Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 11: Wanted

372 17 1
By AyhenPey

Chapter 11


Caloy's Standpoint


"Kuya may balita ka na ba kay Ate Fyglia?" siguro pang isang daan na beses ng tinanong sa akin ng kapatid ko yan. Tatlong araw ng hindi umuuwi si Fyglia dito. Akala ko naman nung isang gabi may pupuntahan lang siya pero di na siya bumalik.


Ang nakakainis pa doon nag hintay kami ng magdamag sa kanya ng tropa ko pero walang Fyglia na nagbalik. Nakanchawan pa ako ni Louie na


"LQ ba kayo? Umamin ka na."


Umoo na lang ako kasi naiirita ako sa pagiging OA ni Miguel at Isaiah na kung may mangyari daw masama eh ako daw ang masasapok nila. Di nga kami. Ang kukulit ng mga ito. Pero halata naman na may gusto yung dalawa. 


At aaminin ko naguiguilty ako. 


Naguguluhan din sa kung ano ba ang ibig sabihin niya.


"Hindi na kailangan" pagkatapos kong ioffer ang sarili ko sa kanya. Kahit nahihilo na ako kagabi.  Sa totoo lang kinakabahan ako nung sinigaw ko iyon. Ang impulsive kasi ng bibig ko baka totohanin niya. Diwata pa naman iyon. May powers.


Napatingin ako sa kapatid ko na palakad lakad sa sala namin. 

"Ano ba talaga ang nangyari?" siguro pang 50 beses naman niyang tinanong sa akin yan pero di ko sinasagot. 


Napabuntong hininga ako. Hindi ako tatantanan nito panigurado. Kaya iyon kinuwento ko sa kanya ang lahat walang labis at walang kulang. Di na naman siya bata maiintindihan na niya yan. 


 "Kikiligin na sana ako kuya. Kaso bakit di mo siya pinigilan?! Bakit mo pinalabas sa van?!"

"Aba malay ko ba na di na siya babalik"

"Hanapin natin siya!" 

"Ha? Eh saan?" 


"Bahala ka kung ayaw mong hanapin ako maghahanap!" 


Binalibag niya ang pintuan at naiwan ako mag-isa dito. Eh bahala na nga siya. Inaantok ako. Makatulog na lang. Inoffer ko na sarili ko sa kanya ayaw pa niya. Arte.


Nagbeep ang phone ko. Sino naman 'to?

Ah yung modelo na naman. Si Krissy Mortel.

GM lang naman yung text niya na quotes. Uso pa pala ito? Hahaha.

Nabasa ko na din yung papel na binigay niya. Ang weird nga eh. Tapos kahapon sa bar nakita ko pa siya. Well, nag-usap lang naman kami sa mga gigs namin at yung sub mother na choosy. Yun lang work lang. Pero di naman niya brining up yung sa papel. Weird.



LynLyn's Standpoint


Badtrip si kuya! Wala man lang care kay Ate Fyglia. Hmmp! Naglakad lakad ako at napaisip. Saan lupalop ko makikita si Ate Pig?! Hindi kaya umuwi na siya sa Faylinn? Waaah. Humarap ako sa isang puno. Nandito kaya siya? Sabi niya nakakausap daw niya yung puno namin eh. Baka ito rin.


"Hello po Puno ng Alatiris. Nakita niyo po ba si Ate Pig? Nawawala po sya at tatlong araw na."


Napataas ang kilay ko. Mukha lang akong may sapi sa ginawa ko! Para namang sasagot yan! Tapos may tumawa sa likuran ko. 


"Hahaha. Nice Lyn." kumalabog ang puso ko sa boses na iyon kaya napatingin ako sa likod ko. Kahit kailan talaga nalilito pa rin ako sa boses nilang dalawa. 


"Kuya Louie..."

"Anong ginagawa mo dyan? Bakit mo kinakausap ang puno?"

"Ah, wala.." nakakahiya naman. SI Kuya Louie pa nakakita sa akin kung si Kuya Miguel lang ito baka sinabayan pa ako sa trip ko.


"Ahm, kumain ka na ba?" tanong nya sa akin

"Hindi pa, sige na kuya alis na ako. Hinahanap ko si Ate Fyglia eh."

"Di pa rin siya umuuwi?" umiling ako. 

"Samahan na kita." 

"Ha?" 


Sa totoo lang sa lahat ng kaibigan ni kuya siya ang pinaka ayaw kong makausap. Basta ayoko. Close naman kami dati ni kuya pero after nung nangyari nagbago na ako kay Kuya Louie. Ayaw ko din na binibigyan niya ako ng pera. Kesyo daw pinasabi iyon ng kapatid niya ayaw kong tanggapin iyon. Naalala ko na naman siya. Napapikit ako dahil naalala ko na naman ang lalaking minahal ko na kapatid ni Kuya Louie. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang balikat ko.


"Samahan na kita hanapin si Fyglia." naistatwa na lang ako ewan ko. Hanggang sa pumasok ako sa sasakyan ni kuya at nag drive siya. Bakit kaya nadako si kuya malapit sa amin? Ah baka pupuntahan lang niya si kuya ko. 


