Josh's Point of View
Nakahiga ako sa may kama nang magring ang phone ko. Tumatawag si mommy. Tinitigan ko lang ang phone. Ilang araw ng hindi umuuwi si mommy sa bahay. It's been 3-5 days na rin since nalaman ko 'yung tungkol sa amin ni Ayu. Actually, wala naman pala ako masyadong alam. Naguguluhan pa ako. Pagkatapos tumawag ng daddy ni Ayu noong nakaraan ay wala na kaming narinig na news ni Ayu tungkol doon. Wala rin naman nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa.
Kinuha ko ang phone ko at sinagot 'yun. I think it's about time para malaman ko kung ano ang gustong mangyari ni mommy.
"Hello? Josh?"
"Hey, ma."
"How are you?"
"Ayos naman po."
"It's nice to hear that. Josh?"
"Po?"
"Kilala mo raw si Ayumi Kahn? Daughter of Erik Kahn?"
"Opo. About Ayu – "
"Good. I want you to spend some time with her. Kilalanin nyong mabuti ang isa't isa. Kung kinakailangang magsama kayo 24/7 – "
"Ma!"
Natawa ang nasa kabilang linya pero wala akong makitang nakakatawa ngayon. "O, sige. Hindi na 24/7. Basta kilalanin niyo mabuti ang isa't isa. Be nice to each other. Be super close to her if possible. Are we clear, Josh?"
"Bakit ba kailangan ko pang – "
"It's for the better. Sige na. May mga gagawin pa ako. I'll be home in 2 weeks, dear. Be good there, okay? Love you. Bye!"
Ano bang problema ngayon ni mommy? Hindi naman nya ako pinapakilala sa mga anak ng business partners niya noon tapos all of a sudden ipapakilala o ipapadate niya na ako sa iba. She's Ayu Kahn, my friend. And what's even worse is that she's Ken's girlfriend for goodness' sake.
Hindi pwede 'to. I need to do something. Soon makakaisip din ako ng magandang gawin. Sa ngayon, tutunganga muna ako.
Nakahiga pa rin ako at nakatingin lang sa kisame nang naisipan kong i-check ang Twitter ko. Bumungad naman sa akin ang tweet ni Sab.
"Kahit na gaano mo sabihin na wala kang pakialam, hindi mo maitatago sa sarili mo na naaapektuhan ka rin." Nabasa ko lang somewhere. Haha!
Ang drama naman ni Halimaw. Mapagtripan nga at mamessage.
***
Ang drama mo.
9:02 p.m.
Huwag kang mainggit. Magdrama ka rin kung gusto mo.
9:04 p.m.
Sige, sandali lang.
9:04 p.m.
***
"What do you usually do when you don't know what to do?" And tweet.
Ayan. Nagtweet na ako.
Ilang sandali lang ay nagreply naman ang magagaling kong kaibigan.
Xander: Anong ginagawa ko kapag hindi ko alam gagawin ko? Sus. Edi kakausapin si Yannie.
Ice: Sleep or think. That's what I do.
Zoe: Kapag di mo alam kung ano dapat mong gawin, itulog mo na lang' yan.
Nireply-an ko lang din sila. Pero bakit nawala na 'yung halimaw? Sandali nga.
Tinawagan ko si Sab dahil trip ko lang.
"Oh? Problema mo?!" salubong niya sa akin.
"Highblood naman nito. Nakasigaw agad."
Bakit ka ba kasi tumawag?" Napakasuplada naman nito? Tss.
"Bawal ba?"
"Oo. Bawal kung walang importanteng sasabihin."
"May sasabihin akong importante."
"Ano?!"
"Anong gagawin ko? 'Yung tungkol kay Ayu?"
"Malay ko. Bakit sa akin mo tinatanong?"
"Ikaw may alam nito, e."
"Edi sabihin mo sa iba para alam na rin nila."
"Bakit ba ang taray taray mo ngayon? Ano bang ayos mo?"
Hindi sumagot ang nasa kabilang linya kaya tiningnan ko ang phone ko. "Huy."
"Wala. Bye."
Problema nito? Tsk.
***
Pagpasok ko sa school ay dumiretsyo na ako sa room at inabutan ko na silang pito doon. Nilapag ko ang bag ko at dumiretsyo sa gawi nila Ayu.
"Ayu, tara lang," tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya.
Tatayo na sana siya nang magtanong si Yannie, "Saan kayo pupunta?"
"Papaturo lang siya sa trigo," sagot ni Ayu at sinenyasan ako na sumakay na lang.
"Ah,oo. Papaturo lang ako. Maaga pa naman kaya sa library muna kami para mas maintindihan ko." Tumango lang naman si Yannie at hinayaan na kami.
Napalingon ako sa side ni Sab. Tuesday ngayon kaya ang pagkakaalala ko ay bati kami. Napatingin din siya sa akin. Ngingitian ko pa lang sana siya pero agad din siyang nagbawi ng tingin. Ano bang problema ng babaeng 'to?
"Josh, tara na," tawag sa akin ni Ayu na nasa may pintuan na pala.
"Una ka na muna. Sunod ako," sabi ko sa kanya at lumapit sa may pwesto ni Sab.
