Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 13: Abandoned

299 18 1
By AyhenPey

Chapter 13


Fyglia's Standpoint


Kilala ko na yung babae na katabi ko kanina. Nagmadali akong lumabas ng sasakyan at umaasa na mahahabol ko pa siya. May magkakaibigan ako na nakasalubong. Sana kilala nila iyon... Pero paano ko sila tatanungin... Paano ba makipag usap dito sa mundong ito? 


"Teka—" tawag ko lumingon naman agad sila sa akin. Tinaasan nila ako ng kilay.

"Napansin niyo ba yung babaeng morena, na bilugan ang mata tapos kulay asul ang damit na hanggang dito ang haba ng palda at paganito ang istilo?" minuwestra ko yung hugis ng damit sa bandang itaas. 


"Nose bleed." 

"I think we know her." sagot nung isa.

"Krissy Mortel." 


"Uhm alam niyo ba kung saan siya nakatira?" tanong ko na nag aalangan. Masyadong personal itong tanong ko. Umiling agad sila.

"Salamat..." dagdag ko.

"But you may try to ask some boys inside. She's a popular model."

"Okay. Salamat talaga." ginawa ko yung sinabi niya. Pumasok ulit ako sa bar at nakita ko sila Louie na busy sa pakikipag-usap sa iba't-ibang babae. Nakita ko ulit yung lalaking nagtatanong sa akin kanina kung may kasama ako. Nilapitan ko siya... kinalbit.


"Hey..." pagewang gewang siyang humarap sa akin. Naparami na ata siya.

"Kilala mo ba si Krissy Mortel?" 

"Whaaaat?!" lumapit siya sa akin at amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya. Kahit naaasiwa ako sa paglapit niya sa akin, hinayaan ko na lang. Malakas din kasi ang tugtog.

"Kilala mo ba si Krissy Mortel?"

"Ah yeah, why?"

"Alam mo kung san siya nakatira?" lumayo siya sa akin at nginitian ako. Tapos nag-isip siya ng siguro mga sampung segundo. 

"Sun Residences..." tapos tinalikuran na niya ako dahil may babaeng lumapit sa kanya. Okay, Sun Residences. Bakit kaya niya alam? Pero paano ako makakapunta doon? Wala akong pera. Bigla akong may napansin na asul na papel sa lamesa na dapat na uupuan ko kanina pero di ko tinuloy dahil may magkasintahan. 


Umupo ako doon at tinititigan ko yung asul na papel. Kailangan ko ito. Pero kung kukunin ko ito kahit di naman sa akin. Masama iyon. Gagamitin ko na lang ang lakas ko. Maghahanap ako ng mga bulaklak. 


Lumabas ako ng bar at naglakad lakad. Umaasa na makakakita ako ng bulaklak. Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig ng hangin. Kaya ko pa ito. Makakahanap din ako. May mga ilan akong nakasalubong na tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Napapikit na lang ako ng mata. 


Iba talaga sa mundong ito.


Ito na rin ang pinili ko kaya dapat harapin ko ito. Hindi ko na siya gagamitin sa misyon ko. Alam ko may paraan pa. Bigla kong may nakitang iilang bulaklak sa gilid ng isang kainan. Maraming tao sa loob nito. Siguro naman di ako mapapansin na kukuha dito. Mabilis akong lumapit sa mga bulaklak at kumuha ng madami na sa palagay ko ay kayang mapabalik ng lakas ko.


Tumalikod agad ako ng may lumabas sa kainan na iyon. Nag lakad agad ako palayo. Napasipol ako. Baka kasi mahalata eh. Nung makalayo na ako naghanap naman ako ng isang lugar na wala masyadong tao. Nahirapan din akong makanap dahil matao sa lugar na ito.


Nasa Tomas Morato ako base sa mga taong nakakasalubong kong nag-uusap.  Lugar siguro to ng mga aliwan. 


Nang makahanap na ako sinipsip ko ang nectar ng bawat bulaklak na napitas ko. Ang sarap. Kulang pa nga eh. Umupo muna ako sa isang tabi. Tapos may isang babae na tumabi sa akin. May kausap siya sa telepono. Naisip kong tanungin siya pagkatapos niyang makipag usap sa telepono.


"Wait." sabi ko dahil aalis na siya.

"Yes?"

"Alam mo ba kung saan yung Sun Residences?"

"Sa Espana Boulevard. You need help? But I need to go na kasi. Yung boyfriend ko naghahanap ata ng hipon na higad doon." tapos may tinuro siya. Hindi na ako nakapag pasalamat kasi umalis na kaagad siya. 


