malapit lang sya sa akin at pinagmamasdan ako.

“Ah may stalker na pala ako ngayon, mind to share your name?”

“I can give it to you…”

Damn, sino ba ito? Isa sa mga Apostles? Pero kung isa nga sya sa kanila, paano nya nalaman ang connection ko kay Libra?

“I can give it to you Enzo but in one condition…”

Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa ito at kung sino sya pero kung kaya nya ngang ibigay sa akin ang title ni Libra at ang maskara nito, I think its better this way sa halip na harapin si Isly ng harapan.

“Name it…”

KNEEL POV

Bumukas ang pinto at nakita ko si Caleb na pumasok sa kwarto nito, may mga sugat sya at dugo sa katawan. I know this past few days nahihirapan sya dahil sa binabalikan sya ng mga pangyayari sa nakaraan nya but now, it’s like different.

At alam ko na kung bakit…

Kumutok ako sa pintuan ng kwarto nya at pumasok sa loob. Nakaupo  sya sa dulo ng kama nya habang nakatungo. Magkasaklob ang mga kamay nya at halata sa kanya na may mabigat syang dinadala.

“Caleb”

“Iwan mo muna ako…” agad na sagot nito.

“Pero…”

“Kneel”

Nagangat sya ng tingin sa akin habang ako ay nananatiling nasa may pintuan. His eyes, it shows pain katuald ng makikita mo sa kanya noon ng patayin nya si Master.

Don’t give me that look Caleb…

“It’s Lyra, right?” saglit akong tumigil at saka bahagyang napayuko “and again…”

Sya at sya lang naman lagi ang dahilan kung bakit sya nasasaktan. Buong buhay nya umikot na lang kay Lyra. Lahat ng ginagawa nya, lahat ng sinasabi nya, lahat yun para kay Lyra. Si Lyra lang ang nakikita at naririnig nya at dahil doon kaya sya nasasaktan ng ganyan.

“Caleb, kaibigan kita, higit pa doon, kapatid na ang turing ko sayo, don’t you think you deserve someone else, someone better? Because we both know it’s not Lyra. Kung lagi mo na lang ipipilit ang sarili mo sa kanya, at lagi mo na lang idadahilan na gusto mo syang protektahan, ikaw at ikaw lang din ang masasaktan and that is unfair for you, the you who sacrificed a lot for her…”

Para bang nakalimutan na nya na may buhay din sya at may iba pang tao sa paligid nya. Ganun ba talaga kahirap bitawan para sayo si Lyra Caleb?

Ganun mo sya kamahal?

“Maybe it’s my punishment sa lahat ng kasalanan ko…”

“Sa tingin ko hindi si Lyra ang may problema kung hindi ikaw…”

Ilang beses ko ng narinig ang dahilan na yan. Na mas gusto nya na sya ang sisihin ni Lyra sa lahat ng ginawa nya but from what he looks like, mukhang hindi iyun ang nangyari.

“You deserve to be happy kaya tigilan mo na ang pagiging martyr mo”

“Bakit Kneel, napapagod ka na ba sa pagiging babysitter ko?”

“Tatawa na ba ako?”

Tumawa sya sa sinabi ko pero kahit ganun, basag ang bawat tawa nya na para bang kahit anong oras, bibigay na sya.

“Iwan mo muna ako…”

Again, ito na naman kami at sa totoo lang, pagod na pagod na ako sa pagintindi sa makasarili nyang dahilan.

“It’s really unfair, itinutulak mo palayo yung mga taong malapit sayo at pilit hinahabol ang isang tao na ayaw naman manatili sa tabi mo…”

“I won’t repeat it again Kneel, leave me alone…”

Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi nya, para bang isa akong stranger sa paningin nya, na ibang tao ako.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili, hindi na ako nagsalita pa at lumabas na sa kwarto nya.

LYRA POV

Sa mga nangyari, isang bagay lang ang naintindihan ko, nangyayari ang lahat ng ito dahil sa akin. Kung namatay ba ako ng oras na yun, aabot pa ba kami sa ganito?

Hindi, sa tingin ko hindi nung araw na yun nag-umpisa ang lahat, nagumpisa ito ng patayin ko si Liam.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatawa.

Alam ko na pinagtitinginan na ako ng mga tao, bukod sa para akong baliw na tumatawa ngayon dito na mag-isa, puro sugat at dugo din ang katawan ko buhat sa laban naming dalawa ni Caleb.

Ito na ba yung sinasabi ni Liam na ako naman ang maghahabol sa kanya? Kung gusto kong magsimula sa umpisa at tapusin ang lahat, isang tao lang ang dapat kong balikan.

Si Jireh…

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin-tingin sa paligid ko. Hindi ko alam kung saan ako nadala ng mga paa ko pero sigurado ako na malayo na ito sa bahay.

Tiningnan ko ang stop light na nakapula parin hanggang ngayon. Kahit gusto kong tumawid, parang pagod at tinatamad na ang katawan kong gumalaw.