Nang makarating na ko sa tapat niya ay tumingala sya at tiningnan ako.
"Sab."
"C.R. lang ako," sabi lang niya at umalis agad.
Itatanong ko lang naman kung ano problema niya sa akin tapos bigla bigla na lang aalis. Tsk. Ang gulo talaga ng halimaw na 'to.
Lumabas na rin ako at nakita ko si Ayu na hinhintay ako sa may hallway. Nagpunta kami sa may staircase kung saan konti lang ang tao at hindi sa library tulad ng sinabi namin sa kanila.
"Nakausap ko ang mama ko," sabi ko saknya. "Sinabi niya na kilalanin raw kita at maging close sa 'yo. Maging close ng sobra."
Napayuko na lang sya at nilaro and kamay niya, "So they're really serious about this, huh?"
"Siguro."
"Anong gagawin natin?"
"May magagawa ba bukod sa kausapin sila?"
Pumikit siya at napahawak sa noo niya. "Dad! Why are you torturing me?!" reklamo ni Ayu at pumadyak pa.
"Alam ba ni Ken ang tungkol dito?"
"Hindi. Kinakabahan ako. Baka kung ano pa ang mangyari."
"Dapat niyang malaman 'to."
"Nakakainis. Ano ba kasing klaseng problema 'to?" reklamo pa nya.
***
Sab's Point of View
Nauna kami nila Zoe at Ice sa No Name. Hinihintay lang namin dumating 'yung iba.
"Sab!" Napatingin naman ako agad sa sumigaw na si Zoe. "Nakakainis ka naman. Kwento ako nang kwento dito tapos dinedeadma mo lang ako. Wala naman palang nakikinig sa akin," reklamo niya at napanguso pa.
"Nakikinig naman ako sa 'yo. Saka wag ka ngang gumanyan," sabi sa kanya ng katabi niyang si Ice.
"Huwag umano?"
"Magpout."
"Parang 'yun lang."
"Nakakatukso kaya," bulong ni Ice sa sarili niya.
Bigla naman akong nag-ihit ng tawa dahil sa sinabi niya. Natutukso siya! Nakakaloka!
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Zoe.
"Kasi si – " Hindi ko magawang tapusin ang sinasabi ko kakatawa.
"Ubusin mo muna ang tawa mo," sabi pa ni zoe.
Tumawa ako nang tumawa at nang naubos ko na nga ang tawa ko ay huminga ako ng malalim at humarap na ulit sa kanila ng maayos. "Kasi narinig ko si Ice. May binulong siya na natutukso syang ikis –" Tinakpan agad ni Ice 'yung bibig ko bago ko pa man din matapos ang sinasabi ko.
Lalo namang nagtaka si Zoe sa amin. Nagsalubong kilay niya. "Ang daya! Ano 'yun?" Parang bata niyang tanong.
"Mukhang nagkakagulo kayo, ha?"
Napatingjn kaming tatlo sa nagsalita. Si Josh pala. Kasama si Ayu. Ewan ko pero para akong nawala sa mood bigla.
"Naasan si Ken?" tanong ni Zoe kay Ayu.
"May emergency sa kanila kaya hindi muna makakapunta."
"C.R. lang ako," paalam ko sa kanila at pumunta na sa may C.R.
Naghilamos ako. Seriously, what's wrong with me? Parang automatic na na napapaalis ako kapag nakikita ko sila. Bakit ba kasi?!
Paglabas ko ng C.R. ay nakasalubong ko si Xander kaya kinausap ko siya. "Uy, nandyan ka na pala. Si Yannie nasaan?"
"Nauna na sa loob. Nag-C.R. ka na naman?"
"Malamang. Kita mong dyan ako lumabas sa C.R. Depende na lang kung iba pa ang tingin mo dyan." Nagtatanong pa 'to halata naman.
"Reyna ka na ata ng C.R.? Lagi ka na lang nag-eenjoy mag-C.R." Grabe naman 'yun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil kahit papaano sinabihan niya akong reyna o maiinis kasi sa dinami rami ng pwedeng pagreynahan 'yung CR pa. Wala naman akong ginagawa sa C.R., e. Tatambay lang.
"Ewan ko sa'yo. Dyan ka na nga," sagot ko sa kanya at nauna na maglakad.
"Hoy, Sab, sandali kaya. May sasabihin pa ako."
"Ano?"
"Kayo na lang ni Josh – "
Tinaas ko ang kamay ko at inekis saka siya tiningnan ng masama. "Ayoko. Ayoko nga sabi. Narinig ko na 'yan last time. Wala akong balak – "
"Ha? Ano bang sinasabi mo?"
"Bakit ano ba sinasabi mo?"
"Kayo na lang kako ni Josh ang magduet ngayon. Malat si Yannie. Kaya hindi kami pwede."
"Ayoko nga! Si Ice at Zoe na lang."
"Wala. Kayo na. Nagbotohan kami," sabi niya at nagbelat pa. Leche naman.
No choice. Kakanta na nga ako with Josh. Kainis. Nasa may baba lang ako ng mini stage at nakasabukot ang mukha habang hinihintay matapos magperform sila Zoe.