Wala akong choice kung hindi ibalik ang sarili ko sa tunay kong anyo. Lumiit ulit ako at lumabas na ulit ang mahal kong pakpak sa likuran ko. Lumipad ako. Kahit madaming kasamaan sa mundong ito naaaliw akong panuorin ang tanawin sa baba. Makukulay na ilaw mula sa sasakyan at sunod sunod na ilaw mula sa matataas na gusali.


Tinahak ko ang Espana Boulevard. Kahit malayo nababasa ko naman ang berdeng karatula sa bawat kanto ng daan. Bumaba ako ng makita ko ang matayog na gusali na hugis letrang T. Nahirapan pa akong bumalik sa dati kong anyo dahil baka masira ang damit ko paglumaki ulit ako. Mabuti na lang hindi. Nagpalit na din ako ng damit dahil may lakas na ako para gawin iyon.


Pumasok ako sa gusali at napatingin ako sa paligid. Ang ganda. 


"Good Evening Ma'am" bati sa akin ng babaeng nakasuot ng uniporme na nakaupo sa may mahabang lamesa.

"Pwede ko bang malaman kung saan si Krissy Mortel?"

"Call ko lang po." 

"-Ma'am, ano pong pangalan niyo?"

"Fyglia."

"Fyglia daw po. Sige po Ma'am. Thank you po." pagkababa niya ng telepono, ngumiti siya sa akin. "-24th flloor, Unit **"


Tinuro niya sa akin yung daan. Pumasok ako sa elevator. Isang kwarto na umaangat at bumababa basta pindutin mo lang yung numero. Mabilis naman akong nakarating sa 24th floor at hinanap ko ang unit niya. 


Kinabahan ako di ko alam kung paano ako magtatanong. Baka ibang tao pala ang napuntahan ko. Sana naman hindi. Pinindot ko ang doorbell. Ilang sandali lang nagbukas din ito.


Siya nga ang nagbukas.

"Krista."

"I'm Krissy now, pasok ka." pumasok ako sa unit niya at ang ganda ng kwarto niya. Kulay dilaw ang karaniwang kulay ng mga gamit nya. Umupo ako sa sofa na malambot at napatigil ang mata ko sa litratong nakadisplay sa pader. Nakasuot siya na pang diwata. Katulad na katulad sa itsura noong nasa Faylinn pa kami. Paano?


"Nagpakuha ako niyan dito sa mundong ito. Wala lang, ayaw ko lang makalimutan kung sino ba ako dati. Di rin naman nila malalaman. Akala nila trip ko lang gawin yan. Anyway, I'm happy na pumunta ka na dito. I thought Ciel will come here first." tapos inabutan niya ako ng plato na may Flower Salad tulad nung hinain ko kasama si Lyn. 

"Ha?" sagot ko pagkatapos kong tanggapin yung plato.

"You don't know? But how could you know me? That I am here?"

"Nakita kita kanina sa bar. Kaya pala ako nandito magtatanong ako sa misyon." biglang nag-iba ang mukha niya at halata ang pagkalungkot. Bakit?


"I will get you straight to the point Fyglia. We are abandoned here. The mission? That's bullshit! Si Inang Reyna pinatapon na niya tayo dito!!!"

"HA? HINDI! Hindi totoo yan Krista."

"Yes totoo. May mission din ako dito after kong magawa, walang nangyari. Hindi na ako makabalik. Nagpakahirap pa ko!"


"Ano ba misyon mo?" umiling siya. Kahit ako di ko din pwedeng malaman. 

"Krista. Mabait di ba si Inang Reyna? Di ba pagkatapos niya paltan ang dati nating Hari na mapagmalupit naging maganda na pamumuhay natin sa Faylinn?" umiling ulit siya.


"Mas bata ka pa sa akin Fyglia at may mga di ka nalalaman. Inang Reyna is a black queen. Mapagpanggap. Niloko niya ako!!! Hayss, let's not talk about this muna Fyglia. Next time na lang."


Totoo ba iyong sinabi niya? Bago nga ako ipadala dito nauna siyang nawala sa Faylinn hindi ko naman alam na dito siya pinadala. Akala ko pumunta lang siya sa kabilang bayan. Edi ganoon na din mangyayari sa akin? Kahit gawin ko yung misyon ko wala na din akong mapapala. Paano na si Ama sa Faylinn? Bakit ginanito kami ni Inang Reyna. Totoo nga ba talaga na masama sya?


Akala ko mabait siya. Yung kay Warren kaya??


"Fyglia, kailangan nating mabuhay dito na parang tao."

"Ginagamit mo pa din ba kapangyarihan mo?" bigla kong tanong.