Tahimik lang kami buong biyahe at I swear gusto ko ng dumito sa sasakyan ng nakarating kami sa harap ng bahay nila.


"Kuya naman..."

"Kain lang tayo. Tapos hanapin na natin siya mamaya." 


Sapilitin pa ang ginawa ni Kuya Louie para palabasin ako sa sasakyan niya. Habang papasok ako sa bahay nila nanginginig ang tuhod ko. Ilang taon ng nakakalipas iyon, Lyn. Oo nga eh taon na pero ganito pa din ang pakiramdam ko. 


Siguro siya sa langit nakamove on na ako hindi pa.


Napatingin ako sa pader na nakadisplay ang family picture nila. Ang matang iyon, ang ngiting dala dala ko hanggang sa ako'y makatulog. Hinawakan ako ni Kuya Louie sa balikat at tinanguhan bago kami tumuloy sa Dining Room. 


"Mas gugustuhin niya siguro kung magiging normal ka na ulit sa lahat." 

"Ha?"

"Come on Lyn, be yourself na ulit yung dating ikaw. Yung lively."

"Lively naman ako kuya."

"But not here and not in front of me." 


Napabuntong hininga ulit ako at tinignan siya. They have the same eyes. Siguro nga tama siya. Nag nod ako at kumain na kami nagkwentuhan kami tungkol sa school. Kung anong pinagdadaanan ko, mga activities, mga friends etc. Doon din kasi siya nag-aral sa school namin.

Bigla kong naalala,


"Kuya wala ka bang work ngayon?" 

"Off ako ngayon—-"


"Louie!!!" pustahan tayo si Kuya Miguel yan. At di nga ako nagkakamali siya nga. Kahit kailan talaga everywhere itong lalaking ito. Derecho siyang umupo sa tabi ko at kumuha ng fried chicken sa harapan. Pagkakagat niya doon napalingon siya sa akin.


"Nandito ka pala."

"Oo." sagot ko

"Ganyan talaga yan dito laging patay gutom."

"Hoy! Kung makapagsalita ka! Samahan niyo kong hanapin ang love of my life ko di pa rin daw bumabalik sabi ni Caloy." 


Kinain ko na lang ang pagkain ko. Bahala na si Kuya Louie dyan. 

"Tamang-tama hinahanap din ni Lyn si Fyglia."

"Oh? Talaga?!" napahawak ako sa pisngi ko. Tumalsik ang laway niya. Tinignan ko siya at nanghinayang ako sa lalaking ito.


"Kuya Miguel alam mo okay ka na eh. May itsura, mayaman, kaso nga lang balahura. Tsk tsk." biglang tumawa si Kuya Louie tapos si Kuya Miguel tinignan lang ako na nasasaktan. Nag pout pa ang loko.


"Magkapatid nga talaga kayo. Parehas kayong hard!" tawa ng tawa si Kuya Louie nang magring yung phone niya kaya umalis siya sandali. Pagkabalik niya tapos na kaming kumain ni Kuya Miguel.


"Lyn, I can't come with the two of you today. May urgent meeting pala sa office." 

"Okay, kuya" sabi ko.

"Miguel kayong dalawa na lang maghanap. Keep in touch na lang."

"Keep in touch? Bakit may care ka din ba kay Fyglia? Wala naman eh. Tara na Lyn. Puntahan natin si Isaiah. Hanap tayo ng alliance."


What the? Alliance? Baka accompany lang. Loko talaga ito. Parang war ang pupuntahan.  Sumunod na lang ako kay Kuya Miguel. Ang hahard talaga ng tropang ito sa isa't-isa pero ang tagal na nila. I think grade 6 pa lang ata magkakalaro na ito sa basketball or what. Base sa kwento ni kuya sa akin. Baby pa ako noon eh.


Pagkarating namin kila Kuya Isaiah,


"Oh bakit nandito kayo?" nanlaki ang mata ni Kuya Miguel sa sagot ni Kuya Isaiah

"Aba ganito ka na pala sa bisita mo. Kailan pa?"

"Ano kasi, ano ba? Bakit ba kayo nandito?" from naguguluhan na boses naging naiinis na ang boses ni Kuya Isaiah.

"Halika samahan mo kami. Hahanapin namin si Fyglia. Nag-aalala na siya pati ako di pa rin daw umuuwi."


"Busy ako. Pati in the first place naman hindi naman kila Caloy nakatira iyon baka umuwi na sa kanila." 


Umuwi na sa kanila? Waaah Ate naman! Hindi man lang ako nakapag paalam. Nakakainis si kuya! Kasalanan niya ito eh. Tumalikod ako sa kanila, uuwi na ako. Lagot sa akin si kuya. Wala namang ibang mapupuntahan si Ate dito. Napuntahan ko na ang mga tropa ni kuya maliban kay Kuya Patrick sabi ni Kuya Miguel nasa Bicol daw iyon ngayon. Kaya baka nga umuwi na si Ate Fyglia pati hindi naman siya malapit sa mga tropa ni kuya.


Kahit na halatang halata naman kay Kuya Miguel at Kuya Isaiah na may hidden desire sila kay Ate Fyglia.