"Ganyan ka ba kadismaya makasama ako magperform?" Napalingon ako sa nagsalitang bakulaw.
Bigla namang nagpalakpakan ang mga tao. Tapos na magperform ang iba. Sa halip na sagutin ang sinabi ni Josh ay umakyat na lang ako sa stage at hinawakan ang mic. Sumunod na rin naman siya sa akin at narinig ko na lang ang pagplay ng music.
♫ And the conversation was right
Underneath the shade of moonlight
You were standing there
With sun-touched hair
And your dress the color white ♫
Nakatingin siya sakin habang kumakanta. Naiilang ako sa hindi malamang dahilan kaya tumingin na lang ako sa audience.
♫ I'm falling, I'm falling
In love with you
I'm falling,I'm falling
In love with you
Will you catch me
Because lately
You're a dream come true
Say you love me
You are lovely
Do you feel it too?
I'm falling,I'm falling
In love with you
I'm falling, I'm falling
In love with you ♫
Hindi ko siya tiningnan buong pagkanta namin at bumaba na agad pagkatapos magperform.
Napatigil na lang ako nang may humablot sa braso ko. Pagtingin ko, si Josh pala. "May problema ba tayo, Sab?" tanong niya.
"Ano... Wala naman. Teka. C.R. lang ako." Totoo naman kasi. Wala naman kaming problema. Di ba?
"Mukha ba akong inidoro? Ewan ko kung ako lang ang nakakapansin pero kada makikita mo ako parang gusto mo lagi magpuntang C.R."
"Basta. C.R. lang ako. Sige na," sabi ko sa kanya at hinila na ang braso ko.
Bakit ba kasi laging C.R. ang nasasabi ko? Nakakainis.
Pagpasok ko sa C,R. ay humarap lang ako sa may salamin. "Sabrina Fortalejo, ano bang problema mo? Bakit ba alis ka nang alis kapag kinakausap ka ng taong 'yun? Ano bang nangyayari sa 'yo? Nababaliw ka na ata. Hindi ka naman ganyan dati. Bigla ka na lang nagkaganyan. Napopossess ka na ba? Ayos ka lang ba?" Yumuko ako at nagbuntong hininga saka humarap ulit sa salamin. "Ayos ka lang. 'di ba? Tara na," sabi ko sa sarili ko at lumabas na ng C.R.
Bumalik ako sa may bar at inabutan kong kumakanta 'yung tatlong lalaki. Umupo naman ako sa tabi ni Ayu, "Nasaan na 'yung dalawa?"
"Ewan ko ba du'n." Bigla namang nagring yung phone niya. "Sab, wait lang. Tumatawag si Ken." Medyo may pagkakilig na sabi niya at iniwan na nga akong mag-isa.
Nakapalumbaba lang ako habang nanunuod sa boys. Magaling talaga sila. Mas nagiging gwapo sila kapag tumutugtog. Parang mahal na mahal nila ang ginagawa nila.
"Makatitig." Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumulong sa akin. Napahawak na lang ako sa puso ko. "Bwisit ka, Zoe. Makabulong. Aatakihin ata ako sa 'yo."
Natawa siya at umupo sa tabi ko. "Kasi naman masyado kang nagcoconcentrate sa panunood dyan kila Josh." Hindi ko na lang siya pinansin at nanuod na lang ulit.
Hay. Ang galing pala talaga nila kumanta. Lamig ng mga boses.
"Makatitig talaga." This time ay si Yannie naman ang nagsalita.
"Baka matunaw si Josh niyan," dagdag pa ni Zoe.
Nanlaki ang mata ko at napalingon sa kanila. "Hoy! Hindi ko kaya tinititigan si Josh."
"Kanino ka nakatitig?" nakangising tanong ni Yannie.
"Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo."
Bigla namang tumawa ng malakas si Yannie at kinurot ang pisngi ko. "Ewan ko sa 'yo Sab. Si Josh na lang kaya nasa stage kanina pa. Nasa office kaya ni Manager Ry sila Xander. Tingnan mo lang. Nagsosolo performance si Josh ngayon. Diyan na nga kayo. Puntahan ko lang sila Xander."
Napalunok naman ako sa sinabi ni Yannie at unti-unting lumingon sa may mini stage. Hala. Siya na nga lang mag-isa doon. Bakit hindi ko napansin?
"Alam mo, Sab. Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit nakatitig ang isang tao sa isa pang tao. It's either may mali sa kanya or..." Huminto muna siya at uminom. Seryoso? Kailangan talagang magpabitin? "Or may tama ka sa kanya."
Huh? Ano raw? Bakit parang hindi ko gets 'yun?
"In your case mukhang doon ka nakacategorize sa pangalawa," dagdag pa niya.
"Ha? Hindi ko gets."
Napangiti at napailing na lang si Zoe. "Ang sinasabi ko lang naman... may tama ka sa kanya. Tinamaan. May gusto. I overheard your monologue kanina sa C.R."
Napatulala ako sa sinabi ni Zoe. Ako, magkakagusto kay Josh Alonzo? Ha! No. I don't think so.