"Hindi na. Nasasanay na ako na kumuha ng enerhiya mula sa pagkain ng mga tao. And nag eenjoy na din naman ako sa mundong ito. Fyglia, hindi ka mabubuhay dito kung si Fyglia ka lang. You need identity card."

"Identity card?"

"Yes, like valid ID, passports, driving license pero mas importante ang birth certificate. Mga documents na magpapatunay na taga rito ka. Don't worry I can help you."

"Krista. Di ko alam pero bakit ginagawa mo sa akin ito?" hindi naman sa hindi ako masaya sa pagtulong niya pero ang dami ata ng gagawin niya para sa akin.


"Kauri kita Fyglia. Be thankful na lang. Pati natutuwa lang ako di na ako nag-iisa. Wait lang ha? Call ko lang si Attorney."


May tinawagan siya at base sa naririnig ko humihingi si Krista na kailangan siyang ipaggawa ng mga papeles para sa akin. Kinain ko na lang yung binigay niya, nagugutom na din kasi ako. Habang nililibot ko ang tingin ko sa unit niya di ko mapigilang mamangha sa kanya. Ang galing niya nataguyod niya ang buhay niya dito. Sana ako din...


Para babawi ako sa kanya sa pagtulong niya sa akin.


Mamimiss ko si Ama. Sana may gamit din na pwede kong gamitin para makausap sya. Dito kasi cellphone lang kaya mo ng makausap ang malayong tao sa'yo. Ang Faylinn milya milya ang layo sa kabihasnan nitong mundong ito. 


Bigla kong naalala saan na ako tutuloy nito? Hindi na ako babalik kila Caloy. Wala na akong babalikan doon. Yung misyon, wala ng kwenta iyon. Naniniwala ako kay Krista. Hindi niya ako lolokohin. Magkakakilala kami noon sa Faylinn pero hindi kami magkaibigan. Nagtatanguhan lang kami kung magkakasalubong man. Alam ko sapat na iyon para pagkatiwalaan siya.


Pagkatapos niyang makipag-usap bumalik na siya at umupo sa tabi ko.


"Mamaya pupunta si Attorney dito. If I'm not mistaken father siya nung friend ni Ciel." 

"Sino?" 

"Isaac or Isaiah ata..."

"Ohh..." kakapalan ko na mukha ko. Pangako ko babawi ako sa kanya pagkatapos kong maayos ang mga dapat kong ayusin para makapag simula dito sa mundong ito. Magtatrabaho ako para magkapera, para mabuhay dito. "-Krista"


"Krissy please..."

"Krissy pwede ba akong makitulog dito?"

"Oh come on! Of course! You can stay here! But in return can you help me tomorrow?"

"Ano yun? Kahit ano sige tutulungan kita." sagot ko

"Bukas kasi may ramp kami, eh lagi akong tinatanghali ng gising. Pwede mo ba akong gisingin ng maaga?"


"Yun lang pala eh. Ipagluluto pa kita ng umagahan kung gusto mo. Kahit gawin mo na akong katulong dito okay lang. Ay, pwede ba akong mag-apply? Habang wala pa akong matinong buhay dito?" pasensya na Krissy. Sana pumayag siya. Siya lang malalapitan ko ngayon. Wala na talaga akong matutuluyan.


"Grabe ka naman Fyglia. Para kang others.. Libre kang tumuloy dito basta ba tutulungan mo lang ako sa mga ramp at gigs ko. Ay by the way dapat sumama ka madalas sa akin habang di pa naayos ang life mo dito."


"Walang problema."


Nag request  siya na magpalit daw kami ng anyo sa totoo naming itsura habang nagkwekwentuhan. Di ko alam pero natawa ako nung ginawa namin iyon. Nakaupo kami sa sofa habang may pakpak sa likuran namin at kumikinang ang bawat sulok ng damit at buhok namin.


"You know what Fyglia it's been a year ng ginawa ko ito. Nakakamiss pala."

"Baka may dumating makita tayo." 

"HAHAHA. May doorbell naman yan pati ako lang may susi ng kwartong ito kahit madami akong boys." 

Nagkwentuhan pa kami ng madami tungkol sa buhay niya dito.  Pagmomodelo daw ang source of money niya. Inalok pa niya ako na sumali minsan. Sabi ko pag-iisipan ko. Tapos yung attorney na tinawagan niya di na daw makakapunta may client daw na mas dapat munang puntahan.


Kaya napagdesisyunan na naming matulog na dahil maaga pa nga bukas.


Bago ako matulog nagdasal ako kay Bathala na patnubayan ako sa mundong ito at ang Ama ko sa Faylinn. 


Dahil doon hindi ko napigilang di maluha dahil hindi na ko makakabalik sa Faylinn. 




Continue Reading

You'll Also Like

98.5K 3.5K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
242K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...