"Nakakapagtaka ka. May tinatago ka ba dyan? Nandito pa lang ako sa gate pinagtatabuyan mo na ako eh. Ngayon lang ito nangyari. Ano may tinatago ka ba?" 

"Wala. Wala. Busy nga ako. Umalis na kayo. Wala si Fyglia dito." bigla niyang sabi kaya napalingon ako kasi mukhang nainis si Kuya Miguel.


"Ang yabang pare ah! Feeling mo naman inaakusahan kita na pupunta si Fyglia dito." hinigit ko na si Kuya Miguel baka mag-away pa itong dalawa. Nag-iba na kasi aura niya eh. 


"Kuya Isaiah alis na kami." 


Naglakad lakad kami ni Kuya Miguel dahil ang bahay ni Kuya Isaiah ay napapaligiran ng mga restaurant. Pumasok kami sa isang cake shop ni Kuya Miguel. 


Umorder kami ng dalawang slice ng cake kahit kakakain lang namin ng lunch. Habang kumakain kami di ko mapigilang magtanong sa kanya. Alam kong babaero ito eh.


"May gusto ka ba talaga kay Ate Fyglia?"

"Nasesexyhan lang ako."

"What the?!" sigaw ko napatingin naman ang mga tao sa loob.  Pero mukhang walang balak bawiin ni Kuya Miguel ang sinabi niya. May naisip bigla ako. "-kuya, peram ng phone." 


Inabot naman niya sa akin ang iPhone niya at pagpindot ko may password. 

"May password."

"Anong gagawin mo? Wag kang pupunta sa gallery baka may makita ka pati wag kang magbabasa ng inbox."

"Mag ffb lang!" 

Inabot niya sa akin yung phone niya at itatype ko na lang email at password ko. Pagka launch ng wall ko. Napaisip ako kung paano ko uumpisahan ang Operation: Wanted: Fyglia


Wala akong picture ni Ate at wala akong matinong description sa kanya. Paano na ito? Kaya nilog out ko na lang yun fb ko at binalik sa kanya.


"Ang bilis naman." hindi na ako sumagot. Kaya lang naman pala niya hinahanap si Ate eh nasesexyhan siya.  Pagkaubos ko sa cake na libre niya.


"Uwi na ko." 

"Sige, ingat." sagot niya pagkatayo ko bigla kong naalala. Ang layo pala nitong lugar na ito sa amin! Wala akong pera! Lakad lang ako kanina! Kaya bumalik ako sa kanya na tulala sa cake niya.


"Kuya Miguel, pahinging pamasahe." inabutan niya agad  ako ng 500 pesos! 

"Ang laki naman nito, 50 okay na."

"Keep the change." 

"Ano—-"

"Umalis ka na. Sapakin mo na lang ang kuya mo para sa 450 pesos na sukli ko. Matutuwa pa ako." 

"Sige, salamat."


Ang yayaman talaga ng tropa ni kuya! Kami lang ang pulubi! 


Caloy's Standpoint


Nag LoL na lang ako magdamag. Walang gig ngayon eh sa isang araw pa. Tapos yung dati kong kaklase nung elementary chinat ako sa FB. Aba buhay pa pala ito. Nacurious naman ako sa chat niya, link lang eh.


Pag click ko aba! Hard core! 

Sige nga mapanuod. Ilang linggo na ba akong di nakakanood? HAHA. Mabuti ako lang tao dito. Nilakasan ko yung volume para feel ko. 


Nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin at bigla kong sinara ang laptop ko. 

"Eww. Porn. Eww" tapos sinarado niya ulit ang pinto. Nakakapota, kapatid ko pang babae ang nakahuli sa akin. 


Nagpalipas ako ng 30 minutes bago ako lumabas, wala lang back to normal again. Nakita ko siyang nanunuod ng tv at tumabi ako sa kanya.


"Anong nangyari sa lakad mo?" tapos tinignan niya ako ng nandidiri. Napairap ako. Akala ko nakalimutan na. Anong bang problema nito? Tapos dumistansya siya sa akin na kinainis ko.


"Lyn, I'm 22 years old. That's part of my needs and it is normal." 

"He! Leche!" tapos tinakpan niya ang tenga niya. Pambihira. Why I am explaining anyway? Pati sa kapatid ko pang babae na 6 na taon ang agwat sa akin. Nakakainis kung lalaki ito baka maintindihan pa ako. 


"Hahaha forget it. Ano nakita mo ba siya?"

"Hindi! Kasalanan mo ito eh! Baka isa rin sa reason kung bakit di na siya bumalik eh nasusungitan na sa'yo yung tao."


"Diwata siya." I corrected.

"Diwata pala." 

Nang biglang nag brown out tapos bumuhos ang malakas na ulan! Pota! Akala ko yung puno na naman ng mangga hihigitin ulit ako eh. Pero naiisip ko din iyon na baka gawin ulit sa akin iyon nung puno. Wala siya dito eh. 

Wag naman sana.


"Kuya, nagbayad ka ba ng kuryente?"


Nagbayad nga ba ako? 



Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...