Truth really hurts…

I didn’t expect na mga ganitong bagay pa ang makakasakit sa akin. Did I become too weak? Masyado na ba akong naging mahina para masaktan ng ganito?

Nag-green lights na ang stop light kaya naman humakbang na ako patawid sa kabila. Hindi ko pa naihahakbang ang paa ko, may isang kamay na biglang yumakap sa akin mula sa likod.

Sobrang higpit ng yakap nya na parang ayaw na nya akong pakawalan at mas lalo akong kinabahan ng isubsob nya ang mukha nya sa balikat ko at sinimulang amuy amuyin ang buhok ko.

 “Miss me?”

For how many years na hindi ko narinig ang boses nya, pero ngayon he’s back and he caught me in his arms sa ganitong sitwasyon.

“I wonder kung papaano mo ako nakilala…”

Alam ko na napangiti sya sa sinabi ko, mas lalo pa nyang isinubsob ang mukha nya sa balikat ko at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin mula sa likod.

“We used to be one Bloody Maria, remember?”

Pinipilit kong tanggalin ang kamay nya pero hindi ko magawa, matigas itong masyado at malakas bukod pa doon, pagod na ang katawan ko.

“My Bloody Maria…”

Iniatras ko ang paa ko sa pagitan ng mga paa nya at saka inipit ang isa nyang paa para matumba sya. Nang ma out of balance na sya ay agad kong pinilipit ang kamay nya at tinulak sya palayo sa akin.

“Ang bilis mo namang magtampo…” he said it with his usual crazy face.

“Scorpio…”

Ngumiti sya sa akin at bahagynag lumakad papalapit. Buhay pa pala ang isang ito, matagal nga naman talaga mamatay ang masamang damo…

Humakbang ulit sya papalapit sa akin kaya naman napaatras ako.

Beep!!!

Shit, napatigil ako sa pagatras, naka-red light na ulit ang stop light at dumadaan na ang mga sasakyan, muntikan pa akong mahagip ng isa.

“You don’t know how much I miss you my dear Bloody Maria…”

Kinikilabutan talaga ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito, mas malala pa sya sa stalker.

Hahawakan nya sana ako pero agad kong natapik ang kamay nya palayo sa akin. Ngumiti sya at saka ulit lumapit. Hinawakan nya ang laylayan ng buhok ko at saka unti-unting hinalikan ito.

“My Bloody Maria…”

“Fuck Off!” at saka ko sya sinipa ng malakas sa dibdib na nakapagpaatras sa kanya. Napatingin naman ang mga tao sa amin at agad na nagsilayuan para hindi madamay sa gulo.

“Yeah, that is my Bloody Maria…”

Naiinis talaga ako sa twing sinasabi nya na MY… hinid nya ako pagmamay-ari at kahit kailan hindi ako mapapasa kanya.

“Hahahaha… hahahaha…”

Napakunot noo naman ako ng marinig ko syang tumawa. This guy is insane, dapat dito pinapasok sa mental hospital.

“Prrrtt… Anong kaguluhan yan?”

Napalingon ako at nakita ang dalawang pulis na papalapit sa amin. Hahakbang na sana ako palayo para makaalis na sa lugar na ito pero ayaw gumalaw ng katawan ko.

Nanlalabo din ang paningin ko at humihina na ang pandinig ko, Shit! Nervous breakdown ba ito? No, dahil ito sa mga nakaraang laban ko, mukhang nabugbog ata ng husto ang katawan ko.

Prrttt…

Shit! Gumalaw ka!

Sinuntok ko ng paulit ulit ang paa ko para gumalaw pero maging ang suntok ko parang wala na ding lakas.

Hinawakn ni Scorpio ang balikat ko at itinaas ang mukha ko katapat ng sa kanya saka marahang hinalikan ang labi ko.

Fuck!

Isnag ngiti ang gumuhit sa labi nya bago sya bumulong sa tenga ko at inayos ang buhok ko na nakaharang dito.

“I’ll see you soon, Lyra Salcedo…”

At mabilis syang tumakbo papalayo sa lugar.

Hindi ko na sya maaninag dahil bumabaksak na ang mga mata ko, bukod pa doon, nararamdaman ko ang pagalalay sa akin ng dalawang pulis pero hindi ko na marinig ang mga sinasabi pa nila.

I’ll see you soon, Lyra Salcedo…

Paano nya ako nakilala?

Continue Reading

You'll Also Like

266K 1.6K 5
Because of personal reason, Zaire need to use another identity when she enroll at Hellion Academy. Little did she know that this is not so ordinary p...
239K 4.2K 51
"I'll kill you soon even I love you." MAFIA/GANGSTERS STORY
151K 5.5K 62
Wanting to leave the past and start anew, Summer Cruz moves to New York, where she becomes the executive assistant of millionaire Genesis Andreus Bar...
2.7K 632 29
[COMPLETED] Doctor Ophelia Viera, a forensic psychologist, is slowly being haunted by her past. Now working with a private governmental organization...
Wattpad App - Unlock exclusive features